Republic of the Philippines
BULACAN STATE UNIVERSITY
TEACHER EDUCATION PROGRAM
Hagonoy Campus
Iba-Carillo, Hagonoy, Bulacan
Grade IV Detailed Lesson Plan in EPP
I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mag -aaral ay inaasahan:
1. Napapakita ang wastong pag-aalaga sa hayop.
2. Nasasabi ang wastong pamamaraan ng pag-aalaga ng hayop
3. Mga panuntunang kalusugan sa pag-aalaga ng hayop
4. Natutukoy ang mga hayop na maaaring alagaan sa loob ng tahanan
II. Paksa
Paksa: Pag-aalaga ng Hayop
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide 2016-EPP4HE-0h-17
MISOSA IV Paglilinis at Pag aalaga ng hayop
Kagamitan: Powerpoint Presentation
III. Pamamaraan:
Gawain Guro Gawain ng mga Mag-aaral
1. Panalangin
“Maari bang tumahimik ang lahat para sa
ating Panalangin.” (Sinimulan ang panalangin, Amen)
Magandang araw sainyong lahat, grade 4!
2. Pagtala ng Lumiban
Maari ko bang malaman kung mayroon
Wala po ma’am.
bang lumiban sa araw na ito?
Salamat Mga bata, magaling!
3. Balitaan
Kamusta naman ang inyong naging araw? (Nagtaas ng kamay ang Estudyante)
Maari bang maibahagi ninyo ito sa akin at
sa inyong mga kaklase?
3. Pagbabalik-Aral
Ngayon ay Magbalik aral muna tayo,
subukan nating alalahanin ang ating
naging huling talakayan.
Sino ang naka-aalala?maari ko ba Tungkol po sa wastong pag aalaga at pag aayos
malaman kung ano ang ating tinalakay sa sarili.
kahapon?
Magaling! Ngayon naman maaari ko bang
malaman kung ano-ano ang inyong
natatandaan sa wastong pag-aalaga o pag
aayos sa inyong sarili
Sige nga Cj, maari kaba magbigay ng Suklay po, ginagamit po sa pag aayos ng buhok.
natalakay natin kahapon? Magaling! Shower po, ginagamit po sa pagligo.
Cotton buds po, ginagamit sa paglinis ng tenga.
Yes,Kristen ano ang natatandaan mo sa Nail cutter po para sa pagputol ng kuko
tinalakay natin kahapon? Toothbrush at toothpaste po para luminis ang
ngipin at bibig.
Sabon po ginagamit pang linis sa katawan pag
Yes, Mac? maliligo.
Magaling tama lahat ang inyong sagot!
Salamat sa inyong pagsagot.
5. Pangganyak
Dahil handa na kayo tumungo sa ating
tatalakayin, ngayong araw naman mayroon
akong inihandang maikling gawain para
mas malaman pa natin ang importansya ng
mga hayop.
Para sa Row 1, Magbigay ng halimbawa na
ginagamit sa pag-aalaga ng hayop.
Row 2, Magbigay naman kayo ng
halimbawa kung ano ang pwedeng alagaan
sa loob ng tahanan,
Row 3, Magbigay naman kayo ng
halimbawa ng maayos na pag aalaga ng
hayop (pumalakpak) 1,2,3 Magaling!Magaling!
Magaling! Tatlong bagsak para sa lahat.
B. Paglalahad
Klas, ang ating tatalakayin ngayong araw
ay ang “Pag aalaga ng Hayop”
C. Pagtatalakay
Ang mga hayop ay isa sa pangunahing
pangkat ng organismo sa ating kapaligiran.
Naninirahan ang mga ito sa iba’t ibang
lugar gaya ng
bahay,hardin,bukid,lawa,ilog,dagat,bundok
at kagubatan. Ito ang ilang halimbawang
uri ng mga hayop:
1. Aso
2. Kuneho
3. Kalabaw
4. Pusa
5. Ibon at madami pang iba
Para mas malaman niyo pa ang mga
wastong pamamaraan sa pag-aalaga ng
hayop kailangan natin sila pahalagahan
dahil sila ay parang tao din mayroon silang
damdamin kagaya natin.
Klas, bago natin ipagpatuloy ang ating Okay po teacher!
diskusyon maari ba kayong tanungin kung (Nagtaas ng kamay)
sino-sino ang may alaga ng hayop dito?
Teacher aso po!
Sige nga Cel, magbigay ka nga ng alaga
mong hayop
Pusa po teacher!
Magling! Tama ang iyong sagot sa
kabilang row naman, Sige nga szherine
Magaling! Tama ang inyong mga sagot.
Maraming Salamat sa inyong
partisipasyon.
Ngayon naman ay ipagpapatuloy na natin
ang ating diskusyon mayroon akong mga
ilang halimbawa para mas maalagaan natin
ng Mabuti ang ating mga alaga, Una,
bigyan natin sila na maayos na tirahan.
Pangalawa, pakainin ito ng wasto at
painumin ng mga bitamina.
Pangatlo, hanggat maaari na kaya natin o
ninyo dalhin ito sa malapit na beterinaryo
dahil kailangan natin malaman kung may
sakit ba o malusog ang mga alaga nating
hayop.
D. Paglalapat
Dahil naging aktibo kayo sa aking klase
mayroon akong inihandang limang
katanungan at ang kailangan ninyong
gawin ay lagyan ng tama o mali ang mga
patlang sa bawat tanong.
Malinaw ba ito sa lahat?
Opo teacher!
Handa na ba ang lahat klas? Opo teacher!
Panuto: Lagyan ng TAMA kung sang-
ayon ka sa isinasaad na pahayag at MALI
naman kung hindi.
____1. Ang pag-aalaga ng hayop ay
nakakatanggal ng pagod at
nakakapagbigay kasiyahan sa isang tao.
____2. Walang ibang dala sa tao ang mga
hayop kundi perwisyp at sakit sa ulo.
____3. Masama sa katawan ang labis nap
ag-aalga ng mga hayop.
____4. Bigyan ito ng maayos na tirahan.
____5. Pakainin ito ng mga masustansyang
pagkain.
(Nagtaas ng kamay ang Estudyante)
Ano ang tamang pag-aalaga ng mga Teacher kailangan po natin silang bigyan ng
hayop? maayos na tirahan para po hindi sila nababasa sa
ulan, at maayos na pagkain po at kainan.
Tama! Magling
Sige nga Alexa magbigay ng tamang pag
aalaga ng mga hayop. Teacher dapat din po ay may buwan buwan
silang pagbisita sa beterinaryo.
Tama! Magaling!
Ano naman ang mga hindi dapat gawin sa
pag-aalaga ng mga hayop?
Yes, Claude Teacher, huwag po silang pisikal na saktan
Tama! Magaling
Yes, Josh Teacher, huwag din po silang bigyan ng
nakakalason na mga pagkain.
Magaling!
Tama lahat ang inyong sagot! Magaling!
E.Paglalahat
Ano ang natutunan nyo ngayong araw Natutunan po namin ang wastong pag-aalaga sa
klas? mga hayop at bigyan po sila nng importansya sa
buhay, ang dapat at hindi-dapat gawin sa mga
hayo. At mahalin po sila ng lubos.
Maraming salamat sa inyong pagbabahagi!
Tandaan palagi natin silang pagkaingatan
at alagaan sa mabuting paraan.
IV Pagtataya:
Panuto: Sagutan ng TAMA kung wasto ang isinasaad ng pahayag MALI kung hindi.
Kopyahin ang mga pahayag at isulat sa patlang ang tamang sagot.
_______1. Nagdudulot ng stress sa tao.
_______2. Nakakapagbigay ng kaligayahan sa loob ng tahanan.
_______3. Mabisang gawing pataba sa tanim ang dumi ng hayop.
_______4. Nakapagdadagdag n akita ng mga mag-anak ang pag aalaga ng hayop na may pakpak
at isda.
_______5. Ginagawang palamuti ang mga balahibo ng hayop.
V Takdang Aralin
Magbigay ng sariling opinyon tungkol sa tamang pag-aalaga ng hayop sa loob ng
tahanan.