You are on page 1of 9

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 4

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan inaasahang ang mag aaral ay:
a) Natalakay ang mga pinagkukunan ng pangkabuhayan sa iba’t ibang lokasyon
ng bansa.(Cognitive)
b) Napahalagahan ang kapaligiran na pinagkukunan ng pangkabuhayan sa
pamamagitan ng wastong pangangalaga nito. (Affective)
c) Nakagawa ng isang mungkahing planong pangkabuhayan. (Psychomotor)
II. NILALAMAN
a) Paksa- Gawaing Pangkabuhayan ng Bansa
b) Sanggunian- Kayamanan ni ___________pahina___
AP Gabay Pangkurikulum pahina_________
c) Mga Kagamitan- Cartolina, Pentel pen, Mga larawan,laptop, powerpoint
presentation
d) Estratehiya- Role play and Simulation
III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. PANIMULANG GAWAIN

a. Pagdarasal/Pagbati
Magandang umaga mga mag- aaral! Magandang hapon din po titser!
Tayong lahat ay tumayo at manalangin. ( Lahat ay tumayo)

Ama, bantayan mo po ang iyong mga anak


sa araw na ito ng kanilang pag-aaral. Ilayo
mo po sila sa lahat ng panganib at sakuna
upang maipagpatuloy nila ang kanilang
mabubuting hangarin na matuto. Iligtas mo
po sila sa mga pagsubok na kanilang
makakasalamuha ngayong araw na ito.
Maraming salamat, Amang banal, sa iyong Amen.
mga biyaya. Amen.

(Inayos ng mga bata ang kanilang mga silid.)


b. Pagsasaayos ng Silid
Bago tayo magsimula isaayos muna ang
ating mga upuan upang maging komportable
tayong lahat bago mag simula ang talakayan.

c. Pagtala ng lumiban
Mayroon ba tayong liban ngayong araw? Wala po titser!

d. Balik- Aral
Bago tayo mag simula sa ating bagong
paksa , balikan muna natin ang ating napag
aralan kahapon.

Sino ang nakaka- alala ng mga ginawa at


tinalakay natin kahapon?
(Mga estudyante nag taas ng kamay.)
Ano ang iyong sagot Mary Ann?

Mary Ann: Kahapon po ang pinag usapan


natin ay tungkol sa pisikal na anyo ng ating
bansa. Tinalakay po natin ang mga anyong
lupa at tubig.
Halimbawa: Anyong lupa Burol, Bulkan,
Kapatagan at Anyong tubig Lawa, dagat at
Magaling ! Nakikita ko na lubos nga ninyong gulpo.
naintindihan ang ating mga tinalakay
kahapon. May mga katanungan pa ba? Wala na po titser!
Ngayon pwede na tayong mag simula sa
panibagong paksa na ating tatalakayin.

e. Pagtalakay ng mga Layunin


(Sasabihin at talakayin ang mga layunin)

May katanungan ba sa ating mga layunin


para sa paksang tatalakayin natin ngayon?
Wala po. Malinaw na po Titser
f. Pagganyak
Sa pagsisimula ng ating paksa magkakaroon
tayo ng maikling aktibidad.

Tumayo ang lahat at tayo ay aawit ng isang


kanta na konektado sa ating paksang
tatalakayin. (Tumayo ang lahat ng mag aaral)

Simulan na nating ang pagkanta!

Kumanta ang lahat ng estudyante!


Magtanim ay di biro,
Maghapong nakayuko. Magtanim ay di biro,
Di man lang makaupo, Maghapong nakayuko.
Di man lang makatayo. Di man lang makaupo,
Braso ko'y namamanhid, Di man lang makatayo.
Baywang ko'y nangangawit. Braso ko'y namamanhid,
Binti ko'y namimitig, Baywang ko'y nangangawit.
Sa pagkababad sa tubig. Binti ko'y namimitig,
Sa umagang paggising, Sa pagkababad sa tubig.
Ang lahat iisipin. Sa umagang paggising,
Kung saan may patanim Ang lahat iisipin.
May masarap na pagkain. Kung saan may patanim
Braso ko'y namamanhid, May masarap na pagkain.
Baywang ko'y nangangawit. Braso ko'y namamanhid,
Binti ko'y namimitig, Baywang ko'y nangangawit.
Sa pagkababad sa tubig. Binti ko'y namimitig,
Halina, halina, mga kaliyag. Sa pagkababad sa tubig.
Tayo'y magsipag unat-unat. Halina, halina, mga kaliyag.
Magpanibago tayo ng lakas, Tayo'y magsipag unat-unat.
Para sa araw ng bukas. Magpanibago tayo ng lakas,
Para sa araw ng bukas! Para sa araw ng bukas.
Para sa araw ng bukas!
Nasiyahan ba kayo sa ating kinanta?

Okay, ayusin ang mga upuan at dahan Opo, Titser!


dahang umupo ang lahat.

Sa tingin niyo mga mahal kong mag aaral


bakit sinabi sa kanta na ang pagtatanim ay
hindi biro? Joy: (Nagtaas ng kamay)

Okay joy ano ang iyong sagot?

Joy: Ayon po sa kanta kaya sinabing ang


pagtatanim ay hindi biro dahil po maghapon
naka yuko at nakatayo ang nagtatanim hindi
rin po sila maka upo hanggat hindi pa tapos
Magaling Joy! Tama ang iyong sinabi kaya mag tanim.
hindi madali ang pagtatanim dahil ito ay
ginagamitan ng lakas at tiyaga.

Tayo ay dumako na sa pormal na talakayan


upang malaman ninyo ang ating bagong
paksa. Ang ating tatalakayin sa ngayon ay
tungkol sa mga “Gawaing Pangkabuhayan
ng Bansa”
Mga bata ang aktibidad na inyong ginawa ay
maiuugnay natin sa ating aralin ngayon dahil
ang pagtatanim ay isang pinagkukunan ng
kabuhayan ng mga tao lalong lalo na sa ating
bansa, sapagkat tayo ay isang bansa na
agrikultura.

B. PANLINANG NA GAWAIN
a. Paglalahad
Simulan na natin ang talakayan ngayong
araw .
Uulitin ko ang tatalakayin natin ay tungkol sa
mga hamon at opurtunidad sa mga gawaing
pangkabuhayan ng bansa.

Bakit kaya kailangan na meron tayong


pagkukunan ng pangkabuhayan?
(mga mag aaral nag taas ng kamay)
Alvin ano ang iyong sagot?

Alvin: Mahalaga po na meron tayong


pagkunan ng kabuhayan upang tayo ay
Maganda ang iyong sagot Alvin! Tama si makakain at makapag tapos ng pag aaral.
Alvin kailangan natin ito upang tayo ay may
panggastos sa ating mga pangangailangan.

Bakit naman kailangan nating pangalagaan


ang kalikasan?
(mga mag aaral nag taas ng kamay)
Jane maaari mo ba itong sagutin?

Jane: Kailangan po natin itong alagaan dahil


dito tayo kumukuha ng kabuhayan o
Magaling! Tama ang iyong sagot sa pagkakakitaan.
kalikasan nanggagaling ang mga raw
materials na ginagamit sa ating mga
tahanan, dito rin tayo kumukuha ng ating
mga ikinabubuhay.

Ipapakita ko sainyo ang iba’t-ibang


pangkabuhayan dito sa ating bansa.
(Magpiprisinta ng Powerpoint o mga
makukulay na larawan sa pisara).

(ipakita/ilagay dito sa lesson plan ang mga


nakalagay sa powerpoint o ang mga larawan
na iprinisinta.

1. Pagsasaka- Ito ay uri ng trabaho


kung saan sila ay nagtatanim ng mga
palay at iba ibang mga pagkain na
itinatanim sa lupa. Ito ay mahalaga
dahil nagmumula sa lupa ang mga
produkto na pangunahing kailangan
ng tao.

Mga hamong kaakibat ng pagsasaka:


 Lumalaking bilang ng mga angkat na
produktong agrikultural.
 Limitadong pondo ma ipinagkakaloob
ng pamahalaan sam ga magsasaka.
 Suliranin sa irigasyon
 Higit sa lahat ang pagbabago bago
ng panahon tulad ng El Niño.
Oportunidad sa magsasaka
 Paggamit ng mga makabagong
teknolohiya sa agrikultura.
 Impormasyon sa mga makabagong
estilo ng pagsasaka upang mapa dali
ang produksyon.

2. Pangingisda- ito ay isang uri ng


trabaho kung saan pumupunta sa laot
ang mga mangingisda upang humuli
ng isda na isa rin sa pangunahing
pangangailangan ng mga tao.
Mga hamong kaakibat ng pangingisda:
 Pagbabago bago ng panahon(climate
change)
 Mga tulay o imprastraktura na
nakakapa bagal sa transportasyon ng
mga isda.
 Pagkasira ng mga anyong tubig na
tirahan ng mga isda.
Mga Oportunidad na kaakibat ng
pangingisda:
 Nabibigyan nga mga bagong bangka
ang mangingisda.
 Paggawa ng kurikulum para sa
marine
 Pagbili ng mga modernong
kagamitan.

3. Pagmimina-Ang pagmimina ay isang
proseso ng paghuhukay at pagkuha
ng mga yamang mineral mula sa
lupa. Ang anumang materyalna hindi
malilikha at mapapalago ay
kailangang minahin. Ang pagmimina
ng mga bagay mula sa lupa ay
tinatawag na ekstraksiyon, paghango,
o paghugot. Maaaring maging
kabilang sa pagmimina ang
paghango ng mga metal at
mga mineral, na katulad
ng uling, ginto, pilak, platinum, tanso,
at bakal. Maaari rin namang iba pang
mga bagay, katulad ng langis at likas
na gas. 

Mga hamon kaakibat ng pagmimina:


 Pagguho ng lupa

Mga Oportunidad
 Nag aambag ng malaki sa ekonomiya
ng bansa

4. Pagtotroso- Ang pagtotroso ay ang


pagputol, pagkalso, pagproseso, at
pagkarga ng mga puno o troso sa
mga trak
Mga hamon na kaakibat ng pagtotroso
 Landslide dahil sa pagka ubos ng
mga punong kahoy.
 Mga dating gubat na ginagawang
subdibisyon.
Mga Opurtunidad
 Napag aaralan ang mga maka
bagong teknolohiya
 Nagkakaroon ng mga maka bagong
estilo ng mga kahoy na produkto.

Ito ay ang apat na pangunahing


pinagkukunan ng kabuhayan sa ating bansa.

Sino ang pwedeng magbahagi ng


pinagkukunan ng kabuhayan ng kanilang
pamilya? (Nagtaas ng kamay ang mga mag aaral)

Okay, Melissa maaari mo ba itong ibahagi?

Melissa: Ang tatay ko po ay isang


magsasaka ang ikinabubuhay po ng aming
Maraming salamat Melissa sa iyong pag pamilya ay ang pagtatanim at pag titinda ng
bahagi. bigas.

Malinaw na ba sa inyo ang ating tinalakay


ngayong araw?
Opo Titser!

Wala ba kayong katanungan sa ating


paksang tinalakay?
Wala po Titser!
b. Indibidwal/ Pangkatang Gawain
Ngayon ay magkakaroon tayo ng
pangkatang gawain. Bumuo kayo ng 4 na
grupo piliin ang nais niyong maging (Naghanda ang mga mag aaral para sa dula
miyembro. Gumawa kayo ng isang dula kung dulaan)
saan ipinapakita ang apat na pangunahing
pangkabuhayan ng ating bansa. Unang pangkat: (nagsagawa na ng dula)
Simulan na ang pag hahanda sa inyong dula
dulaan.

Bibigyan ko kayo ng 10 minuto para sa


Pangalawang pangkat: (nagsagawa na ng
paghahanda at 5 minuto para sa
dula)
presentasyon.

(makalipas ang 10minuto)


Okay isaayos ang silid at tayo ay mag Pangatlong pangkat: (nagsagawa na ng
sisimula na sa dula dulaan. dula)

Palakpakan naman diyan ! Lahat ng grupo


ay magagaling magsagawa ng dula. Pang apat na pangkat: (nagsagawa na ng
dula)
c. Pagtalakay
Ayusin ang mga upuan at ating pag usapan
ang naganap na dula dulaan.

Ano ang natutunan niyo sa ginawa nating


dula dulaan?
(Nancy nag taas ng kamay)
Sige Nancy ano ang iyong natutunan?
Nancy: Natutunan ko po ang kahalagahan ng
pagkakaroon nga kabuhayan at ang
Maraming salamat Nancy! Napaka ganda ng sakripisyong binibigay ng mga magsasaka,
iyong sagot. mangingisda, nagmimina at nag totroso
upang may maipakain sa kanilang pamilya.
Bakit sa tingin ninyo ay mahalagang
pahalagahan ang mga pinagkukunan ng David: Maaring nakatutulong po ang mga
kabuhayan sa ating bansa?
pinagkukunan na ito ng kabuhayan subalit
katulad na lamang po ng pagtotroso at
Mayroon bang mga sitwasyon kung paano
ang mga pinagkukunan ng kabuhayan na ito pagmimina eto rin po ay nakakasama sa
ay may dulot din na kasamaan sa atin? ating kapaligaran dahil inuubos nila ang mga
Ipaliwanag. kahoy sa kagubatan na siya rin pong tirahan
ng mga wild animals. At sa sobra pong
pagtotroso ay mauubos din ang mga punong
Napakagaling ng sagot mo David! kahoy at makakaroon tayo ng mga baha.

c. Paglalahat
Ngayon ano naman ang natutunan niyo sa
tungkol sa ating tinalakay na paksa? (Christopher nag taas ng kamay)

Christopher ibahagi ang iyong sagot. Christopher: Ang natutunan ko po ngayong


araw ay ang apat na pangunahing mga
pinagkukunan ng kabuhayan sa ating bansa.
Ang mga hamon at oportunidad na kanilang
pinagdadaanan upang magkaroon tayo ng
makakain o magagamit sa ating mga
tahanan.

Magaling! Ako'y natutuwa sa kinalabasan ng


ating talakayan ngayong araw. Sana ay
nabusog ko kayo ng karunungan at mga
bagong impormasyon.
d. Paglalapat

Bilang paglalapat mula sa inyong natutuhan


ngayong araw ay bibigyan ko kayo ng project
na inyong gagawin bilang isang grupo.

Kayo ay papangkatin ko sa 4 na grupo.


Bawat grupo ay gagawa ng isang proposal
paper/plan ng isang simpleng livelihodd
project na magbibigay ng trabaho sa mga
kabataan sa inyong lugar. Maari kayong
magpatulong sa inyong mga magulang
upang gabayan kayo sa pagbuo ng inyong
proyekto/proposal paper. Ang inyong
proyekto ay isasabmit sa isang lingo at ang
bawat pangkat o grupo ay magpiprisinta sa (Babasahin at uunawain ng mag aaral ang
klase tungkol sa inyong nagawang proyekto. rubric)

(Narito ang pangkalahatang panuntunan at


ang rubrik kung saan ako magbabase ng
aking ibibigay na marka sa inyo) Wala na po titser naunawaan na po namin
(Ibibigay ang rubric)

May mga katanungan ba tungkol sa inyong


proyekto? Malinaw na ba?

IV- PAGTATAYA
Kumuha ng isang buong papel at sagutin ang
mga sumusunod:

Ibigay ang apat na pangunahing


ikinabubuhay ng mga Pilipino.
1.
2.
3.
4.
Magbigay ng tigdadalawang
hamon at oportunidad sa bawat
pangkabuhayan:
Pangingisda
Hamon
1.
2.
Oportunidad
1.
2.
Pagsasaka
Hamon
1.
2.
Oportunidad
1.
2.

Pagmimina
Hamon
1.
2.
Oportunidad
1.
2.
3.
Pagtotroso
Hamon
1.
2.
Oportunidad
1.
2.

V. TAKDANG ARALIN
1. Mag interview ng dalawang
tao sa inyong pamilya,
barangay o komunidad at
tanungin kung ano ang
kanilang ikinabubuhay at
paano ito nakakatulong sa
kanilang pamilya at tanungin
nyo rin kung ano ang mga
hamon sa kanilang mga
hanapbuhay. Isulat ito sa
isang buong papel.
2. Basahin ang susunod na
paksa sa inyong Aklat tungkol
sa __________ pahina _____

Inihanda nina:

You might also like