You are on page 1of 9

DETALYADONG BANGHAY SA ARAL-PAN

I. LAYUNIN:
Sa katapusan ng aralin ang mag aaral ay inaasahan na:

A. Pamantayang Nilalaman Naitatalakay ang konsepto ng bansa.


B. Pamantayan sa Pagganap Mauunawaan ang kahalagahan ng konsepto ng bansa.
C. Pamantayan sa Pagkatuto Naipapaliwanag ang apat na elemento ng bansa at
kahalagahan nito.

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


I. Nilalaman Konsepto ng Bansa
II. Paksang Aralin
Sanggunian  Araling Panlipunan
Curriculum guide Page: 85
 (AP4AAB-Ia-1)

Kagamitang Panturo tsart, pentepen, laptop, manila


paper, mga flashcards
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
 Panalangin Bago natin simulan ang ating
talakayan ngayon magdadasal
muna tayo. Inaanyayahan ko si
Maricar na pumunta dito sa
harapan at manguna sa ating
pagdarasal. (pumunta ang bata sa
harapan at nanguna sa
pagdarasal.
 Pagbati Magandang hapon mga bata. Ako
nga pala si Binibining Myra ang
inyong guro sa asignaturang Aral
Pan.
Magandang hapon po
Binibing Myra. Kami ay
nagagalak na makilala
Kayo ba ay nasasabik na may kayo.
matutunan bago ngayong hapon?

Magaling mga bata! Kami ay nasasabik po na


may matutunan ngayong
Bibinibi.
 Pagtala ng liban sa klase Ngayon, sino ang lumiban sa ating
talakayan?
Wala po Binibini, kami ay
kompleto
Magaling!
 Bahay Patakaran Ngayon, bago natin pormal na
simulan ang ating talakayan
hayaan ninyong ipakilala ko sa
inyo ang ating bahay patakaran.

 Balik-aral Kahapon sa ating talakaya ay


pinag uusapan natin ang iba’t
ibang anyong lupa at anyong
tubig. Magbigag nga kayo ng mga
halimbawa ng anyong tubig. Sige
nga ________?
Dagat po!
Magaling! Ano pa?
Ilog po!
Tama! Ngayon naman ay bigyan
niya ako ng iba’t ibang uri ng
anyong lupa. Sige nga _______?

Magaling! Ang mga iyon ay ang Mga burol po!


iba’t ibang anyong tubig at
anyong lupa na makikita rin sa
iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

B. Paglinang ng Gawain
Pagganyak (Motivation) Ngayong mga bata may
ipapagawa ako sa inyo. Nasasabik
naba kayo?
Kami ay nasasabik na po
binibini.
Magaling! Ipapangkat ko kayo sa
apat (4) na pangkat. May ibibigay
ako sa inyong nga nakahalong
letra at inyo itong bubuin.
Pagkatapos niyong mabuo ang
salitang iyon ay kumuha kayo ng
larawan na sa tingin niyo ay
tumugma sa salitang inyong
nabuo. Naintindihan bam ga bata?

Opo Binibini,
naiintindihan.

(napangkat na ang mga


bata)

Gawain Direksiyon. Buuin ang mga


nakahalong letra at itugma sa
larawan na sa tingin niyo ay
tugma sa nabuo niyong salita.
1. PAMAHALAAN
2. SOBERANYA
3. TERITORYO
4. TAO

MGA LARAWAN

(Ginawa na ang kanilang


pangkatang Gawain)

Pagsusuri Ngayon mga bata ano ang inyong


napapansin sa ginawang gawain o
binubuong salita?
Bumuo po kami ng
salitang tao.

Bumuo po kami ng
salitang pamahalaan
binibini.

Bumuo rin po kami ng


salitang teritoryo.

Magaling mga bata! Palakpakan Kami rin ay nakabuo ng


niyo nga ang mga sarili. salitang soberanya.
(FIREWORKS CLAP)
Pagtatalakay Sa inyong binubuong mga salita
kanina mga bata, ano sa tingin
niyo ang pag uusapan natin?

Wala po kaming ideya


Okay, mga bata. Binibini,
Ngayong hapon tatalakayin nating
ang tungkol sa “Konsepto ng
Bansa”.
Kung bakit nga ba tinatawag na
bansa ang isang lugar? Ano ang
mga elemento meron ito?
Nasasabik naba kayo na malaman
ito?

Magaling! Kami ay nasasabik po


Alam niyo ba ang bansa ay lugar o Binibini.
teritoryo na may naninirahang mga
grupo ng mga tao na may
magkakatulad na kulturang
pinanggalingan kung saan makikita
ang iisa o pare- parehong wika,
pamana, relihiyon at lahi.

Ang isang bansa ay maituturing na


bansa kung ito ay binubuo ng apat na
elemento ng pagkabansa- tao,
pamahalaan, teritoryo, at ganap na
kalayaan o soberanya.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng mga


elemento na ito mga bata?

 TAO- Ang tao ay tumutukoy


sa grupong naninirahan sa
loob ng isang teritoryo na
bumubuo sa populasyon ng
(nag iisip)
bansa.

Ganyan ako, ikaw, tayo kahalaga sa


isang bansa mga bata dahil kung wala
tayo, hindi ito matatawag na bansa.
Tama ba?

 TERITORYO- Ang
teritoryo ay tumutukoy sa
lawak ng lupain at katubigan
kasama na ang himpapawid
at kalawakan sa itaas nito. Ito
rin ang tinitirhan ng mga tao Opo Binibini
na pinamumunuan ng
pamahalaan.

 PAMAHALAAN- Ang
pamahalaan ay isang
samahan o organisasyong
polotikal na itinataguyod ng
mga grupo ng tao na
naglalayong magtatag ng
kaayusan at magpanatili ng
isang sibilisadong lipunan.
 SOBERANYA- O ganap na
Kalayaan ay tumutukoy sa
kapangyarihan ng
pamahalaang namamahala sa
kaniyang nasasakupan.
Tumutukoy rin ito sa
kalayaang magpatupad ng
mga programa nang hindi
pinakikialaman ng ibang
bansa.

DALAWANG ANYO NG
SOBERANYA

PANLOOB- Ang panloob na


soberanya ay ang
pangangalaga ng sariling
Kalayaan.

PANLABAS- Ang panlabas


na soberanya ay ang
pagkilala ng ibang bansa sa
kalayaang ito.

Hindi maituturing na bansa


ang isang bansa kung may isa
o higit pang kulang sa
alinman sa apat na binanggit
na element o katangian.

Sa kasalukuyan, may higit na


200 bansa ang nagtataglay ng
apat na element ng pagiging
ganap na bansa. Kabilang
ang Pilipinas sa mga bansang
ito.

Yon ang elemento ng bansa mga


bata. Kung kulang ang elemento ng
isa hindi maituturing na bansa ang
isang bansa dahil dapat kompleto ang
apat na elemento.

Naiintindihan niyo ba ang ating


talakayan mga bata?

Opo binibini naiintidihan.


Paglalapat Ngayon mga bata may gagawin na
naman tayong pangkatang gawain.
Paghahatiin ko kayo sa apat na
pangkat.
Gumuhit kayo ng saranggola sa
aking binigay na manila paper .
Isulat sa apat na bahagi ng
saranggola ang mga elemento ng
bansa na dapat meron ito upang
matawag na bansa. Pagkatapos ay
ipaliwanag ang mga elementong
ito.
Gawing gabay ang rubriks sa
ibaba. May limang minuto lang
kayo para gawin ang gawain na
ito pagkatapos ay ipresenta ninyo
sa harap.

Rubriks

(ginagawa ang pangkatang


(natapos na ang limang minuto) gawain)
Ngayon mga bata ipresenta niyo
ang iyong gawain. Pumili lamang
ng isa sa inyong mga kagrupo na
mag presenta.

Magaling mga bata naiintindihan


niyo talaga ang ating talakayan.
Bigyan nga natin ng “magaling ka (nagpresenta na ang bawat
clap” ang ating mga sarili. grupo)

Ngayon mga bata may gagawin


naman tayong gawaing
indibidwal. Kumuha kayo ng isan
buong papel at sagutan itong
gawain sa loob ng limang minuto.

Gawain II: Tukuyin mo!


Panuto. Tukuyin ang mga salita sa
crossword puzzle sa tulong ng
mga gabay sa ibaba. Pagkatapos,
isulat sa sagutang papel ang titik
ng iyong sagot sa mga kahon.

(natapos na ang limang minuto at


ating ng iwasto ang inyong
gawain)

(Ginawa na ang gawain.)

IV. Pagpapahalaga Nauunawaan niyo naba kong


gaano kahalaga ang konsepto ng
bansa?
Nauunawaan napo
binibini, kung wala ang
elemento ng bansa hindi
matatawag ang bansa na
pilipinas.
V. Paglalahat Upang ubuod ang ating talakayan
ano ano nga ulit ang mga
elemento ng isang bansa
________.
Mga tao po!
Tama, ano pa? __________.
Ang teritoryo po!

Mahusay, ano pa? Sige nga _____


?
Pamahalaan

Mahusay, ano pa? Sige nga


_______.
Soberanya po!

Magaling, ito nga ang mga


elemento ng isang bansa hindi
masasabing bansa ang isang bansa
kung wala ang isa sa mga ito.

VI. Pagtataya I. Basahin ang mga sumusund.


Isulat sa patlang ang T kung ito ay
tumutukoy sa mga Tao,TE kung
ito ay teritoryo, P kung tumutukoy
sa Pamahalaan at S kung
tumutukoy sasoberanya.

___1. 7,641 Pulo ng pilipinas. 


___2. Wika
___3.Presidente ng Pilipinas. 
___4.Kalayaang makapag-aral. 
___5.Iisang kultura. 
___6.Kikilala ng ibang bansa. 
___7.Himpapawid 
___8.Karagatan 
___9.Pilipino 
___10.Mga Namumuno ng bansa.

II. Tama o Mali

1. Ang bansa ay isang teritoryo


na pinamumunuan ng isang
pamahalaan at kinikilala ng
mga ibang bansa sa
pandaigdigang komunidad.
2. Ang pagiging isang bansa ay
nakadepende sa dami ng mga
tao na naninirahan sa isang
lugar.
3. Ang bansa ay mayroong
sariling kultura, tradisyon, at
paniniwala.
4. Ang pagkakaroon ng isang
bansa ay nakadepende lamang
sa pangalan nito.
5. Ang mga mamamayan ng
isang bansa ay mayroong mga
karapatan at tungkulin sa
pamahalaan, tulad ng pagboto
sa halalan.
6. Ang bansa ay kinakailangan
na magkaroon ng parehong
paniniwala at kultura upang
magtagumpay.
7. Ang bansa ay mayroong
sariling watawat, himno, at
iba pang mga simbolo na
nagpapakita ng pagkakaisa at
pagmamahal sa bansa.
8. Ang pagiging isang bansa ay
nakadepende sa lahi o kulay
ng balat ng mga mamamayan
nito.
9. Ang bansa ay mayroong
sariling ekonomiya at
nakikipag-ugnayan sa ibang
bansa sa pandaigdigang
merkado.
10. Ang pagkakaroon ng isang
bansa ay nakadepende sa
pagiging mayaman o mahirap
ng mga mamamayan nito.

VII. Takdang Aralin Gumawa ng talakayan tungkol sa


konsepto ng bansa at kung paano
ito nakakaapekto sa buhay ng mga
mamamayan nito.

Tapos na bang isulat ang inyong


takdang aralin? Ngayon, pulutin ang
mga kalat sa ilalim ng inyong
Upuan

Paalam na mga bata?

Paalam po binibining
Myra at Irenea.

You might also like