You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan IV

I. Layunin : Sa pagtapos ng aralin ang mga mag aaral ay inaasahang:

A. Natutukoy ang ilang halimbawa ng kulturang Pilipino sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas

B. Natatalakay ang kontribusyon ng iba’t ibang pangkat sa kulturang Pilipino

II. Paksang Aralin

Paksa : Kulturang Pilipino

Kagamitan : mga larawan ng iba’t ibang pangkat etniko, mapa ng Pilipinas, manila paper, at

panulat

Sanggunian : Yunit 2, Aralin 12, LM, pp. 177-191

K to 12-AP4LKE-IIf-7

III. Pamamaraan.

A. Panimulang Gawain

-Pagdarasal

-Pagbati ng Guro

-Pagtatala ng liban

B. Panlinang na Gawain

1. Balik-Aral

Bakit mahalaga ang Pagkakaroon ng hanapbuhay ng mga Tao?

2. Pagganyak

(Laro ng pangkatan. Mag-uunahan ang mga bata sa pagbuo ng puzzle.)

(Larawan ng mga halimbawa ng iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas)

Ano ang larawan ang nabuo Ninyo?

Itanong:

Ano ang mga nakikita ninyo sa mga larawan?

3. Paglalahad

Tatalakayin natin ngayong umaga ang mga halimbawa ng kulturang Pilipino sa iba’t
ibang rehiyon ng Pilipinas at kung ano-ano ang mga kanilang kontribusyon sa kulturang Pilipino.
4. Pagtatalakay

Gumamit ng mga larawan ng halimbawa ng kulturang Pilipino sa iba’t ibang rehiyon

sa Pilipinas.

Pag-usapan ito.

Ipapaliwanag ang mga katangian o kung ano ang kanilang kontribusyon sa kanilang

Rehiyon.

5. Paglalapat

Ang mag-aaral ay kinakailangan na Pumili ng isang Kulturang Pilipino at kanilang

Ipapaliwag kung bakit ito ang kanilang napili.

Babasahin ang kanilang ginawa sa harap ng kanilang ka mag-aaral.

6. Paglalahat

Bakit mahalaga ang ating sariling kultura?

Paano ito nakakatulong sa atin?

IV. Pagtataya

Hatiin ang klase sa Dalawang pangkat, Gamit ang mapa ng Pilipinas, ipatukoy sa mga bata
kung saang lalawigan matatagpuan ang iba’t ibang pangkat etniko ng bansa.

Bigyan ang bawat pangkat ng manila paper at panulat.

V. Takdang-Aralin:

Bawat isa ay pipili ng isang pangkat etniko mula sa tatlong malalaking pulo sa bansa at
ipapaliwag kung bakit ito ang iyong napili at Hindi ito dapat bumaba ng higit 300 na mga salita.

Isulat ito sa isang buong papel.

Prepared by: CHRISTIAN C. MANAGUICON

You might also like