You are on page 1of 2

ANG ALAMAT NG PINYA

(The Legend of Pineapple)

(BGM)(Narrator): Noong Unang panahon, bago pa magkaroon ng prutas na pinya mayroong


dalawang mag-ina na namumuhay sa isang maliit na baryo.

Ang pangalan ng nanay ay si Aling Rosa


Ang kanyang anak na babae naman ay si Pinang. Siya ay sampung taong gulang.

(Aling Rosa): Pinang bumangon ka na dyan at tulungan mo ako dito sa mga gawaing bahay.
Wag ka naman tamad anak.

(Pinang): inaantok pa ako ma!! Kaya mon na yan..

(Aling Rosa): jusko kang bata ka di ko na alam gagawin ko sayo.

(Narrator): isang araw, nagkasakit si aling rosa. Hindi siya makabangon at makagwa ng gawain
bahay.

(umubo)(Aling Rosa): Pinang anak. Mag luto ka na para sa hapunan natin at masama ang
pakiramdam ko.

(Pinang): nanonood pa ako ma! Huling episode na to! Tinatamad pa ako kumilos! Mamaya na!

(umubo)(Aling Rosa): kung kaya ko lang tumayo at kumilos hindi na kita uutusan na bata ka!
Sige na! puro ka kdrama!

(Pinang): UGH!!! Sige na to na magluluto na.

(footsteps)(Pinang): Ma, asan yung sandok?

(Aling rosa): nakasabit lang don sa may kusina hanapin mo.

1.. 2.. 3..

(footsteps)(Pinang): Ma, asan nakalagay yung kawali?

(umubo)(Aling Rosa): katabi lang ng sandok jusko hindi mo pa nakita?

(Narrator): wala naman problema ang paningin ni pinang, tinatamad lang talaga siyang mag
hanap kaya tanong siya ng tanong.

(footsteps)(Pinang): Ma, asan yung mga sangkap?

(humingang malalim)(naiinis)(Aling rosa): jusko ka pinang!! Sana magkaron ka ng maraming


mata para lahat ng bagay makita mo at hindi ka na nagtatanong!!

(Narrator): pagdating ng hapon, bumuti na ang pakiramdam ni Aling rosa.


(footsteps)(Aling Rosa): Asan na kaya si pinang.. ano na kaya nangyari sa niluluto niya..

(Narrator): hinanap ni aling rosa si pinang pero wala siya sa loob ng bahay.

(Aling Rosa): lumabas nanaman siguro siya ng bahay! Nako talagang batang yon oo!

(suspense bgm)(Narrator): lumabas ng bahay si aling rosa at hinanap si pinang pero ang suot
na tsinelas lamang ni pinang at ang kakaibang halaman ang kanyang Nakita.

Ang kakaibang halaman na biglang tumubo ay hugis bilog at pahaba na para bang ulo ng tao.

Ito ay napapaligiran din ng maraming mata.

Dito na naalala ni aling rosa ang sinabi niya kay pinang.

(SAD BGM)

Naging malungkot si aling rosa na nagkatotoo ang kanyang hiniling.

Ganon pa man, inalagaan niya ang halaman at tinawag niyang PINYA bilang alaala ng kanyang
anak..

Lesson:

Wag maging tamad, at gamitin ang mga mata sa paghahanap ng mga bagay na kailangan at
ang huli, wag magpapadala sa emosyon at magsabi o humiling ng hindi maganda kapag galit
ka. Dahil baka pagsisihin ito sa bandang huli.

You might also like