You are on page 1of 4

LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN VI

I. Layunin:
Pagkatapos ng aralin 80% sa mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pangangalaga ng kapaligiran.
b. Natutukoy ang mga mga hakbang ng pamahalaan upang mapangalagaan ang ating
kalikasan.
c. Nabibigyang halaga ang pangangalaga sa ating kapaligiran at likas na yaman.

II.
Kahalagahan ng pangangalaga ng kapaligiran
Mga kagamitan: Larawan na bubuoin, box

III. Gawain

-Panalangin

Magandang umaga mga mag-aaral?

Bago tayo magsimula sa ating aralin, paki tingnan muna kung malinis naba ang silid aralan at
wala ng nakakalat na mga papel?

Noong nakaraang araw ay tinalakay natin ang mga paraan sa pagtitipid ng enerhiya. Sa pisara
ay may mga pangungusap ang gagawain ninyu ang lagyan ng tsek(/) kung ito ay nagpapakita ng
kaugnayan sa pagtitipid ng enerhiya at ekis(X) naman kung hindi.

1._______Pagsikat ng araw, patayin ang mga ilaw sa loob ng bahay.


2.______ Bago magluto, ihanda ang lahat ng mga kailanganin.
3.______ Ugaliing patayin ang electric fan pagkatapos gamitin.
4.______ Huwag hayaang kumapal nang labis ang yelo sa freezer ng refrigerator.

5.______ Iwanang nakabukas ang anumang kagamitang de-kuryente.

Magaling! Talagang naintindihan ninyu ang ating aralin noong nakaraang araw.

A. Pagganyak

Ngayon naman ay may mga puzzle ng larawan na bubuoin Ninyo. Hahatiin ko kayo sa tatlong
pangkat.
Ngayon ang bawat pangkat ay ipapaliwanag ang larawang nabuo. Ano ang masasabi Ninyo sa
larawan?

(insert larawan ng paglilinis)

Tama, lahat kayo ay wasto. Ang mga larawan ay nagpapakita ng pakikilahok sa paglilinis sa isang
barangay. Mahalaga ang pagtutulungan natin upang mapangalagaan ang ating kapaligiran at
likas na yaman.

Mahalaga ang pangangalaga sa ating kapaligiran, sapagkat pag hindi natin ito napapangalagaan
ng wasto ay may mga masasamang epekto ito. Tulad ng baha, landslides, flashfloods, global
warming at iba pa. Gaya ng nangyari sa Leyte noong nakaraang buwan.

B. Pagtatalakay

Bilang mamayan ano kaya ang mga paraan upang makatulong tayo sa kapaligiran. Marami
tayong pwedeng gawin gaya ng pag segregate ng basura, paghihiwalay sa nabubulok at di
nabubulok at pag recycle ng mga basura. Nakatutulong ito upang hindi magbara sa mga ilog ang
mga basura.

Paggamit ng reusable bags kung bibili sa palengke at gumamit rin tayo ng 5rs reduce, reuse,
recover, repair at recycle.

Narito ang iba pang paraan upang mapangalagaan ang ating mga likas na yaman:

 Reforestation o muling pagtatanim ng mga puno at halaman,


 Pananatilihing malinis ang kapaligiran sa pamamagitan ng pagtatapon ng mga basura sa
tamang lalagyan nito
 Pagbabantay sa kapaligiran laban sa mga iligal na mangingisda, magtutroso, o iba pang
mapagsamantala sa kapaligiran;
 Pagsuporta at pakikilahok sa mga proyekto ng pamahalaan upang mapangalagaan ang
kapaligiran.

Ang mga paraang ito ay magagawa natin pag tayo ang nagtutulongan. Ngayon naman ay alamin
natin ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan utang makatugonan ang problema sa
kalikasan.

 Sustainable development- Ang programang may kinalaman sa wastong paggamit at


pagreserba ng mga likas na yaman, upang magamit pa sa mga susunod na henerasyon.
 Ecological waste management program- sa pangunguna ng Lcoal Government Units
(LGU’S). Bahagi ng programang ito ang pagtuturo sa mga mamamayan kung paano
maisasagawa ang maayos na paglikom at pagtapon ng mga basura, kung paano
magsagawa ng compost pit, gayundin kung paano mapakikinabangan ang mga bagay na
patapon na, sa pamamagitan ng pag rerecycle.
 Clean and green program- naglalayong maituro sa mga local na komunidad at mga
LGU’s ang kahalagahan ng pagkakaroon at pagpapanatili ng malinis at luntiang
kapaligiran:
 Clean air campaign – kampanya upang mapanatiling malinis ang hangin lalo na sa mga
lungsod.

C. Pagsasanay

Ibigay ang 5R’s na makaktulong para mapangalagaan ang ating kapaligiran at likas na yaman.

Fast learner- Ibigay lahat ang 5R’s


Average Learner- Ibigay ang tatlo sa 5R’s
Slow learner- Ibigay ang Dalawa sa 5R’s

D. Paglalahat

Bakit mahalaga na alagaan natin ang ating kapaligiran?

E. Paglalapat

May mga salita sa loob ng kahon tungkol sa mga hakbang ng pamahalaan. Kukuha ang bawat
mag aaral ng mga salita at ipapaliwanag ito.

Fast learners (kukuha ng tatlong salita at ipapaliwanag ito)

Average learners ( Kukuha ng dalawang salita at ipapaliwanag ito)

Slow learners (kukuha ng isang salita at ipapaliwanag ito

*Sustainable development
*Ecological waste management program
*Clean and Green program
*Clean air campaign
*Reforestation
*5r’s

IV. Pagsusulit
Fast learners- Sagutan lahat ang pagsusulit.
Average learners- Tatlong katanungan ang sasagutan sa test I at Test II.
Slow learners- Dalawang katanungan ang sasagutan sa Test I at Test II

I.

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung tama ang isinasaad ng pangungusap. Kung mali, isulat
MALI
At palitan ang salitang may salungguhit Maitama ang pangungusap.

_______1. Ang pangangalag at matalinong pagamit ng likas na yaman ay hindi lamang sa ating
sarili kundi maging sa mga susunod na henerasyon.
_______ 2. Malaking tulong na maibibigay kung magtatanim ka ng mga puno. Ito ay isang
paraan para mapigilan ang pagbaha.
_______ 3. Bilang mamamayan kailangang itapon ang mga basura sa estero.
_______ 4. Pagkawatak-watak ang kailangan par mapanatili ang kalikasan at kagandahan sa
ating kapaligiran.
_______ 5. Umiwas sa mga programang pangkapaligiran na ipinatupad ng ating pamahalaan.

II. Panuto: Tukuyin kung anong kasulukuyang programa ng pamahalaan ang tungkol sa
pangkapaligiran at likaw na yaman ang inilarawan sa pangungusap.

_________1. Kampanya upang mapanatiling malinis ang hangin lalo na sa mga lungsod.

_________2. Programang may kinalaman sa wastong paggamit at pagrserba ng mga likas na


yaman upang may magamit pa ang susunod na henerasyon.

________3. Bahagi ng programang ito ang pagtuturo sa mga mamamayan kung paano
maisasagawa ang maayos na paglikom at pagtapon ng mga basura, kung paano magsagawa ng
compost pit.

_______ 4. Programang para magturo sa mga lokal na komyunidad at LGU’S para mapanatili
ang kalinisan at luntiang kapaligiran.

_______5. muling pagtatanim ng mga puno at halaman.

Inihanda ni: ELVIN L. BURO

You might also like