You are on page 1of 7

Pabula:

ANG INAHING MANOK AT ANG KANYANG MGA SISIW


Isang inahing manok na may anak na tatlong sisiw ang naninirahan sa gitna ng taniman ng mais. Isang
araw, lumabas ng bahay ang magsasakang may-ari ng taniman at sinabing, "Panahon na upang anihin ko
ang aking maisan! Kailangan tawagin ko ang aking mga kapit-bahay upang tulungan ako sa aking pag-ani
bukas!"
Narinig ito ng mga sisiw at agad iminungkahi sa kanilang ina, "Kailangang lumikas na tayo rito at
humanap ng ibang matitirahan inang! Kung hindi, matatagpuan tayo rito ng mga magsisipag-ani bukas at
huhulihin upang patayin!"
"Huwag kayong mabahala mga anak," ang wika ng inahing manok. "Kung mga kapit-bahay lamang ang
aasahan niya, hindi agad magsisipag-kilos ang mga iyon! May panahon pa tayo upang manirahan dito."
Tama nga ang sinabi ng inahing manok. Sapagkat kinabukasan nga'y walang mga kapit-bahay na
dumating upang tumulong sa pag-ani ng magsasaka.
"Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay, sa aking mga kamag-anak ako lalapit upang
humingi ng tulong sa isasagawa kong pag-ani bukas!"
"Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka at dali-daling iminungkahi sa kanilang ina. Ngunit muli,
hindi nabahala ang inahing manok at sinabing, "Kung sa mga kamag-anak lamang siya aasa hindi
magsisipagsunod ang mga iyon! May mga trabaho ring dapat asikasuhin ang mga iyon at tiyak na hindi
maasahan. May panahon pa tayo para manirahan dito mga anak!"
Kinabukasan nga'y tama uli ang sinabi ni inahing manok. Walang kamag-anak na dumating ang
magsasaka upang tulungan siya sa pag-ani sa maisan.
Dahil dito, napilitan ang magsasakang tawagin ang kanyang anak at sinabing, "Bukas na bukas din,
tayong dalawa na lamang ang aani sa ating pananim. Wala tayong ibang maaasahan kundi ang ating mga
sarili!"
Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang nagtungo sa kanilang ina at iminungkahi rito ang sinabi
ng magsasaka.
Noon nagdesisyon ang inahing manok na lumisan sila sa lugar na iyon, at sinabing, "Kung sinabi ng
magsasaka na siya na ang gagawa ng pag-ani, dapat tayong maniwala! Sapagkat totoong walang
sinuman siyang maaasahan kundi ang kanyang sarili!"



Tugmang Bayan

1. Akoy naglulutong pansit guisado ipinunta ko sa baryo nawala na ito

2. Ngayon ay pasko may hawak si tito malaking regalo mabilis kong
tinanong sa akin ba to?

3. Akoy may kwintas ito'y gawa sa perlas binili ko sa pilipinas bayad ay
dosenang mansanas

4. Ang aso ko ay nawawala ang pangalan ay ''tipa'' ngipin ay parang
bwaya kaya natatakot ang mga bata pati mga matatanda isang
buwan na wala parin siya pagising ko sa umagaay hayun na pala









Mga Salawikain

Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Kapag ang tao'y matipid, maraming maililigpit.
Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.
Ang hindi napagod magtipon, walang hinayang
magtapon.
Ubus-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.
Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.
Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.
Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.
Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang pagtanda.

Kung maiksi ang kumot, matutong mamaluktot.




Awiting Bayan:
Manang Biday
Manang Biday, ilukatmo man
'Ta bintana ikalumbabam
Ta kitaem 'toy kinayawan
Ay, matayakon no dinak kaasian

Siasinnoka nga aglabaslabas
Ditoy hardinko pagay-ayamak
Ammom ngarud a balasangak
Sabong ni lirio, di pay nagukrad

Denggem, ading, ta bilinenka
Ta inkanto 'diay sadi daya
Agalakanto't bunga't mangga
Ken lansones pay, adu a kita

No nababa, dimo gaw-aten
No nangato, dika sukdalen
No naregreg, dika piduten
Ngem labaslabasamto met laeng

Daytoy paniok no maregregko
Ti makapidut isublinanto
Ta nagmarka iti naganko
Nabordaan pay ti sinanpuso

Alaem dayta kutsilio
Ta abriem 'toy barukongko
Tapno maipapasmo ti guram
Kaniak ken sentimiento



















Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Division of Pangasinan I
PASIBI-BITUAG ELEMENTARY SCHOOL
Pasibi East, Urbiztondo, Pangasinan
S.Y. 2014-2015




CAMILA D. DOCTOR
(Grade 6-1)
GNG. JENNIFER P. PALISOC
(Guro)

You might also like