You are on page 1of 2

Pagsasanay sa Filipino

Pangalan Petsa Marka


20

Pagkilala ng bunga sa pangungusap

Panuto: Salungguhitan ang parirala (phrase) o sugnay (clause) na nagsasaad ng bunga sa bawat
pangungusap.

1. Pagka’t may bisita tayo bukas, maghanda tayo ng espesyal na pansit bihon.

2. Masyadong mahal ang sapatos kaya hindi ko na ito binili.

3. Bukas ay mamamasyal tayo at manonood ng sine dahil kaarawan mo.

4. Napakaganda ng hardin ni Lola sapagka’t araw-araw niya itong inaalagaan.

5. Palibhasa’y gutom na gutom si Gabriel, nakalimutan niyang alukin ng pagkain si Carlo.

6. Maaga akong gumising kanina kasi ayaw kong mahuli sa klase.

7. Sumakit ang ulo ko kaya nagpahinga muna ako nang sandali.

8. Hindi ako pwedeng kumain ng hipon pagka’t allergic ako diyan.


9. Masiglang-masigla ang mga bata dahil maglalaro sila sa malaking parke.

10. Maghain na tayo kasi gutom na ang mga bata.

11. Dahil sapat na ang naipon ko, makakatayo na ako ng sarili kong negosyo.

12. Ang ilaw ay pula kaya hindi muna tayo tatawid ng daan.

13. Mag-aaral pa ako kasi may pagsusulit kami bukas.

14. Sapagka’t mga kandidatong manloloko ang ibinoto ng tao, walang nangyaring mabuti sa
bansa.
15. Manonood ako ng laro ng basketbol pagka’t isa sa mga manlalaro ang anak ko.

16. Nakatitipid tayo dahil kumukuha tayo ng mga gulay sa bakuran natin.

17. Dahil parati kang nagsisinungaling, hindi na naniniwala ang mga tao sa iyo.

18. Halos lagi kang nasasabihan ng guro mo kasi makulit ka sa klase.

19. Simple lang ang buhay namin palibhasa hindi kami mayaman.

20. Naiintidihan ko ang nararamdaman mo dahil naranasan ko na rin iyan.


Pagsasanay sa Filipino
Pangalan Petsa Marka
20

Pagkilala ng sanhi sa pangungusap

Panuto: Salungguhitan ang parirala (phrase) o sugnay (clause) na nagsasaad ng sanhi sa bawat
pangungusap.

1. Doon tayo sa tulay tumawid kasi bawal dito.


2. Bagong luto ang kanin kaya mainit pa ito.

3. Nadulas si Mikey dahil basa pa ang sahig.


4. Natagalan ako magbayad kasi mahaba ang pila sa kahera.
5. Mabigat ang trapiko sa EDSA kaya nag-MRT na lang kami.
6. Tumahimik na tayo dahil nandito na si Binibining Garcia.

7. Hindi ako makagamit ng kompyuter dahil wala pang kuryente.


8. Dahil malakas ang bagyo, nakansela ang mga klase sa elementarya.

9. Magaling mag-piyano si Rachel kasi araw-araw siyang nag-eensayo.


10. Kinulong ang aso palibhasa matapang at nangangagat ito.

11. Hindi pa gising ang tatay mo sapagka’t hatinggabi na siya nakatulog.


12. Si Jenny ang pinakamagaling na kalahok dito kaya siya ang nanalo sa paligsahan.

13. Ang sakit sa baga ni Mang Domingo ay dulot ng walang tigil na paninigarilyo.

14. Sapagka’t nag-aral ka nang mabuti, mataas ang nakuha mong marka sa pagsusulit.
15. Ang dahilan ng pagguho ng lupa ay ang tuluy-tuloy na ilegal na pagtotroso sa bundok.

16. Palihasa’y mahiyain ang bata, hindi na pinilit ng guro na sumali siya sa gawain.
17. Pagka’t hindi ko maintindihan ang leksiyon sa Math, nagpatulong ako sa kaibigan ko.
18. Dahil gusto niyang matulungan ang kanyang pamilya, pinili niyang magtrabaho sa ibang
bansa.
19. Labis ang saya ni Monica pagka’t nakatanggap siya ng sulat mula sa tatay niya sa
Dubai.
20. Maglulunsad ng kilos-protesta ang mga drayber ng dyip dahil sa sunud-sunod na pag- taas
ng gasolina.

You might also like