You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino

I. Layunin: Sa katapusan ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Nakatukoy sa mga kasarian ng pangngalan
b. Nakapag-uuri-uri sa mga pangngalan ayon sa kasarian nito
c. Nakapagsasabi sa kahalagahan ng pagbibigay-galang sa anumang kasarian
II. Paksang-aralin:
A. Mga Kasarian sa Pangngalan
B. Sanggunian: Bagong Filipino sa Salita at Gawa
C. Kagamitan:

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng Liban
4. Balik-Aral

B. Paglinang ng Gawain
1. Pagganyak
 Ang guro ay mayroong ipapakita na larawan.
 Ano ang nakikita ninyo sa unang larawan?
 Maaari bang magbigay ng pangalan ng isang babae?
 Ano ang nakikita ninyo sa pangalawang larawan?
 Maaari bang magbigay ng pangalan ng isang lalaki?
 Ano ang nakikita ninyo sa pangatlong larawan?
 Pwede bang babae o lalaki ang guro?
 Ano ang nakikita ninyo sa huling larawan?
 Masasabi ba natin na isang babae o lalaki ang isang kwaderno?
 Ano ba ang napansin ninyo sa mga larawang ipinakita?

2. Paglalahad
 Pagbasa ng kuwento “Sa Bukid ni Lolo”
 Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa napakinggang
kwento.
3. Pagtatalakay:

“Kasarian ng Pangngalan”

Ang Pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at


pangyayari. Mayroon itong apat (4) na kasarian.

PANLALAKI – ito ay kasarian na tumutukoy sa lalaki.


Halimbawa: tatay, binata, kuya, lolo, ninong, tito, pari, barako, tandang at iba pa
PAMBABAE – ito ay pangngalan na tumutukoy sa ngalan ng babae.
Halimbawa: nanay, dalaga, ate, lola, ninang, tita, madre, inahin, at iba pa.
DI-TIYAK – ito ay pangngalan na hindi tiyak ang kasarian kung lalaki o babae. Ito ay mga
hayop at tao na maaaring lalaki o babae.
Halimbawa: guro, anak, magulang, alaga, pamangkin, mag-aaral, baboy, manok, bibe,
kalabaw at iba pa.
WALANG KASARIAN – ito ay pangngalan na hindi tao at hindi rin hayop. Maaari itong bagay,
lugar o pangyayari.
Halimbawa: bote, bulaklak, papel, bag, kusina, paaralan, palengke, Pasko, kaarawan at
iba pa.
4. Pagyamanin:

Panuto: Tukuyin kung ano ang kasarian ng may salugguhit. Isulat ang PL kung
pangngalang panlalaki, PB kung pangngalang pambabae, DT kung di-tiyak at WK kung walang
kasarian.

1. Si ate ay maganda.
2. Tatlo ang kapatid ko.
3. Masarap ang tinapay.
4. Tahimik ang simbahan.
5. Si tatay ay masipag.

5. Paglalahat:
1. Anu-ano ang mga kasarian ng pangngalan?
2. Bakit mahalaga ang pagbibigay-galang sa anumang kasarian?

6. Paglalapat:
Panuto: Salungguhitan ang pangngalan sa pangungusap at tukuyin
ang kasarian ng pangngalan.

1. Ang pasahero ay nag-aabang ng sasakyan sa may kanto.


2. Bumili si nanay ng bagong aparador.
3. Ang aking kuya ay isang ganap na enhinyero.

IV. Pagtataya:

Panuto: Isulat ang bawat pangngalan sa tamang hanay ayon sa kasarian nito.

Tandang kaibigan artista ate inahin

Nars pari prutas palengke pari

PAMBABAE PANLALAKI DI-TIYAK WALANG KASARIAN

V. Takdang-aralin:

Panuto: Isulat sa inyong kwaderno ang sagot. Tukuyin ang kasarian ng mga
pangngalan.

1. mag-aaral 6. aklat
2. dalaga 7. tandang
3. gusali 8. binata
4. karpintero 9. mesa
5. piloto 10. tiyahin

Inihanda ni:

IMELOUDY MAE C. MONERA


Aplikante

You might also like