You are on page 1of 2

Sangay ng mga Paaralang Panlungsod

Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila


PAARALANG ELEMENTARYANG AURORA A. QUEZON
Paaralang Distrito XV
Tel. No. 621 5477

PAKITANG TURO SA FILIPINO IV

Petsa: Nobyembre 26, 2019

MOLAVE

I. Layunin:
 Nagagamit ang pariralang pang-abay sa paglalarawan ng kilos.
(F4WG-IIIa-c-6)

II. Nilalaman:
A. Paksang Aralin:
 Paggamit ng pariralang pang-abay sa paglalarawan ng kilos.
B. Sanggunian: Gabay Kurikulum sa Filipino, LAMP, Pinagyamang Pluma
C. Mga Kagamitan: PowerPoint, Batayang Aklat sa Filipino
D. Pagpapahalaga: Gamitin ang ikalawang pagkakataon para magbago

III. Pamamaraan:
A. Balik Aral
 Tukuyin ang mga pang-abay sa mga sumusunod na
pangungusap.
1. Maingat na bumaba ng hagdan ang matanda.
2. Mabilis na tumawid sa daan ang bata.
3. Taimtim na nagdasal si Maria sa simbahan.

B. Paghahawan ng Balakid
 walang mintis
 nagdadadamba
 patibong
 masisiba
 bukambibig

C. Pagganyak
 Itanong:
Sino ang may hardin sa bakuran ng kanilang bahay?
Kung wala kayo sa inyong bakuran, nakapasyal na ba
kayo sa ating gulayan sa paaralan?
Anu-ano ang inyong makikita dito?

D. Paglalahad
 Basahin ang kwentong may pamagat na “Ang Hardinerong
Tipaklong”.

E. Pagtatalakay
 Itanong:
Ano ang ginagawa ng tauhan sa kwento?
Ilarawan ang kilos na isinagawa ng tauhan.
Ano ang mga salitang kilos na binanggit dito?

 Basahin ang mga sumusunod na salita


dahan-dahang naglakad
pausad-usad na gumapang

Ano ang napansin niyo sa mga salitang may


salungguhit?
Anong tanong ang sinasagot ng mga ito?
IV. Pagpapayamang Gawain
F. Paglalapat
Gawain 1. (Ayusin Mo Ako!)
 Pangkatin sa tatlo ang klase
 Ibibigay ng guro ang panuto kung paano laruin ang laro.

Gawain 2. (Isahang Gawain)


 Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na pariralang
pang-abay na naglalarawan ng kilos.
1. Mahusay na nag-isip
2. Mabilis nahuli
3. Paluhod na nagmakaawa
4. Matiyagang binungkal
5. Patalon-talong sumayaw
G. Paglalahat
 Itanong:
Ano ang pang-abay?
Anong tanong ang sinasagot nito?

H. Pagtataya
 Basahin ang mga pangungusap. Bilugan ang mga pariralang
pang-abay na naglalarawan ng kilos.
1. Mahusay sumayaw si Karen.
2. Taimtim na nagdasal ang mga tao upang tumigil ang
ulan.
3. Masayang nagkita ang magkakaibigan.
4. Ang bata ay pagapang na kinuha ang kanyang gatas.
5. Maingat na ibinalik ni Jose ang hiniram na aklat.

V. Kasunduan
 Gumawa ng isang talata tungkol sa kahalagahan ng
pagtutulungan upang maging maunlad ang lahat. Gumamit
ng mga pariralang pang-abay na naglalarawan ng kilos.

Antas ng Pagkatuto:

Molave: _______

Puna:
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Pagninilay:
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Inihanda ni:

MARLOU JAKE C. SALAMIDA


Guro sa Filipino
Iwinasto nina:

JOHNELLIE A. ARANZADO MARLOU JAKE C. SALAMIDA MA. CRISANTA A. GOCHANGCO


Chairman, Grade IV Filipino Coordinator Master Teacher In-Charge

Pinagtibay ni:

ANNABELLE D. TINGSON
Principal

You might also like