You are on page 1of 2

Mga Layunin:

1. Nasusuri ang mga maikling kuwento batay sa estilo ng pagsisimula,pagpapadaloy


at pagwawakas ng napakinggang salaysay. (F9PN-IIe-f-48 )
2. Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang
Asyano batay sa napakinggang akda. (F9PN-Ia-b-39)
3. Napagsunod-sunod ang mga pangyayari. (F9PU-Ia-b-41)
Tiyaga...Puhunan sa Tagumpay
( Maikling Kuwento )
Ni: Maricel T. Crispino
Anselmo B. Legaspi National High School
Ang Bagong Barrio ay isang liblib na lugar sa bayan ng Makato. Ito ay matataas na
bundok na may patag na bahagi. Ang mga bahay dito ay magkakalayo ang agwat.
Karamihan sa bahay ay gawa sa pawid at kawayan. Kung tag-ulan maputik ang daan at
kung tag-init ay halos hindi mo na makita ang iyong dinadaanan dahil sa mga motorsiklo
na tanging paraan ng kanilang transportasyon. Ang tanging ikinabubuhay ng mga tao
dito ay pagtatanim ng mga halamang ugat kabilang na dito ang kamote,kamoteng kahoy
at gabi.Ang mga produktong nakukuha nila mula rito ang pantawid gutom nila sa arawaraw at dinadala rin nila sa bayan upang ibenta sakay sa motorsiklo o habal -habal .Sa
baryong ito nakatira ang mag-asawa na mang kardo at Aling Aida. Sila ay nabiyayaan ng
isang anak na nagngangalang Liza. Bata pa lang si Liza ay may pangarap na siyang
maging isang guro upang makapagturo sa mga bata sa kanilang lugar.
Sa una, napakahirap para kay Liza ang hangaring makapagtapos ng pag-aaral
dahil sa antas ng kanilang pamumuhay. Subalit ,tinitiis si Liza ang pagod sa mahabang
lakarin patungong eskwelahan. Ang paglalakad nang mahigit isang oras ay hindi naging
hadlang upang manguna sa klase.
Pagkatapos ng klase, bawat isa mga estudyante kasama si Liza ay nag-uunahan na
makalabas ng geyt. Nagmamadali sila sapagkat malayo pa ang lalakarin nila. Kahit
pagod sa klase pakanta-kanta pa si Liza sa paglalakad. Pagdating sa bahay laking gulat
niya nang nadatnang humahagulhol ang ina. Sinipat ng kanyang mga mata ang
kabuuan ng bahay at nakita niya ang nakahandusay na katawan ng ama. Kuwento ng
kapitbahay, natagpuan ang itay nito sa bukid na wala ng buhay. Hindi na ito nadala pa sa
ospital sapagkat sadyang napakalayo ng bahay sa bayan.
Isang matinding hamon sa buhay nina Liza ang pagkawala ng ama nito.Nagpatuloy
ang buhay nilang mag-ina kahit sobrang hirap dahil wala ng katuwang pa sa
pagtarabaho sa bukid . Maagang gumgising si liza. Pinakakain muna ang mga alagang
hayop at pagkatapos nito ay nagluluto sipa ng mga kakanin na ibenebenta sa mga
kalase para may pambili ng mga gamit sa paggawa ng proyekto.Sa ganitong paraan
nakatutulong siya sa ina nito.
Sa kabila nito, naging masigasig pa rin si Liza sa pagpasok sa eskuwelahan subalit
hindi maiiwasan na minsan ay mahuli sa klase kasi nga malayo pa ang nilalakad nito
para makaabot sa eskwelahan.Ganito ang nangyayari sa araw araw hanggang sa
makapagtapos ito sa sekundarya.Pero hindi dito nagtapos ang paglaban ni Liza sa
kahirapan.
Ipinagpatuloy ni Liza ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Sa bawat butil ng pawis
na nakikita niya sa noong ina, mas lalo siyang nagpursige upang makatapos.
Nagbebenta pa rin siya ng mga kakanin para may maidagdag sa kanyang matrikula. Sa
araw ng tinda sa bayan, tinutulungan din niya ang ina na magbitbit ng mga kamoteng
kahoy upang ibenta.

Paglipas ng apat na taon , nakapagtapos nga si Liza ng pag-aaral. Labis na


ikinagalak ng ina nang ganap na siyang guro.
Sa wakas, unti-unti na niyang nakamit ang kaginhawaan sa buhay dahil sa sipag at
tiyaga. Siya ngayon ay nagtuturo sa Bagong Barrio Integrated School.

You might also like