You are on page 1of 12

 

ESP

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION III
DIVISION OF PAMPANGA

Modified Strategic Intervention


Material

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

Edukasyon sa Pagpapakatao

 
 
 

Edukasyon sa Pagpapakatao– Ika Siyam na Baitang ESP


Modified Strategic Intervention Material
Unang Markahan – Ikalimang Linggo: Lipunang Pang- Ekonomiya
Unang Edisyon, 2020
 

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modified Strategic Instructional Material

Manunulat: Ruby R. Manalastas – T-III/ San Matias High School


Tagasuri: Maria Carmen Evangelista – EPS – Edukasyon sa Pagpapakatao
Ruby R. Manalastas – T-III/ San Matias High School
Tagalapat: Grace M. Santos – T-III/Paguiruan ES
Christian P. Manalili – T-II/ Eastern Porac National High School
Tagapamahala:
Zenia G. Mostoles, EdD, CESO-Schools Division Superintendent
Leonardo C. Canlas, EdD-Assist. Schools Division Superintendent
Rowena T Quiambao, Assist. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID
Maria Carmen Evangelista – EPS – Edukasyon sa Pagpapakatao
Ruby M. Jimenez, PhD, EPS-LRMS
June D. Cunanan, ADM Division Coordinator

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon– Division of Pampanga


Kagawaran ng Edukasyon – Division of Pampanga
Office Address: High School Boulevard, Brgy. Lourdes,
San Fernando City, Pampanga
Landline Number: (045) 435-27-28
Email Address: pampanga@deped.gov.ph

 
 
 

LIPUNANG PANG - EKONOMIYA ESP

 Alamin!

Sa loob ng tahanan ay binubuo ng ibat-ibang


miyembro ng pamilya. May Ama, na nagsisilbing
ulo ng pamilya at nag-iisip kung paano kakayod
para mabuhay ang buong pamilya. Si Ina, na
katuwang ni ama na siyang ingat
yaman,dumidiskarte kung saan gagamitin ang
budget para sa pamilya sa iba’t ibang
pangangailangan. Mga anak, na may kanya-
kanyang gampanin sa loob ng tahanan, ayon
sa nakaatang na obligasyon bilang masunuring
 
anak para sa mahal na magulang.
Subalit hindi lahat ng pamilya ay may
maunlad na pamumuhay. May kanya kanyang
dahilan, kung bakit dito tayo nagkakaiba-iba
.May maayos ang relasyon na kinakikitaan ng
pagmamahal sa simpleng pamumuhay,
mayroon naman na maunlad sa pinansiyal, pero
hindi kumpleto ang pamilya at hindi masaya.
Minsan naman magulo at walang perang
pantustos sa pamilya. Ang mga ito ay maari
nating maikumpara sa ekonomiya ng bansa. 

1.Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya.


2.Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang
ekonomiya.

 SUBUKIN…

Panuto: Unawaing mabuti ang mga tanong at piliin ang titik ng angkop
na sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Ang pilosopong nagbigay ng opinion na bahagi ng pagiging tao


ng tao, ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas at kahinaan.
Nasa hulma ng ating katawan ang kakayahan nating maging sino.
a. Santo Tomas de Aquino c. Max Scheler
b. Dr.Manuel Dy d. Papa Juan XXIII


 
 

ESP
2. Bakit sinasabing “ang tao ay pantay-pantay,” ayon sa debate ng
mga pilosopo?
a. dahil nilikha ng Diyos ang tao
b. pare-pareho tayong tao
c. lahat ng tao ay may kahinaan at kalakasan
d. sa taglay na pag-iisip at pisikal na anyo ang
pagkakapantay – pantay ng tao.

3. Sa panahon ngayon sino sa mga sumusunod ang ginamit ng tama ang
perang itinulong ng gobyerno sa kanila?
a. Si Lucky na pagkakuha ng pera ay nagparebond dahil ito na
ang hinihintay na pagkakataong gumanda ang kulot na buhok.
b. Si Kenneth na sa sobrang tuwa first time na nakahawak ng
ganitong halaga ay bumili ng alak at niyaya ang barkada para
uminom.
c. Pinaghati-hati ng bawat miyembro ng pamilya ni Kardo at kanya
- kanyang paggastos ng pera.
d. Ang byudang si Aling Carmina na nakakuha ng ayuda sa
gobyerno ay bumili kagad ng pangangailangan ng
mga anak at itinabi ang natirang pera na inilaan sa susunod na
mga araw.
4. Paano nakikilala at naiilalarawan ang mabuting ekonomiya?
a. Maraming tao ang umaasa sa ayuda o tulong ng pamahalaan.
b. Ang ekonomiya ay hindi lamang sa sariling pag-unlad kundi
pag-unlad ng lahat.
c. Mas lalong nagkakaroon ng pagkatataong dumami ang
negosyo at pera ng mga mayayaman na tao.
d. Nabibigyan ng pagkakataon ang mga pulitiko na
maghangad ng pera sa kaban ng bayan.
5. Alin sa mga sumusunod ang pinaka-angkop na naidudulot ng
magandang ekonomiya ng bansa?
a. Wala nang nagugutom na mahirap sa bansa.
b. Tumutulong sa pinansiyal ang mga mayayaman sa mga
mahihirap na mamamayan.
c. May kalidad na ang edukasyon sa bansa at hindi na tayo
napag-iiwanan sa ibang bansa.
d. Maayos na ang pamumuhay ng mga tao sa lahat ng aspeto at
kaya ng tustusan ng pamahalaan ang lahat ng
pangangailangan ng bansa na hindi na umaasa sa iba.


 
 

  ESP

 BALIKAN…

Mahalaga ang pakikipag-ugnayan sa lipunan na sa ating


pamumuhay bilang mamamayan ay nararapat na
isabuhay ang Prinsipyo ng Subsidiarity (pagtutulungan) at
Prinsipyo ng Solidarity (Pagkakaisa) upang makamit ang
kabutihang panlahat at Sa nakaraang talakayan naituro
ang tungkol sa Lipunang Politikal . malaking maitutulong
sa lipunang Pang- ekonomiya na ating magiging paksa.  

 TUKLASIN… 
 
1:Pagsisimula ng maliit na negosyo

Panuto:

1. Kung mabibigyan ka ng pagkakataon ngayon na magsimula ng maliit


na negosyo at mayroon kang isang libong piso ( Php 1,000) na puhunan ,
ano ang iyong itatayong negosyo at paano mo i- babadyet at
pagkakasyahin ang puhunan ?

2. Sa iyong kasagutan sa mga tanong, punan ng mga kasagutan ang


mga tanong na nakapaloob sa talahanayan sa ibaba. Maaari mong
dagdagan ang iyong mga kasagutan sa talahanayan.

3. Ipaliwanag kung bakit ito ang naisip na negosyo at paano ang


prosesong gagawin sa pagnenegosyo?

Ano ang negosyong Ano - ano ang nga Mga halaga/presyo


itatayo? Pangalan ng kakailanganin sa ng mga kakailanganin
negosyo. itatayong negosyo? sa negosyo.
(Kagamitan ,Sangkap
at iba pa)
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4. 4. 4.
5. 5. 5.


 
 

ESP

 SURIIN…  

Marahil ay gusto mo ng malaman ang kasagutan sa mga


sumunod na katanungan na pumapasok sa iyong kaisipan.
Gusto mo na ba talaga? Basahin mo na!
a.Ano nga ba ang ibig sabihin ng Lipunang Pang-
ekonomiya?
b.Ano-ano ang mga katangian ng mabuting ekonomiya?

Lipunang Pang–Ekonomiya

Ang mga pilosopo ay may kanya-kanyang pananaw ukol sa


pagkakapantay-pantay. May nagsabi na pantay-pantay ang lahat dahil
nilikha tayo ng Diyos. Sa ating hubad na anyo, tayo ay magkakatulad. Sa
iba, hindi tayo pantay-pantay dahil may taong mayaman at may
mahirap.

Para naman
kay Max
Scheler,bahagi ng
pagiging tao ng
tao ang
pagkakaroon ng
magkakaibang
lakas at kahinaan.
Nasa hulma ng
ating katawan
ang kakayahan
nating maging
isang sino.

Dagdag pa niya na dahil na rin sa hindi pagkakapantay-


pantay,kailangang sikapin ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan
ng pagbabahagi ng yaman ng bayan. Halimbawa ang pagkakabukod-
tangi ng tao na nagpapaiba sa iba. Mahalaga ang pagtitiwala sa sarili at
ang pagkakataon.

Tinawag naman naman ni Santo Tomas de Aquino na prinsipyo ng


proportion,ang angkop na pagkakaloob ng ayon sa pangangailangan
ng tao.Hindi man pantay-pantay ang mga tao, may angkop para sa
kanila at kailangang maging patas ayon sa kakayahan at sa
pangangailangan.


 
 

Ang pag-aari ay dapat angkop sa layunin ng tao. Una, ang halagaESP


ng tao bago ang tinapay. Ang tinapay ay nariyan upang siya ay
busugin,palakasin,at paginhawahin. May pangingibabaw siya sa
tinapay; hindi ang tinapay sa kaniya.

Pangalawa, kailangang balikan ang dahilan ng paggawa at pag-


aari (0wnership)” Hanapbuhay” hinahanap ng gumagawa ay ang
kaniyang buhay. Ang buhay ng tao ay isang pagsisikap na ipakilala ang
sarili at naipakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa paggawa. Hindi ang
yaman,kagamitan ang humuhubog sa tao. Ang tunay na kayamanan ay
nasa pagkilos ng tao sa anumang ibinigay sa kaniya na kaniyang
ikinayaman.
 

 PAGYAMANIN… 

Panuto: Sagutin ang mga tanong na nakapaloob sa talahanayan upang


lubusang mapalawak ang iyong pagkakaunawa sa aralin. Isulat ang
sagot sa papel

TAHANAN PAMAHALAAN
A. Mga bumubuo sa tahanan A.Mga bumubuo sa pamahalaan
Hal.Ama Hal. Presidente
1. 1.
2. 2.
3, 3.
4. 4.
5. 5.
 

B.Katangian o paglalarawan ng B.Katangian o paglalarawan ng


mabuti o maayos na tahanan mabuti o maunlad na
pamahalaan
Hal. May disiplina May pagtutulungan
 
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.


 
 

ESP

 Isaisip!

1. Mga pilosopo ay may kanya kanyang pananaw ukol sa


pagkakapantay-pantay at hindi pagkakapantay ng tao.
Pantay dahil likha ng Diyos. Tayo ay magkakatulad lamang
sa hubad na kaanyuan. Hindi pantay dahil sa estado ng
buhay may mayaman at mayroon namang mahirap ang
kalagayan sa buhay.
2. Pananaw ni Max Scheler sa di pagkakapantay sikaping
mapantay sa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng yaman
ng tao.
3. Ayon naman kay Santo Tomas de Aquino ito ay Prinsipyo
ng Proportio angkop na pagkakaloob sa pangangailangan
ng tao.
4. Pag-aari ay angkop sa layunin ng tao ayon sa halaga ng
tao kaysa sa tinapay at ang layunin ng kaniyang
paghahanapbuhay.
5. Hindi pantay pero nararapat na patas pagdating sa
prinsipyo ng Lipunang Pang-ekonomiya.

Maaring panoorin ang link / video para mas lalong maunawaan


ang aralin.

https://www.youtube.com/watch?v=m0rrQvdVNTQ&feature=youtu.be&f
bclid=IwAR3zaOB-
r_ai8N6uon_HSohYke2Bw9hxIx8YbVip76sp32Cpq1Yg9AHIvzo

 ISAGAWA…
Panuto : Sagutin sa iyong kuwaderno ang mga katanungan.

1. Magkano ang iyong baon sa isang araw?

2. Ano-ano ang pinagkakagastusan mo sa iyong baon? Itala ang mga


ito?


 
 

3. Para sa iyo, sapat ba ng iyong baon na ibinibigay ng iyong mga ESP


magulang? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.

4. Kung ikaw ang magdedesisyon sa baon mo sa isang araw,


magkano kaya ang nararapat na halagang ibibigay sa iyo ng
magulang mo?

5.Ipaliwanag, kung bakit ito ang nararapat na baon mo sa isang


araw? Maaari mong isa-isahin ang kabuuang gagastusin mo sa isang
araw.

 TAYAHIN… 

A.Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot


at isulat sa sagutang papel.

1. Saang pamamahala hinahalintulad ang Lipunang Pang-ekomiya?


a. bahay c. pamahalaan
b.tahanan d. simbahan

2. Ang tumawag sa Prinsipyo ng Proportio,ang angkop na pagkakaloob


ng ayon sa pangangailangan ng tao.

a. Dr.Manuel Dy c. Santo Tomas De Aquino


b. Max Scheler d. Papa Juan Pablo II

3. Alin sa mga sumusunod ang nakakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya


ng bansa?
a. Ang bawat tao ay mahusay na naghahanapbuhay
para sa matugunan ang pangangailangan ng pamilya.
b. Sinusunod ng bawat-isa ang tamang paghiwa-hiwalay
ng basura.
c. Lahat ng mag-aaral ay nag-aaral ng mabuti.
d. Nagsisikap na maging mayaman ang mga mahihirap
na mamamayan.
4.Ito ang pangunahing halaga ng tinapay sa tao.
a. Ipagmalaki c. Itago
b. Ipagmayabang d. Busugin
5. Ano ang tunay na mayamang tao?
a. Nakikilala ang sarili sa bunga ng kanyang paggawa.
b. Nabibili ang mamahaling mga kagamitang kanyang
ipinagmamalaki.
c. Ipinopost sa social media ang mga naipupundar na ari-arian.
d. Marami nang naiipon na pera at panay ang paggastos sa mga ito.


 
 

ESP
B.Panuto: Paghambingin ang dalawang
larawan sa ibaba at at itala ang
pagkakatulad at pagkakaiba sundin ang
talahanayan sa ibaba.


 
 

ESP

C. Magbigay ng limang paglalarawan sa mga


larawan sa ibaba.Itala ang mga ito sa
talahanayan.

C. Mga paglalarawan o nakikita D. Mga Paglalarawan o nakikita


1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

 MGA SANGGUNIAN…
DEPARTMENT OF EDUCATION K-12,TG AND LM IN EsP9


 
 

https://clipartstation.com/helfende-hande-clipart-9/ ESP
https://www.clipart.email/clipart/writing-idea-clipart-
389144.html?fbclid=IwAR13LG165Cy0AULIJAqGba5LxTmpJjGEs3cFkzWK
WE1olCOiENvz26s7ACo
https://www.untvweb.com/news/100-individuals-nabbed-in-makati-
police-op/
https://www.untvweb.com/news/paglago-ng-ekonomiya-ng-pilipinas-
isa-sa-mga-highlight-sa-ika-4-na-sona-ng-pangulo/
https://www.shutterstock.com/search/cartoon+teacher
https://www.youtube.com/watch?v=m0rrQvdVNTQ&feature=youtu.be
&fbclid=IwAR3zaOB-
r_ai8N6uon_HSohYke2Bw9hxIx8YbVip76sp32Cpq1Yg9AHIvzo
https://medium.com/@PolPsyISPP/the-gap-between-the-rich-and-the-
poor-psychosocial-consequences-of-economic-inequality-
1f7b074088b5
https://my-ruminations.com/2019/01/25/poverty-and-plenty/
https://www.lamudi.com.ph/newdevelopments/aboitiz-land-inc/the-
villages-at-
lipa/?fbclid=IwAR3WbxYNTxSRvc6qBOZPjAEjGBdeW02Bg_Bk8kS4t0TKh8
Oh6DCRgCqeFZA
https://www.alamy.com/a-stinking-sewage-flow-in-the-slums-poor-
area-of-haridwar-india-house-poor-people-on-the-hillside-in-front-of-a-
dirty-river-social-problems-of-our-image242872182.html

 SUSI SA PAGWAWASTO…

Subukin Tuklasin Tayahin Pagyamanin Tayahin


A. Kanya- A.
1. C 1. Mga
1. B kanyang 1.B
2. A kasagutan ay 2. C tamang 2.C
3. D maaaring iba- 3. A kasagutan sa 3.A
4. B iba 4. D mga mag- 4.D
5. D 5. A aaral. 5.A
2.Pagyamanin
3. Iba-iba ang B.C.at D. Isagawa B.Magkakaib
kasagutan ng Sariling May kanya- ang
Kasagutan kanyang kasagutan
mga mag-
Base sa pananaw ang ng mag-
aaral
nakikita at mga mag- aaral ayon
4. Isagawa paglalarawa aaral. sa nakikita.
n ng mga
5. Kanya- mag-aaral.
kanyang
pananaw

10 
 

You might also like