You are on page 1of 3

MAIKLING BANGHAY- ARALIN SA FILIPINO 3

I. Layunin: Napagsasama ang mga katinig at patinig upang makabuo ng salitang may diptonggo F3KP-IVi-
11
II. Paksa: Mga Salitang Diptonggo
Sanggunian: Curriculum guide
Mga Kagamitan: tsart, TV, video clip, mga larawan

III. Pamamaraan:
1. Panimulang Gawain:
a. Panalangin:
Pambukas na panalangin (Awit)

b. Balik-Aral:
Ibigay ang pangalan na may klaster sa mga sumusunod na larawan.

b. Pagsagot sa Takdang-Aralin:

c. Pagbabaybay:
Baybayin nang wasto ang sumusunod na mga salita:

1. tulay
2. masipag
3. baywang
4. ilalim
5. ilaw
d. Pagganyak:
(*Integrated with PROPEL)
Magpaskil ng tsart ng “Bahay Kubo” ang guro sa pisara at babasahin ito ng mga
bata.

Magpakita ng powerpoint presentation ng “Bahay Kubo” na awitin.


Anu-anong mga bagay ang nakikita ninyo sa video?
(Isusulat ng guro ang sagot ng mga bata sa pisara.)

- bahay kubo - mani - upo


- halaman - bawang - kalabasa
- talong - kundol - sibuyas

2. Pagmomodelo ng Guro:

Tingnan natin ang pangungusap na ito.

- Ang bahay kubo ay maliit.

Ano ang maliit?


Ano ang masasabi natin sa bahay kubo?
Ang salitang maliit ay naglalarawan sa bahay kubo. Ito ay tinatawag na pang-uri.

Ang pang-uri ay salitang naglalarawan sa ngalan ng tao, bagay, pook o mga


pangyayari.

Basahin ang ikalawang pangungusap.


- Ang mga halaman ay sari-sari.

Ano ang sari-sari?


Ano ang salitang naglalarawan sa halaman?

Paglalahat:
Ano ang pang-uri?

3. Ginabayang Pagsasanay:

Pangkatang Gawain:
Pangkat 1

Bilugan ang titik ng mga salitang naglalarawan sa pangungusap.

1. Ang kuneho ay kulay puti.


a. puti b. ang c. kulay
2. Ang mangga ay maasim.
a. mangga b. maasim c. ay
3. Mainit ang panahon ngayon.
a. mainit b. panahon c. ngayon
4. Si Lito ay batang mabait.
a. bata b. Lito c. mabait
5. Mataas ang puno ng mangga sa aming bakuran.
a. puno b. mangga c. mataas

Pangkat 2

Salungguhitan ang pang-uri sa bawat pangungusap.

1. Ang lobo ay puti.


2. Marumi ang paligid.
3. Mabigat ang mga dala ko.
4. Si Lito ay masipag.
5. Pula ang kulay ng payong.

IV. Malayang Pagsasanay

Kopyahin ang mga pangungusap sa buong papel. Salungguhitan ang mga salitang naglalarawan o
pang- uri sa loob ng panaklong.

1. (Mahina, mabagal, mabilis) tumakbo ang kabayo.


2. Ang asukal ay (matamis, maasim, maanghang).
3. (Pula, dilaw, puti) ang kulay ng araw.
4. Ang puno ng niyog ay (malapad, mataas, maikli).
5. (Parisukat, tatsulok, bilog) ang hugis ng kahon.

V. Takdang-Aralin/Kasunduan:

Gumawa ng 3 pangungusap gamit ang pang- uri tungkol sa iyong pamilya.

Prepared by:

ELENITA F. ALCALDE
Teacher I

You might also like