You are on page 1of 6

Name: Claivan Jade Rejuso Jabajab

Year/Section/Course: BEED 2 - A

Detalyadong banghay-aralin sa MTB-MLE

l. Mga Layunin

sa loob ng 60 minutong talakayan, ang mga mag- aaral ay inaasahang:

a. Matukoy at makilala ang pagkakaiba ng tahanan at paaralan.


b. Maipaliwanag ang ugnayan ng tahanan at paaralan, at.
c. Magkaroon ng sariling pamamaraan upang mapahalagahan ang ugnayan ng tahanan at paaralan.

ll- Paksang- Aralin

 Paksa: Ako at Aking Tahanan at Paaralan


 Sanggunian: https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-1-learning-material-in-araling-
panlipunan-q3q4
 Kagamitan: Laptop, Larawan ng mga likas na yaman, Biswal eyd.

III- Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng mga mag-aaral


A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
, pwede mo bang pangunahan ang opo Sir. “sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espirito Santo.
ating panimulang panalangin sa araw na ito. Amen…….”

2. Pag-bati
Maganang umaga mga bata! Magandang umaga din po Sir.

1. Pagtala ng liban
May lumiban ba sa araw na ito mga bata? Wala po sir

(babasahin ng guro ang pangalan ng mga mag-aaral sa Nandito po sir…


kanyang klass-rekord)

B. Balik-Aral

Maaari mo bang sabihin sa amin kung Opo sir, ang ating nakaraang leksyon ay tungkol sa mga
ano ang ating tinalakay noong nakaraang araw? bayaning Pilipino.
Tama!

Ngayon, sino sa inyo ang makapagbibigay ng isang bayaning


Pilipino?

Sige! Ikaw Andrea.


Jose Rizal
Tama! sino pa?
Sige! Ikaw Jonathan.
Andres Bonifacio
Tumpak!, talagang may natutunan talaga kayo. Emilio Aguinaldo

Matatandaang ang mga bayaning ito ay siyang nagpalaya sa


atin mula sa mga kamay o pananakop na mga dayuhan ang
mga espanyol at amerikano at hapones.

At dahil naintindihan ninyo ng lubos ang ating nakaraang


topiko, ngayon, handa naba kayo sa ating bagong leksyon sa
araw na ito?
C. Pagganyak

Bago natin umpisahan ang ating panibagong tatalakayin sa


araw na ito ay gagawin muna natin ang isang aktibidad para
magkaroon kayo ng kaunting kaalaman patungkol sa ating
tatalakaying paksa.

Handa naba kayo? Opo sir

(magpakita ng mga larawan ng iba’t-ibang bagay na makikita


lamang sa tahanan o paaralan)nakikita ba ninyo ang mga
larawang ito?
Opo sir!
Mabuti! ang mga larawang ito ay mga halimbawa ng mga
kagamitan na makikita lamang sa loob ng tahanan o paaralan,
ngayon kung ang larawan ay makikita ninyo sa paaralan,
ilagay ang larawan sa kahon na may pangalang paaralan,
habang kung sa tahanan naman ito napapabilang ikalagay rin
ito sa kahong may pangalang tahanan.

Nakuha ba ang dapat gawin? Opo sir!

 lutuan  tahanan
 higaan  tahanan
 kutsara  tahanan
 pisara  paaralan
 silid-aklatan  paaralan

D. Panlinang na Gawain
1. panimula

basi sa ginawa nating aktibidad, ano sa tingin ninyo ang ating Ang ating tatalakayin sa araw na ito ay patungkol sa
bagong tatalakayin sa araw na ito? tahanan at paaralan

Tama!

Maliban sa mga halimbawang nabanggit sa ating aktibidad, Ang mga halimbawa ng mga kagamitan na makikita sa
ano pa kaya ang iba pang halimbawa ng mga kagamitang tahanan ay pinggan, unan, at kaldero habang ang mga
makikita sa paaralan at tahanan? kagamitan na makikita sa paaralan ay ang tisa, libro, at
maraming papel.

Tama, magaling!

2. Pagtatalakayan

Bago tayo tumungo sa ating pormal na talakayan,


panoorin muna natin ang isang video presentation na
magbibigay sa inyo ng kaunting ideya at dagdag na
kaalaman tungkol sa ating susunod na leksyon.

Bago ang lahat, maaari ba ninyong basahin ang mga


dapat gawin sa panonood ng isang presentasyon?  Manuod ng mabuti.
 Huwag pong makipag-usap sa katabi.
 Huwag maingay.
 Umupo ng maayos.
 Makinig ng mabuti
Tama iyon

Naintindihan ba ang napanood na palabas? Opo sir.


Mabuti!

3. paglalahad ng paksa

Balikan muna natin ang video presentation na ating pinanood


kanina, ayon sa video, anu-ano ang katangian paaralan at
tahanan?

Ikaw Roland, ano ang katangian ng tahanan? Ito ang lugar kung saan kumakain ang kasapi ng pamilya
ng almusal, tanghalian at hapunan at dito sila nakatira.
Tama!
Ito ang pinagdarausan ng pulong at okasyon pampamilya
Ano pa? Janet? kagaya ng Reunion.

Tama iyon

Magaling. ang lahat ng inyong mga nabanggit ay mga


katangiang taglay ng isang tahanan. ngayon, ano naman ang
katangian ng paaralan?
Ang paaralan ay isang lugar kung saan tinuturuan ang mga
Ikaw Isaac? mag aaral upang sila ay magkaroon ng kaalaman at upang
matuto.

Tama iyon.
Ang paaaralan ay isang lugar na itinuturing na
Ano pa Beth?? pangalawang tahanan ng mga mag aaral dahil dito tinuturo
ang iba pang kaalaman.

Mahusay! tunay ngang nakinig kayo ng mabuti sa ating


pinanood kanina.

Ngayon , ay atin ng tukuyin kung ano ang kahulugan ng


paaralan at tahanan

Ang paaralan ay napakahalaga sa paghubog ng mga mag-


aaral. Ang paaralan ay isang lugar kung saan ang mga mag
aaral ay tinuturuan ng iba’t-ibang leksyon. Ito ay maaaring
pribado o pampubliko, ang mga taong napapabilang o
karaniwang makikita rito ay ang mga guro, punong guro,
guidance counselor, librarian, mag aaral at iba pa.
Maitutiring rin itong pangalawang tahanan dahil araw-araw
silang nandito upang matuto.

Nakuha ba? Opo guro!

Mabuti!

Ang tahanan naman ay isang lugar kung saan ang mga tao ay
natutulog o nagpapahinga. karaniwang binubuo ito ng nanay,
tatay, ate, kuya, lolo, lola at iba pa. Sa tahanan din tayo
unang natuto at ang tahanan ay maituturing unang paaralan.

Nasundan ba ako?

Opo guro.

4. Paglalahad
Tingnan nga natin kung talagang nakinig kayo sa ating
naging talakayan.

Sinu-sino ang mga taong karaniwang nakikita sa paaralan at Ang mga taong karaniwang nakikita sa paaralan ay ang
tahanan? mga guro, punong guro, guidance counselor, librarian, mag
aaral at iba pa. Habang ang mga tao naman na nakikita sa
tahanan ay ang nanay, tatay, ate, kuya, lolo, lola at iba pa.

Magaling! tunay ngang naintindihan ninyo ang ating aralin sa


araw na ito.
5. Pagsasanay

Upang malaman ko kung mayroon nga kayong natutunan sa


araw na ito, maghanda kayo para sa ating gagawing
aktibidad.

Kumuha ng isang pirasong papel at sagutin ang sumusunod


na bilang batay sa panutong nakasaad.

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang tama kung wasto ang


pahayag at hindi kung mali ang pahayag.

1. Tahanan ang tawag sa lugar kung saan nag-aaral ang


mga bata at tinuturuan ng guro.
1. Mali
2. Sa tahanan natutulog ang pamilya?.

3. Ang paaralan ay isang lagar kung saan tinuturuan 2. Mali


ang mga bata upang sila ay magkaroon ng kaalaman.

4. Ang librarian ay makikita sa paaralan. 3. Tama

5. Ang paaaralan ay isang lugar na itinuturing na


pangalawang tahanan ng mga mag aaral. 4. Tama

6. Ang tahanan ay lugar kung saan tayo ay naunang


natututo. 5. Tama

6. Tama

7. Pagtataya

Isulat ang tamang sagot sa patlang.


_________1. Ito ay maitinuturing na pangalawang 1. Paaralan
tahanan.

_________2. Saan nakatira ang pamilya? 2. Tahanan

_________3. Ito ay lugar kung saan natutulog o 3. Tahanan


nagpapahinga ang kasapi ng pamilya.

_________4. Ang paaralan ay isang lagar Kung saan 4. Mag- aaral


tinuturuan ang mga upang sila ay magkaroon ng
kaalaman.

5-7. Magbigay ng tatlong tao na karaniwang 5. guro


makikita sa paaralan. 6. mag-aaral
7. Prinsipal

8-10. Magbigay ng tatlong halimbawa ng mga taong 8. Tatay


makikita sa tahanan. 9. Kuya
10. Nanay

7. takdang-aralin

Sa isang buong papel, sumulat ng isang sananay na tumutukoy sa katangian ng tahanan at paaralan, at
kung paano sila magkakaugnay.

Pamantayan

Pagiging laikhain 15
Mensahe 15
kalinisan 10

You might also like