You are on page 1of 5

WEEK 8: FILIPINO 1

Paglalarawan at Pagtukoy ng Kasarian ng mga Pangngalan


Isah, Maimana E. GED 106-Hh

Mga Layunin

Sa katapusan ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nakatutukoy sa mga kasarian ng mga


Pangngalan
b. Kilalanin ang mga iba’t ibang Pangngalan
c. Nakapagsasabi sa kahalagahan ng pagbibigay-
galang sa anumang kasarian
Pagganyak

(guro ay magpapakita ng larawan)

Tingnan bawat larawan at sabihin kung ano ito.

Unang larawan

Ano ang nakikita niyo?

Sino ang makapagbigay ng Pangalan ng isang babae?

Magaling!

Dumako naman tayo sa pangalawang larawan.


Ano ang nakikita niyo?

Sino ang makapagbigay ng Pangalan ng isang babae?

Mahusay!

Sa pangatlo naman tayo.

Ano ang nakikita niyo sa pangatlong larawan?

Tama!

Pwede bang maging isang babae or lalaki ang isang mag-aaral?


Mahusay!

Sa panghuli na tayo.

Ano ang nakikita niyo sa panghuling larawan na ito?

Mahusay!
Ano ba ang napansin niyo sa mga ipinakita ko?

Magaling!

Alam niyo ba na ang mga Pangngalan ay may kasarian?

Ano ang Pangngalan?

Ito ay salita o bahagi ng salita na tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop,


bagay, lugar, at pangyayari.

Mag halimbawa,

Tao- ina, ama, lola, pinsan, at kapatid.

Hayop- ibon, manok, baka, pusa, at aso.

Bagay- lapis, bag, mesa, bola, at manika.


Lugar- maynila, parke, cebu, plasa, at mall.

Pangyayari- Kasal, bagong taon, pista, at pasko.

Mga Kasarian ng Pangngalan.


1. Panlalaki. Ito ay pangngalang nauukol sa ngalan ng lalaki.

Halimbawa: lolo, nobyo, kuya, ginoo, manong, ninong.

2. Pambabae. Ito ay pangngalang nauukol sa ngalan ng babae.

Halimbawa: lola, nobya, ate, ginang, kuya, manang, ninang.

3. Di-Tiyak. Ito ay tumutukoy sa ngalan ng babae o lalaki.

Halimbawa: pinsan, anak, mananahi.

4. Walang kasarian. Ito ay tumutukoy sa pangngalang walang buhay.

Halimbawa: lapis, silya, plato, medalya, tungkod, mesa, baso.


Pagtataya

A. Salungguhitan ang pangngalan at tukuyin kung ito ay panlalaki,


pambabae, di-tiyak at walang kasarian. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.

1. Pawis na pawis ang mga manlalaro pagkatapos ng kanilang


laban.
2. Malakas ang bagyo na dumaan sa Pilipinas.
3. May pasalubong sa akin ang aking tiyo.
4. Pupunta kami sa plasa mamaya.
5. Madalas mabali ang lapis ko.

B. Tukuyin kung ang mga sumusunod na salita ay panlalaki, pambabae,


di-tiyak, at walang kasarian. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

1. bola 6. ama
2. Ninong 7. kapatid
3. Telepono 8. paliguan
4. regalo 9. palengke
5. ate 10. sabon

Takdang Aralin

Basahin ang babala at isulat ang nakitang mga pangngalan. Isulat


ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Bawal pumitas ng bulaklak. 2. Mag-ingat sa aso.

3.Tumawid sa tawirang daan. 4.. Bawal magtapon ng


basura.

5.Umiwas sa mga natumbang puno.

Sanggunian: PIVOT 4A Calabarzon Filipino G1

You might also like