You are on page 1of 8

MASUSING BANGHAY ARALIN

MTB 1

I. Layunin

II. Napapahalagahan ang


paggamit ng salitang
naglalarawan sa
III. positibong paraan
a) Napapahalagahan ang wastong paggamit ng mga salitang naglalarawan;
b) Nakasusuri ng mga salitang naglalarawan sa pamamagitan ng kwento; at
c) Nakasusulat ng mga salitang naglalarawan sa pamamagitan ng mga ibinigay na
pangugusap.

II. Paksang-Aralin
Paksa: Mga Salitang Naglalarawan (Pang-uri)
Sanggunian: Filipino I pahina 59-61
Kagamitan: Video Lesson
Pagpapahalaga: Pagiging Matulungin at Pagpapahalaga ng bawat Pamilya sa mga kaloob
ng Diyos.

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin

Bago tayo magsimula ng ating talakayan sa


araw na ito, ating iyuko ang ating mga ulo,
ipikit ang ating mga mata at tayo ay
manalangin sa ating Panginoong Diyos. (Nagsiyuko ang mga bata para sa
panalangin.)

Panginoon, Salamat po sa masayang araw


na ito na ibinigay ninyo sa bawat isa.
Salamat po sa buhay at kalakasan.
Gabayan niyo po kami sa aming pag-aaral
upang matutuhan po ng bawat isa ang
aralin. At higit sa lahat ay maisabuhay po
naming ang gintong aral na dapat
matutuhan sa araw na ito.
Sa inyo po ang lahat ng papuri at
pasasalamat. Amen. (Amen)

2. Pagbati
Magandang araw sa ating lahat mga bata!

3. Pagsusuri ng mga lumiban

Sa araw ba na ito ay may lumiban sa ating


klase?
Boys
Girls
Magaling mga bata! Bigyan niyo ng limang
palakpak ang inyong mga sarili!

4. Balik-Aral

Kahapon, tinalakay natin ang tungkol sa


Pangngalan.

Natatandaan niyo ba kung ano ang


pangngalan? (Sumagot ang mag-aaral)

Tama. Ang pangngalan ay mga salitang


tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop
at lugar.

Magbigay naman ng halimbawa ng


pangngalan. (Sumagot ang mag-aaral)

Tama, ang paaralan, nanay, aso at lapis ay


mga halimbawa ng pangngalan.

Mahusay mga bata! Mukhang talagang


handa kayo para sa bagong aralin. Handa na
ba ang lahat. (Opo)
Ngayon, dumako na tayo sa ating bagong
aralin para sa araw na ito.

B. Paglinang ng Gawain

1. Pagganyak

Ngayong araw mga bata, sa ating


pagsisimula, nais kong pakinggan niyo ang
makiling kwento tungkol sa Matulunging
Pamilya.

Ang Matulunging Pamilya


Isinulat ni : Gideon V. Roberts

Sa isang maliit na Barangay, may isang


pamilyang hinahangaan ng lahat. Sila sina
Aling Rosa, Mang Tony, at ang kanilang mga
anak na sina Ara, Ben at Ana. Pagtatanim sa
bukid ang kanilang pangunahing
ikinabubuhay. Masipag at matitiyaga ang
buong mag-anak. Dagdag mo pa ang
kanilang malusog at matulunging kalabaw
na kasama nila sa bukid. Linggo-linggo ay
umaani sila ng mga gulay at prutas na
inilalagay nila sa malalaking kaing. Isang
araw, habang nanonood sila ng balita sa
kanilang luma at maliit na telebisyon,
nakita nila ang mahabang pila ng mga tao
na kumukuha ng tulong at donasyon.
Nakaramdam sila ng awa sa mga taong
nakararanas ng gutom dahil sa epekto ng
pandemya. Dahil dito, nagpasya ang mag-
anak na magpunta sa tanggapan ng
kanilang Barangay upang magbigay ng
tulong. Bilang pagiingat, nagsuot sila ng
facemask at faceshield. Inihatid nila ang
kaing-kaing na gulay at prutas na kanilang
inani mula sa kanilang bukid. Masayang-
masaya ang kanilang punong barangay sa
kabutihang kanilang ginawa. Simula noon,
naging ugali na ng pamilyang ito na
magbahagi ng kanilang ani linggo-linggo
upang makatulong sa kapwa.

Ngayon mga bata, sagutin natin ang mga


tanong mula sa kwentong ating binasa.
 Sino-sino ang mga pangunahing
tauhan sa kwento? (Sumagot ang mag-aaral)

Tama, ang mga pangunahing tauhan sa


kwento ay sina Mang Tony, Aling Rosa, Ara,
Ben at Ana.
 Ano ang pangunahing ikinabubuhay
ng mag-anak? (Sumagot ang mag-aaral)

Mahusay! Ang pagtatanim ng gulay at


prutas ang pangunahing ikinabubuhay ng
mag-anak.

 Anong hayop ang kanilang


nakakatulong sa pagtatrabaho sa
bukid?

Tama mga bata! Ang kanilang alagang (Sumagot ang mag-aaral)


kalabaw ang nakatutulong nila sa trabahong
bukid.

 Ano ang magandang katangian ang


taglay ng mag-anak?

Magaling! Ang magandang katangiang (Sumagot ang mag-aaral)


taglay ng mag-anak ay pagiging matulungin.

 Anong aral ang iyong natutuhan


mula sa kwento?

Tama mga bata! Ang gintong aral na (Sumagot ang mag-aaral)


natutuhan natin mula sa kwento ay ang
kahalagahan ng pagiging matulungin.

“Sa panahon ng pandemya at mga sakuna,


maaari tayong tumulong sa paraan na kaya
nating gawin.”

2. Pagtalakay sa Aralin

Ngayon mga bata, sabay-sabay nating


basahin ang mga salitang ito na ginamit
mula sa maikling kwento na inyong
napakinggan.

1. Maliit
2. masipag
3. matiyaga
4. malusog
5. matulungin
6. malaki
7. luma
8. mahaba

Alam niyo ba mga bata, na ang mga salitang


ito ay mga salitang naglalarawan.

Pakiulit nga natin mga bata,


“Naglalarawan”. (Inulit ng mga bata)

Magaling! Ngayon naman, ako ay


magpapakita ng mga larawan at ilarawan
ninyo ang mga ito batay sa inyong nakita.

Ano ang masasabi niyo sa hugis ng bola?

Mag-aaral 1: Sir, bilog po.

Tama! Ano naman ang masasabi niyo sa


takbo ng kabayo?

Mag-aaral 2: Ang kabayo po ay mabilis


tumakbo.

Tama nak! Mabilis. Ano ang masasabi niyo


sa guro na nasa larawan?

Mag-aaral 3: Ang guro po ay masipag


magturo.
Tama ulit! Huling larawan na. Paano niyo
naman mailalarawan ang barangay na nasa
larawan mga bata?

Mag-aaral 4: Ang barangay po ay malinis.

Mahusay! Lahat kayo ay magagaling. Bigyan


niyo ng 5 palakpak ang inyong mga sarili!
Ang mga salitang inilarawan ay tinatawag
nating Pangngalan na nauna na nating
tinalakay. Ito ay tumutukoy sa ngalan ng
tao, bagay, hayop, pook at pangyayari.

Ano naman kaya mga bata ang tawag natin


sa mga salitang naglalarawan? Mayroon
bang nakakaalam sa inyo mga bata? Kung
wala mga bata, ang tawag sa mga salitang
naglalarawan ay Pang-uri.

Sabay-sabay nga nating basahin mga bata,


“Pang-uri”. (Sumabay ang mga bata)

Ang mga salitang naglalarawan sa tao,


bagay, hayop, pook at pangyayari ay
tinatawag nating Pang-uri.
Ang Pang-uring Panlarawan ay
naglalarawan ng hugis, kulay, laki, lasa,
amoy at iba pang katangian ng larawan.

Ang mga pangngalan ay maaari ilarawan


batay sa kanilang katangian na ating
nakikita, naririnig, naaamoy, nadarama at
nalalasahan.

Ngayon mga bata, atin pang basahin ang


ilan pa sa mga halimbawa ng mga salita na
maaari pa nating gamitin sa paglalarawan.

1. berde
2. masarap
3. maingay
4. mabango
5. mataas
Mahusay mga bata! Ang mga salitang ito ay
halimbawa rin ng pang-uri o mga salitang
naglalarawan.

Naunawaan niyo ba ang ating aralin?


Mayroon ba kayong tanong mga bata?

3. Paglalahat

Ano nga ulit ang pamagat ng kwentong


ating binasa kanina? (Sumagot ang mag-aaral)

Tama! Ang pamagat ng kwentong ating


binasa ay Ang Matulunging Pamilya.

Ano ang ating tinalakay ngayong araw? (Sumagot ang mag-aaral)

Tama mga bata! Ngayong araw, tinalakay


natin ang mga salitang naglalarawan sa tao,
bagay, hayop, lugar at pangyayari na
tinatawag nating Pang-uri.

4. Pagpapahalaga

Mahalaga na matutuhan natin ang wastong


gamit ng mga salitang naglalarawan. Maaari
natin itong gamitin lalo na sa pagpapakita
natin ng pagpapahalaga sa mga bagay at
biyayang ibinibigay ng Diyos sa atin sa
bawat araw. Na kahit dumadanas tayo ng
pagsubok dulot ng mga sakuna at nagdaang
pandemya, patuloy nating tingnan ang
kagandahan ng mundo na nilikha ng Diyos.
Isang masaya at makulay na mundo na
punong-puno ng biyaya at pagpapala na
tayong lahat ay nanatiling malakas, malusog
at masigla.

Kung wala ng tanong mga bata, dadako na


tayo sa ating mga pagsasanay upang sukatin
o subukin kung naunawaan ba ninyo ang
ating aralin.
IV. Pagtataya

Sa isang buong papel, isulat ninyo ang mga


salitang makikita niyo sa bawat
pangungusap na naglalarawan.

1. Masipag ang batang si Nena.


2. Masarap na ulam na niluto ni Nanay.
3. Malawak ang lupain ni Mang Tony.
4. Maamo ang kanyang aso.
5. Mataas ang punong niyog sa aming
bakuran.

Tapos na ba mga bata? Kung tapos na ay


lahat kayo ay magagaling. Bigyan niyo ng
limang palakpak ang inyong mga sarili.

V. Takdang- Aralin

Para sa ating takdang-aralin, sa isang bond


paper, gumuhit ng isang malinis, maganda,
at makulay na kapaligiran.

You might also like