You are on page 1of 7

Isang Banghay Aralin sa EPP

Baitang 4

I. Layunin

A. Natutukoy ang iba’t-ibang uri ng malware;


B. Nasasabi ang mga paraan kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng malware at
computer virus; at
C. Napag-iingatan ang computer mula sa malware at virus.

II. Paksang Aralin

Paksa: Ang mga Panganib na Dulot ng Malware at Computer Virus


Pagpapahalaga: Pag-iingat mula sa malware at computer virus
Sanggunian: EPP Book 4, curriculum guide
Kagamitan: Flip chart, mga larawan at flash card

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Mga Nakasanayang “Magandang hapon mga bata” “Magandang Hapon po


Gawain teacher”
“Magsitayo ang lahat para sa
panalangin” “Panginoon… Amen”

“Sino ang absent ngayon?”

“Magaling!” “Wala po teacher”

B. Pagbabalik-aral “Kahapon natalakay natin ang mga


gabay para sa responsableng paggamit
ng internet. Sino ang makagbibigay ng
mga bagay na dapat isaalang-alang
para sa ligtas na paggamit ng internet?”

(tatawag ng pangalan)

(Apat na mag-aaral ang inaasahang


sumagot
-huwag ipamigay ng basta-
basta ang personal na
impormasyon sa online

-gamitin lanmang ang mga


ligtas na search engine; at iba
pang maaaring sagot
“Mahusay! Ako’y natutuwa na
natandaan niyo talaga ang tinalakay
natin kahapon.”

C. Pagganyak Ang kwento ni Vera

“Sa bayan ng ‘Kasakitan,’ may


nakatira na isang masiglang dalaga na
nagngangalang Vera. Dahil sa pagiging
maliksi nito, buong araw itong
naglalaro sa labas ng bahay, mula
umaga hanggang hapon, mainit man o
maulan. Isang umaga, naging
matamlay si Vera. Hindi niya
namalayan na nahawa na pala siya sa
virus ng kanyang mga kalaro at sa mga
bacteria na dulot ng paglalaro buong
araw sa labas. Ito ang dahilan kung
bakit siya nagkaroon ng ubo’t sipon. Sa
tulong ng gamot ay bumalik sa dating
sigla si Vera at kanyang napagtanto na
kailangan niyang alagaan ang kanyang
sarili upang hindi siya mabilis kapitan
ng sakit.

Sino ang tauhan sa kwento?


Si Vera

Ano-ano ang dahilan ng pagkakaroon


ng sakit nito? -Paglalaro buong araw sa
labas

-Virus at bacteria

Paano bumalik ang Kanyang dating


sigla? -Uminom siya ng gamot

Ano ang iyong gagawin upang maiwas -Alagaan ng maayos ang


sa sakit? sarili, at iba pa.
Tama!

D. Paglalahad “Tulad ni Vera, Naranasan niyo na “Opo teacher”


bang magkasakit tulad ng sipon o
ubo?”

(tatawag ng isang mag-aaral)

______, paano mo ito nakuha? Nahawa “Oo teacher”


ka lang ba?

“Paano ka gumaling sa iyong sakit?” “Pinainom po ako ng gamot


teacher.”

“Class, alam niyo ba na katulad ng tao,


nagkakasakit din ang computer. Kung
paanong nagkakasakit ang tao nang
dahil sa virus, gayundin ang computer.
Tinatawag natin itong computer virus
at malware. Ito ang tatalakayin natin sa
umagang ito. Handa na ba ang lahat?”

“Opo”

E. Pagtatalakay Ang malware o malicious software ay


idinisenyo upang makasira ng
computer. Sa pamamagitan nito,
maaaring illegal na makuha ang
sensitibong impormasyon mula sa
computer.

“Tatalakayin natin ngayon ang ilang


uri ng malware at kung paano ito
nakapipinsala ng computer.”

(Ipapakita ang iba’t ibang uri ng


malware at ang mga larawang
nagpepresenta nito)

Ang virus ay isang program na


nakapipinsala ng computer at maaaring
magbura ng files at iba pa.

(Magpapakita ng larawan)

Worm naman ang tawag kapag ang


isang program ay nakakapinsala sa
pamamagitan ng isang network.
(Ipapakita ang isang larawan bilang
presentasyon ng spyware)

Spyware naman ang tawag kapag ang


isang malware ay nangongolekta ng
impormasyon mula sa mga tao nang
hindi nila alam.

(Ipapakita ang isang larawan bilang


presentasyon ng adware)

Ang adware ay isang software na


awtomatikong nagpe-play, nagpapakita
o nagdadownload ng mga anunsiyo o
advertisement sa computer.

“Naranasan niyo na bang may biglaang


nag pa-pop up na mga ads habang nag
bo-browse kayo sa internet?

“Hindi pala safe ang computer natin sa “Opo”


mga kagaya ‘non dahil maaring
(Maaaring magkaiba ang mga
magdudulot ito ng virus sa computer
sagot)
natin.”

(Ipapakita ang isang larawan bilang


presentasyon ng keyloggers)

Ang keyloggers ay isang uri ng


malware na nagtatala ng lahat ng mga
pinindot sa keyboard keystrokes at
ipinadadala ang mga ito sa umaatake
upang magnakaw ng mga password at
persona na data ng mga biktima.”

(Ipapakita ang isang larawan bilang


presentasyon ng dialers)

Dialers ang tawag sa malware may


kakayahang tumawag sa mga telepono
gamit ang computer kung ang dial-up
modem ang gamit na internet
connection.

(Ipapakita ang isang larawan bilang


presentasyon ng Trojan Horse)

Ang Trojan Horse ay isang mapanirang


program na nagkukunwaring isang
kapaki-pakinabang na application
ngunit pinipinsala na pala ang iyong
computer. Nakukuha nito ang iyong
mahahalagang impormasyon
pagkatapos ma-install.

“Ito ay iilan lamang sa mga uri ng


malware. Sa siyam na uri na ating
natalakay, ano sa tingin niyo ang
pinakadelikado sa lahat?”

“May mga paraan kaya upang


malaman na ang isang kompyuter ay
may virus?”

“Paano kaya natin malalaman kung ang


isang kompyuter ay may virus?
Aalamin natin yan sa pagkakataong
ito”

(Ipapakita ang isang chart at


tatalakayin ang mga sumusunod)

Ilang Paraan sa Pagtukoy kung may


Virus ang isang Kompyuter:

 Biglaang pagbagal ng takbo ng


kompyuter

 Paglabas ng mga error message


sa binubuksang websites

 Di pangkaraniwang ingay sa
loob ng kompyuter

 Hindi paggana ang antivirus


software sa kompyuter

 Biglaang pagre-restart ng
kompyuter

 Pagbabago ng anyo kompyuter


tulad ng desktop display, wallpaper,
cursors

F. Paglalapat “Sa puntong ito, hahatiin ko ang klase


sa tatlong grupo. Ibahagi sa inyong
mga kasamahan sa pangkat ang mga
paraan na maaaring makatulong upang
maiwasan ang malware at virus sa
kompyuter. Pagkatapos ng limang
minuto, kinakailangang may isang
representante sa bawat grupo upang
ibahagi sa buong klase ang naging
talakayan sa kanilang grupo.”

(Hinati ang klase sa tatlong grupo)


Ginawa ang talakayan sa
kanilang grupo)

“Tapos na ang nakalaang oras, Group


1, kayo ang unang magbahagi sa
resulta ng inyong isinagawang (Ginawa ang talakayan sa
talakayan. buong klase)

G. Paglalahat “Ano ang malware?”


“Ang malware ay isang
software na idinisenyo upang
magdulot ng pinsala sa
kompyuter.”

(Virus, worm, spyware,


“Anu-ano naman ang mga uri ng
malware”? adware. atbp.)

“Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng  Mag-ingat sa


malware sa computer?”
pagbabahagi ng files
 Mag ingat sa pagda-
download ng anumang bagay
Huwag basta-basta mag click
ng mga ads, atbp
IV. Pagtataya

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng malware ang inilalarawan sa bawat bilang. Bilugan
ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay isang nakapipinsalang program sa computer na nagpapadala ng mga kopya ng


sarili nito sa ibang mga computer sa pamamagitan ng isang network.

A. Dialers B. Spyware C. Virus D. Worm

2. Ito ay program na nakapipinsala ng computer at maaaring magbura ng mga files.

A. Adware B. Dialers C. Keyloggers D. Virus

3. Ito ay software na awtomatikong nag pe-play, nagpapakita o nagdadownload ng mga


anunsiyo o advertisement.
A. Adware B. Keyloggers C. Spyware D. Trojan Horse

4. Ito ay malware na nangongolekta ng impormasyon mula sa mga tao nang hindi nila alam.

A. Keyloggers B. Dialers C. Spyware D. Worm

5. Ito ay isang mapanirang program na nagkukunwaring isang kapaki-pakinabang na


application ngunit pinipinsala ang iyong computer.

A. Adware B. Spyware C. Trojan Horse D. Virus

You might also like