You are on page 1of 2

Alamat ng Tubig Alat- ipo

Noong unang panahon may isang kaharian sa ilalim ng dagat ang nangangasiwa sa kalinisan at tamis ng
karagatan. Sina Haring Posid at Reynanh Adi ang namumuno dito. Sila lang naman ang puso ng dagat
kung saan patuloy itong malinis at matamis ito ay dahil sa kanilang taglay na kapangyarihan. Lumipas
ang mga panahon ay nag karoon sila ng isang anak na babae at siya ay si prinsesa ala, siya ay iisang taga
pag mana ng kahirian kung sina haring Posid at reynang Adi ay lilisan na. Ipinagkaloob sa kanilang anak
ang kanilang kapangyarihan ngunit hindi nila inakala na mula nung ipinanganak ito'y di pa siya umiiyak.

Lumipas ang mga panahon ay nag karoon na ng sariling pag iisip si prinsesa ala. Siya ay ganap na dalaga
at nag hahanda sa pag dating ng panahon kung saan ito'y uupo bilang tagapagmana ng kaharian. Isang
araw habang siya naglilibot sa karagatan ay may nakitang siya isang binatang tumatapon ng dinamita
upang ito'y makapang huli ng isa at isa ito sa mga rason kung bakit nasisira ang dagat at pagkatamis nito
at dahil dito, gumawa ng ipo-ipo ang prinsesa upang pigilan ang binata upang di na to tumapon ng
dinamita ngunit dahil dito ay naaksidente ang binata at ito'y nawalan ng malay. Nakonsensiya ang
prinsesa kaya't dinala ito sa may tabing isla upang ito'y makita ng ibang tao at masagip. Binantayan ng
prinsesa ang binata ngunit umalis na ito dahil sa masamang balitang natanggap nito. Makalipas ang ilang
oras ay nagising ang binata at di nito naabutan ang prinsesa.

Nung makabalik na sa palasyo ang prinsesa ay nakita nito ang kanyang mga magulang na nakahandusay
sa sahig at tilay nag aagaw buhay. Dinala nila agad ito sa malapit na abolido (isang mang gagamot sa
ilalim ng dagat) at natuklasan niyang may malubhang sakit ang kanyang mga magulang at ilang araw
nalang natitira nito. Lumipas ang tatlong araw matapos ang aksidente, kinorohanan na si prinsesa Ala
bilang isang reyna upang itoy mamahala sa palasyo dahil sa hindi na kaya ng kanyang mga magulang.
Mga ilang buwan ay biglang pumanaw ang kanyang mga anak ngunit ni isang patak ng luha ay walang
lumabas sa mga mata ni reynang Ala.

Isang araw habang si Reynang Ala nag lilibot sa karagatan ay nakita niya muli ang binatang pinaikot niya
sa ipo-ipo, gusto niya itong kausapin ngunit hindi pwede dahil isa siyang tao at sa kanilang batas ay
bawal makipagusap sa mga taga lupa. Sinundan niya ito hanggang makatungtong isa sa isang isla at
parang naalala niya yung isla yung ang pinagdalahan niya sa lalaki. Makalipas ang ilang minuto ay hindi
sinasadyang makita ng lalaki ang Reyna at ito ang dahilan kung bakit nahimatay ang binata. Makalipas
ang ilang oras ay nagising na muli ito ngunit di na muna siya nag pakita ngunit sumisigaw ang binatang at
nakikiusap na lumabas siya at si reynang ala ay nagpakita. Nabigla ang lalaki ngunit ipinakita niya parin
kay reynang ala na hindi siya nag aalanganin kausapin ito. Bukod diyan kahit bawal man sa batas nila na
kumausap sa mga taga lupa ay di niya ito inintindi. Nag usap sila at nagpakilala sa kada isa. Ang pangalan
ng binata ay Bili siya isang ulilang bata at mangingisda upang mabuhay. Nag usap ang dalawa hanggang
lumubog ang araw at ito'y pumasyang umuwi na.

Naging madalas ang pag uusap ng reyna at ng binata kaya't nahulog agad ang loob nito. Lumipas ang
mga panahon ay umibig ang reyna sa binata. Kung saan sila unang nag usap ay doon din sila nag kikita.
Nag pasya ang reynang idala si Bili sa kanyang kaharian upang ito'y makilala nang ibang "pida" ( mga
parang tao sa dagat ngunit hindi sila serena at hindi tao at parang ang mukha nilang isang anghel). Nung
makita ni bili ang kahiran ni Reynang Ala ay para ba itong nanlaki ang mga mata sa mga perlas ng
kanyang nakita at nung ipinakilala na ni reynang Ala sa kanyang mga pida ay maraming nagsangayon sa
kanilang pag iibigan at marami din ang nagalit ngunit hindi ito inintindi ng Reyna. Lumipas ang mga araw
ay nag paalam si Bili na idadala niya ang kanyang pamilya ngunit ang akala ni Reynang Ala ay isa na
siyang ulila ngunit si na niya ito inintindi. Nung maidala niya na ito sa kanilang kaharian ay parang
nanlalaway ang pamilya ni Bili dahil sa nakita nilang mga perlas.

May dumating na malaking barko sa itaas ng kanilang palasyo at ito'y nag simulang bumagsak ng mga
dinamita at bomba. Tumingin si Reynang Ala kay Bili at ang buong akala niya'y buong puso siyang inibig.
Nag simulang mag kagulo sa kahiraan. Nag karoon ng digmaan sa pagitan ng mga pida at ng mga tao
ngunit hindi kinaya ng kaharian ang lakas ng mga kasama ni Bili at tuluyan itong nasira at dahil dito'y
napaupo ang reyna at nag simula itong magalit. Sumigaw ang reyna at tumigil ang digmaan. Itinapon
niya ang isang pirasong bato at nag simula ito ng malakas na ipo-ipo at nung umiikot na ang mga tao sa
tubig kinuha niya si Bili upang parusahan ito. Sinabi niyang' "magmula ngayon! Walang tamis at linis ng
dagat ang inyong makikita at di na muli kayo pwede pumalaot kahit saan!" Yung dating maamong pating
ay naging mabangis at yung dating matamis na dagat ay naging maalat at yung dating magandang
karagatan at puno ng sigla ay tila'y naging malungkot. Nag karoon ng tsunami at ito'y dahilan kung bakit
maraming nasawing tao at mag mula noon ay hindi na muli nag pakita ang kahiraan at si Reynang Ala.

You might also like