You are on page 1of 6

BANGHAY ARALIN SA MAPEH V (MUSIKA)

I – Layunin:

- Nailalarawan ang iba’t ibang timbre ng boses.


- Natutukoy ang iba’t ibang timbre ng boses ayon sa tinig.
- Naipapakita ang kasiyahan sa paggawa ng gawin.

II – Paksang – Aralin

A. Paksa - Iba’t Ibang Timbre ng Boses


B. Lunsarang awit :
C. Sanggunian:
- Ikatlong Markahan – Modyul 4
MELCS-MU5-TB-llle-2
Halinang Umawit at Gumuhit pp. 56-63
D. Kagamitan: PPT, SMART TV, music, activity sheet
E. Srategy: SAC in Idenifying Various Tempo in Music, Collaborative
Learning, Game Base Learning, Sing Me, Audio Visual
Presentation by Ruvelyn V. Remitre – (Dep. Ed AG-KANAMI
Official Research Journal Of Tibungco District, Davao City
F. Integrasyon: Mathematics, ESP, Health

III – Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin – “Tayoy Manalangin”
(Sundan ang Video na ipapakita – https://youtu.be/KrQn4cmQXl4)

2. Health Protocols – Pagpapaawit ng “Maghugas ng Kamay”


(Sundan ang nasa Video – https://youtu.be/UF2Cj2ltDKE &
https://youtu.be/sb9a_bWxCnU)

3. Mga Dapat Tandaan Bago Magsimula Ang Klase


a. Makinig nang mabuti sa guro.
b. Umupo nang maayos sa kinauupuan.
c. Manood ng mabuti at unawain.
d. Hintayin ang hudyat ng guro kung kailan magtatanong
at sumagot.
4. Pagsasanay
Muli nating pag-aralan ang Kodaly Hand Signs.
(Sundan ang ipipakitang Video)
5. Balik- aral
Sabihin ang TAMA kung ang ipapakita na pamagat ng awitin at
ang katumbas na anyo ng awit ay tugma at MALI naman kund hindi
tugma.
a. Silent Night - Anyong Strophic
b. Happy Birthday - Anyong Strophic
c. Ako ay may Lobo - Anyong Unitary
d. Leron Leron Sinta - Anyong Unitary
e. Pilipinas kung Mahal - Anyong Unitary

B. Panlinanag na Gawain
1. Pagganyak
Magpaparinig ang guro ng mga boses. Hayaan ang mga bata na
kilalanin ang mga ito:
 Pres. Rodrigo Roa Duterte
 AiAi Dela Salas
 Andrew E.
2. Pag-alis ng Sagabal
 Timbre - ay isa sa mga elemento ng musika. Ito ay
tumutukoy sa uri ng tinig o tunog.
 Soprano - may mataas, matinis a manipis na boses ng
babae.
 Alto - tinig ng babae na makapal, mababa a pahaw
(husky).
 Tenor - mataas at matinis na tinig ng lalaki.
 Bass - mababa at makapal na boses ng lalaki.

3. Paglalahad
Magpapakita ng mga larawan na ibat ibang “singer” na may
iba’t ibang boses.
4. Pagtatalakay
a. Mga tanong:
 Sino ang nasa unang larawan?
 Sinu sino pa ang inyong nakikita sa mga larawan?
 Saan natin sila napapanood?
 Sino ang mga taong ito?

b. Panonood ng Video
(https://youtu.be/KEJRt5pF8Bo)

GABAY SA INDIBIDWAL NA GAWAIN


*Unawaing mabuti ang panuto ng gawain
*Dapat tahimik sa panahon ng gawain.
*Dapat malinis ang paggawa ng gawain.
*Sundin ang rubric.

RUBRIK NG INDIBIDWAL NA GAWAIN

5 Lahat ng sagot ay tama.


4 May isang mali o apat ang tama.
3 Tatlo ang tamang sagot.
2 Dalawang lamang ang tamang sagot.
1 Isang tamang sagot ang nakuha.

Gawain 1:
WORD PUZZLE
Panuto: Hanapin ang mga salitang may kaugnayan sa iba’t
ibang tinig ng ginagamit.

*timbre *soprano *alto *tenor *bass

A B C D E F G H I J K
S O P R A N O P Q R S
Z B A S B V T X Y T Z
X B E A T I M B R E F
I A M B O Z O K G N I
E S O K N M P S O O P
N S D R R L O S V R W
0 X Y Z O N I T A R Y
R A L T O E C F G S H
B I J K O M N O P E Q
V R S T U V W X Y Z A

Gawain 2:
TIMBRE MO!
Panuto: Tukuyin ang timbre ng boses ng mga popular na mga
mang-aawit(Soprano, Alto, Tenor o Bass).

_________1. Pilita Corales _________2. Marcelito Pomoy

____________ Lea Salonga

__________4. Martin Nievera __________5. Jose Mari Chan

Gawain 3:
HULAAN MO!
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pangungusap, tukuyin
ang timbre ng boses na ginamit kung ito ay SOPRANO, ALTO,
TENOR at BASS. Isulat ang uri ng boses sa patlang na nasa unahan
ng bilang.

_________1. Si Ana ay umawit ng may matinis at manipis na tinig.

_________2. Inawit ni Janno ang awit na may mababang boses.

_________3. Mababa at may pagka”husky” ang boses ni Maria.

_________4. Umaawit si Myrna ng awiting may pinakamataas ang


tono.
_________5. Sumali si Roland sa paligsahan ng awit gamit niya ang
kanyang mataas at medyo matinis na tinig.

4. Paglalahat

Ang timbre ay isa sa elemento ng musika. Ito ay tumutukoy sa uri


ng tunog o tinig ng bawat tao na may iba’t ibang kalidad ng tinig.
May apat na uri ng boses o tinig Soprano at Alto para sa mga
babae at Tenor at Base naman sa mga lalaki.

5. Paglalapat
Sabihin ang TAMA kung ang katumbas ng timbre ng boses ng
singer sa ibaba ay tugma MALI kung hindi:
1. SARAH GERONIMO – ALTO
2. JANNO GIBBS – BASS
3. AIZA SEGUERRA –ALTO
4. LEA SALONGA –SOPRANO
5. JOSE MARI CHAN – TENOR
IV – Pagtataya

Panuto: Basahin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa kalidad ng boses o tinig, ano ito?


a. Timbre b. melody c. Teksura d. Elemento

2. Anong timbre ng boses ng babae kung ang tinig ay manipis at


mataas?
a. Soprano b Alto c. Tenor d. Bass

3. Ilan ang uri ng timbre ng boses o tinig?


a. isa b. dalawa c. tatlo d. apat

4. Ito ay boses panlalaki na may mababang tono?


a. Soprano b Alto c. Tenor d. Bass

5. Kapag makapal at mababa ang boses ng babae ito ay nasa


timbreng?
a. Soprano b Alto c. Tenor d. Bass

V – Takdang Aralin

Gumupit ng mga larawan ng mga mang-aawit na may iba’t ibang


timbre ng boses. Idikit ito sa puting papel at lagyan ng uri ng timbre ng
boses.

a. Soprano (2 larawan)
b. Alto (2 larawan)
c. Tenor (2 larawan)
d. Bass (2 larawan)

Prepared by:

MRS. LOLITA G. HINGABAY

Teacher III

Observed by:

HAYDEE M. BATAUSA
Master Teacher I

GRACE L. GALLARDE
Principal II

You might also like