You are on page 1of 12

School: Grade Level:

Teacher: Learning Area: EPP

Teaching Dates and Quarter:


Time:

DETAILED LESSON PLAN

I. Layunin

A. Pamantayang Natutukoy ang pang – uri ayon sa kategorya nito.


Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Pagganap Nakakagawa ng simpleng pangungusap gamit ang mga salitang naglalarawan.

C. Mga Kasanayan sa Natutukoy ang mga salitang naglalarawan na tumutukoy sa kulay, sukat, hugis,
tekstura, temperature at damdamin sa mga pangungusap.
Pagkatuto

II. Content Paglalarawan ng mga tao, bagay, hayop, pangyayari, at lugar – PANG-URI

III. KAGAMITANG
PANTURO

A. References

1. Mga pahina sa Gabay MELC MTB (week 1-2 ) MT1 GA IVA-d-.4,- PIVOT BOW, DLL/DLP
ng Guro

2. Mga pahina sa Gabay


ng Pang-mag-aaral

3. . Mga pahina Teksbuk DepEd (2016) K to 12 Gabay Pangkurikulum. Araling Panlipunan 1

4. Mga Karagdagang DepEd (2020) K to 12 MELC. Araling Panlipunan 1.


Kagamitan mula sa
Learning Resources

5. Iba pang Kagamitang Powerpoint Presentation, learning materials, google search, printed activities
pangturo

IV. Pamamaraan

Teacher’s Activity Students’s Activity

A. Balik –Aral sa nakaraang aralin at/o


pagsisimula ng bagong aralin

Pagdarasal
Pagbati

Pagtala ng Lumiban

Pagwawasto ng Takdang-Aralin

Balik-Aral

“Para sa ating pagbabalik aral, may inihanda akong gawain.”

Tukuyin ang salitang kilos sa bawat pangungusap.

1. Si Lito ay naligo sa ilog kanina.


2. Ang mga bata ay naglalaro sa parke.
3. Lumiliad ang mga ibon.
4. Pinitas ni Aya ang mga bulaklak sa hardin.
5. Bumili ng tinapay si Ben sa tindahan ni Aling Mona.

Ano ulit ang tawag sa mga salitang kilos o galaw?

Mahusay mga bata!

Nagagalak ako at lubusan ninyong nauunawan ang aralin natin


kahapon.

Bigyan ninyo ng Very Good Ako Clap ang inyong sarili.

B. Paghahabi ng layunin ng aralin

Motivation

“Mayroon akong ipakikita sa inyo na isang larawan” “Mga pamilya po at mga taong nasunugan.”

“Ano ang nakikita nio sa larawan?” “ Isang pamilya po sila na tumutulong sa mga
nasunugan.”

“Tama! Ano ang ipinapakita sa larawan?”

“Mahusay! Isang pamilya na nagbibigay tulong sa “ Sila po ay pamilyang matulungin”.


mga nasunugan.”

“Ano ang masasabi nio pamilyang ito?”

“ Magaling! Kayo rin ba ay katulad nila?Tumutulong


rin ba kayo sa mga nangangailanga?”
“Natutuwa ako at katulad nio rin sila,marapat lamang “Opo Ma’am!”
na tulungan nating ang mga taong dumaranas nang
sakuna tulad ng mga taong nasunugan, binaha at mga
nanakawan.”

“Gusto nio bang makapakinig ang kwento ngayong araw na ito?

“Sige, ako ay may inihandang kwento para sa inyo. Ngunit bago


ako magsimulang magkwento, ano-ano ang mga pamantayan
sa pakikinig ng kwento?”

“Ikaw nga _____.”

“Tama! Ano pa?’’

“Sige nga _______.”

“Magaling! Mayroon pa ba? Ikaw nga _______.”

“Mahusay!

“Ngayon mga bata, sa ating pagsisimula. Nais kong pakinggan


ninyo ang maikling kwento tungkol sa ANG MATULUNGING
PAMILYA. “

Ang Matulunging Pamilya

Isinulat ni: Gideon V. Roberts

Sa isang maliit na Barangay, may isang pamilyang hinahangaan


ng lahat. Sila sina Aling Rosa, Mang Tony at ang kanilang mga
anak na sina Ara, Ben, at Ana. Pagtatanim sa bukid ang
kanilang pangunahing ikinabubuhay. Masipag at matitiyaga ang
buong mag-anak. Dagdag mo pa ang kanilang malusog at
matulunging kalaabaw na kasama nila sa bukid. Linggo-linggo
ay umaani sila ng mga gulay at prutas na inilalagay nila sa
malalaking kaing. Isang araw, habang nanonood sila ng balita
sa kanilang luma at maliit na telebisyon,nakita nila ang
mahabang pila ng mga tao na kumukuha ng tulong at donasyon.
Nakaramdam sila ng awa sa mga taong nakararanas ng gutom
dahil sa epekto ng pandemya. Dahil dito, nagpasya ang mag-
anak na magpunta sa tanggapan ng kanilang Barangay upang
magbigay ng tulong. Bilang pag-iingat, nagsuot sila ng
facemask at faceshield. Inihatid nila ang kaing-kaing na gulay at
prutas na kanilang inani mula sa kanilang bukid. Masayang-
masaya ang kanilang punong barangay sa kabutihang kanilang
ginawa. Simula noon, naging ugali na ng pamilyang ito na
magbahagi ng kanilang ani lingo-linggo upang makatulong sa
kapwa.

Itanong:

1. Sinu-sino ang mga pangunahing tauhan sa kwento?

(Tama mga bata, sina Aling Rosa, Mang Tony, Ara, Ben at Ana
ang mga pangunahing tauhan mula sa kwento.)

2. Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mag-anak?

(Mahusay! Ang pagtatanim ng gulay at prutas ang pangunahing


ikinabubuhay ng pamilya mula sa kwento.)

3. Anong hayop ang kanilang nakakatulong sa

pagtatrabaho sa bukid?

(Tama mga bata. Ang kanilang alagang kalabaw ay


nakakatulong rin nila sa gawaing bukid.)

4. Anong magandang katangian ang taglay ng mag-

anak?

(Magaling! Ang magandang katangian na ipinakita ng mag-anak


ay ang pagiging matulungin.)

5. Anong aral ang iyong natutuhan mula sa kwento?

(Tama mga bata. Ang gintong aral na makukuha natin mula sa


aralin ay ang kahalagahan ng pagiging matulungin. Ngayong
panahon ng pandemya mga bata ay maaari tayong tumulong sa
ating kapwa sa paraang kaya nating gawin.)

Ngayon mga bata, ay sabay-sabay nating basahin ang mga


salitang ito na ginamit sa maikling kwento na inyong
napakinggan.

1. maliit

2. masipag

3. matiyaga
4. malusog

5. matulungin

6. malaki

7. luma

8. mahaba

Alam nyo ba mga bata na ang mga salitang ito ay mga salitang
naglalarawan? Pakiulit nga natin mga bata, NAGLALARAWAN.
Magaling. Ngayon naman ay tingnan natin kung ano ba ang
inilrawan ng mga salitang ito mula sa kwento.

Basahin natin ang mga sumusunod na parirala.

1. maliit na barangay

(inilarawan ng salitang maliit ang barangay)

2. masipag at matiyagang pamilya

(inilarawan ng salitang masipag at matiyaga ang pamilya)

3. malusog at matulunging kalabaw

(inilarawan ng salitang malusog at matulungin ang kalabaw)

4. malaking kaing

(inilarawan ng salitang Malaki ang kaing)

5. lumang telebisyon

(inilarawan ng salitang luma ang telebisyon)

6. mahabang pila ng mga tao

(inilarawan ng salitang mahaba ang pila ng mga tao)


Ang mga salitang inilarawan mga bata ay tinatawag nating
PANGNGALAN na nauna na nating tinalakay. Ito ay tumutukoy
sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, at pangyayari.

Ano naman kaya mga bata ang tawag natin sa mga salitang
naglalarawan? Mayroon ba sa inyo ang nakakaalam?

Kung wala mga bata, tingnan natin ang laman ng mahiwagang


kahon. Ang tawag natin sa mga salitang naglalarawan
ay……………charaaannnn. PANG-URI.

Pakiulit n’yo nga mga bata! Tama, PANG-URI.

Ang mga salitang naglalarawan sa tao, bagay, hayop,


pangyayari at lugar ay tinatawag nating Panguri.

Ang PANG-URING PANLARAWAN ay naglalarawan ng hugis,


kulay, laki, lasa, amoy, at iba pang katangian ng larawan.

Ang mga pangngalan ay maaari nating ilarawan batay sa


kanilang katangian na ating nakikita, naririnig, naaamoy,
nadarama, o nalalasahan.

Narito ang mga halimbawa ng pang-uri ayon sa kategorya nito.

Hitsura – maganda, matangos

Kulay – pula , dilaw . asul

Hugis – tatsulok , bilog,parisukat

Bilang – isa, marami, kaunti

Tekstura – magaspang, makinis

Temperature – mainit , malamig

Lasa – matamism, ,maasim

Amoy – mabaho, mabango

Damdamin – masaya, malungkot


E. Pagtalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan # 2

Ang mga pangngalan ay maaari nating ilarawan batay sa


kanilang katangian na ating nakikita, naririnig, naaamoy,
nadarama, o nalalasahan.

Ngayon mga bata isa-isahin nating ilarawan ang mga larawan


sa loob ng kahon. Gagamit tayo ng mga salitang naglalarawan o
tinatawag nating pang – uri.

1. (matabang bata)

2.(pulang laso)

3. (masasayang bata)

4. (bilog na orasan)

5.(tatlong bola)

Mahusay mga bata. Ang mga salitang ito ay mga halimbawa rin
ng Pang-uri, o mga salitang naglalarawan.

F. Paglinang sa kabihasnan (Tungo sa


Formative Assessment)

Panuto: Kukuha ang bata ng isang bagay sa loob ng kahon at


ilalarawan ito gamit ang mga salitang panlarawan.

Unang kahon

( maruming basahan )

Ikalawang kahon

( matamis na kendi)
Ikatlong kahon

( matulis na lapis)

F. Paglinang sa kabihasnan (Tungo sa


Formative Assessment)

Ngayon naman magkakaroon tayo ng pangkatang gawain.


Hahatiin ko kayo sa tatlong grupo. Ang row 1 at 2 ang
magsisilbing group 1, ang row 3 at 4 ay magiging group
2 ,samantalang ang row 5 naman ay magiging group 3.

Maliwanag ba mga bata?

Bawat grupo ay bibigyan ko ng Gawain at ito ay inyong


pagtutulung-tulungan. Basahin at intindihing mabuti ang panuto.

Group 1

Panuto: Bilugan ang wastong salita na maglalarawan sa


larawan.

1. paru-paro (makulay, mataas, malinamnam)

2. Puno (mataas, maamo, mailap)

3. kape (mainit, malawak, maasim)

4. mansanas (mapula, mapakla, malapad)

5. tigre (mabangis, maamo, mabait)

Group 2

Basahing mabuti ang mga sumusunod na salita. Lagyan ng tsek


kung ang salita ay pang-uri at ekis naman kung hindi.

______1. Malaki

______2. Kabayo
______3. Magalang

______4.matamis

______5.malambot

Group 3

Piliin ang mga salitang naglalarawan o pang-uri sa mga salitang


nasa loob ng kahon.

Isulat ito sa ibaba.

1. ________________
2. ________________
3. ________________
4. ________________
5. ________________

H. Paglalahat ng aralin

Naunawaan ba ninyo ang ating aralin? Mayroon ba kayong


tanong mga bata?

Kung wala ng tanong mga bata. Ano nga ulit ang ating tinalakay
ngayong araw?

(Tama tinalakay natin ngayong araw ang mga salitang


naglararawan sa tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari na
tinatawag nating PANG-URI)

At bilang aplikasyon mga bata, mahalaga na matutuhan natin


ang wastong gamit ng mga salitang naglalarawan. Maaari natin
itong gamitin lalo na sa pagpapakita natin ng pagpapahalaga sa
mga bagay at biyayang ibinibigay ng Diyos sa atin sa bawat
araw. Na kahit na dumadanas tayo ng pagsubok dulot ng
pandemya, patuloy nating tingnan ang kagandahan ng mundo
na nilikha ng Diyos. Isang masaya at makulay na mundo nap
uno ng biyaya at pagpapala na tayong lahat ay nananatiling
malakas, malusog, at masigla.

Ngayon mga bata, kung wala ng tanong ay dadako na tayo sa


ating mga pagsasanay upang sukatin kung naunawaan ninyong
Mabuti ang aralin.

I. Pagtataya ng aralin

Sumulat ng pang – uri upang ilarawan ang nasa


larawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Kulay 1. ______ na ubas.

Hugis 2. _______ na bintana.

Sukat 3. ________ na elepante.

Lasa 4. _______ na ampalaya.

Hitsura 5. _______ na babae.


J. Karagdagan Gawain para sa takdang aralin
at remediation

V. Mga Tala

VI. Pagninilay

a. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa


pagtataya.

b. Bilang ng mga-aaral na nangangailangan ng


iba pang gawain para sa remediation

c. Nakatulong ba ang remediation? Bilang ng


mag-aaral na nakaunawa sa aralin.

d. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa


remediation

e. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang


nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?

f. Anong suliranin ang aking naranasan na


nasolusyunan sa tulong ng aking punungguro
at superbisor?
g. Anong kagamitan ang aking nadibuho na
nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Prepared
and
Submitted
by:

You might also like