You are on page 1of 6

Detailed Lesson Plan sa Araling Panlipunan 4

(4A's Approach)

PAGKATUTO NG KAKAYAHAN: Natutukoy ang mga pangunahing likas na yaman ng bansa.

I. LAYUNIN

Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

A. Naiisa-isa ang tatlong pangunahing likas na yaman ng bansa;

B. Nailalarawan ang yamang lupa, yamang mineral at yamang tubig ng bansa;

C. Nasasabi ang kahalagan ng mga likas na yaman.

II. PAKSANG ARALIN

A. PAKSA: Mga pangunahing likas na yaman ng bansa.

B. SANGGUNIAN: Araling panlipunan (kagamitan ng mag-aaral) IV, pahina 67-72

C. KAGAMITAN: biswal eyd, skats teyp, manila paper, pilot pen, kayumanggi envelop, gunting,
pandikit, construction paper, lapis, larawan, cartolina, bond paper

D. PAGPAPAHALAGA: Ang wastong pangangalaga ng likas na yaman.

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Bago natin simulan ang araling ito, magsitayo tayong lahat at manalangin. Angeline,
pangunahan mo kami ng panalangin. (Opo guro, sa ngalan ng ama, anak, espiritu, santo, ama
namin... Amen)

2. Pagbati

Magandang hapon sa inyong lahat! (Magandang hapon din po guro!)

Bago kayo umupo, nais kong hilingin sa inyo na pulutin ang mga pirasong papel at itapon sa
basurahan at ayusin ang mga upuan ninyo. (Opo)

3. Paglista ng mga lumiban

May mga lumiban ba sa klase ngayon? (Wala po guro)

4. Pag-alaala ng mga tuntunin ng silid-aralan

Bago natin simulan ang ating aralin, ito ang dapat ninyong tandaan kapag may gawain.

1. Makinig ng mabuti sa lahat ng oras.

2. Hintayin ang pagkakataon mo na makapagsalita.

3. Makilahok sa oras ng talakayan.

4. Sundin ng mabuti ang mga Panuto.


Maliwanag ba? (Opo guro)

Pamantayan sa pangkatang gawain

PAMANTAYAN PUNTOS

Nilalaman 10

Presentasyon 10

Kooperasyon 10

Takdang oras 10

Kabuuan na puntos 40

INCENTIVE CHART

Mayroon akong incentive chart dito para sa bawat grupo. bawat tamang sagot ay
katumbas ng limang puntos. Ngunit, kung ang inyong grupo ay maingay ay babawasan ko ang
inyong puntos.

Maliwanag ba mga bata? (Opo guro)

5. Pagganyak

Ngayon mga bata, may inihanda akong gawain na kaugnay sa itatalakay natin mamaya.
Ang tawag sa gawain na ito ay “SCRAMBLED WORD”. Pero bago iyon, ipapangkat ko muna kayo
sa tatlong grupo. Ito ang pangkat 1,pangkat 2 at pangkat 3.

Panuto: Ayusin ang mga nakakalat na mga letra at buuin gamit ang mga tanong na kaugnay sa
paksa ng mga pangunahing likas na yaman ng bansa.

Naintindan ba ninyo mga bata? (Opo guro) mabuti naman kung ganon.

“Isa sa mga yaman ng bansa kung saan itinatanim at nakapag-aani ng palay at sari-saring mga
gulay at prutas.”

Pangkat 1

- (YAMANG LUPA)
“Isa sa mga likas na yaman ng bansa kung saan tinuturing isang mahalagang sangkap sa
paggawa ng kailangan ng mga pabrika at industriya.”

Pangkat 2
- (YAMANG MINERAL)

“Isa itong arkipelago ng bansang pilipinas.

Pangkat 3
- (YAMANG TUBIG)
Okey mahusay! Bigyan ninyo ang inyong sarili ng limang bagsak. (Nagpapalakpakan)

B. GAWAIN

Okey klas, sa oras na ito, magkakaroon tayo ng aktibidad upang mas maunawaan ang
paksang mga pangunahing likas na yaman ng bansa.

Naghanda ako ng mga materyales dito para magawa niyo ang aktibidad. susundan natin
ang parehong grupo kanina.

Bibigyan ko kayo ng mga materyales at bibigyan ko lamang kayo ng limang minuto upang
tapusin ang inyong mga gawain at pagkatapos, iulat ito sa klase.

Pangkat 1- Talahayanan

Panuto: Basahin ang sumusunod ng mga likas na yaman ng bansa. Isulat ang mga ito sa
tamang kolum sa Talahayanan na nabibilang sa yamang lupa, gawin ito sa manila paper.

Okey, magaling! Bigyan natin ang ating sarili ng amazing clap.

Pangkat 2- Pahalagahan mo ako!

Panuto: Sa loob ng kahon, isulat ang mga halimbawa kung paano pangangalagaan ang likas na
yaman ng bansa na kaugnay sa yamang tubig.
- Huwag magtapon ng
dinamita sa dagat
- Huwag magtapon ng
basura sa Ilog

Okey, mahusay! Bigyan natin ang ating sarili ng magaling mahusay clap.
Pangkat 3- Itala mo!

Panuto: Isulat ang mga iba’t ibang halimbawa ng yamang mineral at ipaliwanag ito sa
klase, gawin ito sa manila paper.

Mga iba’t ibang halimbawa ng yamang mineral Mga iba’t ibang halimbawa ng yamang mineral

1. Tanso
2. Sulphur
3. Chromite
4. Ginto
5. Pilak

Okey klas, naipakita niyo nang maayos ang inyong gawain at para diyan, bigyan natin
ang ating sarili ng magaling mahusay clap!

C. PAGSUSURI

Ngayon, natapos na ang inyong gawain, ating suriin ang bawat gawain.

Batay sa mga aktibidad na ginawa niyo kanina. anu-ano ang mga likas na yaman na
nabibilang sa yamang lupa? (Tubo, kapok, goma, abaka at waling-waling) Tama!

Paano natin pangangalagaan ng likas na tubig? (Huwag magtapon ng dinamita sa dagat,


huwag magtapon ng basura sa Ilog.) Mahusay mga bata!

Magbigay ng halimbawa ng mga likas na yaman na nabibilang sa yamang mineral.


(Tanso, sulphur, chromite, ginto, pilak) Magaling!

Ang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa mga pangunahing likas na yaman ng bansa.
dapat natin pangangalaga sa mga likas na yaman ng bansa dahil ito ay nagbibigay ng pang
araw araw na pangangailangan ang Pilipinas ay may tatlong likas na yaman una ay ang yamang
lupa. Ito ang mga natural na magpakukunan mula sa lupa kabilang dito ang mga halaman,
hayop at puno. Ang mga nakukuha natin sa halaman ay mga pagkain o gulay tulad ng
kamoteng kahoy, mais, palay, kalabasa, at iba pa. at sa puno naman maaari natin makukuha
mga prutas o kahoy upang paggawa ng bahay, panggatong at iba pa.

Ikalawa ay ang yamang tubig ng Pilipinas ay ang pagkakaroon ng iba’t ibang klase ng
mga isda. At nakakatulong ito sa pagkakaroon ng hanapbuhay ng mga Pilipino sa pamamagitan
ng pangingisda. Dito din tayo nabubuhay dahil ang pagkain ng yamang dagat ay parte sa ating
hapag-kainan. Dinarayo din tayo ng mga turista dahil sa ganda ng ating mga dagat o tanawin at sa
mga kakaibang kagandahan ng mga coral reefs.

Ikatlo ay ang yamang mineral. Ito ang mga likas na yaman mula sa kalikasan. Natural ito at
di-gawa ng tao. Makukuha ito sa pamamagitan ng pagmimina. may mineral din naman di-metal
tulad ng langis, petrolyo at geothermal na pinagkukunan ng elektrisidad.

D. ABSTRAKSYON

Anu-ano ang mga pangunahing likas na yaman ng bansa? (Yamang lupa, yamang tubig
at yamang mineral) mahusay! Magbigay ng halimbawa nga yamang lupa, yamang tubig at
yamang mineral. (halaman, puno, hayop, isda, coral reefs, chromite, petrolyo, langis) Bakit
mahalaga ang wastong pangangalaga sa mga likas na yaman ng bansa? (Dahil ito ay nagbibigay
ng pang araw araw na pangangailangan) Magaling! Ano ang dapat gawin para mapanatiling
malinis ang ilog sa ating bansa? (Huwag magtapon ng basura sa ilog) mahusay! Bilang mag-
aaral paano mo makakatulong sa wastong pangangalaga sa mga likas na yaman sa iyong
pamayanan? (Bilang isang mag-aaral, maalagaan ko ang ating kalikasan sa pamamagitan ng
pagtatapon ng basurahan sa tamang lalagyanan, reuse, reduce, recycle , magtanim ng puno sa
ating bakuran at huwag magputol ng mga puno.

E. APLIKASYON

Okey klas, para matuto nang higit pa upang makuha talaga ang konsepto nang tiyak. may
ipapakita akong larawan sa inyo.

Panuto: Tukuyin ang uri ng likas na yaman ng mga sumusunod na larawan.

IV. PAGTATAYA

A. Multiple Choice

Panuto: Piliin ang tamang sagot at isulat ang tanging titik ng iyong pagpipilian.

1. Ito ay nakakapagtaniman, pag-aani ng palay, sari-saring gulay at prutas.


A. Yamang gubat B. Yamang lupa C. Yamang Tao D. Yamang Tubig

2. Ito ay ginagawang pangingisdaan kung saan nakukuha ang iba't ibang uri ng isda at lamang
dagat.

A. Yamang Mineral B. Yamang Gubat C. Yamang Tubig D. Yamang Lupa


3. Ito ay mahalagang sangkap sa paggawa na kailangan ng mga pabrika at industriya.

A. Yamang Lupa B. Yamang Tubig C. Yamang Mineral D. Yamang Gubat


4. Bakit mapalad ang Bansang Pilipinas?

A. Dahil ang lupain at katubigan ito ay maraming biyaya.


B. Dahil hindi sapat ang pangangailangan ng mamamayan.
C. Dahil sa yamang lupa maraming ginto ano ang mga Pilipino.
D. Dahil nakakatulong ito sa wastong pangangalaga sa likas na yaman ng bansa.

5. Alin sa mga sumusunod ang tamang pangungusap ng likas na yaman?


A. Ang likas na yaman ay mga bagay na nagmumula sa langit.
B. Ang likas na yaman ay nagmumula sa akin.
C. Ang likas na yaman ay dapat gamitin ng dinamita sa pangingisda.
D. Ang likas na yaman ay nagmumula sa lupa kabundukan kagubatan at ilog.

V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay tama, at isulat ang MALI kung ang
pahayag ay mali.

1. Isang arkipelago ang Bansang Pilipinas.

2. Ang enerhiyang geothermal ay isang uri ng mineral na metal.

3. Kailangan ay Hindi magugutom ang mga Pilipino kahit hindi alagaan ang mga likas na yaman
nito.

4. Masagana sa likas na yaman ang Bansang Pilipinas.

5. Mula sa mga likas na yaman nakukuha ang pang araw-araw na mga pangangailangan ng
mamamayan.

Inihanda nina:

Alviar, Vanessa A.
Braza, Margie B.
Cuadra, Angelica P.
Elavasantos, Reynalyn H.
Mosura, Maria Esteza May B.
Toribio, Shereen B.

BEED 2-A

You might also like