You are on page 1of 32

K

Kindergarten
Unang Markahan
Modyul 3: Ako ay Natututo sa Iba
Kindergarten
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Ako ay Natututo sa Iba
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Tiffany R. Cortas at Cardlyn C. Sanidad.
Editor: Marimel Jane P. Andes, Rodolfo de Jesus, Cecilia C. Alba, at Cesar B. Retes
Tagasuri: Shiarell Loida M. Cruz
Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang
Tagaguhit: Sherwin Alixes B. Barba, Maria Gracia L. Diaros, Shiela Rose A. Macasaya at Panglungsod, Lunsod Quezon
Leilani S. Yutiampo
Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong
Tagalapat: Brian Spencer B. Reyes Rehiyon
Tagapamahala: Dr. Jenilyn Rose B. Corpuz, Tagapamanihala
Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Mr. Fredie V. Avendaño, Pangalawang Tagapamanihala
Telepono: 3456-0343
Mr. Juan C. Obierna, Puno, CID
Dr. Heidee F. Ferrer, Tagamasid Pansangay-LRMS sdoqcactioncenter@gmail.com
Mrs. Marimel Jane P. Andes, Tagamasid Pampurok
K
Kindergarten
Modyul 3: Ako ay Natututo sa Iba
PAUNANG SALITA

Para sa Tagapagpadaloy: (Magulang/Guardian)


Ang araling ito ay naglalayong ituro at malaman ng bata ang iba’t ibang bagay tungkol sa sarili. Inaasahan ang inyong paggabay sa
pagkatuto sa aralin sa pamamagitan ng pag-aalalay sa inyong anak sa paggawa ng iba’t ibang gawaing nakapaloob sa modyul na ito.
Bago magsimula ng pag-aaral, siguraduhing naihanda ang mga kakailanganing kagamitan para sa iba’t ibang gawaing nakapaloob dito.
Mayroon ding mga katanungang kailangang sagutin, hayaan natin sumagot ang bata mula sa kanilang pagkakaintindi at nalalaman.
Upang makasigurado sa pagkatuto ang inyong anak, gabayan siya mula sa simula hanggang sa matapos ang modyul at siguraduhing
nagawa ng bata ang bawat gawaing nakapaloob dito.
Ang modyul na ito ay binubuo ng mga iba’t ibang gawain sa bawat aralin. Basahin ng mabuti ang panuto sa paraan na mauunawaan ng
bata at sundin ang mga pamamaraan na nakapaloob dito. Bigyan ng oras ang bata para tapusin ang mga gawain.
May mga sagutang papel na nakapaloob sa modyul na ito, doon magsusulat at sasagot ang mga bata. Gabayan ang bata sa pagsagot
dito.

Para sa Bata:

Siguraduhing nakikinig ng husto ang bata sa mga panuto na babasahin sa kanila Hayaan ang bata na tapusin ang mga gawain sa
modyul na ito sa abot ng kanyang makakaya.
Alamin

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda para sa mga bata na nasa baitang ng kindergarten upang matulungan siya sa
mabisang pagkatuto. Sa pamamagitan nito, maaaring malinang ng modyul na ito ang kahusayan sa pang-unawa at pagsagot ng
iyong anak sa mga pagsasanay nang buong husay.

Ang mga pagsasanay ay kinakailangan niyang gawin sa loob ng limang araw. Pagkatapos niyang gawin ang lahat ng mga
gawaing ito, inaasahang maisasagawa niya ang mga sumusunod na kasanayan:
 naiaayos at nabubukod-bukod ang mga bagay ayon sa katangian tulad ng hugis, kulay, laki at gamit.
 nababalangkas, nakokopya at nasusulat ang iba’t ibang linyang tuwid, pahilis, pakurba at pazigzag

Subukin

Mga Pamamaraan:

1. Ipabalangkas ang salita sa bawat bilang.


2. Basahin ang nabalangkas na salita.
3. Bigyan ng pagkakataon ang bata na tukuyin
at banggitin kung ano ang nasa mga larawan sa bawat hanay.

Unang hanay: ruler, tsokolate, bintana, sobre at pisara


Ikalawang hanay: T-shirt, tsinelas, sapatos, jacket at sando
Ikatlong hanay: tasa, garapon, mangkok, baso at mug
Ikaapat na hanay: bag, lapis, pambura, pantasa at mga krayola

4. Basahin ang panuto.


5. Gabayan ang bata sa pagsagot at sabihin:
Nakaayos o nakabukod-bukod ba ang mga gamit sa unang hanay ayon sa hugis?
Nakaayos o nakabukod-bukod ba ang mga gamit sa ikalawang hanay ayon sa kulay?
Nakaayos o nakabukod-bukod ba ang mga gamit sa ikatlong hanay ayon sa laki?
Nakaayos o nakabukod-bukod ba ang mga gamit sa ikaapat na hanay ayon sa gamit?

Aralin
Kaya Kong Maiayos at Maibukod Ang Mga Bagay Ayon sa Katangian
1

Tuklasin
Mga Pamamaraan:
1. Basahin ang maikling kuwento sa bata na pinamagatang “Pamilyang Sama-Sama” ni Tiffany R. Cortas.
2. Bago basahin ang kuwento itanong ang mga sumusunod:

Ano-ano ang mga inaayos mo na mga bagay sa iyong tahanan?


Paano mo inaayos ang mga gamit sa iyong tahanan?
Makinig nang mabuti sa babasahing kong kuwento at tuklasin natin kung papaano ang bata na tulad mo ay
tumutulong sa kanyang pamilya.

Pamilyang Sama-Sama
ni Tiffany R. Cortas

"Toktok!" Dumating na si Tatay galing sa trabaho. Ako, si Ate at si Kuya ay sama-samang sumalubong at
nagmano kay Tatay sa may pintuan. Pagkabihis niya ay inilagay ko ang kanyang puting sando, panyo at uniporme
sa mga puting damit na lalabhan ayon sa itinuro ni nanay. Si Kuya naman ang naglagay ng itim na jacket, medyas
at pantalon sa mga labadang kulay itim.

6
Pagkatapos, tinulungan ko si Ate sa pag-aayos ng hapag-kainan at si Nanay naman ang nagsandok ng
kanin at ulam na kanyang iniluto. Sama-sama kaming nagpapasalamat sa Diyos bago kumain.

Pagkakain ay nagligpit na kaming magkakapatid. Pinagbukud-bukod namin ang mga bilog na pinggan at
mga parihabang lalagyan ng kanin at ulam. Natuwa si Nanay dahil mabilis naming natapos ang gawain.

Nang matapos ang hapunan, nakita ni Tatay na magulo ang mga gamit kong pampaaralan. Tinuruan niya
akong iayos ang mga lapis sa pencil case. Pinagtabi ko ang mga maliliit at katamtaman na laki ng lapis. Ibinukod
naman ang mga malalaking lapis.
Ang mga notebook naman ay sama-samang inilagay sa loob ng bag. Ang mga gamit sa Arts tulad ng
popsicle sticks, gunting at glue ay sama-samang inilagay sa bulsa ng bag. Nagpasalamat ako kay Tatay dahil
naging maayos ang gamit ko at handa na akong mag-aral muli bukas.

Bago matulog, nagpasalamat ako sa Diyos dahil natutunan ko ang pag-aayos ayon sa kulay, hugis, laki at
gamit. Nagpasalamat din ako sa pamilyang nagtuturo sa akin ng tamang pag-aayos ayon sa katangian ng mga
bagay.

Suriin
Mga Pamamaraan:

1. Basahin ang mga tanong at gabayan ang bata sa pagsagot ng mga tanong at maaaring ipatingin ang mga
larawan sa kuwento upang maging gabay niya sa pagsagot.

7
Mga Tanong

1. Tungkol saan ang kuwento? (Sa pamilyang sama-sama sa pag-aayos ng mga gamit o bagay sa kanilang tahanan )

2. Ano-ano ang mga ginawa ng bawat miyembro sa kuwento? (Ang kuya at ang bata na nagsasalita sa kuwento ang
nag-ayos ng gamit ng kanilang tatay; ang ate at ang bata na nagsasalita sa kuwento ang nag-ayos ng hapag-kainan
habang ang nanay naman ang nagsandok ng kanin at ulam. Ang magkakapatid ang nagligpit ng pinagkainan; ang
tatay naman ang nagturo o tumulong sa bata na nagsasalita sa kuwento sa pag-ayos ng kanyang gamit pampaaralan)

3. Ano-ano ang mga bagay ang nabanggit sa kuwento ang iniayos ayon sa kulay?
(puting sando,panyo,uniporme at itim na jacket, medyas at pantalon)

4. Ano-ano ang mga bagay ang nabanggit sa kuwento ang iniayos ayon sa hugis?
(mga bilog na pinggan at mga parihabang lalagyan ng kanin at ulam)

5. Ano-ano ang gamit niya sa pampaaralan ang iniayos niya at ng kaniyang tatay sa pencil case ayon sa laki?
(maliliit, katamtaman na laki at malalaking lapis)
6. Paano inayos ang mga gamit sa loob at bulsa ng kanyang bag? Ano-ano ang mga ito? (ayon sa gamit;
notebook, popsicle sticks, gunting at glue)

7. Sa paanong paraan maaaring iaayos o ibukod-bukod ang mga bagay o mga kagamitan natin? (ayon sa kulay,
hugis, laki o gamit)

8. Bakit kailangan matututo tayong mag-ayos ng mga bagay o kagamitan natin? (para maayos o magandang
tingnan at para mas madaling hanapin ang mga gamit)

8
Pagyamanin
Gawain 1: Ayusin mo ang mga kagrupo ko!

Mga Pamamaraan:
1. Basahin ang panuto sa bata.
2. Ipatukoy sa bata kung ano ang mga nasa larawan
sa bawat hanay.

Unang h U Unang hanay: bintana, pakwan, picture frame at orasan


Ikalawang hanay: sobre, pencil case, payong at sombrero
Ikatlong hanay: lapis, paper clip, krayola at ballpen
Ikaapat na hanay: baso, hanger, kutsara at tinidor at plato

3. Sabihin: “Alin sa mga larawan ang naiiba ang


hugis? kulay? laki? at gamit?”
Ipalagay ang ekis ( ) sa natukoy na larawan sa bawat bilang.

Gawain 2: Isama mo ako sa mga kakulay ko!


Mga Pamamaraan:
1. Buuin ang color board game.
2. Basahin sa bata ang mga kulay na nasa color
board game.
3. Bigyan ng pagkakataon ang bata na tukuyin kung ano
ang nasa mga larawan na nasa kahon ng mga krayola.

Unang hanay: mansanas, damo, lemon at palaka


Ikalawang hanay: saging, kalabasa, strawberry at puso
Ikatlong hanay: bola, traffic cone, pakwan at sisiw

9
4. Bigyan ng mga krayola ang bata at sabihin na kulayan
ang mga larawan ayon sa tama at karaniwang kulay nito.
5. Gabayan ang bata sa paggupit ng mga larawan at pagdikit
ng mga larawan ayon sa kulay na nakalagay sa color board game.

Gawain 3: Ikonek mo ako sa mga gamit ko!


1. Ipatukoy sa bata ang mga larawan/bagay sa bawat pangkat.
2. Itanong sa bata kung ano-ano ang mga bagay
ang maaaring ilagay ng magkakasama sa lalagyan sa bawat
pangkat.
3. Tulungan ang bata sa pagguhit ng linya para ikabit
ang angkop na larawan sa lagayan nito.
4. Gamitin ang gabay sa kaliwang bahagi ng sagutang papel sa
pagsagot.

Isaisip
Mga Pamamaraan:
.
1. Basahin sa bata ang mga panuto ng gawain sa bawat bilang.
2. Gabayan ang bata sa pagpili ng tatlong larawan sa bawat bilang
na magkakatulad ng hugis, kulay, laki o magkakaugnay
ng gamit. Gawin ito mula sa una hanggang ikaapat na bilang.
3. Itanong sa bata ang mga natutunan sa aralin at gawain.
Ipalagay ang tsek ( ) sa mga larawan ng mga natutunan ng
bata sa ikalimang bilang.

10
Isagawa

Mga Kagamitan:
1. 3 paper plates/trays/mga plato
2. 3 bilog na takip ng bote na magkakaiba ang kulay at
laki
3. 3 kahon na magkakaiba ang kulay at laki
4. 3 suklay/sipilyo na magkakaiba ang kulay at laki
Mga Pamamaraan:
1. Gamitin ang paper plates para iayos o ibukod ang mga bagay ayon sa
katangian nito.
2. Gabayan ang bata sa pag-aayos o pagbubukod ng mga bagay ayon sa mga sumusunod:
a. kulay – hal. ibubukod ang puti, dilaw at pulang bagay sa iba't ibang plato
b. laki - ibubukod ang maliit, katamtaman at malaki
c. hugis - ibubukod ang bilog, parihaba at parisukat
d. gamit - ibubukod ang takip ng bote, kahon at suklay/sipilyo
3. Maaring gumamit ng ibang mga bagay na makikita sa loob ng tahanan at hayaan ang bata na iayos o ibukod-
bukod ang mga ito ayon sa kulay, hugis, laki o gamit.

11
Aralin
Linyang Magkakaiba, Kilala mo ba Sila?
2

Tuklasin

Mga Pamamaraan:
1. Sabihin sa bata:
Sa unang aralin pinag-aralan natin ang pag-aayos at pabubukod-bukod ng mga bagay ayon sa katangian nito tulad ng
hugis. Halimbawa: bilog, tatsulok, at parisukat.

2. Ipakita at ituro ang larawan ng bilog, tatsulok at parisukat

3. Sabihin sa bata:
Ang mga hugis na ito ang binubuo ng iba’t ibang linya.

4. Ipakita ang larawan ng iba’t ibang linya.

5. Ituro at sabihin ang iba’t ibang linya.

6. Sabihin:

Anong hugis sa mga larawan ang may tuwid na linya?


Anong hugis sa mga larawan ang may pakurba na linya?
Anong hugis sa mga larawan ang may pahilis na linya?

12
Suriin

Mga Pamamaraan:
1. Ipatukoy sa bata ang mga linyang hinihiling
sa bawat pangkat sa sagutang papel.
2. Basahin ang panuto
3. Basahin ang mga salita sa sagutang papel.
4. Gabayan ag bata sa pagsasagawa ng gawain

Pagyamanin
Gawain 1: Balangkasin Mo Ako

Mga Pamamaraan:
1. Basahin ang panuto sa bata.
2. Gabayan ang bata na pagdugtong-dugtungin ang
mga linya para mabuo ang mga iba’t ibang
larawan.

Gawain 2: Kopyahin ang mga Linya

Mga Pamamaraan:
1. Ipakopya sa bata ang mga iba’t ibang linya
sa bawat bilang sa sagutang papel.
2. Basahin ang panuto at gabayan ang bata
sa pagsasagawa ng gawain.

13
Gawain 3: Isulat at Iguhit ang mga Nakita

Mga Pamamaraan:
1. Basahin ang panuto sa bata.
2. Gabayan ang bata sa pagsagot sa sagutang papel.
3. Hayaan na ipatukoy sa bata ang mga bagay na kanyang nakita.

Isaisip
Mga Pamamaraan:

1. Basahin ang panuto sa bata.


2. Basahin ang bawat panuto sa loob ng kahon.
3. Gabayan ang bata sa pagsagot.

Isagawa

Arts ad Crafts

Mga Kagamitan:

1. Water color or poster paint


2. Bond paper

14
Mga Pamamaraan:

1. Ihanda ang mga kagamitan


2. Gamit ang water color o poster paint hayaan na gumuhit ang bata ng mga iba’t ibang linya gamit ang kanyang daliri.
3. Gabayan ang bata sa paggawa ng gawaing ito.

Karagdagang Gawain

Mga Pamamaraan

1. Basahin ang panuto sa bata.


2. Basahin ang mga salita sa bawat bilang
3. Hayaan ang bata na tukuyin ang mga larawan.
4. Gabayan ang bata sa pagsagot ng gawain.

15
16
Ang mga larawan ng tamang
sagot sa bawat bilang ay dapat
kumpleto at nakulayan ng
tamang kulay ngunit maaaring
magkaiba-iba ng pagkadikit ng
pagkakasunod-sunod.
Aralin 1
Susi sa Pagwawasto
Aralin 2

Sanggunian
 K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes, pp. 8-9
 DepEd Learning Portal (Illustrations)
 LR Portal.”Accessed June 30, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/45.
 “Fire Truck Secretlondon Iso Fire Engine Clip Art at Clker Vector.” ClipartBarn. Accessed July 7, 2020.
http://clipartbarn.com/engine-clipart_16952/.
17
(Sagutang Papel)

Pangalan

Panuto: Balangkasin mo ang mga salita sa loob ng kahon. Kulayan ang masayang
mukha ( )kung ang mga larawan sa bawat hanay ay nagpapakita ng tamang
pagkakaayos ayon sa binigay na katangian at malungkot na mukha naman( )
kung hindi.

18
Pamilyang Sama-Sama
ni Tiffany R. Cortas
"Toktok!" Dumating na si Tatay galing sa trabaho. Ako, si Ate at si Kuya ay sama-
samang sumalubong at nagmano kay Tatay sa may pintuan. Pagkabihis niya ay inilagay
ko ang kanyang puting sando, panyo at uniporme sa mga puting damit na lalabhan
ayon sa itinuro ni nanay. Si Kuya naman ang naglagay ng itim na jacket, medyas at
pantalon sa mga labadang kulay itim.

Pagkatapos, tinulungan ko si Ate sa pag-aayos ng hapag-kainan at si Nanay naman


ang nagsandok ng kanin at ulam na kanyang iniluto. Sama-sama kaming
nagpapasalamat sa Diyos bago kumain.
Pagkakain ay nagligpit na kaming magkakapatid. Pinagbukud-bukod namin ang
mga bilog na pinggan at mga parihabang lalagyan ng kanin at ulam. Natuwa si Nanay
dahil mabilis naming natapos ang gawain.

19
Nang matapos ang hapunan, nakita ni Tatay na magulo ang mga gamit kong
pampaaralan. Tinuruan niya akong iayos ang mga lapis sa pencil case. Pinagtabi ko ang
mga maliliit at katamtaman na laki ng lapis. Ibinukod naman ang mga malalaking lapis.
Ang mga notebook naman ay sama-samang inilagay sa loob ng bag. Ang mga
gamit sa Arts tulad ng popsicle sticks, gunting at glue ay sama-samang inilagay sa bulsa
ng bag. Nagpasalamat ako kay Tatay dahil naging maayos ang gamit ko at handa na
akong mag-aral muli bukas.

Bago matulog, nagpasalamat ako sa Diyos dahil natutunan ko ang pag-aayos


ayon sa kulay, hugis, laki at gamit. Nagpasalamat din ako sa pamilyang nagtuturo sa akin
ng tamang pag-aayos ayon sa katangian ng mga bagay.

20
(Sagutang Papel)

Pangalan

Panuto: Tukuyin mo kung alin ang naiiba sa mga larawan ayon sa tinutukoy ng salita
sa bawat bilang. Lagyan mo ito ng ekis ( ).

21
(Sagutang Papel)

Pangalan

Panuto: Buuin ang color board game. Kulayan mo ng tamang kulay ang mga larawan sa
kanang bahagi at pagkatapos gupitin at idikit mo ang mga larawan ayon sa kulay na
nakalagay sa color board game.

22
(Sagutang Papel)

Pangalan

Panuto: Gumuhit ka ng linya para ikabit ang angkop na bagay sa lagayan nito.

23
(Sagutang Papel)

Pangalan
Panuto: Sagutan mo ang mga sumusunod na gawain ayon sa natutunan mo sa aralin.
Sundan mo ang sinasabing gagawin sa bawat bilang.
2. Alam ko nang iguhit ang masayang
1. Alam ko nang bilugan ( ) ang mga
mukha ( )sa bilog ng mga
magkakatulad ang hugis.
bagay na magkakatulad ang kulay.

3. Alam ko nang lagyan ng tsek ( ) 4. Alam ko nang lagyan ng kahon ( )


ang mga bagay na magkakatulad ang mga bagay na magkakaugnay
ang laki. ang gamit.

5. Lagyan ng tsek ( ) ang mga bagay na natutunan sa aralin na ito.


Alam ko nang iayos o ibukod ang mga bagay ayon sa kanilang….

24
bilog tatsulok
parisukat

pahilis na pakurba na pasigsag na


tuwid na
linya linya linya
linya
(Sagutang Papel)

25
Pangalan
Panuto: Bilugan mo ( ) ang mga linyang hinihiling sa bawat pangkat.

1. Linyang tuwid

2. Linyang pakurba

3. Linyang pahilis

4. Linyang pazigzag

26
(Sagutang Papel)

Pangalan
Balangkasin Mo Ako
Panuto: Pagdugtong-dugtungin mo ang mga linya para mabuo ang iba’t ibang
larawan.

27
(Sagutang Papel)

Pangalan

Kopyahin ang mga Linya


Panuto: Kopyahin mo ang mga iba’t ibang linya sa bawat bilang.

Pagyamanin
Gawain 3

(Sagutang Papel)

28
(Sagutang Papel)

Isulat at Iguhit Ang mga Nakita


Panuto: Gumuhit ka ng mga bagay na nakikita mo sa loob ng inyong bahay na
may iba’t ibang linya. Kulayan mo ang mga ito.

29
(Sagutang Papel)

Pangalan
Panuto: Gawin mo ang sinasabi sa kahon.

30
(Sagutang Papel)

Pangalan
Panuto: Lagyan mo ng tsek (√ ) ang kahon kung ang mga larawan sa bawat
hanay ay nakaayos ayon sa ibinigay na salita at ekis ( X ) naman kung
hindi.

31
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Schools Division Office- Quezon City
Email Address: sdoactioncenter@gmail.com
Telephone No. : 8352-6806 / 8352 6809
Telefax: 3456-0343

32

You might also like