You are on page 1of 6

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 4

Paaralan: Liangan West Elementary Learning Area: MAPEH


School
Guro: Gennevieve Grace E. Mila Quarter: 4th Quarter
Grade-Section: Grade V – Orchids Date: May 2, 2023

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ng Grade 4 – Daisy ay
inaasahang:
a. Nakilala at natutukoy ang tempo
b. Nagagamit sa pagsusulat ng iba’t ibang uri ng pangungusap sa
pagsasalay ng napakinggang balita , at
c. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pagsasalysay ng balita.

II. Paksang Aralin


Paksa: Tempo: Largo at Presto
Sanggunian: Music 4 Kwarter 4 – MELCS (MU4TP-IVb-2)
Kagamitan: Panturong biswal, mga larawan, at PowerPoint Presentation

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa
panalangin.

(Magtawag ang guro ng isang


mag-aaral upang pangunahan ang
pagdadasal)

 Pagbati
Magandang araw mga bata!

 Pagtatala ng lumiban at hindi


lumiban
Upang simulan natin ang ating
klase, itsetsek muna natin ang
ating attendance. Mayroon bang
lumiban sa klase natin ngayong
araw?

Mabuti mga bata. Palakpakan


natin ang mga sarili.

 Pagbabalik aral
Bago tayo tumungo sa ating
bagong aralin para sa araw na ito,
magbalik aral muna tayo sa
nakaraang aralin na ating tinalakay
noong isang linggo.
Ano nga ba ang paksa ng aralin na “Iba’t ibang uri ng kalamidad”
tinalakay natin noong isang
linggo?

Tama! Tinalakay natin ang tungkol “Ang kalamidad ay pangyayari na


sa iba’t ibang uri ng kalamidad. sanhi ng mga pagbabago sa
Ano ang kalamidad? kondisyon ng kalikasan at
maaaring magdulot ng
pagkawasak o pagkawala ng mga
ari- arian at kapahamakan sa
buhay ng tao.”

Mahusay! Tukuyin naman natin


ang bawat larawan kung anong uri
ng kalamidad ito.

“Lindol”

“Landslide”

“Baha”

“Bagyo”

“Storm surge”
“Volcanic eruption”

(Inaasahang mga sagot)


“Mabagal”
“Mabilis”
 Pagganyak
“Mabilis”
Makinig sa mga sumusunod na mga
“Mabagal”
awitin at tukuyin kung ito ba ay
“Mabagal”
mabilis o mabagal.

 Pagpapakilala ng bagong aralin


Sa ating ginawang palaro, meron
ba kayong ideya sa ating aralin
para sa araw na ito?

(Magtawag ng isang mag-aaral


ang guro)

Kung gayun, akin ng simulan ang aralin


natin na kung saan tungkol sa tempo:
largo at presto.

B. Panlinang na Gawain
 Paglalahad
Ang ating aralin sa araw na ito ay
tungkol sa tempo (largo at presto).
Ating pag-aralan ang paggamit ng
angkop na musical terms upang
maipakita ang pagkakaiba ng
tempo.

Kung ating pagmamasdan ang


ating kapaligiran baawat isa ay
may sariling galaw. Katulad nalang
ng:
- Paghahabulan ng mga alon at
paghamps sa dalampasigan.
- Ang pag-indayog ng mga puno sa
pag-ihip ng hangin.
- Ang paglangoy ng bibe sa sapa.
- Maging ang paglakad ng mga
nagmamadaling tao sa umaga.
- Pagpasok sa trabaho.
- Pagtakbo ng mga rumaragasang
sasakyan ay nagpapakita ng iba’t
ibang galaw o kilos.

Kaugnay ng mga bagay na ito, ang


isang awitin o tugtugin ay may tiyak na
kilos o galaw. Ito ay tinatawag na tempo.

Ang tempo ay maaaring mabilis o


mabagal. Ang mabilis na tempo ay
tinatawag na presto samantalang ang
mabagal na tempo ay tinatawag na largo.

Ang tempo ng awitin ay maaaring


ilarawan sa pamamagitan ng iba’t ibang
kilos ng katawan. Ang kilos o galaw ay
naaayon sa daloy ng awitin o tugtugin. “Presto”

Ating pakinggan ang dalawang awitin at


tukuyin kung ito ba ay may tempo na
largo o presto.

1. Mga Alaga Kong Hayop


Ang awiting mga alaga kong hayop “Largo”
ay may tempong mabilis. Anong
klaseng tempo ito?

2. Lullaby and Goodnight


Ang awiting lullaby and goodnight
ay may tempong mabagal dahil ito
ay awitin para sa mga bagong
silang o pagpapatulog sa mga
bata. Anong klaseng tempo ito?

Mahusay! May iba pang halimbawa pa na


mga kanta ang tempo na largo kagaya na
lamang ng;
1. Rock a bye baby
2. Ugoy ng Duyan
Ang mga halimbawa naman ng presto ay;
1. Leron-leron sinta
2. Sitsiritsit
3. Paru parong bukid

Tandaan, ang tempo ay elemento ng


musika na tumutukoy sa bilis o bagal ng
isang awit o tugtog.

Ang awiting nababagay para sa presto ay


mga masisiglang awitin, mga awiting
masasaya, mga awiting may malakas na
tunog ng instrumento.

Samantalang, ang mga awiting


nababagay para sa largo ay mga awiting
mahinahon, pampatulog, at
nagpapakalma sa ating isip o mababagal
na awitin.

Ang mga awitin o tugtugin ay kumikilos


tulad ng mga pangyayari sa ating paligid.
May mga pagkakatao na kailangang
kumilos nang mabilis at mabagal.
Awitin Largo Presto
Kaugnay nito, ang musika ay dumadaloy
sa mabilis at mabagal na paraan. 1. Sitsiritsit /

2. Ugoy ng /
Pagpapalawak ng kaalaman duyan
Upang sanayin at pagyamanin ang 3. Lullaby /
natutunan sa aralin na ito, sagutin and
natin ang dayagram sa goodnight
pamamagitan ng pagalagay ng 4. Leron- /
tsek kung ang awitin na ito ay leron sinta
largo o presto. 5. Rock a /
bye baby
Awitin Largo Presto
1. Sitsiritsit

2. Ugoy ng
duyan “Ang tempo ay elemento ng
3. Lullaby musika na tumutukoy sa bilis o
and bagal ng isang awit o tugtog.”
goodnight
4. Leron-
leron sinta “Largo at presto.”
5. Rock a
bye baby

“Kapag ang awitin ay mabagal.”


 Paglalahat
Ano ang tempo?

“Kapag ang awitin ay mabilis.”


Ano ang dalawang uri ng tempo?

Kailan natin masasabi kung ang


awitin o tugtogin ay largo?

Kailan naman natin masasabi kung


ang awitin o tugtogin ay presto?

IV. Pagtataya
Matching Type:
Pagtapat-tapatin ang nakapaloob sa Hanay A sa Hanay B. Isulat sa
patlang ang titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B
1. Ito ay halimbawa ng presto a. Ugoy ng Duyan
2. Ito ang isang awitin o tugtugin ay b. Largo
may tiyak na kilos o galaw.
3. Ito ay ang mabilis na tempo. c. Sitsiritsit
4. Ito ay ang mabagal na tempo. d. Tempo
5. Ito ay halimbawa ng largo. e. Presto

V. Takdang Aralin
Magsaliksik sa Internet at isulat ang iba’t ibang textile arts sa bansang
Pilipinas.

Inihanda ni:
Gennevieve Grace E. Mila
Student-Teacher
BEED - IV

You might also like