You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF GENERAL TRIAS CITY
GENERAL TRIAS MEMORIAL ELEMENTERY SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 4


Ikatlong Markahan
Ika-anim na Linggo
March 27, 2023

I. LAYUNIN
1. Natutukoy ang mga kwento sa pangungusap,
2. Nakabubuo ng sariling pangungusap gamit ang pangatnig;at
3. Nagagamit ng wasto at angkop na mga pangatnig sa pangungusap at talata.

II. PAKSA
Paggamit nang Wasto at Angkop na Pangatnig

A. Kagamitan
PowerPoint presentation, TV, Laptop tarpapel

B. Sanggunian: LM ,Wika at Pagbasa 4

Pahina 131- 137

C. Integrated Subjects:
EsP: Pagiging Mapagmahal/Masipag
English: Recite a Poem
Music: Pag-awit/
AP:Pamayanan
Mathematics: Numeracy

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Tsek attendance
4. Pampasiglang Awitin

B. Balik-aral

Habang tumutugtog ang musika ay magpapasahan ng bola ang mga bata. Kapag tumigil ang
tugtog ay bubunot sa kahon ang batang huling nakahawak sa bola at sasagutin ang mga salita o
sitwasyon na mabubunot nya. Makakatanggap ng premyo ang makakatama ng sagot.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Aling pang-angkop ang nakadugtong?

2. Aling pang-angkop ang nakahiwalay?


1. Ano ang huling tinalakay natin noong nakaraang leksyon?
2. Ano ang Pang-angkop?

3. Kailan ginagamit ang ng,na at -g?

4. IIang titik meron ang patinig,?katinig?

5. Ano ang tawag sa mga katagang nag uugnay sa dalawang salita?

C. Paghahabi sa layunin ng aralin (Motivation)

May nakatalang mga pangungusap.Sa bawat numero ay may dalawang kaisipan na


paguugnayin gamit ang mga salita.Hanapin sa kahon ang nawawalang salita.

A. sa wakas D. kung ano


B. raw E. kung sino
C. siya rin F. daw

1. Puwede po ba pakisauli na, __________ man ang kumuha ng ballpen ko?


2. Uuwi na si Mama bukas galing Maynila, ___________magkikita na kami.
3. Hindi pa ____ siya makakauwi bukas dahil may pupuntahan pa siya.
4. Sabihin mo lang sa akin _________ ang kailangan mo at bibigyan kita.
5. Maging ____ ay nangangailangan din ng tulong natin.

D. Paglalahad

Ngayon ay may nahinuha na ba kayo?


Ano ang sa tingin nyo ang ating paksa?

E. Pagtalakay

1. Paglalahad
a. ibigay ang pamantayan sa pakikinig at pagbasa.
b. Ngayong hapon ay may babasahin tayong isang diyalogo tungkol sa dalawang magkaibigan.

D. PAGTALAKAY NG BAGONG

KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG BAGONG KASANAYAN #1


(Discussing new concept and
practicing new skills #1)
(EXPLAIN)

a. Pagsagot ng Pangganyak na tanong


Ano ang gusto ninyong malaman sa magkaibigan?

Lyndon: Yehey! May koryente na, sa wakas mapapakinggan ko na sa radyo ang modyul para sa
linggong ito. Subalit, lahat na kaya meron?
Roxanne: Oo nga! Hindi pa raw tayo maaaring mag-face to face at papasok sa iskul? Nakaka-miss na
rin talaga.
Lyndon: Oo nga. Sabi ni Nanay, dahil bumalik na ang koryente pagkatapos ng tatlong bagyong
Quinta, Rolly at Ulysses, tuloy na ulit ang online classes natin. Maaari din daw tayong makinig ng
leksiyon sa radyo at TV.
Roxanne: Kung gayon, kailangan talagang may koryente sa bahay para makapakinig ng radyo at
makapanood sa TV maliban sa cellphone.
Lyndon: Pero kung wala nito, mas mainam pa rin ang ibibigay na mga modyul ni Ma’am Tere. Basta’t
alam lang kung kailan kukunin at ibabalik ng ating mga magulang ang natapos nating modyul.
Roxanne: Tama! Kailangang sumunod sa nais ng gobyerno bilang pag-iingat sa kalusugan natin. Kaya
hindi muna natin makikita ang ating mga guro, kasi sila rin ay pinag-iingat din.
Lyndon: Oo nga, ito ay dahil sa Covid 19. Kailangan talaga natin ang pag-iingat.
Roxanne: Kailangan nating manatili sa ating bahay upang sakit ay maiwasan.

b. Pagsagot pa ng ibang tanong


- . Tungkol saan ang diyalogong iyong binasa?
- Paano nakapagpapatuloy ang mga mag-aaral sa panahon ng pandemya?
- Ano ang tawag sa nakahilig na mga salita?

Tandaan:

Ang pangatnig ay tawag sa mga kataga o salitang ginagamit sa pag-uugnay ng dalawang


salita, parirala o sugnay na pinagsunod-sunod sa isang pangungusap. Maaaring karagdagan,
magkasalungat, pagpapaliwanag, paglilinaw, at pagtatapos ng kaisipan.

Ang o at at ay nag-uugnay ng mga salita sa kapwa salita. Ginagamit ang o kapag nagsasaad
ng pagpipili. (o, ni, maging, man) tinatawag na pangatnig na pamukod dahil ang
pinagbubuklod nito ang mga kaisipang pinag-uugnay.

Ginagamit ang at kung nais pagdugtungin ang dalawang kaisipan. Ang ngunit, subalit ay
ginagamit sa pag-uugnay ng dalawang kaisipang magkasalungat.

Sapagkat, dahil sa - nagbibigay ng dahilan o katwiran.


Ang pangatnig na sa wakas ay nagbibigay ng pagtatapos sa isang suliranin.

Ang raw at daw ay nagpapahayag ng paggaya sa sinabi ng iba.


Ginagamit ang raw kung ang sinusundang salita ay patinig ang huling titik at daw ang gagamitin kung
ang huling titik ng sinusundang salita ay katinig.

Ang pangatnig na kung gayon at sa makatuwid ay ginagamit bilang paglilinaw sa isang sitwasyon.
Ginagamit naman bilang paggaya o pagtulad sa mga pangyayari ang kung ano, at paggaya o pagtulad
naman sa mga tao ang siya rin o sila rin.

Samantalang ginagamit naman ang kung sino sa pagtukoy sa taong may alam, may gusto, o may
ginawang isang bagay.

c. Isa-isahin at suriin ang bawat pangungusap na hango sa napakinggang teksto ng usapan nina
Roxanne at Lyndie.

1. Yehey! May koryente na, sa wakas mapapakinggan ko na sa radyo ang modyul para sa
linggong ito. Subalit, lahat na kaya meron?

Anong kataga ang nag-ugnay sa dalawang pangungusap?


Ano ang gamit ng pangatnig na sa wakas sa pangungusap?

2. Hindi pa raw tayo maaaring mag-face to face at papasok sa iskul? Nakaka-miss na rin talaga.
Anong pangatnig ang nag-ugnay sa mga parirala? raw
Ano ang gamit nito sa pangungusap? ginagaya ang sinabi ng iba
Anong titik ang sinusundan ng salitang raw sa pangungusap?

3. Maaari din daw tayong makinig sa radyo at manood sa TV.

Ano ang gamit nito sa pangungusap? ginagaya ang sinabi ng iba


Anong titik ang sinusundan ng salitang daw sa pangungusap? N

4. Kung gayon, kailangan may radyo at TV tayo sa bahay maliban sa cellphone.

Anong pangatnig ang ginamit sa pangungusap? kung gayon


Ano ang gamit nito sa pangungusap? Ginagamit ito bilang paglilinaw sa isang sitwasyon.

E.Paglinang sa kabihasnan (Tungo sa Formative Assessment)

A. Gawain I
Lagyan ng kaukulang pang-angkop ang mga parirala.

1. masipag mag-aaral
2. pagkain pampalusog
3. dalawa anak
4. buhangin pino
5. tulay kawayan

B. Gawain 2 (Pangkatang Gawain

Gamit ang mga pang angkop, gawin ang mga sumusunod:


I. Basahin at punan ang patlang ng wastong pang-angkop.
II. Punan ang mga patlang gamit ang pang-angkop na (-g, -ng at –na) sa
pangungusap.
III. Tukuyin ang mga kagamitan na maaaring gamitin upang mapanatili ang
pakikipag-ugnayan sa iba.

C.Paglalahat
Ano ang tawag sa mga katagang nag uugnay sa dalawang salita?
Ano ang pang-angkop?
Kailan ginagamit ang ng? na? g?

1. Paglalapat (Pangkatang Gawain-bawat bata sa pangkat ay sasagot)

a.Show-me-board
Isulat ang tamang pang-angkop sa inyong show-me-board para sa sagot ng
mga pangungusap na ipapakita ko.

1. Maraming magaganda balak si Linda sa kanyang pagtatapos.


2. Ang batang magala ay dangal ng magulang.
3. Pinutulan niya ang mataas puno
4. Dumaan sila sa tulay mahaba.
5. Naglalaro sila sa buhangin pino malapit sa daan.

b. Tingnan ang mga bagay sa loob at labas ng ating silid aralan.Magbigay ng mga
pangungusap gamit ang wastong pang-angkop.

2. Pagpapahalaga
Batay sa tulang ating binasa kanina, paano ninyo ipakikita ang pagmamahal sa mga
matatanda?

F.Pagtataya ng Aralin(Evaluation)
Gamitin ang wastong pang-angkop sa pagbuo ng bawat pangungusap.
1. Umalis patungo probinsya ang mag-anak.
2. Siya ay isang matulungin anak.
3. Mangunguha rin sila ng sariwa prutas at gulay sa bukid.
4. Maliligo rin sila sa malinis na tubig sa ilog.
5. Makikipaghabulan din sila sa mga hayop maamo sa parang.

G.TAKDANG ARALIN

Sumulat ng dalawang pangungusap sa bawat uri ng pang-angkop.

Inihanda ni:

ROSEMARIE E.POLITADO
Teacher I

Iniwasto ni:

ROWENA R. SUSTAL
Master Teacher II

Noted by:

NICOLAS D. TACCAD
Principal II

You might also like