You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA Filipino 6

I. Layunin
Nagagamit ng wasto ang mga pang-angkop sa pangungusap (ng, na at g)

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Mga Pang-angkop (F6WG-IIIi-10)


B. Sanggunian: Landas sa Wika 6, pp. 187-190
C. Kagamitan: plaskard, sipi ng tula, larawan, projector, laptop, power point presentation
D. Pagpapahalaga: Pagmamahal sa matanda

III. A. Panimulang Gawain


1. Pagbabaybay ng mga salita
bukirin
nayon
mahirap
bakuran
libangan

2. Pagsasanay
- ibigay ang mga katinig
- ibigay ang mga patinig

3. Balik-aral
Magbigay ng mga pangungusap gamit ang pangatnig

B. Panlinang na Gawain

1. Pangganyak:
Sino sa inyo ang may lolo pa?
Ano ang katangian niya?

Tingnan ang larawan. Sino ang nasa larawan? Sino sa inyo ang may lolong kagaya sa A? B? Ang
babasahin nating tula mamaya ay tungkol sa isang lolo kagaya ng nasa B.

A B

2. Pag-alis ng Sagabal
dukha, munti, bakuran

3. Paglalahad
a. Ngayon ay may pakikinggan na ninyo ang tula tungkol sa matandang masipag. Pagkatapos ay
basahin natin ito ng sabay.

b. a. Pagbigay ng pamantayan sa pakikinig at pagbasa ng tula- Ano-ano ang mga pamantayan sa


pakikinig? Sa pagbasa?

c.Pangganyak na tanong
Sino ang naging huwaran ng bata sa tula? Bakit?
d. Pakikinig at Pagbasa ng tula- (see ppt.)

“Matandang Masipag”

May tao akong hinahangaan sa malayong nayon


Isang dukhang lalaking may magandang kaugalian
Mapagmahal, maalaga, at masipag na matanda
Palaging nag-iisip ng gawaing marangal

Bakurang malawak puno ng pananim


Sariwang hangin kay sarap langhapin
Makikita rin alagang manok na inahin
Mabuting libangan hatid ay pagkain

Bakasyong kay saya aking inaabangan


Sabik akong puntahan ang munting tahanan
Ng lolo kong matiyaga at abala sa paggawa
Pagtulong at pag-alaga sa kanya’y aking ipadama.

4. Talakayan
a. Pagsagot sa Pangganyak na Tanong
b. Pagsagot pa ng ibang tanong
- Tungkol saan ang tula?
- Saan nakatira ang matandang masipag?
Anong katangian mayroon ang matanda? Idikit sa pisara ang sagot.
(Semantic Web)

Katangian ng matanda

c. Basahin ang sumusunod na dalawang salita na sinipi sa tulang binasa natin.


Pansinin ang mga titik na may salungguhit.
I. magandang kaugalian
malayong nayon

II. masipag na matanda


manok na inahin

III. bakurang malawak


gawaing marangal

Anong kataga ang may salungguhit?


Ang mga katagang –ng, -na-, at –g ay mga pang-angkop.
Aling pang-angkop ang nakadugtong?
Aling pang-angkop ang nakahiwalay?

Anong pang-angkop ang ginamit sa unang pangkat ng parirala?


Anong titik ang sinusundan nito?
Anong masasabi ninyo sa gamit ng pang-angkop na –ng?

Anong pang-angkop ang ginamit sa ikalawang pangkat ng parirala?


Anong titik ang sinusundan nito?
Anong masasabi ninyo sa gamit ng pang-angkop na –na-?

Anong pang-angkop ang ginamit sa ikatlong pangkat ng parirala?


Anong titik ang sinusundan nito?
Anong masasabi ninyo sa gamit ng pang-angkop na –g?
5. Pagsasanay

A. Gawain I
Lagyan ng kaukulang pang-angkop ang mga parirala at gamitin ang mga ito sa
pangungusap. Ipaliwanag ang sagot.

1. masipag __ mag-aaral 6. Magiting ___ Bayani


2. pagkain __ pampalusog 7. Bansa ___ Pilipinas
3. dalawa__ anak
4. buhangin__ pino
5. tulay__ kawayan

B. Gawain 2 (Pangkatang Gawain-Rubrics) Differentiated Instruction

Gamit ang mga pang-angkop, gawin ang mga sumusunod:


I. Gumawa ng 5 pangungusap tungkol sa inyong lolo
II. Gumawa ng rap tungkol sa inyong lolo
III. Sumulat ng liham para sa inyong lolo
IV. Gumawa ng awit para sa inyong lolo
V.Gumawa ng balita tungkol sa isang lolo

6. Paglalahat (see video clip)


Ano ang tawag sa mga katagang nag-uugnay sa dalawang salita?
Ano ang pang-angkop?
Kailan ginagamit ang ng? na? g?

7. Paglalapat (Pangkatang Gawain-bawat bata sa pangkat ay sasagot)

a.Show-me-board
Isulat ang tamang pang-angkop sa inyong show-me-board para sa sagot ng mga
pangungusap na ipapakita ko. (ipaliwanag ang sagot)
1. Maraming magaganda__ balak si Linda sa kanyang pagtatapos.
2. Ang batang magala__ ay dangal ng magulang.
3. Pinutulan niya ang mataas ____ puno
4. Dumaan sila sa tulay ___ mahaba.
5. Naglalaro sila sa buhangin__ pino malapit sa daan.

b. Magbigay ng pangungusap gamit ang mga pang- angkop na ng, na at g.

IV. Pagtataya
Gamitin ang wastong pang-angkop sa pagbuo ng bawat pangungusap.

1. Umalis patungo__ probinsya ang mag-anak.


2. Siya ay isang matulungin__ anak.
3. Mangunguha rin sila ng sariwa__ prutas at gulay sa bukid.
4. Maliligo rin sila sa malinis ___ na tubig sa ilog.
5. Makikipaghabulan din sila sa mga hayop ___ maamo sa parang.

V. Takdang Aralin
Sumulat ng dalawang pangungusap sa bawat uri ng pang-angkop.

Prepared by: RIA F. PINTO


TEACHER III

Checked by:
ARABELLE A. NARCISO
Master Teacher I
Noted:
ALBERTO P. CAPARAS
Head Teacher III

You might also like