You are on page 1of 8

Detalyadong Banghay-Aralin sa Edukasyon

sa Pagpapakatao Baitang Grade IV

Dinisenyo nina:
 Almarez, Zyrel Ann D.
 Antig, Baby Jane P.
 Bagsit, Kemuel G.
 Espiritu, Catherine Rose R.
 Ilagan, Apple Jane D.
 Ladon, Lyka P.

I. Mga Layunin
 Matutukoy ang kahalagahan ng mga salita at gawa na nagpapakita ng
paggalang sa iyong kapwa, sa paaralan o sa pamayanan.
 Mailalarawan ang mga nararapat gawin at sabihin na nagpapakita ng
paggalang sa iyong kapwa, sa paaralan o sa pamayanan.
 Mabibigyang halaga ang mga salita at gawa na nagpapakita ng
paggalang sa iyong kapwa, sa paaralan o sa pamayanan.

II. Nilalaman
A. Paksa: Sa Salita at Gawa: Ako’y Magalang
B. Mga Kagamitan: Manila Paper, Mga Lawaran at Activity Sheet
C. Reperensya: Edukasyon sa Pagpapakatao: Kagamitan ng Mag-aaral
https://esppnu3b.wordpress.com/2016/12/19/grade-2-
outline/
https://images.app.goo.gl/dAhJgmDU3x3ppWYd7
III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Balik-aralin
B. Paghikayat
 Mga bata, mayroon akong
inihandang tula na pinamagatang
“Magalang na Pananalita”.
Basahin natin ng sabay sabay.
Handa naba kayo?  Opo, Ma’am

“Magalang na Pananalita”

Isang pagbati na may paggalang,


Kay sarap pakinggan sa batang
magalang,
Salitang “po” at “opo” na ating binibigkas,
Ang siyang lumalabas sa kanilang mga
labi.

“Maraming Salamat po”, “walang


anuman”
“Ikinalulungkot ko”, ay mapapakinggan.
“Tao po”, “tuloy po kayo” maaasahang
tunay
Mamumutawi sa labi ng batang
magalang.

Kaya’t ating turuan ang mga kabataan, na


maging magalang sa pakikipagtalastasan
Maging sa kapwa bata o magulang man,
Ito ang katangiang tunay na kinalulugdan.

 May natutunan ba kayo tungkol sa  Opo, Ma’am


tulang ating binasa?
 Ano-anong magagalang na salita  Po at Opo
ang nabanggit sa tula?  Maraming Salamat Po
 Walang anuman
 Tao po
 Tuloy po kayo

Mahusay!

 Sino namang may alam pa ng  Magandang Umaga po


ibang magagalang na salita na  Tulungan kona po kayo.
hindi nabanggit sa tula? Magbigay
ng isa.

Magaling!

 Ngayong may natutunan na kayo


batay sa tulang ating binasa
sisimulan naman natin ang bagong
aralin ngayong araw.

C. Paksang Aralin

Paglalahad
 May ipapakita akong larawan,
pagkatapos nito sasagutan ang
tatlong tanung na inihanda ko.
Naunawaan niyo ba? Okay po, Ma’am

1. Ano ang nakikita sa larawan? 1. Magagalang na bata at hindi


magagalang .
2. Alin sa mga larawan ang 2. Yun pong pang-una, tumatawid sa
nagpapkita ng paggalang. kalsada at yun pong pang-apat
may saklay.

3. Sa iyong palagay, bakit 3. Magandang tingnan ang

magandang tingnan ang magagalang na bata dahil

magagalang na bata? nagbibigay sila ng respeto sa


nakakatanda.

Magaling, Magaling!

Pagtalakay
 Pagmamano- Ito ay kaugalian ng
mga Pilipino upang ipakita ang
paggalang sa nakatatanda. Isang
magandang pag-uugali ng mga
Pilipino ang paghalik sa kamay o
pisngi at pagmamano sa
matatanda. Isang paraan ito ng
paggalang. Karaniwang ginagawa
ito ng mga bata matapos
magdasal ng orasyon, pagkagaling
sa simbahan, bago umalis ng
bahay, kapag may dumadating o
bumibisitang kamag-anak o
matanda, at kapag nakita at
nasalubong nila ang kanilang
ninong at ninang.
Maraming pwedeng gawin upang
magpakita ng respeto at may isang
paraan o kaugaliang nagpapakita
ng respeto at ito ay ang
pagmamano.

 Paggalang- ay pagpapalagay ng
mabuting hangarin at kakayahan
ng ibang tao sa sarili. Iba’t iba ang
paraan ng pagpapakita ng
paggalang lalo na sa mga
nakakatanda. Ang pagmamano ay
isang pagpapakita ng paggalang
na tanging sa mga Pilipino lamang
natin makikita. Dapat natin itong
panatilihin at huwag iwaksi sa
ating buhay. Ang pagpapakita ng
mga kaugaliang Pilipino gaya ng
mga nabanggit ay sadyang
napakasarap pakinggan at
nagpapakita ng respeto sa bawat
isa.

Pagsusuri  Pagmamano
 Ito ay nakaugalian ng mga Pilipino
na kahit san man sila pumunta ay
ginagawa nila ito.  Magdasal ng orasyon
 Karaniwang ginagawa ang  Pagkagaling sa simbahan
paghalik sa kamay o pisngi at  Bago umalis ng bahay
pagmamano sa matatanda  Kapag may dumadating o
matapos ang _____. Ibigay lahat bumibisitang kamag-anak o
ng nabanggit. matanda
 Kapag nakita at nasalubong ang
ninong at ninang.

Paglalahat
Tandaan:
 Lahat tayo ay dapat maging
magalang sa salita at gawa. May
ginagamit tayong salita upang
maipakita ang paggalang sa ating
kapwa, sa paaralan o sa
pamayanan.
 Ang paggamit ng magagalang na
katawagan, at mga salita ay tanda
ng pagiging magalan. Dapat natin
itong gamitin sa pakikipag-usap
sa ating kapwa, sa paaralan o sa
pamayanan.
Paglalapat

(Pagpapangkat ng klase sa Lima)

Direksyon: Ang bawat pangkat


ay gagawa ng sitwasyon na
ginagamitan ng “po at opo”.

IV. Pagsusuri
I. Isulat ang TAMA kung tama ang sitwasyon at MALI naman kung mali o
hindi dapat ang sinasabi sa sitwasyon. Isulat ang sagot sa patlang.

______ 1. Paggamit ng po at opo sa nakakatanda.


______ 2. “Ate susunod na lang po ako” sagot ni Francine.
______ 3. Paggamit ng ate o kuya sa nakakatandang kapatid.
______ 4. “Oo nakuha ko na” sagot sa nakakatandang kapatid.
______ 5. Paggamit ng “oo at hindi” sa lola at lolo mo.

II. Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Isulat ang dapat mong


sabihin upang maipakita ang paggalang sa kapwa.

1. Dadaan ka sa gitna ng dalawang tao na nag-uusap.


2. Bumisita ang punong-guro ng paaralan sa inyong silid-aralan.
3. Magpapaalam ka sa iyong guro upang pumunta ka sa palikuran.
4. Humihiram sa iyo ng aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao ang
iyong kamag-aral ngunit hindi mo pala dala ito.
5. Isinasauli mo sa kamag-aral mo ang hiniram mong krayola
pagkatapos mong gamitin.
V. Takdang-aralin
 Magpaprint ng limang (5) larawan na nagpapakita ng paggalang sa
kapwa, paaralan o sa pamayanan. Idikit ito sa long bond paper at
ipaliwanag kung bakit mahalaga ito.

You might also like