You are on page 1of 2

Basahin ang maalamat na kwento ni Prinsesa Urduja nang malaman mo ang kaniyag ginawang

kabayanihan.

Prinsesa Urduja
Noong unang panahon, ang Pilipinas ay binubuo ng
maraming kaharian. Bago pa man dumating ang mga Kastila
ay may isang bantog na kaharian na kilala sa tawag na
Pangasinan.
Ang kaharian ay pinamumunuan ng isang babae na
nagngangalang Prinsesa Urduja. Siya ay isang prinsesang
may kahangahangang talino. Malawak ang sakop ng kanyang
kaalaman.

Magaling siyang sumulat at magsalita sa iba't ibang wika.


Matapang din siya at magaling mamuno. Lumulutang ang
likas niyang talino pagdating sa aktuwal na labanan.
Marami ang humahanga sa ganda ng kanyang palasyo.
Napapaligiran ito ng iba't ibang magaganda at walang katulad na palamuti. Maibigin siya sa
magagandang bagay, kaya naman maging siya ay nakabihis ng maganda at nagsusuot din siya ng
iba't ibang mamahaling palamuti. Maging ang kanyang mga tauhan ay magaganda rin ang bihis.
Isang araw ay may naging panauhin ang kanyang kaharian, isang manlalakbay na Arabo.
Tinanggap niya ito ng buong lugod at pinakiharapan.

Hindi maitago ng panauhin ang paghanga sa mga mamahaling palamuti sa loob ng palasyo.
Nagsasalita ito sa sariling wika, hindi inakalang mauunawaan siya ng kaharap na prinsesa,
subalit ganon na lamang ang pagkagulat ng bigla siyang sagutin ni Prinsesa Urduja sa wikang
Arabo. Lalong naragdagan ang paghanga ng panauhin. Maraming lalaking may dugong mahal
ang naghandog ng pag-ibig sa kanya. Sinabi ng Prinsesa Urduja makakamtan lamang ang
kanyang pag-ibig kung may tatalo sa kanya sa isang labanan.
Walang sinumang nangahas lumaban sa takot na baka matalo, isang napakalaking kahihiyan para
sa isang lalake kung madadaig ng isang babae lang. Lahat na naghangad sa kanyang pag-ibig ay
nagsibalik sa kanilang pinanggalingan.

Hindi na nag-asawa pa ang prinsesa, iniukol na lamang ang buong panahon sa pamamalakad sa
kanyang kaharian. Lalo naman siyang napamahal sa kanyang mga nasasakupan.

Namatay siyang isang dalaga.


Pagsasanay: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano-ano ang mga katangian ni Prinsesa Urduja?

2. Bakit maraming humahanga at nagmamahal sa kaniya?

3. Ano ang ibinigay na kondisyon ni Prinsesa Urduja upang makuha ang kaniyang kamay at
mapakasalan?

4. Sang-ayon ka ba sa kondisyon niya sa mga kalalakihan kung sakali mang may balak ang
mga itong siyang pakasalan?

5. Tama ba ang ang desisyon niyang gumawa ng kondisyon upang siya’y mapakasalan?

You might also like