You are on page 1of 7

PRINCESS C. LUMAHOG 2BEED-A ESTRATEHIYA 2: SALAMIN!

SALAMIN!

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 3

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga bata ay inaasahang:
a. Matukoy ang mga magagalang na pananalita.
b. Magamit ng wasto ang mga magagalang na pananalita na angkop sa larawan.
c. Makapagbibigay halaga sa paggamit ng magagalang na pananalita.

II. PAKSANG ARALIN


a. Paksa: Magagalang na Pananalita
b. Sanggunian: Bagong Filipino sa Salita at Gawa pp. 39-46
c. Kagamitan: Libro, nakaprintang mga larawan, pentelpen, tarpapel.
d. Estratehiya: Salamin! Salamin!

III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
Bago natin umpisahan ang ating aralin Ama, maraming Salamat sa araw na ito.
ngayong araw, maaari bang tumayo ang lahat para sa Gabayan niyo po kami sa aming pang araw-
panalangin. araw na Gawain. Gabayan niyo rin po kami
sa aming aralin ngayong araw. Yun lamang
po Ama na tagapagligtas, Amen.

 Pagbati Magandang araw po, Bb. Princess.


Magandang araw mga mag-aaral. Magandang araw mga kamag-aral.

 Pambungad na Awit (kakanta ang mga mag-aaral)


Manatiling nakatayo para sa pamukaw
sigla. Ating awitin ang kantang may pamagat na
“Kung Ikaw ay Masaya”. Sasabayan nyo lamang ang
aking inihandang bidyow.
(Ipapakita ang bidyow)
(Uupo ang mga bata.)
Maupo na ang lahat. (itataas ng mga mag-aaral ang kanilang
kanang kamay kapag natawag ang kanilang
 Pagtala ng mga Lumiban sa Klase pangalan)
Maaari lamang itaas ang kanang kamay
kapag natawag ko ang inyong pangalan na
nagpapahiwatig na ikaw ay hindi lumiban sa aking
klase.
Opo titser.
(Tatawag na ng mga pangalan ng mga bata.)
Natawag ko na ba ang lahat?

 Pagbibigay Pamantayan
Bago tayo dumako sa susunod na Gawain,
ano-ano ang inyong mga dapat gawin sa loob ng klase
o habang isinasagawa ang talakayan?
1. Maupo ng maayos.
(tatawag ng mga mag-aaral) 2. Itaas ang kanang kamay kung gustong
sumagot.
3. Iwasan ang sabayang pagsagot.
4. Hintayin ang sariling pagkakataon.
5. Iwasang mag-ingay habang may
nagsasalita.

Opo, titser.
Magaling! Maaasahan ko ba ito sa inyo?

 Pagpasa ng Takdang Aralin


Sa nakaraan nating aralin, may ibinigay (Ipapasa ang papel na may takdang aralin sa
akong takdang aralin. Maaari na ninyo itong ipasa sa kanilang harapan.)
inyong harapan.

(kokolektahin ang mga papel na naipon sa harapan.)

 Pagbabalik-aral
Narito na ba sa harapan lahat ng inyong
Opo, titser.
mga takdang aralin?

Kung ganon ay balikan muna natin ang


nakaraan nating tinalakay.
Anong aralin ang ating tinalakay noong Ang ating tinalakay po noong
nakaraan? (tatawag ng mag-aaral) nakaraan ay tungkol sa mga salitang
naglalarawan.
Mahusay! Bigyan natin ng sampung (Papalakpak ng sampung beses.)
palakpak ang inyong kaklase.

Sino ang makapagbibigay sa akin ng ibig Ako po titser.


sabihin ng salitang naglalarawan?

(Tatawagin ang mag-aaral.) Ang mga salitang naglalarawan po ay


ginagamit sa paglalarawan ng sukat, hugis,
anyo, kulay, bilang, dami,at iba pang
katangian ng tao, hayop, bagay at pook.

Magaling! Tinatawag din itong pang-uri.

B. Panlinang na Gawain
 Pagganyak
Bago tayo magsimula sa panibagong
aralin, mayroon akong ididikit sa pisara na naglalaman
ng mga pangungusap. Pipili lamang kayo ng mga
magagalang na pananalitang angkop sa sitwasyon.
Nasa ibaba lamang ng mga pangungusap ang inyong
pagpipilian. Tatawag lamang ako ng mga mag-aaral
na maaaring sumagot. Maliwanag ba mga bata? Opo, titser.

(Ididikit sa pisara ang tarpapel.)

Panuto: Piliin ang magalang na pananalitang angkop


sa sitwasyon.

1. “Magandang umaga, mga bata,” bati ng guro sa


klase. Ano ang magalang na sagot dito?
a. Magandang umaga.
b. Magandang umaga naman.
c. Magandang umaga po naman.

(Tatawag ng mag-aaral)
1. Ang angkop na sagot po titser ay nasa
letrang c. Magandang umaga po naman.
Magaling! Bigyan natin ng limang bagsak (Bibigyan ng limang bagsak ang kaklase.)
ang inyong kaklase.

2. Binigyan ni Anita si Marilou ng baon nya. Ano ang


dapat sabihin ni Marilou kay Anita?
a. Salamat
b. Walang anuman.
c. Pahingi pa.
2. Ang angkop po nasagot ay nasa letrang a.
(Tatawag ng mag-aaral.) Salamat.

(Bibigyan ng Baranggay clap ang kaklase.)


Mahusay! Bigyan natin ng Baranggay clap
ang inyong kakaklase.

 Paglalahad ng Bagong Aralin


Batay sa mga pangungusap na pinasagutan
(Magtataas ng kamay.)
ko sa inyo, ano sa tingin ninyo ang tatalakayin natin
ngayon araw? Maaari ninyong itaas ang inyong
kanang kamay kung nais ninyong sumagot. Sa tingin ko po ay ang tatalakayin natin
ngayong araw ay tungkol sa mga
(Tatawag ng mag-aaral.) magagalang na pananalita.

Magaling! Ang tatalakayin natin ngayon ay


ang mga magagalang na pananalita.

Ano nga ba ang mga magagalang na


pananalita? Itaas ang kanang kamay kung gustong (Magtataas ng kamay.)
sumagot.

(Tatawag ng mag-aaral) Ang mga magagalang na pananalita ay


mga pananalitang ginagamit sa pagbibigay
galang sa mas nakakatanda.

Tama! Ito ay ginagamit para magpakita ng


respeto sa pakikipag-usap o sa mas nakakatanda sa
atin.
 Pagtatalakay
Ngayon naman ay tatalakayin na natin ang
mga magagalang na pananalita upang lubos ninyong
maunawaan ang gamit nito. Handa na ba kayo? Opo, titser.

Maaari ko na bang hiramin ang inyong Opo, titser.


mga tenga upang making sa ating tatalakayin ngayong
araw?

(Ididikit sa pisara ang mga kagamitan sa


pagtatalakay.)

Magagalang na Pananalita
 Ang mga magagalang na pananalita ay mga
pananalitang ginagamit upang magbigay
galang sa mas nakakatanda. Ito rin ay
nagpapakita ng respeto o pagiging magalang sa
pakikipag-usap.
 May mga magagalang na pananalitang
ginagamit:
a. Sa Pagbati:
- Magandang umaga/ tanghali/ gabi po.
- Maligayang kaarawan.
b. Sa Pagpapaalam:
- Paalam na po.
- Aalis na po ako.
c. Sa Pagpapasalamat/ Sa Pagsagot:
- Salamat po. / Wala pong anuman.
d. Sa Pakikipag-usap sa matanda:
- Po at Opo.
e. Sa Pagtanggap ng Panauhin:
- Tuloy po kayo.
- Maupo po kayo.
f. Sa Paghingi ng Pahintulot:
- Maaari po bang _________?
- Makikiraan po.
g. Sa Paghingi ng Paumanhin:
- Ikinalulungkot ko po.
- Hindi ko po sinasadya.

May mga katanungan ba kayo tungkol sa


aking tinalakay? Kung wala na ay dadako na tayo sa
inyong pangkatang Gawain.

C. Pangkatang Gawain
Panuto: Papangkatin ang mga mag-aaral sa dalawa.
Ang isa ang magsisilbing salamin, samantalang ang
isa naman ay mananalamin, ang nalalabing kapangkat
ay huhula sa ipinakitang kilos. Ang mananalamin ay
gagawa ng kilos namang gagayahin ng salamin.
Isasalaysay ng ibang kasapi ang ginagawa ng
magkapareha sa salamin gamit ang salitang nagsasaad
ng kilos. Magpapalitan ang iba pang kasapi sa
pagsasalaysay. Isasalaysay ng nalalabing kasapi kung
anong magagalang na pananalita ang angkop sa
isasagawang kilos ng kanilang kapangkat. May
sampung segundo bawat isa upang maisalaysay ang
tamang sagot.

Pangkat 1. 1. Makikiraan po.


1. Nagpapakita ng magalang na pakikiraan. 2. Paalam na po. / Aalis na po ako.
2. Nagpapaalam. 3. Salamat po.
3. Nagpapasalamat.

Pangkat 2. 1. Tuloy po kayo. / Maupo po kayo.


1. Pagtanggap ng panauhin 2. Tao po! Tao po!
2. Pagkatok sa pituan. 3. Maligayang kaarawan.
3. Pagbati sa may kaarawan.

RUBRIKS SA PANGKATANG GAWAIN


MGA 5 2
BATAYAN
1. Nilalaman Naibibigay ng May
buong husay kakulangan sa
ang hinihinging hinihinging
sagot. sagot.

2. Naipamalas ng Naipamalas ng
Kooperasyon buong halos lahat ng
miyembro ang miyembro ang
pagakakaisa. pagkakaisa.

3. Takdang Nasagot ang Hindi natapos


Oras pangkatang sa takdang
gawain sa oras ang
takdang oras. pangkatang
gawain.

PAMANTAYAN SA PANGKATANG
GAWAIN
PUNTOS
NILALAMAN 5
KOOPERASYON 5
TAKDANG ORAS 5
KABUUAN 15

D. Paglalahat
Umupo na ang lahat at ayusin ang mga
silyang inyong kinauupuan.
Balikan muna natin ang tinalakay natin
kani-kanina lamang upang malaman natin kung kayo
ba ay nakinig sa aking tinalakay. Tatawag lamang ako
ng maaaring sumagot sa aking katanungan. Handa na
ba ang lahat?
Opo, titser.
Sa aking tinalakay kanina, anong
magagalang na pananalita ang inyong gagamitin sa
pakikipag-usap sa matatanda?
(Tatawag ng mag-aaral.)

Ang magagalang na pananalita na


gagamitin sa pakikipag-usap sa matatanda ay
Po at Opo.
Magaling! Bigyan natin ng Barangay
Clap ang inyong kaklase. (Bibigyan ng Barangay Clap ang kaklase.)

Saan naman ginagamit ang magagalang Ginagamit ang magagalang na


na pananalita na Paalam na po at Aalis na po ako? pananalita na Paalam na po at Aalis na po
(Tatawag ng mag-aaral.) ako ay sa pagpapaalam.

Tama! Bigyan natin ng sampung


bagsak ang inyong kaklase. (Bibigyan ng sampung bagsak ang kaklase.)

 Paglalapat
May mga magagalang na pananalita
akong ginupit dito. Ididikit ninyo ito sa
larawan na tugma sa ibinigay kong
magagalang na pananalita.

PANUTO: Idikit sa kanang bahagi ng larawan ang


angkop na magagalang na pananalita.

1. 1. Magandang umaga po.

2. 2. Makikiraan po.

3. 3. Maupo po kayo.

4. 4. Aalis na po ako.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Punan ng magalang na pananalita na dapat sabihin ng mga tauhan sa maikling dula.
Isulat sa inyung sagutang papel.
1. Handa na si Joey sa pagpasok sa paaralan. Magpapaalam siya sa kanyang ama at ina. Nag-uusap sila
sa daraanan niya.
Nanay: Papasok ka na ba Joey?
Joey: ______________________________.
Tatay: O, sige. Mag-iingat ka sa daan.
Joey: ______________________________.

2. Dinaanan ni Henry si Mark upang manghiram ng aklat. Sarado ang bahay nina Mark.
Henry: _____________________________.
Aling Filomena: Aba, si Henry. Tuloy ka.
Henry: Nandito po ba si Mark? Maaari po bang isama ko si Mark sa library? Manghihiram po kami ng
aklat.
Aling Filomena: Oo, maupo ka at tatawagin ko siya.
Henry: _____________________________.

V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Magtala ng sampung halimbawa ng mga Pangngalan. Isulat ito sa isang buong papel.

You might also like