You are on page 1of 2

Buod ng Ibong Adarna

Mula sa kahariang Berbanya ay may isang pamilya na ubod ng bait.Sila’y sina


Haring Fernando Donya Valeriana at ang kanilang mga anak ay sina Don
Pedro, Don Diego at Don Juan. Ang tatlong prinsipeng ito ay bihasa sa
paghawak ng sandata.

Minsan isang gabi, ang hari ay nanaginip na si Don Juan ay sinaktan ng


dalawang tampalasan at kanilang inihulog sa balon. Ito ang naging dahilan
kung bakit siya’y nagkasakit. Napag-alaman na ang maaari lamang
makapagpagaling dito ay ang awit ng Ibong Adarna na matatagpuan sa
bundok ng Taborsa puno ng Piedras Platas.Inatasang hanapin niDon Pedro
ang ibon ngunit siya’y naging bato lamang. Sumunod na ipinadala ay si Don
Diego ngunit pareho lamang ang naging kapalaran nila ni Don Pedro. Kung
kaya, sa ayaw at sa gusto ng hari ay napilitang bigyan ng pahintulot si Don
Juan na hulihin ang Ibong Adarna at hanapin ang kanyang dalawang kapatid.
Dahil na rin sa kabutihang taglay ni Don Juan ay natulungan siya ng ermitanyo
sa kanyang pakay. Ngunit inalihan ng inggit si Don Pedro kung kaya
pinagbalakan nila ito ni Don Diego ng masama upang di sila lumabas na
kahiya-hiya sa kanilang amang hari. Nang sila’y makabalik sa kaharian, ang
sakit ng hari ay lalo pang lumubha dahil sa di nila mapaawit ang ibon.

Samantala, si Don Juan ay pinagyaman ng isang matanda kung kaya siya ay


gumaling at madaling nakauwi sa kaharian. Dito na nalaman ng hari ang
katotohanan sapagkat pagkakita pa lang ng Ibong Adarna kay Don Juan ay
nagsimula na itong umawit na ang nilalaman ay isang pagtatapat ng mga
naganap. Kundi kay Don Juan, malamang na naparusahan na ang kanyang
dalawang kapatid.

Pinabantayang mabuti ang Ibong Adarna sa tatlong magkakapatid upang di


ito makawala dahilan sa ito ang nakapagpagaling sa hari. Ngunit dahil sa
pangalawang kabuktutan ni Don Pedro ay lumipad ang ibon at si Don Juan
ang napahamak. Naglayas na lamang si Don Juan sapagkat takot siya sa
kaparusahang igagawad sa kanya ang hari sa pagkawala ng ibon.

Ipinahanap ng hari si Don Juan kina Don Pedro at Don Diego. Nagkita ang
tatlong magkakapatid sa Armenya at napagpasyahang doon na lamang
manirahan. Nakakita sila ng balon at tanging si Don Juan lamang ang
nagkaroon ng pagkakataong makababa sa loob nito. Dito ay natagpuan niya
sina Donya Juana at Donya Leonora at binantayan ng higante at ng serpiyente.
Ngunit dahil sa galing niya ang bawat isa ay nailigtas ang dalawang prinsesa.
Dito na sumunod ang ikatlong kabuktutang ginawa ni Don Pedro at Don Juan.
Pinutol niya ang lubid na pinaglalambitinan ni Don Juan nang ito’y bumalik sa
loob ng balon upang kunin ang naiwang singsing ni Donya Leonora. Madaling
napaibig ni Don Diego si Donya Juana kung kaya pagbalik sa kaharian ay agad
silang nagpakasal samantalang si Donya Leonora sa kabila ng panunuyo ni
Don Pedro ay di naman niya naibigan.

Samantala, si Don Juan ay tinulungan ng enkantadong lobo kung kaya


madaling nagbalik ang kanyang lakas. Dumating ang Ibong Adarna at
sinabing may isang prinsesa sa Reyno delos Cristales na siya niyang talagang
kapalaran. Di nagdalawang –salita ang ibon at ito’y kanyang hinanap. Ngunit
ubod pala ng bagsik at lupit ang ama ng prinsesang ito. Ngunit sa kabila ng
napakaraming pagsubok sa kanya ng haring Salermo ay napagtagumpayan
niya ito sa tulong ni Maria Blanca na anak ng hari. Ngunit dahil sa kahigpitan
ng hari ay tumakas ang dalawa na taglay ang sumpa ng ama na gagapang  si
Maria Blanca na parang kuhol  at malilimutan siya ni Don Juan.

Nang sumapit ang dalawa sa kaharian ng Berbanya ay saglit muna iniwan si


Maria sa isang nayon upang mabigyan ng magandang pagsalubong ang
prinsesa sa kaharian. Pagsapit ni Don Juan sa palasyo ay agad sumalubong
ang inang reyna at si Leonora kung kaya nakalimutan niya si Maria.

Itinakda ang kasal nina Don Juan at Donya Leonora. Dumalo si Maria na suot
ang emperatris. Pinilit niyang makaalala si Don Juan sa nakaraan sa
pamamagitan ng dala niyang handog. Ipinilit naman ni Leonora ang kanyang
karapatan. Nagpasya ang Arsobispo na dapat na maikasal si Leonora kay Don
Juan. Dito na nagalit si Maria at pinabaha  ang buong kaharian. Dito na
natauhan si Don Juan at ipinasya niyang pakasal na kay Maria samantalang si
Leonora ay kay Don Pedro.

Pumalit na hari ng Berbanya si Don Pedro samantalang si Don Juan ay


ginawang hari sa reyno delos Cristales.

You might also like