You are on page 1of 3

Basahin ang maalamat na kwento ni Prinsesa Urduja mula sa Pangasinan nang malaman mo ang

kaniyang kabayanihan.

Prinsesa Urduja

“The Brave Muslim Princess who fought the Chinese and Spaniards invaders of
Lingayen Gulf during 1347.”

Noong araw, bago tayo sinakop ng mga kastila ay


binubuo ng maraming kaharian itong ating bayan. isa sa
lalong bantong na kaharian noon ay ang Pangasinan.

Ang manlalakbay na si Ibn Batuta ng India ang pinagmulan


ng kwento ni Urduja na kanya umanong nakita noong 1347.
Napadaan umano ang sinasakyan nitong barko sa Kaharian
ng Tawalisi sa Lingayen Gulf na kilala ngayon na
Pangasinan.

Ang kahariang Pangasinan ay pinamumunuan ng isang


babaing nagngangalang Prinsesa Urduja.

Si Prinsesa Urduja ay inilarawan na isang matapang na mandirigma at tagapagtanggol ng


kanyang kaharian . Inihalintulad si Urduja bilang isang “kinalakian,” na ngayon ay tinatawag
na makabagong amasona. Siya ay isang dalagang matalino. Malawak ang kaniyang pinag –
aralan Marunong siyang sumulat at magsalita ng iba’t ibang wika. Siya ay matapang. Magaling
siyang mamuno sa mga labanan

Ang palasyo ni Prinsesa Urduja ay magagayakan ng sari – saring palamuti ng bukod sa


magaganda at pambihira ay panay na mamahalin. Maging ang kaniyang katauhan man naman ay
sinusuutan si Prinsesa Urduja ng mga mahal at magagandang damit

Minsan ay isang Arabong manlalakbay ang dumalaw sa kaniyang korte. Humanga ang panauhin
sa kayamanang kaniyang nasaksihan sa palasyo ng prinsesa at sa sarap ng mga pagkain na
inihain sa kaniya rito. Ang akala ng manlalakbay ay di siya mauunawaan ni Prinsesa Urduja
nang ito ay kausapin niya sa wikang Arabe, sabali’t gayon na lamang ang kaniyang
pagkamangha nang tumugon ito sa wikang iyon.

Marahil ay ipagtataka ninyo ang pangyayaring ang mabunyi at bantog na prinsesa ay di


nagkaroon ng katali sa buhay. Namatay siyang dalaga hindi sapagka’t walang umibig sa kanya
kundi dahil sa naging patakaran niya sa buhay.
 

Maraming dugong – maharlika at magigiting na pinuno ang naghandog ng pag-ibig kay Prinsesa
Urduja. Nabigo ang kanilang magandang hangarin sa pagkat sinabi sa kanila ng prinsesa na siya
ay hindi maaring pakasal sa isang lalaking daig niya sa lakas at tapang.

“Liligaya ako sa piling lamang ng isang lalaking makasusupil sa akin sa pagkat siya ay aking
igagalang at mamahalin,” ang sabi pa niya.

Bumalik sa kani- kanilang bayan at kaharian ang mga nangingibig kay prinsesa urduja. Di na sila
nakipagsubukan pa ng lakas at tapang dito dahil sa pangabang baka sila’y matalo ay malaking
kahihiyan para sa kanila ang masabing sila ay nadaig ng isang babae.

Hindi na nag – asawa si Prinsesa Urduja. Iniukol niya ang kanyang panahon sa makatarungang
pamamahala sa kaniyang nasasakupan, bagay na ikinamahal niya sa mga ito.

Pagsasanay: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Ano-ano ang mga katangian ni Prinsesa Urduja?

2. Bakit maraming humahanga at nagmamahal sa kaniya?

3. Ano ang ibinigay na kondisyon ni Prinsesa Urduja upang makuha ang kaniyang kamay at
mapakasalan?
4. Sang-ayon ka ba sa kondisyon niya sa mga kalalakihan kung sakali mang may balak ang
mga itong siyang pakasalan? Ipaliwanag.

5. Tama ba ang ang desisyon niyang gumawa ng kondisyon upang siya’y mapakasalan?
Bakit?

You might also like