You are on page 1of 5

Pamagat: Ibong Adarna

Mga Tauhan:
1. Don Juan- ang bunsong anak ni Haring Fernando
2. Don Diego- ikalawang anak ni Haring Fernando
3. Don Pedro- panganay na anak ni Haring Fernando
4. Donya Juana- babaeng pinaasa ni Don Juan
5. Donya Leonora- kapatid ni Donya Juana
6. Donya Maria- babaeng napaibig ni Don Juan at anak ni
Haring Salermo
7. Haring Fernando- hari ng kaharian ng Berbanya
8. Reyna Valeriana- asawa ni Haring Fernando
9. Haring Salermo- ama ni Donya Maria at siya rin ang
Hari ng Cristales
10. Ibong Adarna- mahiwagang ibon na siyang gumamot
sa sakit ni Haring Fernando
Tagpuan:
1. Kaharian ng Berbanya
2. Pietras Platas
3. Kaharian ng Cristales
Buod:
Isang araw ay may isang hari na namamahala ng
kaharian na nagngangalang Berbanyasiya ay si
HaringFernando. Si Haring Fernando ay nagkaroon ng
malalang at tanging ang Ibong Adarna lamang ang
makakapagpaggaling nito.Inutusan ni Reyna Valeriana
ang kaniyang panganay na anak na si Don Pedro upang
hanapin ang Ibong Adarna at agad naman itong
sumunod. Pagdating ni Don Pedro sa Pietras Platas ay

nakita nito ang Ibon ngunit sa pag awit nito ay agad


siyang nakaramdam ng matinding antok at siya ay
nakatulog.Si Don Pedro ay naiputan rin ng ibong Adarna
kaya naman siya ay naging bato. Pagkalipas ng tatlong
taon ay hindi pa nakakabalik si Don Pedro sa Kaharian ng
Berbanya kaya naman pinasunod sa kaniya ang
ikalawang kapatid na si Don Diego ngunit sa kasamaang
palad ay natulad ito sa panganay niyang kapatid at
naging bato. Pagkalipas ng ilang Buwan ay hindi parin
nakakabalik sa kaharian si Don Diego kaya naman
nagpresenta na lamang si Don Juan para hanapin ang
Ibong Adarna ngunit nagdadalawang isip ang kaniyang
mga magulang kung papayagan ba ang kanilang bunsong
anak. Sa huli, pinayagan siya ng kaniyang mga magulang
at siya ay agad nang umalis para hanapin ang Ibong
Adarna. Habang naglalakbay papuntang Pietras Platas si
Don Juan ay may nakasalubong siyang isang pulubi at ito
ay kaniyang tinulungan. Tinuruan ng pulubi si Don Juan
kung paano tanggihan ang pagkaantok bilang
pasasalamat sa kaniya at nagpatuloy na sa paglalakbay
si Don Juan. Pagdating sa Pietras Platas ay agad na
hinanap ni Don Juan ang Ibong Adarna, maya maya pay
nakinig ni Don Juan ang nakakaantok na kanta ng Ibong
Adarna kaya naman ginawa na nya ang itinuro sa kaniya
ng pulubi. Pagkatapos ay hinuli niya na ang Ibong Adarna
at pinakawalan na din ang dalawa niyang kapatid sa
pagiging bato. Sa sobrang inggit ng kaniyang dalawang
kapatid ay gumawa ito ng plano upang sila ang
mapalabas na nakahuli sa Ibong Adarna at ito ay ang
patayin si Don Juan. Habang naglalakbay na si pabalik sa

kaharian ng Berbanya ay binugbog nila si Don Juan


hanggang sa manghina at halos mag agaw-buhay na ito.
Dali-dali nilang kinuha ang ibong adarna at agad na
umalis papunta sa Berbanya at iniwan ang kanilang
bunsong kapatid. Pagdating ni Don Pedro at Don Diego sa
Berbanya ay pinilit nilang pakantahin ang Ibong Adarna
ngunit ayaw nito. Maya-maya ay dumating si Don Juan at
pinakanta ang ibong Adarna kaya naman gumaling na
ang kanilang ama. Nalaman ni Haring Fernando ang
masamang ginawa ni Don Pedro at Don Diego sa bunsong
kapatid kaya naman ay pinapahatulan niya ito ng parusa
ngunit tumanggi si Don Juan.Mula noon ay pinagbantay
ng hari ang tatlo sa Ibong Adarna. Isang gabi, habang
natutulog si Don Juan ay pinakawalan ng dalawa niyang
nakatatandang kapatid ang ibong Adarna. Nang magising
si Don Juan, nagpasiya siyang tumakas upang hanapin
ang Ibon. Galit na ipinahanap ni Haring Fernando sa
dalawang prinsipe si Don Juan. Nagkatagpo-tagpo ang
tatlo sa Armanya at doon ay may nakita silang balon.
Pinasok ito ni Don Juan hanggang sa kailaliman. Ito
palay pinto patungo sa isang kaharian sa ilalim ng lupa.
Nakilala niya rito si Donya Juana at silay nagkaibigan
napatay ni Don Juan ang higanteng nagbabantay sa
dalaga. Patungo na sana sila sa itaas ngunit ayaw umalis
ni Donya Juana nang hindi kasama ang kaniyang kapatid
na si Donya Leonora na bihag naman ng isang malaking
serpiyente. Napatay ni Don Juan ang nagbabantay kay
Donya Leonora at ito ay napaibig niya. Naghihimutok si
Juana nang Makita niya ang dalawa subalit wala na
siyang magawa. Umakyat na silang tatlo patungo sa itaas

na daigdig. Pagkakita nina Don Pedro at Don Diego sa


dalawang babae ay pinag-interasan nila ito. Nang
bumaba si Don Juan upang kunin ang nahulog na sing
sing ni Donya Leonora ay pinutol ng kaniyang dalawang
kaapatid ang tali at nahulog si Don Juan. Itinakas na ng
Dalawa niyang kapatid ang dalawang prinsesa. Sa
pagbaba ni Don Juan ay may nakilala siyang isang babae
na nagngangalang Donya Maria at ito ay agad niyanng
naibigan ngunit tutol ang kaniyang ama na sa Haring
Salermo ang hari ng Cristales. Upang payagan niyang
mapunta ang kamay ng kaniyang anak kay Don Juan ay
binigyan niya ito ng mga pagsubok na siya namang
nagagawa nito. Ayaw paring pumayag ni Haring Salermo
na ikasal ang dalawa kaya naman tumakas si Donya
Maria at Don Juan. Pagdating sa Berbanya ay hindi
sinama ni Don Juan si Donya Maria sa palasyo. Doon,
nang makita niya si Donya Leonora , nanumbalik ang
kanilang pag ibig sa isat isa. Matindi ang galit ni Don
Pedro sapagkat pitong taon niyang niligawan si Leonora
ngunit hindi niya ito napasagot. Itinakda ang kasal ni Don
Juan at Donya Leonora ngunit dumating si Donya Maria sa
araw ng kasal at nagbantang gugunawin ag Berbanya
kapag hindi siya ang ikinasal kay Don Juan. Upang
magkaroon ng kapayapaan at kasiyahan ang lahat ,
pumayag si Donya Leonora na ipakasal si Don juan kay
Donya Maria . Si Donya Juana naman ay pumayag na ring
ipakasal kay Don Diego. Bagamat gusto ni Haring
Fernando na isalin kay Don Juan ang korona , pinigilan
siya ni Donya Maria sapagkat meron silang kaharian na
babalikan. Si Don Pedro at Donya Leonora ang naging

bagong monarka ng Berbanya. Samantalay yumao na


pala si Haring Salermo kayat bumalik na sa Cristales sina
Don Juan at Donya Maria at sila doon ay naging Hari at
Reyna, at silay naging habambuhay na Masaya.
Reaksyon Sa Pinanood:
ako po ay nagandahan sa istorya ng ibong adarna
ngunit ito po ay iba kesa dun sa mga nababasa ko na
libro tungkol ditto pero ako po ay naakit sa pagiging
artistiko ng mga namumuno rito.
Aral:
*isip
dapat ay hindi tayo nagpapaasa ng mga tao
*damdamin
mahalagang isipin natin na importante an gating
mga magulang at dapat tayo ay tumutulong sa ating
kapwa dahil may magandang maidudulot sa atin ito.
Paboritong Bahagi:
Ang aking pong paboritong bahagi ay nung
nagkaroon na ng kapayapaan sa kaharian ng Berbanya at
sila ay namuhay na ng Masaya

You might also like