You are on page 1of 3

ALAMAT NG TAMBULILID

Ang Tambulilid ay isang barangay ng Ormoc City na


kung saan ay maraming mga tao ang naninirahan. Dito rin, ay
isa itong malawak na karagatan na sa nagdaan ng panahon, ay
lumaki at naging isang barangay. At ang mga nakakatanda
dito sa lugar na ito ay may kasaysayang nalalaman tungkol sa
alamat ng Tambulilid.

Noong unang panahon sa kagitnaan ng karagatan, ay


may nanirahang mag-asawa na nagngangalang Tambu at Lili.
Ang mag-asawa na ito ay magkatuwang sa buhay,
nagtutulungan sa kanilang panghahanapbuhay sa
pamamagitan ng pangingisda. Ang karagatan duon ay
mahiwaga at nagbibigay ng maraming isda at mga lamang
dagat. Sila lamang ang nakatira sa lugar na iyon.

Naglipas ang ilang taon, dumami ang tao na nakalaman


sa lugar nila. Maraming mga mangingisda ang tumungo sa
kanilang lugar at naenganyo sa mga huli nila. Kaya naman sa
katagalan, dumayo ang ibang mamayanan at inubos at sinira
ang lamang dagat. Nang Nakita nila ang nangyari sa kanilang
tahanan at kapaligiran, Nagalit ang mag-asawa at sinumpa
ang lugar na wala nang makakagamit sa mahiwagang
karagatan dahil sa kanilang mga ginawa, at yun na nga
kumalat ang katawan ng mag-asawa sa Tambulilid at sinakop
lahat ng karagatan doon, at naging kalupaan ang mag-asawa.
Nanghinayang ang mga mamayanan at nagsisi sa kanilang
ginawa. At kaya naman sa kanilang pagbigay pugay sa mag
asawa, tinawag nila ang lugar na Tambulilid, ala-ala sa mag-
asawa na nagmahal sa lugar at nagbigay ng buhay sa
karagatan doon. Kaya ngayon, makikita na lamang ang
mahiwagang karagatan sa ilalim ng kalupaan ng brgy.
Tambulilid.

Yrvyn Kier T. Asumbrado X-Righteousness

You might also like