You are on page 1of 6

Mala- masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan V

I. Layunin Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral sa ika-limang


baitang ay inaasahang magagawa ang mga sumusunod:

1. Natutukoy ang mga uring panlipunan na mayroon ang


sinaunang Pilipino.
2. Nabibigyan ng halaga ang barangay at sultanato bilang
organisadong Lipunan.
3. Naipapakita ang kaibahan ng maginoo, maharlika,
timawa at alipin.

A. Pamantayang Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman


Pangnilalaman sa kasanayang pangheograpiya, ang mga teorya sa
pinagmulan ng lahing Pilipino upang
mapahahalagahan ang konteksto ng lipunan/pamayanan
ng mga sinaunang Pilipino at ang kanilang ambag sa
pagbuo ng kasaysayan ng Pilipinas.

B. Pamantayan sa Naipamamalas ang pagmamalaki sa nabuong kabihasnan


Pagganap ng mga sinaunang Pilipinogamit ang kaalaman sa
kasanayang pangheograpikal at mahahalagang konteksto
ng kasaysayan ng lipunan at bansa kabilang ang mga
teorya ng pinagmulan at pagkabuo ng kapuluan ng
Pilipinas at ng lahing Pilipino.

C. Mga kasanayan Natatalakay ang mga uri ng lipunan sa iba’t ibang bahagi
sa Pagkatuto ng Pilipinas
(Isulat ang code AP5PLP-If-6
ng bawat
kasanayan)
II. Nilalaman
A. Paksa Mga Uring Panlipunan sa Barangay at Sultanato:
Organisasyong panlipunan: Barangay at Sultanato, mga
uring Panlipunan

B. Values Respeto at pagkakaunawaan.


Integration
C. Tinatayang Oras 50 minuto
III. Kagamitang Mga larawan, laptop at telebisyon
Panturo
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa UNANG MARKAHAN – Mga Sinaunang Lipunang Pilipino
Kagamitang Ap5plp-if-6
Pangmag-aaral
3. Karagdagang YOUTUBE
Mga Materyales https://www.youtube.com/watch?v=TltEvsH0lB0
mula sa YOUTUBE
Learning https://www.youtube.com/watch?v=l_l9lPLHcoY
Resource (LR)
portal
B. Iba pang Laptop, Powerpoint, Telebisyon, Mga larawan
Kagamitang
Panturo
IV. Pamamaraan
Panimulang a. Panalangin
Pamamaraan/Panimula
ng Gawain b. Pagbati
c. Pagsasaayos ng silid aralan
d. Pagsiyasat sa lumiban
A. Balik-aral o  Itanong sa mga mag aaral ang mga sumusunod na
pagsisimula ng katanungan:
bagong aralin
1. Ano ang ating huling itinalakay?
a. ano ang pinagmulan ng pilipinas at mga
sinaunang Pilipino?
b. ibigay ang tatlong phenomena na
pinaniniwalaan ng maraming siyentipiko na
sanhi ng pagbuo ng pilipinas?

B. Paghahabi sa  Ipabasa sa mga mag aaral ang mga sumusunod na


layunin ng aralin alituntunin ng silid aralan:

Panuto: hulaan ang mga salitang inyong mabubuo


kung pagsasamahin ang mga ideyang nasa larawan at
mga letra.

1.

TANATO

2.

ANGAY

3.

PAN PU
C. Pag-uugnay ng mga Istratehiya: “Hanapin Mo Ako”
halimbawa sa bagong
aralin Panuto: Hanapin sa loob ng puzzle ang mga salita na sa
tingin ninyo ay may kinalaman sa ating tatalakayin
ngayong araw. Paalala (7) pito lamang na mga salita ang
inyong hahanapin.

B A R A N G A Y U I
Q S U L T A N A T O
P U A E C D O L V H
D L I C X Z Q I G M
A T I M A W A P Y X
T A B C D H J I K E
U N S Q Y B S N S A
A K I L R A H A M F
D. Pagtatalakay ng Organisasyong Panlipunan: Barangay at Sultanato
bagong konsepto at  Ang mga ninuno nating Austronesyano ang
paglalahad ng bagong sinasabing unang nagtatag ng lipunan sa kapuluan.
kasanayan #1
Barangay - hango sa salitang balangay na ang ibig
sabihin ay sasakyang pandagat.
Soberanya - kalayaan ng isang estado na ipatupad ang
mga hangarin nito.

Tagapamahala ng Sinaunang Barangay


 DATU - pinuno ng isang barangay.
 LAKAN - pangunahing datu na pinuno ng samahan ng
mga barangay.
 SANGGUNIAN - konseho ng matatanda na
tumutulong sa datu gumawa ng batas.
 UMALAHOKAN - tagapagsalita ng datu.

Antas ng Lipunan: Maginoo


 Pinakamataas na antas ito ng sinaunang lipunan.
Kinabibilangan ito ng mga datu, kanilang mga pamilya
at ng mga mayaman at maimpluwensiyang
mamamayan sa lipunan.

Antas ng Lipunan: Maharlika at Timawa


 MAHARLIKA - kinabibilangan ng mga mandirigma ng
datu.
 TIMAWA - kinabibilangan mga karaniwan at malayang
mamamayang ng barangay.

Antas ng Lipunan: Alipin


 Ang pagiging alipin ay maaaring matapos sa
pamamagitan ng pagbabayad ng kanilang utang o
sa pagtatapos ng kanilang paninilbihan.

Dalawang uri ng alipin


 Aliping Namamahay – maaaring magkaroon ng
ari-arian at asawa.
 Aliping Saguiguilid – hindi maaaring magkaroon
ng ng mga ari-arian at kinakailangang humingi ng
pahintulot sa kaniyang panginoon upang makapag-
asawa.

SULTANATO
 Sinaunang uri ng pamahalaan na binubuo ng sampu
hanggang labindalawang nayon na may isang pinuno.
 Tinatawag na isang sultan ang pinuno ng sultanato.

E. Pagtatalakay ng Istratehiya: “Dapat Mong Malaman”


bagong konsepto at
paglalahad ng bagong Panuto: Sagutan ang sumusunod na mga katanungan.
kasanayan #2
1. Bakit sa tingin ninyo ay kailangan nating malaman ang
iba’t ibang tagapamahala ng Sinaunang Barangay?
2. Bakit sa tingin ninyo ay kailangan nating malaman ang
iba’t ibang tagapamahala ng Sinaunang Sultananto?
3. Batay sa mga uring panlipunan na ating natalakay dapat
ba tayong pumili ng kaibigan ayon sa uri nito?

F. Paglinang sa Istratehiya: “Linangin Mo”


kabihasnan
(Indibidwal na Gawain)

Panuto: Sagutan ang sumusunod na mga katanungan.


Isulat ang inyong sagot sa ¼ na papel.

1. Ano ang pinakamataas na uri ng Lipunan.


2. Ang tawag sa alipin na maaaring magkaroon ng mga
ari-arian at asawa.
3. Ito ay kinabibilangan ng mga karaniwan at malayang
mamamayan ng barangay.
4. Ano ang tawag sa mga may utang na maaaring
matapos sa pamamagitan ng pagbabayad o paninilbihan?
5. Ano tawag sa kinabibilangan ng mga mandirigma ng
datu?

Istratehiya: “Ipakita Niyo Kung Sino Kayo”

(10 minuto)

(Pangkatang Gawain)

Panuto: Sa inyong grupo isadula ang mga katangian ng


isang maginoo, maharlika, timawa at alipin. Isadula
lamang kung ano ang nakatalagang paksa sa inyo.

Mga Pamantayan:

Nilalaman – 10%
Pagtutulungan – 5%
Kalinisan – 5%
---------------------------
Kabuohan – 20%

G. Paglalapat ng aralin Istratehiya: “Isapuso mo!”


sa pang-araw-araw na
buhay Panuto: ibigay ang mga hinihingi ng bawat katanungan.

1. Ano ang ibig sabihin ng salitang Barangay?


2. Ano ang ibig sabihin ng salitang Balangay?
3. Ano ang tawag sa namumuno sa isang Barangay?
4. Magbigay ng dalawang tungkulin ng isang Datu.
5. Ano ang ibig sabihin ng salitang Sultanato?

H. Paglalahat ng aralin ISAISIP MO!

Panuto: Sagutan ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang


sagot sa iyong papel.

1. Ano ang mga uring panlipunan na mayroon ang


sinaunang Pilipino?
2. Ano ang kahalagahan ng barangay at sultanato bilang
organisadong Lipunan.
3. Ano ang kaibahan ng maginoo sa alipin?
4. Ano ang kaibahan ng Maharlika sa timawa?

I. Pagtataya ng aralin SUBUKIN MO!

Panuto: Basahing mabuti piliin at isulat ang titik ng


tamang sagot.

1. May takdang aralin ang iyong pinsan sa Araling


Panlipunan tungkol sa namumuno ng Pamahalaang
Sultanato? Ano ang isasagot mo sa kanya?
A. Sultan B. Datu C. Kapitan D.Meyor

2. May pagkakatulad at pagkakaiba ang sistaa


ngpamamahala ng Pamahalaang Barangay at
Pamahalaang Sultanato. Saan sila nagkakatulad?
A. Pagtitinda C. Pamimili
B.Pagpapatupad ng batas D. Pakikipagkalakan

3. Sa pamahalaang Sultanato ay may mga tungkuling


ipinatutupad, ano-ano ang mga ito?
A. pansibil at panrehiyon C. Panlokal at panrelihiyon
B.Pampulitika at panlokal D. Pansibiko at panlokal

J. Karagdagang Takdang Aralin:


Gawain para sa
takdang aralin at Panuto: Ihambing ang pamahalaang sultanato sa
remediation pamahalaang barangay ngayon. Punan ang tsart sa ibaba.

Palatandaan Sultanato Barangay


1. Tawag sa
pinuno
2. Tawag sa mga
taong may
katungkulan
3. Tungkulin ng
pinuno
4. Tungkulin ng
tagasunod
V. Mga Tala
Vl. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral
na makukuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mga mag-


aaral na
nangangailangan ng iba
pang Gawain para sa
remediation.

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mga
mag-aaral na nakaunawa
sa aralin?

D.Bilang ng mga mag-


aaral na magpatuloy sa
remediation?

E. Alin sa estratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
ng lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang


aking naranasan na
solusyon sa tulong ng
aking punong-guro at
superbisor?

G. Anong kagamitang
pangturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

You might also like