You are on page 1of 22

Republic of the Philippines

Department of Education
MIMAROPA Region
Division of Romblon
District of San Agustin-Calatrava-Santa Maria
CONCEPCION NORTE ELEMENTARY SCHOOL
Concepcion Norte, Santa Maria, Romblon

MASUSING BANGHAY
ARALIN SA EPP V

Inihanda ni:

Hillary Dwainee Ramirez Lorenzo


Student Teacher
(RSU-Sta. Maria Campus)

Iniwasto ni:

Mrs. Cherryl M. Villamin


Master Teacher I
Cooperating Teacher
I. LAYUNIN:

A. Pamantayang Pangnilalaman:

Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at kasanayan sa mga tungkulin at

pangangalaga sa sarili sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.

B. Pamantayan sa Pagganap:

Naisasagawa ang kasanayan sa pangangalaga sa sarili sa panahon ng pagdadalaga at

pagbibinata.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:

 Nagagampanan ang tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o

pagbibinata.

 Naiisa-isa ang mga tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o

pagbibinata

 Naipapakita ang kahalagahan ng pangangalaga sa sarili sa panahon ng

pagdadalaga o pagbibinata

II.PAKSANG ARALIN:

Tungkulin sa Sarili sa Panahon ng Pagdadalaga o Pagbibinata

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian:

K to 12 Curriculum Guide 2013-EPP5HE-0a-1

MISOSA EPP 5-Self-Instructional Materials

Ana B. Ventura at Evelyn D. Deliarte pahina 1-2

B. Iba pang Kagamitang Panturo:

Larawan ng nagdadalaga at nagbibinata, mga kagamitan sa paglilinis ng

sarili, sanitary napkin, Venn diagram at Pyramid


C. Pagpapahalagang Moral:

Kooperasyon, Pakikipagtulungan, Pagmamalasakit sa kapwa

D. Asignaturang Pinagsanib:

EsP, Health

E. Kasanayan:

Pagguhit, Pagpapaliwanag, Pagbabasa at Pakikinig

F. Estratehiya:

Inquiry Teaching/Approach

IV. PAMAMARAAN:

A. Panlinang na Gawain

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

1. Panalangin

Tumayo ang lahat para sa

ating panalangin.

(May ipapakitang video clip tungkol

sa isang panalangin).

Ang mga bata ay

mananalangin at

sasabayan nito ang

video clip.

2. Pagbati

Magandang Umaga mga bata!

Magandang Umaga po

Binibining Hillary!
3. Pampasiglang awit

Manatiling nakatayo dahil tayo

ay aawit ng “Kamusta Ka?”

(Pangungunahan ng guro ang

Pag-awit)

Ang mga bata ay masiglang

aawit.

4. Pagtala ng liban sa klase

Sinu-sino ang liban sa klase

ngayong umaga?

Wala pong liban sa klase,

Ma’am.

5. Pagwawasto ng takdang aralin

Ngayon ay kunin ninyo ang inyong

Takdang aralin at atin itong iwawasto.

Sino ang maaaring makapagbasa ng

panuto?

Babasahin ng bata ang panuto.

Panuto: Sagutin ng TAMA o

MALI ang sumusunod na

pangungusap.

1. Ang puso at baga ay

nadaragdagan ang sukat upang

bigyan ng karampatang alalay

ang mabilis na pagsulong ng

katawan.
2. Dapat ikabahala ang pababago ng

katawan.

3. Pintasan o hiyain sila sa harap ng

ibang tao.

4. Malapit sa kaibigan ang mga

batang nasa edad 10 -16.

5. Sa panahon ng pagdadalaga at

pagbibinata nagbabago rin ang

kanilang damdamin.

Sagot:

1. MALI

2. MALI

3. MALI

4. TAMA

5. TAMA

6. Pagbabalik-aral

Tayo ay magbalik-aral.

Ano ang aralin na tinalakay natin

kahapon?

Ang tinalakay po natin noong

nakaraang araw ay tungkol sa

Pag-iwas sa panunukso dahil

sa pagbabagong pisikal.

Mahusay!

Ano ang iyong gagawin kung sakaling

ikaw ay tuksuhin ng iyong kamag-aral

dahil sa iyong pagbabagong pisikal?


Hahayaan nalang po at

tatanggapin na ang

pagbabagong pisikal ay

natural na nangyayari sa

ating katawan.

Napakahusay! Bigyan ng limang

bagsak!

Ang mga bata ay papalakpak.

7. Pagsasanay

Basahin ng sabay-sabay ang mga

salita na makikita sa flashcard.

• Pagdadalaga

• Pagbibinata

• Pagtutuli

• Pagreregla

Magaling!

7. Paghawan ng mga balakid

Ngayon naman ay hahatiin

ko kayo sa dalawang pangkat.

Bawat pangkat ay may buuin na salita

sa pamamagitan ng isang salita.

Ang larong ito ay tinatawag na

”Punan mo ang mga Pagkukulang ko.”

Narito ang Patakaran sa Paglalaro.

Patakaran ng Laro

1. Pumili ng 5 paris sa bawat

pangkat.

2.Piliin ang letra sa loob ng kahon.


3. Gamitin ang bibig sa pagkuha

ng letra sa kahon, pagdikitin

ang letra sa pisngi ng kapareha at

pupunta sa harapan.

4. May isang miyembro sa unahan

na siang magdidikit ng

tamang letra.

5. Ang unang makahula ng mga

tamang sagot ay may pabuya.

(Magbubuo ng mga salita ang

mga bata).

(Pagkatapos mabuo ang mga salita

ay ipakita sa whitescreen ang kanilang

kahulugan at ang larawan nito.)

Mga salitang nabuo:

 Pagdadalaga- isang yugto sa

buhay ng babae kung saan

nagbabago ang pisikal na

katawan at pag-uugali.

 Pagbibinata- isang yugto sa

buhay ng lalaki kung saan

nagkakaroon ng pagbabago sa

pisikal, mental at sosyal na

kaanyuan.

 Pagtutuli- isang uri ng

operasyon na isinasagawa sa mga

kalalakihan kung saan ang balat

na bumabalot sa dulo ng ari ay

tinatanggal.

 Pagreregla- ang buwanang pag-

agas ng regla (dugo) mula sa

matris ng babae.

B. Paglinang ng Gawain

1. PAGGANYAK

Tumawag ng isang babae at lalaking

mag-aaral na mukhang nagdadalaga na

at nagbibinata na at patayuin sa harapan

ng klase.

Paano ninyo ilalarawan ang inyong kamag-aral?

Ang mga bata ay sasagot.

May pagbabago ba sa kanilang pisikal na

anyo?
Opo!

Gaya ng ano?

Mas matangkad po sila

ngayon kumpara

noong nakaraang taon,

Ma’am!

Magaling! Ano pa ang inyong napuna?

Nagkaroon po sila ng

tigyawat Ma’am!

Tama! Ano pa?

Pumipiyok ang boses ng

lalaki at parang may

bumubukol sa

kanyang leeg.

Lahat ng inyong sagot ay tama!

2. PAGLALAHAD

Kayo ay aking papangkatin ayon sa inyong

edad. Bibigyan ko ng Activity Card ang bawat

pangkat at inyong sasagutin ang mga tanong

na ito:

1. Ano-ano ang mga

pagbabagong nagaganap sa

iyong sarili?

2. Paano mo napapanatili ang

kalinisan ng iyong katawan?


Magsisimulang sumagot

ang mga bata.

Pagkatapos ng gawain ay sabihin:

Bawat isang mag-aaral ay lumalaki, may

mga tungkulin ka sa sarili na dapat mong

gampanan para mas mapabuti ang iyong

sarili. Ito ay makatutulong sa iyo sa

pang-araw mong gawain.

3. PAGTATALAKAY

Ngayon ay magbabasa tayo isang liham

mula kay Jane. Alamin natin ang nais niyang sabihin

sa kaniyang nanay.

Mahal kong nanay,

Marahil po ay nagtataka kayo

kung bakit sinulatan ko po

kayo gayong maaari

naman tayong mag-usap.

Nahihiya po ako sa inyo

at nag-aalala sa mga

nangyayari sa aking

katawan. Unti-unti pong

lumalaki ang aking dibdib

ngunit bahagya po itong

sumasakit lalo nanang una

kong maranasan ang

pagreregla. Lalo na po akong


natakot ng maramdaman ko

ang pananakit ng aking

katawan. Sumakit po

ang baba ng aking tiyan.

Puson po baa ng tawag dito?

Sabi din po ng aking mga

kaibigan ay lumalapad ang aking

balakang. Pati po si

Kuya na dalawang taon lamang

ang tanda sa akin ay

nagtataka kung bakit

madalas daw pong

pumipiyok ang

kaniyang boses at

nararamdaman niyang

parang may bumubukol sa

kaniyang leeg. Pati raw po sa

kilikili ay nagkakaroon na ng

buhok at unti-unti siyang

nagkakaroon ng bigote. Sa

halip pong balakang ang

lumalapad ay balikat

naman po ang lumalapad sa

kaniya. Sana po ay sagutin

ninyo ang liham ko.

Nagmamahal,

Jane

Anu-ano ang mga pagbabagong pisikal


na nangyari kay Jane?

Unti-unti pong lumalaki ang

kaniyang dibdib at ito

ay sumakit noong unang

beses siyang nagkaroon ng

regla.

Magaling! Ano pa?

Ang pagsakit po ng kaniyang

tiyan at paglapad ng

balakang,

Ma’am!

Mahusay! Ano naman ang mga pagbabago

sa kaniyang Kuya?

Madalas pong pumipiyok ang

kaniyang boses at parang

may bumubukol sa

kaniyang leeg. Ang

kaniyang kili-kili po ay

nagkakaroon ng buhok

at umuusbong na din ang

bigote sa kaniyang mukha.

Napakahusay ng inyong mga obserbasyon!

Ngayon naman ay ating alamin ang mga dapat

gawin upang magampanan ninyo ang mga tungkulin

sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.

(Ipakita sa whitescreen ang mga larawan

at paliwanag tungkol dito.)


Sa tulong ng mga

sumusunod na

gawain, matutupad at

magagampanan natin ang

ating mga tungkulin sarili sa

panahon ng pagdadalaga at

pagbibinata.

1. Paglilinis at paliligo araw -

araw.

2. Pagsusuot ng malinis at

maayos na damit.

3. Paglilinis ng ngipin.

4. Pag-aalaga ng buhok.

5. Paggugupit ng kuko sa kamay

at paa.

6. Pagkain ng masusustansyang

pagkain.

7. Pag-inom ng 8 o higit pang

baso ng tubig sa araw-araw.

8. Magkaroon ng 8-10 oras na

pagtulog sa loob ng isang araw.

 PARA SA

NAGDADALAGA/PA G

KAKAROON NG REGLA
1. Dalasan ang paghihilamos

upang maiwasan ang

pagkakaroon ng tigyawat.

2. Magpalit ng pasador

tuwing ikatlo o ikaapat na

oras o kung kinakailangan.

3. Gumamit ng deodorant,

tawas o kalamansi sa

kili-kili at singit upang

makabawas ng amoy ng katawan.

 PARA SA NAGBIBINATA/

BAGONG TULI

1. Dapat gumamit ng

maluwag na pantalon,

shorts o padyama, upang

mahanginan at matuyo ang

sugat.

2. Kailangan palitan ang

balot ng tunod at linisin

ito araw-araw.

3. Magsabon at banlawang mabuti

ang mga kamay bago

hawakan ang sugat.

4. Linisin ang sugat ng

katas ng pinakuluang dahoon ng

bayabas habang ito ay sariwa

pa.

5. Iwasang kumain ng

malansang pagkain tulad


ng hipon, bagoong, malasadong

itlog, at iba pa.

4. Paglinang

a. Ginagabayang Pagsasanay

Sa pamamagitan ng Venn Diagram ating

paghahambingin ang pagkakatulad at pagkakaiba

ng mga pisikal na pagbabago sa isang nagdadalaga

at nagbibinata.

Nagbibinata

Nagdadalaga
Pagkakatulad
1. 1.
1.
2. 2.
2.
3. 3.
3.
4. 4.
4.

Magtawag ng mga bata na sasagot sa pisara at bigyan

ng pabuya ang makakasagot ng tama.

b. MALAYANG PAGSASANAY

Tayo ay magkakaroon ng pangkatang gawain.

Kayo ay igu-grupo sa dalawa.

Pagkatapos ninyong bumilang ay pumunta

na sa inyong mga kapangkat.

Sino ang maaaring magbasa ng panuto?

Babasahin ng bata ang

panuto.
Panuto: Kung ikaw ay

nagdadalaga na isulat

mo sa Pyramid A ang mga

pangkalinisan

at

pangkalusugang gagawin mo

sa panahon ng pagre-regla

at kung ikaw naman ay

nagbibinata, isulat mo sa

pyramid B ang pangkalinisan

at pangangalagang

gagawin mo sa panahon ng

iyong pagtutuli.

Pyramid A Pyramid B

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

1. Pag-uulat ng pangkat.

2. Pagpapakita ng tamang

tungkulin sa sarili sa

panahon ng pagdadalaga at

pagbibinata.

c. Pagpapahalaga
Mga bata, mahalaga ba ang pangangalaga

sa sarili?

Opo!

Bakit mahalagang matutunan ang tamang paraang

pangkalinisan at pangkalusugan sa panahon

ng pagdadalaga at pagbibinata?

Mahalaga po na malaman

ang tamang paraan ng

pangkalinisan at

pangkalusugan

sa panahon ng pagdadalaga at

pagbibinata

upang maiwasan ang pagkakasakit at

upang maipakita ang

pagpapaunlad ng ating personalidad.

Magaling!

d. Paglalapat

Tayo ay magkakaroon ng pangkatang gawain

ngunit bago iyan ay alamin muna natin ang mga

pamantayan sa pangkatang gawain.

Sabay sabay na basahin ng malakas.

Pamantayan sa

Pangkatang Gawain

1. Iwasan ang sobrang ingay

habang gumagawa.
2. Tumulong sa inatang na

gawain

3. Huwag umalis sa pangkat

habang hindi pa tapos

sa gawain.

Ngayon ay ipapangkat ko kayo sa dalawa.

Isang grupo ang mga babae at isang grupo

din ang mga lalaki.

Mga babae, basahin ng malakas ang inyong panuto.

Panuto: Gumagawa ng isang

awit tungkol sa mga

tungkulin na dapat

gawin sa pangangalaga ng

sarili habang nagdadalaga.

Naunawaan ba ninyo?

Opo!

Mga lalaki, basahin ang malakas ang inyong panuto.

Panuto: Iguhit ang mga

tungkulin na dapat

gawin sa pangangalaga ng sarili

habang nagbibinata.

Naintindihan ba ninyo ang panuto?

Opo!

Ngayon ay simulan na ang pangkatang gawain.

Pagkatapos ng inilaang oras sabihin:

Tapos na ba mga bata?


Opo!

Ngayon ay pumili ng isang lider sa bawat grupo

na mag-uulat ng inyong gawa.

Ang lider ay mag-uulat sa

gitna.

Kahanga-hanga! Bigyan ng limang bagsak ang

inyong mga sarili.

Ang mga bata ay

papalakpak.

e. Paglalahat

Paano mo mapangangalagaan ang iyong sarili

sa panahon ng iyong pagdadalaga o pagbibinata?

Mapapahalagahan ko po ang

aking sarili bilang

isang nagdadalaga sa

pamamagitan

ng pagsunod sa mga gawain gaya

ng paglilinis ng

sarili, pagsisipilyo,

paggamit ng deodorant at

pagsusuot ng maayos na kasuotan.

Mahusay! Kapag ang babae ay nireregla ano

ang mga tungkulin na dapat gawin?

Paghihilamos araw-araw at

pagpalit po ng

pasador tuwing ikatlo o apat

na oras.
Tama!

Sa isang nagbibinata naman, paano mo

pangangalagaan ang iyong sarili?

Mapangangalagaan ko po

ang aking sarili sa

pamamagitan

ng pagkain ng mga masusustansya,

pagtulog sa

tamang oras at pag inom ng 8 baso

ng tubig araw araw.

Magaling! Kapag ang lalaki ay bagong tuli ano

naman ang mga gampanin na dapat gawin?

Paggamit po ng maluwag na

pantalon, shorts o padyama,

upang mahanginan at matuyo

ang sugat. Kailangan din pong

palitan ang balot ng tunod at

linisin ito araw-araw. Magsabon

at banlawang mabuti ang mga

kamay bago hawakan ang sugat.

Paglilinis ng sugat gamit ang

katas ng pinakuluang dahon ng

bayabas habang ito ay sariwa pa

at pag-iwas na kumain ng

malansang pagkain tulad ng

hipon, bagoong, malasadong

itlog, at iba pa.

Kahanga-hanga ang inyong mga sagot!


V. PAGTATAYA:

Handa na ba kayo para sa Pagtataya?

Opo!

Kumuha ng isang buong papel at sagutan ang

mga tanong.

Sabay-sabay na basahin ang panuto.

Panuto: Basahin at kompletuhin ang

sumusunod na pangungusap.

1. Kumain ng ____________

pagkain upang gumanda at

lumakas ang katawan.

2. Magpalit ng ______ tuwing

ikatlo o ikaapat na oras o kung

kinakailangan.

3. Magkaroon ng _______ oras na

pagtulog sa loob ng isang araw.

4. __________ at banlawang

mabuti ang mga kamay bago

hawakan ang sugat.

5. Dalasan ang _________ upang

maiwasan ang pagkakaroon ng

tigyawat.

VI. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN:

Mag-interview ng magulang, kapatid, nurse, o kapitbahay at itanong kung

paano nila inalagaan ang kanilang sarili noong panahon ng pagdadalaga o

pagbibinata.
Inihanda ni:

Hillary Dwainee Ramirez Lorenzo


Student Teacher
(RSU-Sta. Maria Campus)

Iniwasto ni:

Mrs. Cherryl M. Villamin


Master Teacher I
Cooperating Teacher

You might also like