You are on page 1of 10

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY

College of Teacher Development


Faculty of Arts and Languages
Bachelor of Culture and Arts Education

Masusing Banghay Aralin


sa Filipino Baitang 5

Inihanda ni: Diane Marie C. Videña


Ipinasa kay: Prof. Mary Leigh Ann C. Perez
Talaarawan
Masusing Banghay Aralin sa Filipino 5

Ikatlong Markahan

Pamantayan ng Pagkatapos ng Ikalimang Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang


Baitang kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at,
pagpapahalaga sa panitikan at kultura sa pamamagitan ng iba’t ibang
teksto/ babasahing lokal at pambansa
Pamantayang Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t-ibang uri ng teksto at
napalawak ang talasalitaan.
Pangnilalaman
Pamantayan sa • Nasasagot ang mga tanong sa binasang talarawan. (F5P13-
Ie-3.3)
Pagganap
• Naibibigay ang mahahalagang pangyayari sa nabasang
talarawan/talambuhay. (F5PB-Ifg-II)
• Naibabahagi ang karanasan sa pagbasa upang mahikayat ang
iba na magbasa ng iba’t-ibang akda. (F4PL-O-j-5)
Drama Technique • Teacher in Role
• Tableaux
• Narration
I. Layunin

Sa loob ng 60 minutong aralin sa FILIPINO V, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a) Nakapagbibigay ng katibayan sa mga ginagawa sa araw-araw


b) Nakakabuo ng talaarawan
c) Nakakatamo ng kasiyahan sa pagiging makatutuhanan

II. Paksang Aralin


• Paksa: Talaarawan
• Sanggunian: Hiyas sa Wika p. 92-95
• Kagamitan: Powerpoint Presentation

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

Gawain ng guro Gawain ng mga mag-aaral


B. Panimulang Gawain

1. Panalangin
___________, pangunahan mo ang
ating panimulang panalangin sa araw
na ito.

2. Pagbati
Magandang araw, mga na sa ika- Maayos naman po, binibini. Nag family day po
limang baitang! Kamusta ang naging kaming pamilya.
Sabado’t Linggo niyo?

3. Pag tala ng liban


(Tatawagin ng Guro ang class
monitor) _____ may lumiban ba sa Wala pong lumiban ngayon, binibini.
araw na ito?

4. Pangmotibesyunal na tanong: Opo, dahil kada-araw po ay panibagong


• Mahalaga ba ang bawat araw pagkakataon para matuto.
sa atin?

Opo, dahil bawat araw po ay panibagong pag-


asa para sa lahat.

• Pareho ba ang nagaganap


sainyo? Hindi po, dahil minsan po ay naka depende po
ang gagawin namin sa ipapagawa po ng
aming guro.

5. Gawain/ Aktiviti
(Mag tatawag ang guro ng ilang bata
at itanong o ipabahagi ang karanasan
nila sa nakalipas na lingo o araw.)

Nitong mga nakaraang linggo, ano ba


ang mga ginagawa niyo? Gawin natin
itong laro, ia-akto niyo ang mga
naaalala niyong ginawa ninyo nitong
mga nakaraang araw at huhulaan ito
ng inyong mga kamag-aral.
Opo!
Nainitindihan niyo ba ang gagawin?

Ngayon bibigyan ko kayo ng isang


minute para alalahanin ang inyong
mga ginawa.

Tayo na ay mag simula. Ako muna ang Opo!


a-akto at hulaan niyo ang aking
ginawa. Maliwanag ba?

Ngayon, tayo naman ay tumungo


sainyong mga ginawa nitong
nakaraang mga araw.
Nag swimming po kaming pamilya!
(Tumawag ng estudyante para
umakto)
Nag aral po para sa pag susulit naming sa
(Tumawag ng estudyante para ibang asignatura.
umakto)
Nag drawing po ako pag tapos sagutan ang
(Tumawag ng estudyante para na sa module.
umakto)
Nag laro po ng mga video games.
(Tumawag ng estudyante para
umakto)

Iba-iba kayo ng sagot at nagpapa tunay


lamang ito na hindi lahat ng ginagawa
ng isa ay yun din ang mga gustong
gawin ng iba. Lahat tayo ay iba-iba ang
mga preference sa buhay.

Ngayong naalala niyo ang mga ginawa Inisip lang po at inalala ang mga ginawa ko
niyo, paano niyo ng aba ito naalala? po, binibini.

Ayan, mahusay. Mamaya ay Ako naman po ay sinulat ko po sa diary ang


matatalakay natin ang pag sulat sa mga ginagawa kaya binabalikan ko lang po
diary. dun at tinitingnan kung ano po bang mga
ginawa ko.
B. Pag lalahad (Abstraksyon/ Pamamaraan ng Pagtalakay)

Gawain ng guro Gawain ng mag-aaral


Diba ang takdang aralin niyo ay basahin ang Opo!
talarawan ni Arlene? Binasa niyo bai to?

Mahusay! Ngayon, para maalala niyo ulit ay


basahin muli natin ito.

_____, pakibasa nga ang unang paragraph/ Kalagayan: Papunta sa Lungsod ng Tanggub,
talata. Ozamis sina Arlene. Ang Paliparan ng
eroplano o airport ay na sa lungsod ng Diplog.
Sa Diplog nakatira ang kanyang Tita Carmen
at Tito Teddy. Doon muna sila matutulog.
Itinala niya sa kanyang talaarawan ang mga
karanasan niya sap ag tigil doon.

_______, pakibasa naman ang susunod na Sabado, ikaw-5 ng Hunyo 1997


talata. Pagkakain ng agahan, ipinasyal kami ni
Tita Carmen sa Rizal Shrine. Ito pala ay nasa
baybay dagat. Napaka lamig at sariwang-
sariwa ang hangin na nag bubuhat sa dagat at
napaka linaw ng tubig. Napaka sarap
langhapin ang sariwang hangin.

Linggo, ika-6 ng Hunyo 1997


________, Pakibasa ag huling talata. Pagkakain ng agahan, inihatid kami ni Tito
Teddy sa bus terminal patungong Ozamis.
Alas dose na kami nakarating sa lungsod ng
Tanggub. Dito kami titigil ng limang araw.
Maulan ang lugar na ito, mula rito ang mga
bungang kahoy. Napakalalaki ang inihain sa
aming saging.

Kung talaga ngang naintindihan niyo ang


inyong binasa, sagutin natin ang mga
sumusunod na tanong:

Saan nag punta si Arlene? Pumunta po silang Lungsod ng Tunggub.

Isinulat niya po, binibini.


Ano ang ginawa niya upang hindi niya
malimutan ang karanasan niya?
Pumasyal po sila sa Rizal Shrine nung
Ano ang ginawa niya noong Sabado at Sabado. Nung Linggo naman po ay umuwi na
Linggo? sila pabalik sa Ozamis.

Meron pong mga nakalagay na petsa sa


Paano niya ito sinulat? May napansin ba unang parte ng talata.
kayo?

Tama! May mga petsa na nakalagay bago


mag simula ang talata.

Napuna mo ba ang pagkakaugnay ng petsa at


mga pangyayari? Itinala ng nagsasalaysay
ang petsa ng kanyang kapanganakan. Sa
katapat ng petsang ito ay inilahad niya ang
mga pangyayaring naganap ayon sa
pagkakasunud-sunod. Alam niyo ba ang
tawag sa isinulat ng nagsasalaysay?

Pansinin mo ang salitang talaarawan. Napuna


mo ba ang pagtatambal ng mga salitang tala
at araw? Kasi, ang talaarawan ay tala ng mga
pangyayaring nagaganap araw-araw.

Narito pa ang ilang halimbawa:

Mayo 25 Bukas pa ang pista


sa Sto Cristo pero
ngayon pa lang ay
pupunta na kami sa
probinsya. Tanghali
na nang makasakay
kami ng bus. Nainis
ako kasi hindi air-
con bus ang
sinakyan namin.
Ang bagal pa ng
biyahe. Mag-aala-
singko na ng hapon
nang dumating kami
sa Sto Cristo. Abala
sa pagluluto ang
mga kamag- anak
namin
Mayo 26 Araw ng kapistahan
ni Sto. Cristo. Maaga
kaming nagsimba.
Maraming naging
bisita kaya pati ako
napagod sa pag-
aasikaso. Gabi na
nang magdaos ng
prusisyon
Mayo 27 Tanghali na kami
umuwi. Sa sobrang
pagod ay nakatulog
ako sa bus.

C. Pagsasanay (Mga Paglilinang na Gawain)

Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral


Ngayong malinaw na sa iyo ang kahulugan at
mga elemento sa pagsulat ng talaarawan ay
ituturo ko naman sa iyo ang mga hakbang sa
pagsulat ng iyong sariling talaarawan. Handa
na ba kayo? Simulan na natin ang Gawain.

Ngayon, gamitin nating gabay ang karanasan


sa buong klase ang nakalipas na araw.

Itala niyo ang ginawa ng inyong klase kahapon


mula umaga hanggang hapon.

Ngayon, ating pag usapang ang nagawang


tala. Ano nga ba ang nagawa niyo kahapon?

_____, mula pagka gising mo, ano ang iyong Nag hilamos po ako at kumain. Pagkatapos po
mga ginawa? noon ay um-attend po akong klase hanggang
11 ng umaga.

_____, ano naming ginawa mo pagka tapos Tumulong po kay nanay mag luto. Pagkatapos
ng klase? po non ay kumain na kami at naligo na.

Nag gawa po ng mga takdang aralin at nag


_____, ano namang ginawa mo nong hapon? drawing po.

_____, anong ginawa mo nung gabi? Kumain po ng hapunan, nag sipilyo at natulog
na po.

Ngayong Nakagawa na kayo ng sarili niyong


talata.

1. Kumuha ng isang notbuk na gagamitin sa


pagtatala.
2. Isipin ang mahahalagang petsa at itala ayon
sa pagkakasunudsunod.
3. Itala ang mahahalagang pangyayaring
naganap sa katapat ng mga petsa ayon sa
pagkakasunud-sunod.

D. Paglalapat (Generalisasyon)

Gawain ng guro Gawain ng mag-aaral


Mula sa araling ating naaral ay natuklasan
nating na ang salitang talaarawan ay nagmula
sa mga salitang tala at araw. Tala ng mga
pangyayaring nagaganap araw-araw.

Naiintindihan ba? Opo!

Sa paghahanda ng sariling talaarawan ay


dapat sundin ang mga sumusunod na
hakbang gaya ng paghahanda ng notbuk na
pagsusulatan, pag-iisip ng mahahalagang
petsa at pagtatala ayon sa pagkakasunud-
sunod, at pagtatala ng mga pangyayaring
naganap katapat ng mga petsa ayon sa
pagkakasunud-sunod.

Ano ang nadarama ninyo ng isulat ninyo ang Depende po sa nangyari noong araw na
mga talata o talaarawan? isinulat po ang talaarawan.

E. Pagtataya

Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral


Bago natin tapusin ang klase na ito, tayo
muna ay sumagot sa kahoot gamit ang link
na ito.
(https://create.kahoot.it/preview/f7577781-
accc-4cce-9481-d957ed262516)

1. Ang talaarawan ay galing sa salitang tala


at araw, ang pinaikling salita ng pagtatala ng
mga pangyayari ____________.
A. kapag may araw.
B. araw-araw.
C. lingguhan.
D. buwanan.

2. Sa pagsulat ng talaarawan ay mahalagang


mapagsunud-sunod ang mga
__________________.
A. tauhan.
B. tagpuan.
C. pangyayari.
D. usapan.
3. Sa bawat pagsulat ng mga pangyayari ay
mahalaga ang pagtatala ng
_________________.

A. bagay.
B. kulay.
C. pangalan.
D. petsa.

4. Epektibo ang pagsusulat ng talaarawan sa


_______________.
A. madaling-araw.
B. umaga.
C. tanghali.
D. gabi

5. Ang mga pangyayaring isinusulat sa


talaarawan ay dapat na maging
____________________.
A. pamalagian.
B. pansamantala.
C. di-kapani-paniwala.
D. makatotohanan.

6. Sa pagsulat ng talaarawan ay kailangang


maayos ang mga
___________________________.
A. pananaw.
B. panimula.
C. detalye.
D. wakas.

7. Ang pagsulat ng talaarawan ay higit na


_____________.
A. personal.
B. interpersonal.
C. makabayan.
D. masaklaw.
8. Tulad ng pagtatala ng petsa, dapat ding
maging tiyak sa pagsulat ng
A. panimula.
B. tagpuan.
C. tauhan.
D. oras.

9. Madalas na ang susulating talaarawan ay


__________________.
A. inililihim.
B. ipinababasa sa iba.
C. pinagtatalunan.
D. binabasa nang malakas.

10. Personal ang talaarawan kaya


__________________.
A. dapat ipabasa sa iba.
B. ilihim sa iba.
C. huwag ipabasa sa iba.
D. sa gabi lang sulatan.

You might also like