You are on page 1of 4

DAILY Paaralan ANIBAN CENTRAL SCHOOL Baitang V

LESSON Guro MA. RONAVIE M. TERNIDA Asignatura ESP


PLAN Petsa May 3, 2023 (Wednesday) Kwarter IKAAPAT NA MARKAHAN
Oras ng Turo V- ROSE Week/Day Week 1/Day3
/Pangkat V- LILY

A. Content Standards
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pananalig sa Diyos na nagbigay ng buhay.

B. Performance Standards
Naisasabuhay ang tunay na pasasalamat sa Diyos na nagkaloob ng buhay Hal. - palagiang paggawa ng mabuti sa lahat.

C. Learning Competency
1. Nakapagpapakita nang tunay na pagmamahal sa kapwa tulad ng:
1.1. pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa at sa kinabibilangang pamayanan
1.2. pakikiisa sa pagdarasal para sa kabutihan ng lahat
1.3. pagkalinga at pagtulong sa kapwa

I. Layunin
Naipapakita ang mga halimbawa ng pagmamahal sa kapuwa at sa Diyos.
Nailalahad ang opinyon at saloobin.
Nasasabi ang mga paraan ng pagkakaisa at pagtulong sa kapwa.

II. Paksang Aralin

A. Pagmamahal sa Kapwa
B. Sanggunian: Batayang Akalat, Ikalimang Baitang pah. 167-171
C. Kagamitan: awit, pahayag,larawan, powerpoint
D. Pagpapahalaga: Pagmamahal sa kapuwa
E. Integrasyon: Filipino, MAPEH, AP

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

1. Pagsasanay
Isulat ang mga salitang babanggitin ng guro:
a. Maglingkod
b. Pagkalinga
c. Pagdarasal
d. Pagpapasalamat
2. Balik-aral :
Paano mo ipinakikita ang pagmamahal sa kapuwa?

3. Pagganyak
Suriin ang larawan. Ano- ano ang pinapakita sa bawat larawan?

Mga tanong:
1. Ano ang masasabi mo sa mga larawan?
2. Masasabi mo ba sila ay pagmamahal sa kapwa?
3. Nakaranas ka na ba tumulong sa kapwa?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad (I do)
Ang tao ay nabubuhay hindi para sa kanyang sarili lamang. Nabubuhay tayo para maglingkod sa Diyos at sa ating kapwa. Ang tunay na
pagmamahal sa kapwa ay naipakikita sa pamamagitan ng pagkalinga at pagtulong ng bukal sa kalooban. Ang mabuting pakikipag ugnayan sa
kapwa ay isang gawaing ipinagmamalaki ng mga Pilipino. Kailangan nating magtulungan at kalingain ang bawat isa upang mamuhay tayo ng
masaya sa mundong ating ginagalawan. Katulad ng pakikipag usap natin sa ating mga magulang araw- araw, nasisiyahan tayong sabihin sa
kanila lahat ng nangyayari sa atin sa bawat sandali ng ating buhay. Ganito din ang ginagawa natin kapag tayo ay nagdarasal sa Diyos.
Nagpapasalamat tayo sa Kanya sa lahat ng biyayang ibinibigay Niya sa atin.
Tanong:
Bilang isang bata, paano mo maipapakita ang pagmamahal mo magbigay ng sitwasyon.
1. Kapit-bahay
2. Kaibigan
3. Magulang
4. Kapatid
2. Ginabayang Pagsasanay (We do)
Basahin ang kwento. Magbigay ng opinyon tungkol dito.

3. Malayang Pagsasanay (You do)


Sa iyong notebook, gumuhit ng puso. Sa loob, isulat mo ang isang pangako ng pagmamahal mo sa iyong kapwa. Basahin ito sa klase.

IV. Pagtataya
Basahin at unawain mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang TAMA kung wasto ang pangungusap at MALI naman kung mali ang
pangungusap.
1. Ang pag-ibig at pagdadamayan sa kapwa ay walang pinipiling lugar at panahon.
2. Nagbibigay ng kagalakan sa puso ang paggawa nang mabuti sa kapwa.’
3. Dapat piliin lamang ang mga taong bibigyan ng tulong,.
4. Maipakita ang pakikipagkapwa at paglilingkod sa Dyos sa pasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa.
5. Maghintay ng kapalit sa mga tulong na ibinibigay sa kapwa.
. V - Rose
V. Takdang Aralin:
Gumupit o gumuhit ng larawan sa dyaryo o 5x magasin nagpapakita ng pagtulong sa
kapwa. Idikit ito sa kwaderno.
4x

3x
Proficiency Level:
2x

1x

0x

You might also like