You are on page 1of 1

KWENTONG BAYAN

Alamat ng Maya
Si Rita ay batang lubhang malikot. Ang kanyang ina ay laging naiinis sa mga ginagawa
niyang hindi dapat gawin ng batang katulad niya.
Isang araw, ang kanyang ina ay nagbayo ng palay. Si Rita ay nanood sa kanyang ina. Siya'y
gutom na gutom sapagka't galing siya sa laruan. Nang mayroon ng isang salop ang nabayong bigas,
si Rita ay nagsimula nang kumain ng bigas. Ang lalagyan ng bigas ay malaki at may takip na bilao.
Ngayon natakpan siya ng bilao. Hindi nahalata ng ina. Nang matapos na ang ina sa kanyang
pagbabayo, tinawag niya si Rita upang mautusan sa pagtatago ng binayo. Hindi sumagot si Rita.
Hinanap ng ina sa lahat ng taguan, wala rin si Rita roon.
Nang kanyan buhatin ang lalagyan ng bigas may lumabas na maliit na ibon galing sa loob.
Kumakain ng bigas ang ibong iyon. Ang ibong iyon ay si Rita, ang tinatawag ngayong maya
Source: De Guzman, Maria Odulio (1972)
Bakit May Pulang Palong Ang Mga Tandang
Nakapagtataka kung bakit may pulang palong ang mga tandang. Kapansin-pansin din na
kapag pulang-pula ang palong ng tandang ay magilas na magilas ito. Para bang binata na
nagpapaibig sa mga dalaga.
Ayon sa kuwento, may mag-ama raw napadpad ng bagyo sa isang baryo sa pulo ng Masbate.
Ang ama ay nakilala ng mga tao sa nayon dahil sa kawili-wiling mga palabas nito na mga
salamangka o mahika. Tinawag nilang Iskong Salamangkero ang kanilang bagong kanayon. Bukod
sa pagiging magalang, masipag, mapagkumbaba ay mabuting makisama sa mga taga nayon si Iskong
Salamangkero. Madali siyang nakapaghanap ng masasakang lupa na siyang pinagmulan ng kanilang
ikinabubuhay na mag-ama.
Kung anong buti ng ama ay siya namang kabaliktaran ng anak nitong si Pedrito. Siya ay
tamad at palabihis. Ibig ni Pedrito na matawag pansin ang atensyon ng mga dalagita. Lagi na lamang
siyang nasa harap ng salamin at nag-aayos ng katawan. Ang paglilinis ng bahay at pagluluto ng
pagkain na siya lamang takdang gawain ni Pedrito ay hindi pa rin niya pinagkakaabalahan ang pagaayos ng sarili. Kapag siya ay pinagsasabihan at pinangangaralan ng ama ay nagagalit siya at
sinagot-sagot niya ito.
Isang tanghali, dumating sa bahay si Iskong Salamangkero mula sa sinasakang bukid na
pagod na pagod at gutom na gutom. Dinatnan niya na wala pang sinaing at lutong ulam si Pedrito.
Tinawag niya ang anak ngunit walang sumasagot kaya pinuntahan niya ito sa silid. Nakita niya sa
harap ng salamin ang anak na hawak ang pulang-pulang suklay at nagsusuklay ng buhok.
Pedrito, magsaing ka na nga at magluto ng ulam. Gutom na gutom na ako, anak, wika ni
Iskong Salamangkero.
Padabog na hinarap ni Pedrito ang ama at kanyang sinagot ito.
Kung kayo ay nagugutom, kayo na lamang ang magluto. ako ay hindi pa nagugutom. At
nagpatuloy ng pagsusuklay si Pedrito ng kanyang buhok.
Nagsiklab ang galit na si Iskong Salamangkero sa anak. Sinugod niya si Pedrito at kinuha
ang pulang suklay. Inihampas niya ito sa ulo ng anak at malakas niyang sinabi Mabuti pang wala na
akong anak kung tulad mong tamad at lapastangan. Sapagkat lagi la na lamang nagsusuklay ang
pulang suklay na ito ay mananatili sana iyan sa tuktok ng iyong ulo. At idiniin ni Isakong
Salamangkero ang pulang suklay sa ulo ni Pedrito.
Dahil sa kapangyarihang taglay ni Isko bilang magaling na salamangkero, biglang naging
tandang ang anak na tamad at lapastangan. At ang suklay sa ulo ni Pedrito ay naging pulang palong.
Hanggang sa ngayon ay makikita pa natin ang mapupulang palong sa ulo ng mga tandang.

You might also like