You are on page 1of 10

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 4

Ikalawang Markahan

I. LAYUNIN
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, makakaya mo nang gawin ang sumusunod
Mga layunin sa pagkatuto:

 Nasususri and kahalagahan ng matalinong pagpapasya sa panganagasiwa ng likas na


yaman ng bansa. (AP4LKE-IIIb-d-3)
 Natatalakay ang ilang mga isyung pangkapaligiran ng bansa.
 Maiisa-isa ang mga isyung pangkapaligiran ng bansa.

II. NILALAMAN

Paksa: Ang Kahalagahan ng Matalinong Pagapapasya sa Pangangasiwa ng mga Likas na


Yaman ng Bansa

Kagamitan: Manila paper, Larawan,

Sanggunian: Araling Panlipunan 4 Ikalawang Markahan (Kagamitan ng mag aaral Pahina 1-18)

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag aaral


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin

Magandang araw mga bata! Magandang araw aming guro,

Lysa, maari mo bang pangunahan ang pambungad na panalangin


para sa araw na ito? Opo maa’m
Sa Ngalan ng Ama, ng Anak ng
Espirito Santo Amen. Panginoon
maraming salamat po sa
magandang araw na ipinagkaloob
nyo sa amin at salamat dn po sa
pagkakataon na kami ay
makakapag aral. Nawa po ay
marami po kaming mapulot na
aral sa araw na ito patuloy mo po
2. Pagbati at pagtatala ng lumiban kaming gabayan pati narin ang
Magandang araw muli mga bata! aming guro at aming magulang
amen. Sa ngalan ng Ama, ng Anak,
Bago umupo pakitingnan ang paligid kung may kalat at kung may ng Espirito Santo Amen.
nakikita pakipulot at ilagay sa tamang basurahan. Kung wala
man ayusin ang upuan at umupo ng tahimik. Magandang Araw po Maa’m

May lumiban ba ngayong araw?


Mabuti naman kung ganon. ( Ang mag aaral ay mamumulot ng
kalat at uupo ng tahimik
Kamusta naman ang inyong araw

Bago tayo dumako sa ating talakayan ano ang nais ng inyong Wala po.
guro habang nag kaklase o ano ang alituntunin na dapat sundin?

Mabuti naman po

Mahusay mga bata, ngayon hand ana ba kayong making?

Makinig ng mabuti sa guro.


3. Balik Aral sa nakaraang aralin Huwag maingay at huwag makipag
Bago tayo dumako sa paksa na ating tatalakayin ano ano nga ang kwentuhan sa katabi.
likas na yamang bansa mayroon tayo? Tumaas ang kamay kapag may
nais sabihin.

Opo.
Mahusay mga bata maari nyo bang ibigay ang kahulugan nito

O sige ikaw John

Likas na yamang tubig


Likas na yamang lupa
Likas na yamang mineral
Likas na yamang gubat

Maa’m ako po
Ang tinatawag na yamang lupa ay
tumutukoy sa mga bagay,
produkto, pangangailangan o
pagkain, na karaniwang
matatagpuan at makikita lamang
sa mga anyong lupa.

Ang tinatawag na yamang dagat


naman ay tumutukoy sa mga
produkto, pangangailangan o
pagkain, na karaniwang
matatagpuan at makukuha
lamang sa mga anyong tubig o
karagatan.
Ang yamang mineral tulad ng
ibang likas na yaman sa bansa ay
mula sa kalikasan. Natural ito at di
gawa ng tao. Makukuha ito sa
pamamagitan ng pagmimina.

Maari nyo bang bigyan ng limang palapak si Jhon para sa


mahusay na paglalahad ng kanyang natutunan? Opo

(Nagbigay ng limang palakpag ang


mag aaral)
Mahusay mga bata ngayon alam na ni maam na may natutunan
kayo sa nakaraang aralin.

B. Paglinang na Gawain
1. Pagganyak

Ngayon hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat kung saan


mayipapakita ako sa larawan at gamit ang malinis na papel pag
iisipan niyon kung ano ang nais ipakita ng larawan at pipiliin niyo
sa baba ang tamang sagot.
( Ang guro ay may ipapakita nalarawan)

Naiintindihan ba mga bata?

Sa loob ng 10 minuto kailangan matapos na kayo. Maari na Opo


kayong magsimula.
(Ang mag aaral ay tahimik na
gumagawa ng gawain)
C. Paglalahad
Ngayon maaari nyo bang sabihin sa klase ang koneksyon ng
larawan sa ating paksa? Maa’m ipinapakita po sa larawan
ang maaring mangyari kung tayo
Magaling Janice! ay magiging pabaya sa ating
kapaligiran
Maari kabang magbigay ng halimbawa na sanhi ng pagkakaroon
ng baha kim?

Mahusay! Pagtatapon po maa’m ng basura


sa kapaligiran.
Ngayon nagkakaroon na kayo ng ideya sa ating paksa making
kayo sa tatalakayin natin upang mas maunawaan ang paksa
kung saan ng aba patungkol ang ating paksa.

Ang industriyalisasyon ay ang panahon ng panlipunan at pang-


ekonomiyang pagbabago na humuhulma sa isang samahan ng
mga tao mula sa magsasakang lipunan patungo sa isang
lipunang industriyal, kabilang ang malawakang reorganisasyon
ng isang ekonomiya para sa pagmamanupaktura.
Habang tumataas ang mga kita ng mga manggawang industriyal,
ang merkado at iba't ibang klaseng mga serbisyo ay maaring
lumawig at magbigay ng karagdagang stimulus sa pang-
industriyang pamumuhunan at pag-unlad ng ekonomiya.

Mabuting Epekto

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga maaaring maging


mabuting epekto ng industriyalisasyon

1. Ang mabuting epekto ng industriyalisasyon ay


pagpapabuti ng ating buhay.  
2. Nakakalikha din ito ng mga trabaho para sa mga
mamamayan.  
3. Nabibigyan ng hanapbuhay ang mga tao.  
4. Nagkakaroon ng pag unlad sa medisina.  
5. Nakakatulong ito sa mas maayos na pagpaplano ng
paggamit ng mga yamang likas na makikita sa paligid

Masamang Epekto

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga maaaring maging


masamang epekto ng industriyalisasyon

1. Nagkakaroon ng polusyon sa lupa


2. Nagkakaroon ng polusyon sa tubig
3. Nagaganap ang deforestation
4. Maraming mga hayop ang nawawalan ng tirahan dahil sa
pagkalbo ng kagubatan
5. Pagkakaroon ng global warming

Global Warming
Ito ay ang pagtaas ng temperature ng atmospera ng
mundo sanhi ng chlorofluorocarbons na nanggagaling sa mga
industriya at maging sa kabahayan. Ang mataas na temperatura
ay maaaring magresulta ng greenhouse effect o pagkakakulob ng
init ng araw na nakaaapekto sa kalusugan at maging sa mga
pananim.

 Gumam
it ng
mas

kaunting sasakyan at mas maraming pampublikong


sasakyan. Kung pinapayagan ito ng lupain sa iyong lugar,
gamitin ang bisikleta upang bawasan ang mga emisyon
ng CO2.
 Gumamit ng mga kagamitang mababa ang
pagkonsumo. I-off ito kapag hindi ginagamit at ayusin
ang thermostat sa heating o cooling equipment.
 Kumain ng lokal na pagkain. Sa ganitong paraan
maiiwasan mo ang mga pagpapadala ng emisyon.
 Magtipid ng tubig. Panatilihin ang normal na operasyon
ng system sa pamamagitan ng pag-off ng gripo kapag
hindi ginagamit.
 Gumamit ng mga produktong nabubulok. Samakatuwid,
maiiwasan mo ang kontaminasyon ng mga plastik,
pestisidyo o mga ahente sa paglilinis na nakakapinsala sa
kapaligiran.
 Kumonekta sa mga kapitbahay upang magbahagi ng
mga alternatibo. Ang mga grupong ito ay mahalaga sa
paghingi ng mga napapanatiling hakbang mula sa mga
awtoridad.

Pagbaha at Pagguho ng Lupa

Ang pagbaha at pagguho ng lupa ay bunga ng walang habas


na pagpuputol ng malalaking punongkahoy sa kabundukan at
kagubatan. Ang patuloy na pagputol ng mga puno ay dapat
bigyang pansin dahil sa pagbaha at pagguho ng lupa ay nagiging
sanhi ng pagkasira ng mga pananim at ari- arian. Ito rin ay
epekto rin pagkakaingin o pagsusunog sa kagubatan para
makagawa ng mga uling, upang pagtamnan ang mga lupa o
pagtatayuan ng tirahan o komersiyal na gusali.

Polusyon
Ang polusyon ay isa rin sa mga isyung pangkapaligiran na
nakaaapekto hindi lamang sa kalusugan ng tao kundi maging sa
mga likas na yaman. Ang usok at langis mula sa mga pagawaan
at sasakyan ay nakadurumi sa hangin at katubigan na maaaring
maging sanhi ng pagkakasakit ng mamamayan.

Ang climate change ay pag-iiba-iba ng klima ng mundo


na nakaaapekto rin sa bansa dahil sa dala nitong mga epekto
gaya ng pagbaha.

Paraan upang maiwasan ang polusyon:

• Sumakay sa pampublikong sasakyan o maglakad


• Bawasan ang paggamit ng mga plastic
• Huwang magtapon sa katubigan

Gawain: Jigsaw (25 minutes)


Bago magbahagi ang guro ng gawain ipapaliwanag ng
guro ang gawain na gagawain ngayong araw.

 Pagsasagawa ng gawain ang guro ay hahatihatiin


ang mag aaral sa tatlong pangkat kung saan
maibabahagi nila ang kanilang sarisariling
opinyon tungkol sa maganda at d magandang
dulot ng industriyalisasyon.

 Ang bawat grupo ay magsasama sama at


magbabahagian ng kanya kanyang opinyon
tungkol sagawain.

 Guguhit nila ang kanilang opinyon sa isang


manila paper at may isang magiging isang lider
na magpapaliwanag tungkol sa opinyon ng
kaniyang grupo ukol sa gawain.

Magbibigay anf guro ng manila paper sa bawat


grupo.

(Naiintindihan ba mga bata?)

Panuto:
 Gamit ang manila paper na ipinamahagi iguhit
ang masama at magandang epekto ng
industriyalisasyon. Siguraduhing
maipapaliwanag ng maayos ang iginuhit sa
manila paper.
 Dapat maipapakita ang pakikilahok ng bawat
miyembro sa gawain.
 Gawin ito sa inilaang 25 minutos.
 Maging orihinal ang mga opinyon at
siguraduhing hindi tumulad sa ibang grupo.
 Pagkatapos mag presenta ng naturang lider ng
grupo ang ilang grupo ay magtatanong at
sasagutin naman ito ng ilang miyembro ng grupo
at bibigyan ng limang minute upang sagutin ang
inilaan na katanungan ng grupo.

Opo.

D. Pagbubuod
(Magtatanong ang guro)
(Sasagot ang mga bata)
1. Ano ang maganda at di magandnag epekto ng
industriyalisasyon?
2. Ano ang mga ilang suliranin sng ating kinahaharap sa
isyung pang kapaligiran?
3. Ano ang maaari mong gawin sa klase upang
maiwasan ang mga suliranin na kinahaharap sa
paksa?
4. Bilang kabataan paano ka makakatulong sa iyong
bansa upang maiwasan ang ilang isyung pang
kapaligiran?
Tandaan:
 Ingatan natin ang ating kapaligiran sapagkat kung hindi
natin ito pangangalagaan sa aaitin din ito makakaapekto.
 Maging matalino tayo sa pagpapasya sa bawat kilos na
gagawin natin patungkol sa ating kapaligiran
 Tungkulin nating mga tao na pangasiwaan at alagaan
ang ating paligid dahilito lang ang ating maiituring na
yaman.

E. Pahuling Pagtataya
Panuto: Basahin ang mga pahayag at isulat ang letrang T kung
tama ang isinasaad at M naman kung mali. Gawin ito sa inyong
activity notebook.

____1. Bawat pagbabago at pag-unlad ng isang bansa ay may


kaakibat na epekto sa kapaligiran.
____2. Ang greenhouse effect o pagkakakulob ng init ng araw ay
nakaaapekto sa kalusugan at maging sa mga pananim.
____3. Ang patuloy na pagputol ng mga puno ay isa sa mga
isyung pangkapaligiran sa kasalukuyan na hidi dapat bigyan ng
pansin.
____4. Ang usok at langis mula sa mga pagawaan at sasakyan ay
nakadurumi sa hangin at katubigan na maaaring sanhi ng
pagkakasakit ng mamamayan.
____5. Ang pag-init ng atmospera na maaaring sumira sa ozone
layer o global warming.

F. Takdang Aralin
Panuto: Ipaliwanag ang sumusunod. Isulat ang sagot sa
activity notebook.

1. Bilang mag-aaral sa ikaapat na baitang, paano ka


makatutulong sa pagbawas o pagpigil sa mga epekto
ng global warming?

Sagot:
____________________________________________

2. Paano mo ibabahagi sa iba ang tungkol sa mga isyung


pangkapaligiran at pagtugon sa mga isyung ito?

Sagot:
____________________________________________

At hanggang dito nalang ang ating talakayan mga bata


maaari nyong tingnan ang paligid kung may kalat at
pulutin ito at iapon sa basurahan at pagkatapos ay
maari na kayong tumayoat mag ingat sapag uwi.
Paalam mga bata hanggang sa muli. Paalam Bb. Gladys, Salamat po.

Inihanda ni:

Alzaga, Gladys T.

BEED 2 MULANAY

You might also like