You are on page 1of 21

PRAYER

Good Afternoon Lord Jesus please


open our mind and give us wisdom so
that we could easily understand our
Lessons. Please Guide us and our
Teachers too, for this we pray in Jesus
Name, Amen.
CLASSROOM PROCEDURE

 Be on time
 Always TURN ON your Camera
 Be Still
 Attend in Full Stomach
 MUTE your Microphone
 Use Headset or Headphones
 STAY FOCUSED on the Lesson
 Avoid Disturbances
ARALIN 1:

♥ Maayos at
Mabikas na Sarili
MGA PANTULONG NA MGA LAYUNIN:

 Naipapakita ang mga kagamitan tungo sa maayos at


mabikas na pangangatawan.
 Nakikilala ang mga kagamitan at panuntunan sa
maayos at mabikas na paggayak.
 Napapahalagahan ang pagkakaroon ng maayos at tikas
na tindig.
 Nakakaugalian ang pagpapanatiling maayos at malinis
ang sarili.
TUMINGIN SA INYONG PALIGID:
1. Maayos ba ang kanilang pananamit?
2. Malinis ba ang kanilang katawan mula ulo
hanggang paa?
3. Hinahangaan ba sila ng mga tao?
4. Ikaw, gusto mo rin bang hangaan at igalang ng
ibang tao?
5. Paano mo ito gagawin?
MGA TUNTUNIN NA
DAPAT MONG SUNDIN
UPANG MAGKAROON
NG MAAYOS AT PAYAK
NA GAYAK AT TINDIG:
1. PANGANGALAGA SA SARILI
a. Paliligo araw-araw
b. Pagkakaroon ng sariling gamit tulad ng
sabon, shampoo, bimpo, sipilyo at tuwalya.
c. Maghilamos ng mukha araw at gabi.
d. Malinis na mga kamay at paa.
e. Ang malinis at maayos na ngipin ay
napakagandang tingnan.
f. Ang ating buhok ay dapat palaging malinis,
maayos at mabango.
2. PAG- AAYOS NG PANGANGATAWAN
 Ang kalusugan ay nakakatulong upang
maging masigla at masaya ang isang
tao. Ito ay nakakamit sa mga
sumusunod na Gawain:
a. Kumain ng masustansiyang pagkain.
b. Mag-ehersisyo.
c. Wastong ayos ng pagtayo, pag- upo
at paglakad.
3. WASTONG PAGDADALA NG SARILI
a. Pagtayo
b. Pag- upo
c. Paglalakad
d. Tamang Oras ng pagtulog at
pagpapahinga
e. Tamang dami ng tubig na
iniinom at regular na pagbabawas
ng dumi
f. Wastong Pananamit
ANGKOP NA KASUOTAN

 Ang pagpili ng wastong damit na isusuot ay mahalagang matutunan ng isang


nagdadalaga at nagbibinata. Ito ay nagbibigay ng kaakit-akit na kaanyuan.
 Hindi kinakailangang maging magara at mamahalin ang damit upang maging
kapansin- pansin.
 Ang damit ay dapat naaangkop sa okasyon at lugar, oras at panahon, gulang o
edad, pagkakataon o katayuan sa buhay.
BATAYAN SA PAGPILI NG KASUOTAN

1. Magsuot ng damit ayon sa okasyon at lugar:


a. Kasuotang pambahay- ito ay maluluwag, matibay, madaling
labhan at simple lang ang pagkakayari.
b. Kasuotang Pampasok- Sariling uniporme na mula sa
paaralan. Karaniwang palda at blusa sa mga babae at polo
at pantalon naman sa mga lalaki.
c. Kasuotang Pansimba- Karaniwang may manggas, tama ang
haba at hindi malalim ang uka sa harap at likod.
d. Kasuotang panpagtitipon- Isinusuot sa mga espesyal na
okasyon , ito ay karaniwang pinakamaganda at
pinakamagarang damit. Ito ay pormal ngunit dapat ay
naaayon sa inyong pagkatao.
BATAYAN SA PAGPILI NG KASUOTAN

2. Isaalang- alang din ang panahon sa pagpili ng


isusuot na damit.
a. Damit Pang tag-init
b. Damit Pang tag- ulan
BATAYAN SA PAGPILI NG KASUOTAN

3. Laging tandaan na ang kulay ng damit


at istilo o tabas ay dapat na naaayon sa
gulang at katayuan sa buhay ng
nagsusuot.
a. Sa mga kabataan, nababagay ang
kulay na matitingkad gaya ng pula at
dilaw dahil ito ay nagsasaad ng
kasayahan.
b. Para sa may edad na, nababagay ang
kulay na mapusyaw gaya ng asul,
berde, kayumanggi at itim.
c. Isaalang- alang din ang kulay ng
iyong balat.
BATAYAN SA PAGPILI NG KASUOTAN

4. Ilan pang mahahalagang bagay na dapat tandaan sa pagpili o pagbili ng damit na


isusuot.
a. Alamin ang kulay na nababagay sa iyong balat at personalidad. Malaking
epektong nagagawa ng kulay ng damit sa taong nagsusuot. Ito ay maaaring
magpatingkad ng kagandahan o makabawas ng kapintasang taglay ng tao.
Morena – bagay ang kulay lila, beige, kulay gatas, kulay balat, rosas at mapusyaw
na pula.
Kutis kayumanggi- nababagay ang kulay dilaw, berde at kaki.
Kutis na maputi- maaaring magsuot ng mga matitingkad at mapupusyaw na kulay
ng damit.
b. Alamin ang desenyo at tabas ng damit na babagay sa iyo. Dahil ito ay nagbibigay
kasiyahan sa iyong sarili. Ito ay nakatutulong upang ikaw ay mamukhang maliit,
Malaki, matangkad o mababa.
BATAYAN SA PAGPILI NG KASUOTAN

c. Alamin ang kasuotang nababagay sa iyong katawan


at hugis ng mukha.
1. Iwasan ang sobrang iksi o haba ng damit.
Ang palda na maikli o tinatawag na mini ay hindi
dapat isinusuot ng taong may maikling hila o bitugang
pangangatawan. Ito
Ang taong matangkad at payat ay hindi rin dapat
magsuot ng damit na sobrang haba o tinatawag na
maxi dahil lalo lamang siyang magmumukhang
mataas.
Ang Mini at Maxi ay Magandang tignan sa taong may
balingkinitang pangangatawan at katamtaman ang
taas.
BATAYAN SA PAGPILI NG KASUOTAN

2. Alamin ang hugis ng iyong mukha.


a. May Iba’t- ibang kuwelyo at hugis panleeg na
naaayon sa hugis ng mukha.
Peter Pan Collar
V- Neck
Turtle Neck
Round neck
Chinese Collar
BATAYAN SA PAGPILI NG KASUOTAN

3. Alamin ang paggamit ng labis na palamuti sa damit.


Ito ay nakadaragdag ng kagandahan. Ang lace, butones at itbp ay ginagamit
ayon sa tabas ng damit, okasyon at sariling kagustuhan ng magsusuot.
MAY MGA TANONG
BA KAYO?
UNANG PAGSUSULIT

Sa inyong kwaderno isulat at sagutan ang mga sumusunod:

 Mahalaga ba sa isang katulad mo ang pagkakaroon ng maayos at matikas na


tindig? Bakit?
 Isa- isahin ang dapat gawin upang magkaroon ng isang maayos at matikas na
tindig?
 Dapat bang isaalang-alang ang pagpili ng damit nasusuotin? Bakit?
 Bakit dapat panatilihing malusog at maayos ang ating pangangatawan?
 Dapat ba nating alamin ang mga kasuotan na naaangkop sa ating katawan?
Bakit?

You might also like