You are on page 1of 9

Masusing Banghay Aralin Sa Pagtuturo sa Filipino VI

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag aaral ay inaasahan na:

a) nagagamit nang wasto ang kayarian at kailanan ng pang-uri sa


paglalarawan sa iba’t ibang sitwasyon.
b) Napapahanga sa paglalarawan ng iba’t ibang sitwasyon gamit
ang kayarian at kailanan ng pang- uri.
c) nakagagawa ng halimbawa gamit ang iba’t ibang kayarian at
kailanan ng pang- uri.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Kayarian at kailanan ng pang-uri sa paglalarawan sa iba’t ibang


sitwasyon

Sanggunian: MELC pahina 167, CODE: F6RC-IIa-4

Kagamitan: Mga Larawan, Cartolina, Gunting, Pentel Pen, at iba pa.

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng mga mag- aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Magsitayo ang lahat at tayo ay manalangin,


inaanyayahan ko si Aubrie para pangunahan Panginoon po naming Diyos….
ang ating panalangin.

2. Pagbati

Magandang umaga mga bata!


Magandang umaga naman po,
Titser Danivie!
Magsiupo ang lahat.

3. Pagtala ng mga dumalo/lumiban


sa klase

Sino ang lumiban sa ating klase ngayon.

Wala pong lumiban sa klase Titser!


B. Balik- Aral

Sa ating nagdaang aralin ay tinalakay natin


ang tungkol sa Pagbibigay sa maaring
mangyari sa teksto gamit ang dating Opo, Titser
karanasan/kaalaman.

Halimbawa: Ang bata ay nadapa.

Ang bata ay umiiyak.


Sino ang makapagbibigay ng maaaring
mangyari?

Ang bata ay nasugatan.


Magaling!

C. Pagganyak

Ngayon mga bata mayroon akong ipapakitang


larawan sa inyo ang gagawin niyo ay ilarawan
ang inyong nakikita.
Ang buhok ng bata kulay dilaw.

Ang bata ay masayahin.

Ang bata maganda.

Magaling!

C. Paglinang na Gawain

1. Paglalahad
Ngayong umaga ay tatalakayin nating ang
tungkol sa kayarian at kailanan ng pang-uri
sa paglalarawan sa iba’t ibang
Sitwasyon.

2. Pamantayan
Pero bago tayo magsimula, ano ang inyong
dapat gawin kapag ang guro ay nagtuturo sa
inyong harapan?

 Tumahimik
 Umupo ng maayos
 Makinig ng Mabuti
 Wag makipag- usap sa katabi
Maaasahan ko ba yan sa inyo mga  Itaas lamang ang kamay pag
bata? gustong sumgaot

Opo, Titser
Magaling!

3. Patatalakay

Ano ang Pang- uri?

Ang pang uri ay bahagi ng pananalita na


nagbibigay turing sa ngalan ng tao, bagay,
hayop, pangyayari, lugar, kilos, oras at iba
pa. Ito ay ginagamit upang mabigyang linaw
ang isang pangngalan.

Halimbawa:

maganda malakas
mahaba masarap
malaki matamis
mahalaga mataas

KAYARIAN NG PANG- URI

1. Payak
2. Maylapi
3. Inuulit
4. Tambalan
1. Payak – Binubuo ng salitang- ugat
lamang.

Halimbawa: bango, bago, buo, kapal,


asim, kalbo, bilog

“Bago ang damit na binigay sa akin.”

2. Maylapi – binubuo ng salitang- ugat


at panlapi.

Halimbawa: makapal, mabango,


matamis, maganda, matulis

“Maganda ang damit na binigay sa


akin.”

3. Inuulit – binubuo ng pag- uulit sa


salitang ugat o pang- uring maylapi.

Halimbawa: malakas na malakas,


matamis na matamis, mahabang-
mahaba

“Malakaas na malakas ang hangin


kaninang umaga bago umulan. “

4. Tambalan – binubuo ng dalawang


magkaibang salita na pinagsama para
makabuo ng panibagong salita.

Halimbawa: bukas palad, taos- puso,


kumain- dili
“Taos- puso ang pasasalamat ni maria
sa tumulong sa kaniya.”

KAILANAN NG PANG- URI

1. Isahan
2. Dalawahan
3. Maramihan

Isahan – ito ay naglalarawan ng isang


pangngalan. Gumagamit ng panlaping pang-
isa: gaya ng ma-, ka-, pang-, at walang pag-
uulit sa pantig ng salitang- ugat, walang
panandang mga o iba pang nagsasaad ng
bilang na higit sa isa.

Halimbawa:
1. Masayahing bata si Elly.
2. Pangkulay ko yan sa aking libro.

Dalawahan – ito ay ginagamitan ng panlaping


magka-, maging, magkasing-, o ginagamitan
ng pamilang na dalawa o ng salitang kapuwa.

Halimbawa:
1. Magkamukha ang magpinsang Elley at
Tessa.
2. Magkasing- edad lamang sila.

Maramihan – ito ay may pantukoy na mga, o


may pag- uulit ng unang pantig ng salitang-
ugat o may panlaping magka-, at magkasing-,
o ginagamitan ng salita na nagsasaad ng
bilang na higit sa dalawa.

Halimbawa:
1. Mabilis magpatakbo ang mga bus sa EDSA.
2. Maraming turista kapag tag- init.

4. Paglalapat

Ngayon mga bata ay ipapangkat ko kayo sa


tatlong grupo, magbibigay ako sa inyo ng mga
salita at gawan ninyo ng sarili ninyong
pangungusap.

Unang Pangkat
1. taas
2. mataba
3. kaakit- akit

Ikalawang Pangkat
1. mahinhin
2. magsingputi
3. daming- dami

Pangatlong Pangkat
1. magsingtaas
2. kapwa matalaino
3. malakas

5. Paglalahat

Ano ang ibig sabihin ng pang- uri?

Ano ang Apat na kayarian ng pang- uri?


Ano naman ang tatlong kailanan ng pang- Ang pang uri ay bahagi ng
uri? pananalita na nagbibigay turing
sa ngalan ng tao, bagay, hayop,
pangyayari, lugar, kilos, oras at
iba pa.

Payak, Maylapi, Inuulit, at


Tambalan po.

Isahan, Dalawahan, at Maramihan


po.

IV. PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Malamig ang simoy ng hangin.


A. PAYAK
B. MAYLAPI
C. INUULIT

2. Magsinglaki ang magkakapatid na sina Jun at Jane.


A. ISAHAN
B. DALAWAHAN
C. MARAMIHAN

3. Mahinang- mahina na ang kaniyang nanay dahil sa sakit.


A. MAYLAPI
B. PAYAK
C. INUULIT

4. Panglima si Alice sa kanilang magkakapatid.


A. MARAMIHAN
B. ISAHAN
C. DALAWAHAN
5. Bilog ang mundo.
A. DALAWAHAN
B. ISAHAN
C. MARAMIHAN

V. TAKDANG ARALIN

Magbigay ng 5 halimbawa ng salitang Payak, Maylapi, Inuulit at Tambalan.


Danivie S. Jaranta

You might also like