You are on page 1of 1

1. Saang bansa unang nalikha ang Araling Panlipunan?

2. Anong asignatura ang nalikha ng National Education Academy sa Estados Unidos noong 1916
para matugunan ang pangunahing pangangailangan sa paglinang ng pagkamamamayan?
3. Ano ang depinisyon ng Araling Panlipunan na naglalarawan ng malawak nitong saklaw na
pinaghahanguan ng mga araling nagpapayaman sa nilalaman ng asignatura?

1. Ano ang kahulugan sa Ingles ng pang-unawang panlipunan?


2. Ano ang kagalingang sibika sa Ingles?
3. Ano ang organisasyon sa Araling Panlipunan sa Estados Unidos na namamahala sa paghubog sa
kurikulum ng asignatura?

Sumulat ng mga pangkalahatang layunin para sa mga sumusunod:

1. Sibika at Kultura (2)


2. Heograpiya, Kasaysayan at Sibika (2)
3. Araling Panlipunan (3)

Sumulat ng isang komprehensibong depinisyon ng Araling Panlipunan.

Tandaan Lang Natin

Ang araling Panlipunan ay core na asignatura sa batayang edukasyon sa mahabang panahon.


Subalit sa implementasyon ng 2002 Basic Education Curriculum naging pangunahing komponente ito ng
Makabayan, ang ikalimang saklaw ng aralin (learning area) sa mga paaralang sekondarya at
elementarya. Mahalahang papel ang ginagampanan ng Araling Panlipunan sa paglinang ng mabuting
mamamayan.

Bukod sa mga naturang mayaman sa mga aralin ang Araling Panlipunan, sa katunayan,
humahango ito ng mga aralin/konsepto/ paglalahat sa mga disiplina ng Agham Panlipunan, natural na
agham at humanidades. Ang mga disiplina ng agham panlipunan (social sciences) na pinanggagalingan
ng mga aralin ay ang antropolohiya, sosyolohiya, agham pampulitika, heograpiya, kasaysayan,
ekonomoks at sikolohiya. Humahango rin ng mga aralin ang Araling Panlipunan sa humanidades tulad ng
sayaw, musika, sining, duplo, balagtasan, arkitektura at iba pa. Lahat ng mga ito ay naisasagawa sa
pagproseso ng mga aralin sa pamamaraang integratibo, interaktibo at kolaboratibo.

You might also like