You are on page 1of 15

Detalyadong Banghay Aralin sa Health III

I. Mga Layunin
Pagkatapos ng 40-minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang mga bagay na ginagamit sa paglilinis ng katawan,
b. nasusuri ang mga wastong kalinisan at pag-aalaga sa sarili,
c. naipapakita ang mahusay na mga kasanayan sa paggawa ng desisyon upang
maiwasan ang mga sakit.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Maging Malusog at Malinis sa Katawan
B. Target na Kasanayan:
• explain the importance of proper hygiene and building up ones’s body resistance
in the prevention of diseases. H3DD-IIh-7
C. Mahalagang Konsepto:
• Hygiene – ito ay mga gawain upang mapanatili nating malinis ang ating katawan.
• Paraan upang mapanatili ang tamang kalinisan sa katawan:
1. Paliligo araw-araw
2. Palagiang paghuhugas ng kamay
3. Pagsisipilyo
4. Pagsusuot at pagpapalit ng malinis na kasuotan 5. Paggugupit ng kuko 6.
Pagsusuklay.
• Mekanismo upang labanan ang anumang sakit subalit kailangan nating
mapanatili at palakasin ang ating resistensiya:
1. Tamang kalinisan
2. Wastong nutrisyon
3. Sapat na tulog at pahinga
4. Regular na aktibidad o pag-eehersisyo
5. Regular na pagbisita sa doktor at pagpapabakuna

D. Mga Sanggunian:
• K-12 Health Curriculum Guide pp. 33
• TG:Cristo,R.R.,David,M.C.,Nuesca,A.,Quinto,J.E.,Ramos,G.G.,Sabadlab,E.O.,
(2016
).,MAPEH – III - Gabay ng Guro at mga Karagdagang Materyal sa Pagtuturo
(Tagalog).,Inilimbag sa Pilipinas ng Vicarish Publication and Trading, Inc.,pahina
459463
• LM:Cristo,R.R.,David,M.C.,Nuesca,A.,Quinto,J.E.,Ramos,G.G.,Sabadlab,E.O.,
(2016
).,MAPEH – III - Kagamitan ng Mag-aaral (Tagalog).,Inilimbag sa Pilipinas ng
Vicarish Publication and Trading, Inc.,pahina 459-463
• Galvez,J.,Tan,Z., et al. (2009).,The Health Curriculum in the Philippine Basic
Education Manila: UNACOM
• https://youtu.be/13EhDwynICo

E. Mga Kagamitan: larawan, power point presentation, laptop, telebisyon, sagutang


papel, batayang aklat, atbp.

III. Pamamaraan sa Pagtuturo


Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
A.Paghahanda
1. Pagsasagawa ng Pang araw-araw na
Gawain
a. Pagdarasal
b. Pagbati
c. Pag-awit
d. Pagtatala ng mga pumasok at lumiban sa
klase (Ipapakita sa mga mag-aaral ang mga larawan.)

2. Pagsasanay
Mga bata, ako ay mayroong inihandang
mga larawan na kung saan ay inyong sasabihin
ang salitang “HEPHEP” kung ito ay
nagpapakita ng wastong pangangalaga at
pagiging malinis sa sarili, .at inyo namang
sasabihin ang salitang
“HOORAY” kung hindi.
Maliwanag po ba?
Tayo ay magsimula na.
(Ipapakita ng guro isa-isa ang mga larawan sa
mga mag-aaral.)
Mga larawang ipakikita:

1.

2.

3.
4.

5.

(Gagawin ng mga mag-aaral ang “Ang


galinggaling clap”).

Mahuhusay!
Dahil diyan bigyan ninyo ang inyong sarili ng
“Ang galing-galing clap”. Ang atin pong nakaraang aralin ay tungkol sa
mga karaniwang sakit ng mga bata.
3. Pagbabalik-aral
Maaari mo bang ibahagi sa klase ang ating
nakaraang aralin? Rafael. Ang mga sakit po na ating tinalakay ay lagnat at
sore eyes.
Salamat.
Magbigay ka nga ng dalawang sakit na ating
tinalakay noong nakaraan, Jiwon. Ang iba pa pong sakit na ating pinag-aralan ay
ang dengue at bulutong.
Tama!
Ano pa kaya ang ibang sakit na ating nabanggit
sa nakaraang aralin, magbigay ka nga ulit ng
dalawa? Raine. Ako po ay nilagnat na tapos po para ako ay
gumaling, ako po ay uminom ng gamot,
Magaling! nagpahinga ng husto at kumain ng
Maaari mo bang ibahagi sa klase ang masusustansiyang pagkain.
naranasan mong sakit at kung ano ang ginawa
mo upang gumaling? Carl Aris.

Mahusay!
Ano-ano kaya ang mga dahilan kung bakit tayo dahil sa mahina nating resistensiya at di-wastong
nagkakasakit? pangangalaga sa ating
katawan. Kung kaya’t ibayong pag-iingat ang
Tumpak! Lubos niyo na ngang naunawaan ang ating paalala para sa lahat.
ating aralin kahapon.

4. Pagganyak Opo.
Ngayon naman ay dumako tayo sa isa pa
nating aktibidad. Mga anak, ako ay mayroong
inihandang laro na kung saan ay tatawagin natin
itong “2 PICS, 1 WORD”. Kayo ay aking
igrugrupo sa dalawa, ito ang unang grupo at ito
naman ang ikalawang grupo. Ganito ang ating
laro, ako ay magpapakita ng dalawang larawan,
pagkatapos ay inyong tutukuyin kung ano ang Opo.
ipinapakita o ipinapahiwatig dito upang matukoy
ang isang salitang mabubuo. At kung sino ang (Ipapakita sa mga mag-aaral ang mga larawan.)
unang grupong makakuha ng tatlong puntos ang
siyang mananalo.
Maliwanag po ba?
Kung gayon, tayo ay magsimula na.
(Ipapakita ng guro isa-isa ang mga larawan sa
mga mag-aaral.)
Mga larawang ipakikita:

1.

2.
3.

4.
(Ang mga mag-aaral ay bibigyan ang panalong
grupo ng “Aling Dionisia” na palakpak.)
(Bibigyan ng tatlong bagsak ng mag-aaral ang
kabilang grupo.)

5. Aking pong napansin na ang mga pinakita po sa


larawan ay mga gamit sa paglilinis ng katawan.

Magagaling!
Nasagot ninyo ng tama ang mga larawan, ngunit
ang ____ na grupo ang unang nakakuha ng
tatlong tamang sagot. Bigyan natin ang
panalong grupo ng “Aling Dionisia” na palakpak.
Samantala, bigyan natin ng tatlong bagsak ang
kabilang grupo.

B. Mga Panlinang na Gawain


1. Panimula
Bago natin pormal na simulan ang ating
talakayan, nais ko munang itanong sainyo kung
ano ang inyong napansin sa ating ginawang
aktibidad? Alhea.

Tama!
Ang ating mga larawang pinakita sa ating
ginawang aktibidad ay mga gamit sa paglilinis
ng katawan. Saan niyo ba ito madalas makita? Ito po ay madalas kong makita sa aming bahay.
Regine.
Magaling!
Tinanong natin ang mga ito sapagkat ito ay may
kinalaman sa ating paksang tatalakayin, Ang
Pagiging Malusog at Malinis sa Katawan. ANG PAGIGING MALUSOG AT
Pakisabi nga po ulit ng malakas at sabay-sabay
ang paksang ating tatalakayin.
MALINIS SA KATAWAN.
Opo.

Salamat.
Dito ay ating tatalakayin ang mga bagay na
ginagamit sa paglilinis ng katawan at mga Opo.
wastong pamamaraan kung paano magkaroon
ng malinis at malusog na pangangatawan upang
makalayo tayo sa anumang sakit na ating
natalakay noong nakaraang araw.

2. Talakayan
Manatiling atentibo sa pakikinig at patuloy na
makipagkaisa sa ating diskusyong pangklase.
Maliwanag po ba?
Ayan, salamat po.
Ako po ay mayroong mga kagamitan at
presentasyon para sa ating talakayang
pangklase, ngunit bago ang lahat atin munang
basahin ng malakas at sabay-sabay ang mga
gabay na katanungan na makatutulong upang
mabilis ninyong maunawaan ang paksang ating
tatalakayin mamaya.
Ayos po ba?
Atin pong basahin ang mga gabay na
katanungan.
(Babasahin ng sabay-sabay ang mga gabay na
katanungan.)

Mga Gabay na Katanungan:


1. Ano ang Hygiene?
2. Anu-ano ang mga bagay na ginagamit
upang maging malinis at maayos? At
para saan ginagamit ang mga ito?
3. Anu-ano ang mga wastong paraan upang
mapanatili ang tamang kalinisan sa katawan?
4. Anu-ano ang mga mekanismo ng ating
katawan upang labanan ang anumang sakit
at mapanatili ang malakas na resistensiya?
1. Ano ang Hygiene?
Atin nang isa-isahin ang mga kasagutan sa mga binasa
ninyong gabay na tanong.

Ano HYGIENE ay mga gawain upang


ba
ang mapanatili nating malinis ang ating
hygi
ene katawan.
?
Bas
ahin
mo
nga
Alhe
a?

Ano-ano ba ang mga Gawainupang mapanatili


nating malinis ang ating katawan? Magbigay nga ng
halimbawa ng kalinisan na araw-araw ninyong
ginagawa?

Anu-ano ang mga bagay na inyong ginagamit upang


maging malinis at maayos?
(Suklay, toothbrush, sabon)

Anu-ano ang mga wastong paraan upang


mapanatili ang tamang kalinisan sa
katawan?
ang paliligo araw-araw
palagiang paghuhugas ng kamay.
Pagsesepilyo ng ngipin
ang pagsusuot at pagpapalit ng malinis na kasuotan.
Paggupit ng kuko
pagsusuklay

Magagaling!
Ngayon ay mayroon akong mystery box. Tatawag
ako ng mga batang kukuha ng gamit dito sa box at
sasabihin kung saan at ano ang gamit nito.
Mga kagamitan o bagay na ipapakita sa klase:
1. suklay
2. toothbrush at toothpaste
3. face towel
4. nail cutter
5. sabon
6. shampoo
7. lotion
8. alcohol

Mahuhusay!
4. Anu-ano ang mga mekanismo ng ating
katawan upang labanan ang anumang sakit
at mapanatili ang malakas na resistensiya?

-Dapat kumain lamang tayo ng mga


masusustansiyang pagkain at umiwas muna sa
mga junkfoods at softdrinks dahil ito ay masama
sa ating kalusugan.
-sapat na pahinga at tulog.
Ilang oras dapat ang ating tulog? Jhanella Mich.

Tama!

-regular na aktibidad o pag-eehersisyo upang


tayo ay maging physically fit at makagawa ng
maayos.
-regular na pagbisita sa doktor at
pagpapabakuna upang hindi tayo dapuan ng
anumang maaaring sakit kagaya ng covid-19.

Naintindihan po ba ang ating tinalakay?

C. Paglalahat
Ano nga ulit ang ating pinag-aralan ngayong
araw, Erlbyn? Ang atin pong pinag-aralan ngayong araw
ay tungkol sa Pagiging Malusog at Malinis sa
Katawan.
Tama.
Magbigay ka nga ng tatlong bagay na ginagamit
natin upang maging malinis ang ating katawan,
Ang mga bagay pong ginagamit natin upang
Aldren.
maging malinis ang ating katawan ay ang sabon,
Mahusay! Ilibot nga ang ating mga mata at suklay, at shampoo.
kunin ang mga bagay na ginagamit na panlinis sa
ating katawan.

Magaling!
Anu-ano ang mga wastong paraan upang
mapanatili ang tamang kalinisan sa katawan,
magbigay ka nga rin ng tatlo, Prince Ranier.
Ang ang mga wasto pong paraan upang
mapanatili ang tamang kalinisan sa katawan ay
ang pagligo sa araw-araw, palagiang
Mahusay! paghuhugas ng kamay, at pagsisipilyo.
Anu-ano naman ang mga mekanismo ng ating
katawan upang labanan ang anumang sakit at
mapanatili ang malakas na resistensiya,
magbigay nga ulit ng tatlo, Jancis.
Ang mga mekanismo po ng ating katawan
upang labanan ang anumang sakit at mapanatili
ang malakas na resistensiya ay ang tamang
kalinisan sa katawan, wastong nutrisyon, at
sapat na pahinga o tulog.
Tama!
Ngayon ay lubos niyo ngang naunawaan ang
ating paksang aralin.

D. Paglalapat
Panuto: Suriin ang mga larawan. Pagtugmain o pagdugtungin ang mga bagay na nasa
hanay A sa kung ano at saan ito ginagamit na nasa Hanay B.

HANAY A HANAY B
IV. Pagtataya
Gawain 1. Panuto: Bilugan ang mga bagay na ginagamit sa paglilinis ng katawan.

Gawain 2. Panuto: Suriin ang mga sumusunod. Lagyan ng tsek () ang patlang kung ang
pahayag ay tungkol sa kalinisan at ekis (X) naman kung hindi.
_________1. Naglilinis ng kaniyang paa si Athena bago matulog.
_________2. Kinakagat ni Lito ang kanyang kuko kapag siya ay kinakabahan.
_________3. Si Grace ay nagsisipilyo ng ngipin pagkatapos kumain.
_________4. Si Andrew ay naliligo araw-araw.
_________5. Sinusuot ni Minerva ang kanyang paboritong damit kahit na hindi pa
nalalabhan.

Gawain 3. Panuto: Lagyan ng tsek kung ang pangkalusugang gawain ay dapat palagi
ginagawa o dapat minsan lamang upang makaiwas sa sakit.
PANGKALUSUGANG GAWAIN PALAGI MINSAN
Paliligo
Pagsisipilyo
Pagpapalit ng damit
Pag-inom ng gamut sa lagnat
Pagsusuklay

V. Takdang Aralin
Panuto: Gumupit ng mga larawan sa magasin na nagpapakita ng kalinisan sa katawan. Idikit
ito sa short bond paper.

Inihanda ni:

Jamaica G. Castro
BEEd 4-1

Inaprabuhan ni:
Panuto: Suriin ang
mga larawan.
Pagtugmain o
pagdugtungin ang mga
bagay na nasa hanay A
sa kung ano at saan ito
ginagamit na nasa
Hanay B.

A B
Pangalan: _______________________________________
Panuto: Bilugan ang mga bagay na ginagamit sa paglilinis ng katawan.

You might also like