You are on page 1of 9

1

Republic of the Philippines


Department of Education
Region IV-A (CALABARZON)
City Schools Division of Dasmariñas
Cluster V
DASMARIÑAS II CENTRAL SCHOOL

Lesson 1
KARAPATAN SA
WASTONG
NUTRISYON
Parent’s or Learning Facilitator’s Guide
As a parent or learning facilitator, you are expected to track the learner’s
progress while allowing the learner to manage their own learning on this
learner’s packet. Furthermore, you are expected to encourage and assist your
child as she/he does the tasks included in this packet.
Day 1 Day 2 Day 3 Day 4 Day 5
Introduction Development Engagement Assimilation Reflection
If you have any concerns or questions, kindly contact the adviser of your child
@ ____________________________

Learner’s Guide
Ang modyul na ito ay tumutukoy sa mga Karapatan Sa
Wastong Nutrisyon ng isang bata. ito ay ginawa at isinulat para mapaunlad
ang iyong kakayahan. Ito ay makatutulong sa iyo upang higit na maunawaan
ang pagkakaibao. Ang mga salita na ginamit sa modyul na ito ay nakabatay
sa bawat aralin na matututunan mo.

PANIMULA

Ang araling ito ay nakabatay sa kakayahan ng batang tulad mo.


Ang modyul na ito ay may isang aralin,
 Aralin 1 – Karapatan Sa Wastong Nutrisyon
Inaasahan na ang mga mag-aaral ay …..
1. Naipahahayag na ang mga bata ay may karapatan sa
pagkakaroon ng wastong nutrisyon (Right of the child to
nutrition Article 24 of the UN Rights of the Child)
2. Naibibigay ang mga halimbawa ng mga pagkain nagbibigay ng wasto at balanseng
nutrisyon sa katawan ng tao.
3. Nabibigyang halaga ang wastong balanseng pagkain sa pamamagitan nang masusing
pagpili nito
2

Sagutin ng Tama o Mali ang mga sumusunod:

_______1. Mahilig si Monette sa sitsiriya, kendi at tsokolate.

_______2. Ayaw niyang kumain ng prutas at gulay kaya madali siyang dapuan ng sakit.

_______3. Si Bitoy ay naglalaro ng computer kaya nakalimutan na niyang kumain ng


tanghalian.

_______4. Tuwing recess bumibili si Tina ng softdrinks at sitsiriya.

_______5. Si Joel ay binibigyan ng kanyang mga magulang ng nutrisyon upang ng


malusog at malakas na pangangatawan

PAGPAPAUNLAD

Kumakain ka ba ng mga masusustansyang pagkain? Ano ba ang nagagawa ng mga


ito ating katawan? Ano naman ang mangyayari sa katawan natin kung tayo ay hindi
kumakain ng tama?
Iguhit sa kanang kahon ang hitsura ng bata na kumakain ng masustansyang pagkain
at iguhit naman sa kaliwang kahon ang hitsura ng batang hindi kumakain ng hindi
masustansya.
3

Si Jimbo at si Berto ay matalik na magkaibigan.

Basahin ang patulang kuwento sa ibaba at tuklasin ang kanilang kalagayan.

Si Jimbo Malusog at si Berto Sakitin

Dalawang magkaibigan ay nagkitang minsan


Si Jimbo‘y malusog at kalugod-lugod
Si Berto‘y sakitin at medyo patpatin
Dahilan kung bakit ay ating tuklasin.

Kumusta kaibigan!!! Ang bati ni Jimbo


Tikas at tindig ko ngayon ay tingnan mo
Mga prutas at gulay ang kinakain ko
Mabuting kalusugan aking natatamo.

Mga prutas at gulay ay hindi ko gusto


Kendi at sitsirya ang tanging ibig ko
Ayaw kong maglaro baka lang humapay
Nanghihina ako at nanlulupaypay

Lahat ng ayaw mo‘y aking ginagawa,


Nag-eehersisyo na may angking tuwa
May sapat na tulog at wastong pahinga
Kaya sa gawain ay kahanga-hanga.

Tinatamad ako sa mga gawain


Lalo na at ako ay laging sakitin.
Laging inaantok dahil laging puyat
Tulungan mo ako, makamtan ang sapat.

Ako ay malusog, buto ko‘y matigas


Buong katawan ko‘y masigla‘t malakas
Ako ay sakitin, malambot at payat
Lubos na umaasa, di pa huli ang lahat
4

PAGPAPAUNLAD

Sagutin ang mga tanong batay sa tula.

1. Sino ang dalawang magkaibigan sa kwento? _____________


2. Bakit naging malusog at kalugod-lugod si Jimbo? ___________
3. Bakit naman sakitin at medyo patpatin si Berto? ____________
4. Ano ano ang kinakain ni Jimbo upang matamo ang mabuting kalusugan?
____________________
5. Ano naman ang gusting kainin ni Berto? ______________
6. Ano ang epekto sa katawan ng wastong nutrisyon? ______
7. Ano naman ang epekto ng di tamang nutrisyon?________

PAGPAPAUNLAD

Ang Wastong Nutrisyon

Ang wastong nutrisyon ay tungkol sa mga


pagkaing ating kinakain at kung paano ito ginagamit ng
ating katawan upang tayo ay manatiling malusog. Ito ay
nangangahulugan ng pagkain nang tamang uri at
wastong dami ng pagkain.
Ang mga bata ay may karapatan sa pagkakaroon
ng wastong nutrisyon. Nangangailangan ang katawan ng
balanseng pagkain upang mapanatiling malusog.Ang
sustansiyang kailangan ng katawan ay makukuha sa
pagkain.

Isa sa mga karapatan mo bilang bata ay ang pagkain ng mga masusustansyang


pagkain tulad ng prutas at gulay. Dahil ang pagkain nito ay magbibigay sa iyo ng malusog
na pangangatawan at matalinong isipan.
5

Ayon sa Artikulo 24 ng UN Rights of the Child ang


mga bata ay may karapatan sa mahusay na kalidad ng
kalusugan
pangangalaga, malinis na tubig, masustansiyang pagkain at
malinis kapaligiran upang manatiling malusog.

Sagutan ang mga tanong.


1. Ano ang wastong nutrisyon?
2. Natatamasa mo ba ang karapatang ito?
3. Ano ang mabuting naidudulot sa ating katawan ng pagkakaroon ng wastong
nutrisyon?

PAKIKIPAGPALIHAN

A. Ayusin ang mga letra sa loob ng kahon. Ipasulat ang nabuong salita sa papel.
6

A. Bilugan ang mga larawan na nagpapakita ng pagtamasa sa karapatan ng isang


batang tulad mo sa wastong nutrisyon at kahon kung hindi.
7

PAKIKIPAGPALIHAN

C. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Lagyan ng tsek (/) kung ang
Pangungusap na nagsasabi ng mga karapatan ng bata sa
pagkakaroon ng wastong nutrsisyon at ekis (x) kung hindi.

________ 1. Kumakain ng gulay at prutas na binili sa Pamilihang Bayan ng Bagong


Lucena.
_________ 2. Laging pinapainom ng gatas at malinis na tubig si Particia ng kanyang
nanay.
_________ 3. Softdrinks at sitsirya ang laging baon ni Allan sa paaralan.
_________ 4. Kumakain ng isda at karne nang may wastong dami.
_________ 5. Payat at sakitin si Berto kaya madalas siyang lumiban sa klase.

PAKIKIPAGPALIHAN

Punuan ang mga bilog ng iba’t ibang pagkaing nagbibigay sa atin ng wastong nutrisyon
. Iguhit ang sagot sa papel sa pamamagitan ng paggaya sa “graphic organizer” sa
ibaba.
8

PAKIKIPAGPALIHAN

Sa tulong ng iyong pamilya, pumili at isagawa ang sumusunod.

A. Gumupit ng limang larawan ng mga pagkaing nagbibigay ng


wastong nutrisyon sa ating katawan at idikit sa inyong kuwaderno.

B. Gumuhit sa inyong kuwaderno ng limang paborito o


pinakagustong pagkaing nagbibigay ng wastong nutrisyon sa
ating katawan.

PAGLALAPAT

Ang wastong nutrisyon ay ang pagkain ng tamang uri ng mga pagkain at


sapat na dami na kailangan ng katawan. Nangangailangan ang katawan ng balanseng
pagkain upang mapanatiling malusog. Ang sustansiyang kailangan ng katawan ay
makukuha sa pagkain.

Ang pagkain ng balance at kumpletong pagkain ay isang mahalagang


paraan ng pagpapanatili ng kalusugan ng katawan. Sa pamamagitan nito, maibibigay
ang husto at tamang nutrisyon na kinakailangan ng katawan upang gumana ng maayos
at tumagal sa pang araw-araw na hamon ng buhay.

Ang mga gulay, prutas, karne, isda at gatas ang pupuno sa balanseng
pagkain na kinakailangan natin araw-araw.
9

PAGLALAPAT

Iguhit ang masayang mukha kung nagpapahayag ng karapatan ng mga bata


sa wastong nutrisyon at malungkot na
mukha kung hindi.

_________1. Bumili ang iyong tatay ng mangga sa SM Lucena


para ipasalubong sa iyo.
_________2. Tuwing kumakain, si Rochelle ay laging umiinom ng
softdrinks.
_________3. Si Aileen ay mahilig bumili ng kendi sa tindahan ni
Aling Marilyn.
_________4. Ayaw kumain ni Michelle ng ampalaya dahil hindi
niya gusto ang lasa nito.
_________5. Si Vilmor ay ipinaghahanda ng kaniyang nanay ng
mga pagkain na masusustansiya.

PAGNINILAY

Isulat ang iyong saloobin sa guhit sa ibaba


 
Naunawaan ko na__________________________________________.
Nabatid ko _________________________________________________.

Binabati kita!

You might also like