You are on page 1of 4

Mary Grace Y.

Paracha BSED-Filipino III

Maikling Kwento at Nobelang Filipino (FILI117)

Module 3-4

Michael P. Argonillo, LPT, MAED

Activities

Pagkatapos basahin at intindihin ang maikling kwento, sagutin ang mga tanong at isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. Tungkol saan ang maikling kuwento?

 Tungkol sa mag-ama, na kung saan tinuturoan ng isang ama ang kanyang anak
kung paano harapin ang tunay na buhay.

2. Ano ang nais ipaunawa ng ama sa kanyang anak nang sabihin niyang, “Ang taas
at tagal ng pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay, ingat, at tiyaga. Ang malaki
ay madali ngang tumaas, pero kapag nasa itaas na, mahirap patagalin doon at kung
bumagsak laging nawawasak”?

 Ang nais ipaunawa ng ama sa kanyang anak ay kailangang magsikap ang


kanyang anak, upang makamit niya ang kanyang mga pangarap at upang tuloy-
tuloy na ang kanyang tagumpay, kinakailangan ng husay, ingat at tiyaga sa kung
paano harapin ang mga pagsubok sa buhay. Ikinumpara rin ng ama na kung
gagamitin ng kanyang anak ang kanyang pagkakaroon ng sapat na kayamanan
at hindi na magsikap, maari mang maabot niya ang kanyang pangarap ngunit ito
ay babasak parin, dahil nahihirapan siyang manatili sa kanyang kinaroroonan
dahil hindi sapat ang kanayang pinagdaan, sipag at tiyaga sa pagpapanatili sa
kanyang posisyon kaya ito madaling bumagsak at mawasak.

3. Bakit hindi naunawaan ng anak ang ginagawang pagdidisiplina ng kanyang ama sa


kanya? Kung ikaw ang nasa kalagayan ng anak, paano mo tatanggapin ang mga ito?

 Hindi naunawaan ng anak ang ginagawang pagdidisiplina ng kanyang ama dahil


binalewala lang ito ng anak at dahil umaasa siya sa yaman ng kanyang ama.
Umaasa siya na magiging madali lang ang lahat dahil may negosyo naman ang
kanyang ama at hindi niya rin inaasahan na pahihirapan siya ng kanyang ama.
Kung ako ang nasa kalagayan ng anak, tatanggapin ko ang pagdidisiplina ng
aking ama sapagkat alam ko na para iyon sa ikabubuti ko. At naniniwala ako na
hindi ako pahihirapan ng aking ama kung wala itong katumbas na aral sa akin
kung paano harapin ang totoong buhay dahil mas alam nila ang pasikot-sikot at
kahirapan sa buhay dahil lahat ng iyon ay naranasan na nila. Kaya’t tatanggapin
ko ng buong-buo ang pamamaraan ng pagdidisiplina ng aking ama.

4. Anong aral ang nais iparating ng kuwento sa mambabasa?

 Ang aral na nais iparating ng kuwento sa mambabasa ay unang-una ang


pagsunod at paggalang sa magulang dahil sila ang mas nakakaalam sa
ikabubuti ng kanilang anak. Pangalawa ay ang pagsisikap para sa pangarap.
Marami pa tayong pagdadaanan na hirap at pait sa buhay upang makamtan
natin at malasap ang tamis ng tagumpay.

5. Bilang isang anak, paano mo haharapin ang mga pagsubok sa iyong buhay?

 Bilang isang anak, haharapin ko ang pagsubok sa buhay na dala-dala ang aral
na itinuro ng aking mga magulang. Sila rin ang magsisilbi kong inspirasyon
upang magpatuloy at mabigyan sila ng maginhawang buhay, ibabalik ko ang
lahat ng sakripisyong ginawa nila para sa akin. Gagamitin ko rin ang aking
karanasan sa kahirapan upang lalong mag pursigi at magsumikap sa pag-abot
ng aking mga pangarap sa buhay at para sa aking mga magulang at kapatid.
Gagawin ko ang lahat upang maipagmalaki ako ng aking pamilya.

Assessment

Pagkatapos saguin ang activities, gumawa ng sariling buod ng nabasang


maikling kwento. Gawing gabay ang banghay sa paggawa ng buod ng maikling kwento;
panimula, katawan, kakalasan, konklusyon.

Nagsimula ito sa nagkwekwentuhang mag-ama na may mga anak na sina


Rading, Paquito at Nelson. Nagsimula na ang ama sa kanyang kuwento:

May isang lalaki, walong taong gulang. Humiling siya sa kanyang ama ng isang
guryon. subalit tinuruan ng ama na magpalipad ng saranggola. Naiinis ang batang lalaki
sa kanyang ama dahil hindi nito maibigay ang kanyang hinihiling gayong ang kanyang
ama ang nag mamay-ari ng kaisa-isang estasyong gasolina at machine shop.

Pagkalipas ng panahon ay humiling ang anak ng damit, sapatos, malaking baon


at pagsama-sama ng barkada ngunit naghiling ang ama sa kanyang anak na magtipid
kaya nainis lalo ang anak sa kanyang ama. Dahil dito, nagtanim ng hinanakit ang anak
dahil sa mga kagustuhan ng kanyang ama, na ang isa ay maging inhinyero siya, subalit
hindi niya ito gusto nguniit walang nagawa ang binate kundi sumunod sa kanyang ama.
Pagkatapos nga kanyang pag-aaral ay napabilang siya sa nangungunang unang
dalawampu sa gobyerno. Nagbigay ang ama ng limampung libong piso para sa
hanapbuhay ng anak, na akala niya ay ibibigay ang machine shop ng ama para sa
kanya. Nagtayo ng machine shop ang anak sa dulo ng bayan. Nagtaka ang ama at
itinanong ng kanyang anak kung bakit sapagkat may kakumpetensya sya sa itinayuan
niya. Pinayuan ng ama na ipalit ang shop sa ikatlong bayan subalit hindi niya sinunod

Makalipas ng isang taon ay nalugi ang machine shop ng anak at napilitang


humingi ng labindalawang piso sa ama. Tinanggihan ng ama dahil hindi sinunod ang
kanyang payo.Umalis ang anak at naghanap ng trabaho. Nakaipon siya at bumili ng
machine shop na umunlad ng tatlong taon. Nagkaroon siya ng asawa at tatlong anak.
Dumalaw ang ina sa anak at nagsabi na gusto niyang makita ng kanyang ama subalit
tinanggihan niya. Naging kilala ang machine shop niya sa Pasay makalipas ng
dalawang taon.

Isang araw, nagtaka siya na nawala ang kanyang pamilya. Sabi ng katulong ay
pumunta siya sa probinsya. Bumalik ang anak sa bayan niyang sinilangan. Doon
nalaman niya na namatay ang kanyang ama. Ang galit niya ay naging pagsisisi.
Nagsabi ang ina niya na hindi tumubo ng hinanakit ang kaniyang ama kundi
kaligayahan na nag-unlad ang kanyang anak. Lumapit ang anak at humalik sa pisngi ng
kanyang yumaong ama at naalala niya ang pagpapalipad nila ng saranggola.
Assignment

Sa inyong sariling papel, gumawa ng sariling wakas ng nabasang kwento. Ang iyong
wakas ay binubuo ng 100 salita pataas.0

Wakas:

Nang pumanaw na ang ama ng lalaki, doon niya pa naintindihan ang lahat
ng pagdidisiplina ng kanyang ama. Napagtanto niya kung gaanong makabuluhan ang
sinabi ng kanyang ama noong araw na kung kailan sila nagpapalipad ng saranggola.
Kaya naisip niyang ituro rin ito sa kanyang mga anak dahil mahalaga ang aral na
makukuha nila sa itinuro ng kanyang ama.

Kaya sa paglipas ng panahon, naging matagumpay din ang mga anak ng


lalaki at naghirap at nag purisgi sila sa pagkamit ng tagumpay, kaya labis-labis ang
saya at laking pasasalamat niya sa kanyang ama. Ipinagmamalaki rin ng lalaki ang
kanyang mga anak sa kung saan naroon ang kanyang ama.

You might also like