You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Pagtuturo sa MAPEH (HEALTH) 5

Ikaapat na Markahan

I. Layunin: Pagkatapos ng klase ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Natutukoy ang mga layunin at kasanayan sa pagbibigay ng paunang lunas (first aid).
b. Nakakalahok sa talakayan at gawain kaugnay sa pagbibigay ng paunang lunas para sa
biktima ng mga karaniwang sakuna.
c. Nabibigyang halaga ang paunang tulong-panlunas (first aid).

II. Paksang-Aralin
A. Paksa: “Paunang tulong-panlunas (First Aid)”
B. Sanggunian: MAPEH V, H5IS-IVb-35/ Page 36 of 66
C. Kagamitan: mga larawan, laptop at projector
D. Pagpapahalaga: Nabibigyang importansiya ang kaalaman sa paunang tulong-panlunas.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

1. Panalangin.
2. Pagbati sa mga bata.
3. Pagtsetsek ng attendance.
4. Pagtatakda ng mga pamantayan.

B. Panlinang na Gawain
1. Balik-Aral

 Ngayon mga bata mayroon akong mga o letrang nagkahalu-halu dito na tinalakay
natin sa ating nakaarang leksiyon.

 Sino ang gustong magboluntaryo para aayusin ang mga letrang nagkahalu-halu
ang ayos.
o ffaciene – caffeine
o tesolakot – tsokalate
o fsto rkisnd – soft drinks
o niap lierevesr – pain reliever

2. Pagganyak

(Magpapakita ng mga larawang na aksidente)

 Sino ang makapagbigay ng ideya kong ano ang nangyari sa naturang larawan?

 Kapag nakakita tayo ng taong naaksidente ano bang gagawin natin kaagad?

 Ano kaya sa inyong palagay ang ating bagong leksiyon natin nga araw na ito?

3. Paglalahad

 Ngayon mga bata ang tatalakayin natin ay tungkol sa Paunang tulong-


panlunas o (first aid) mga layunin at kasanayan nito.
4. Pagtalakay

Ang paunang tulong-panlunas (first aid) ay ang pagbibigay ng pangunahing magagawang tulong,


kalinga, at pangangalaga sa mga taong napinsala ng sakuna o karamdaman..

Ang 3 pangunahing mga layunin ng paunang tulong-panlunas, na mas kilala bilang 3 P’s ang mga
sumusunod:
1. Pagpapanatiling buhay (Preserve life)
2. Pag-iwas mula sa pagkakaroon ng mga dagdag na pinsala o pag-iwas sa paglala ng kapinsalaan o
karamdaman (Prevent further injury or illness)
3. Pagtataguyod sa paggaling (Promote recovery)

Mga Pangunahing kasanayan sa Pagbibigay ng Pangunahing Tulong-Panlunas

May mga kasanayan na itinuturing na pinakapusod ng pagbibigay ng paunang tulong-lunas, kahit


saan pa man o paano man naituro ang mga ito. Tinuturuan ang mga tagapagbigay ng pangunahing tulong
panlunas na laging tatandaan ang ABC ng mga hakbang sa pagbibigay ng mga paunang tulong-pansagip ng
buhay bago magpatuloy sa pagbibigay ng iba pang mga kalunasan:
Airway – Ang daanan ng hangin / Ang daanang panghininga / Ang daanang-hingahan
Breathing – Buga ng paghinga / Bantayan ang katangian ng paghinga
Circulation – Sirkulasyon o pagdaloy ng dugo sa katawan

Ang ibig sabihin nito ay dapat lamang na unahin munang suriin at subuking lutasin ang mga
suliraning may kaugnayan sa daanan ng hangin (bibig at ilong) ng pasyente. Kung walang balakid sa daanan
ng hininga at paghinga, dapat na isunod na suriin at subuking sugpuin ng tagapaglunas ang anumang
suliranin at pinsala na may kaugnayan sa sirkulasyon (pagdaloy at pagikot ng dugo sa katawan).

5. Paglalahat
 Ano nga ulit ang 3 pangunahing mga layunin ng paunang tulong-panlunas, na
mas kilala bilang 3 P’s?

 Ano ang tawag sa pagbibigay ng pangunahing magagawang tulong, kalinga, at


pangangalaga sa mga taong napinsala ng sakuna?

 Anu-ano ang mga kasanyan sa pagbibigay ng mga paunang tulong-pansagip


ng buhay bago magpatuloy sa pagbibigay ng iba pang mga kalunasan?

6. Paglalapat
 Ngayon mga bata magkakaroon tayo ng pangkatang gawain.
 Pero bago yan anu-ano ba ang ating mga gagawin pag mayroon tayong
pangkatang gawain?
Panuto: Tukuyin at lagyan ng masayang mukha kung ito ay nagpapakita ng tamang dapat gawin sa
pagbibigay ng paunang lunas at malungkot na mukha kung hindi.

1.___________________ 2.__________________ 3. ___________________

4.___________________ 5.___________________

7. Pagpapahalaga
 Mahalaga ba na mayroon tayong kaalaman sa pagbibigay ng paunang tulong
panlunas? Bakit kaya?

IV. Pagtataya
Panuto: Isulat ang Tama kung tama ang isinasaad ng Pangungusap at Mali kung ang
isinasaad ay mali.
______1. Ang paunang tulong panlunas ay ibinibigay sa mga taong nais maisalba ang buhay.
______2. Sasailalim sa mga pagsasanay ang mga taong nagbibigay ng pangunang lunas.
______3. Ang paunang tulong-panlunas ay ang pagbibigay ng pangunahing magagawang
tulong sa mga taong napinsala ng sakuna.
______4. Dapat lamang na unahin munang suriin at subuking lutasin ang mga suliraning may
kaugnayan sa daanan ng hangin (bibig at ilong) ng pasyente.
______5. Ang unang layunin ng pagbibigay ng pangunang lutas ay upang maisalba ang
buhay.

V. Takdang Aralin
Makipanayam sa mga “Health Workers” sa sentrong pangkalusugan ng barangay tungkol sa
pagbibigay ng pangunang lunas sa mga sanggol at matatanda na biglang nagkasakit o
napinsala.

Inihanda ni:
G. Ken S. Ortega
Subject Teacher

You might also like