You are on page 1of 9

Panimulang gawain

1. Kailan natin masasabi na ang isang


akda ay makatotohanan?
2. Masasabi nyo ba na ang akdang El
Filibusterismo ay makatotohanan?
Patunayan ang inyong sagot.
3. May mga pangyayari ba sa El
Filibusterismo na nangyayari sa
kasalukuyan?
Matapos mabasa at matalakay ang akda, susuriin ng bawat
pangkat ang mga pangyayari sa akda.
Tanong:
1. Batay sa binasang akda, ano ang mahalagang ginampanan
ni Placido?
2. Bilang kabataan, kailangan bang magkaroon ng kamalayan
sa mga pangyayaring nagaganap sa bayan?
3. Ano-ano ang mga mahahalagang pangyayari sa akda na
inyong maiuugnay sa mga kasalukuyang pangyayari?
Pagkatapos masuri ang akdang binasa,bumuo ng
kaisipang nangingibabaw sa paksa.
pagtalakay
Ang paghahambing ay naghahambing o nagtutulad ng dalawang
pangngalan o panghalip.
a. Pahambing na Pasahol o Palamang - nagsasaad ng nakahihigit o
nakalalamang na katangian ng isa sa dalawang pangngalan o panghalip
na pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga katagang HIGIT, MAS,
LALONG, DI GAANO, DI GASINO, at iba pa.
HALIMBAWA:
Mas malawak ang kanyang kaisipan kaysa sa akin.
b. Pahambing na Patulad - nagsasaad ng magkatulad o magkapantay na
katangian ng dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing.
Gumagamit ito ng mga panlaping tulad ng SING/SIN/SIM, MAGSING,
KASING o ng mga salitang KAPWA, PAREHO.
HALIMBAWA:
Kapwa nakamamangha ang talentong ipinakita ng El Gamma
Penumbra at Junior New System sa Asia's Got Talent
PAGPAPALAWAK
Babalikan ng mga mag-aaral ang mga pangyayari sa binasang
kabanata.Iuugnay nila ito sa mga kasalukuyang pangyayari. Magbibigay sila
ng mga sitwasyon o halimbawa upang matiyak ang pagkamakatotohanan
nito.
1. Paano binigyang halaga ang edukasyon sa araling ito?
2. Ano ang pangarap ni Isagani sa kanyang bayan?
3. Makatotohanan ba ang mga pangyayari sa binasang akda?

DRUG AWARENESS INTEGRATION


Batay sa mga kabanatang tinalakay, binigyang halaga ng mga kabataan ang
edukasyon kaya naging masigasig sila na magkaroon ng Akademya ng
Wikang Kastila. Naipahahayag din dito ang pangarap ni Placido para sa
bayan. Kung ating iuugnay sa kasalukuyang panahon, iilan na lamang ang
ating maihahalintulad sa mga kabataan sa nobela. At hindi maikakaila na
marami na rin ang napariwara sa maraming dahilan. Isa na nito ay ang
paggamit ng ilegal na druga.
GAWAIN
Gawain

Sa isangkalahating papel, isulat


ang epekto ng paggamit ng ilegal
na druga sa edukasyon at sa mga
kabataan.
Kabuuan : 30 puntos

PANGKATANG GAWAIN
Pipili ang bawat pangkat ng isang pangyayari sa binasang kabanata.
Ihahambing nila ito sa mga pangyayari sa kasulukuyan. Ito ay
maaaring karanasang pansarili, gawaing pangkomunidad, isyung
pambansa o pangyayaring pandaigdig. Ibabahagi/Isasadula nila ito
sa harap na klase. Dapat gagamit sila ng mga angkop na salitang
naghahambing.
Gr1: Pagsasadula
Gr2:Talkshow
Gr3:Slogan
Gr4:Aral na natutunan sa kabanata
PAGTATAYA
• Isulat ang salitang wasto kung tama ang diwang isinasaad ng
pangungusap.Kung mali, palitan ang salita ng tama para maging
wasto ang pahayag.
• 1.Si Sisa ay naghahanda ng masarap na pagkain para sa darating
na mga anak.
• 2.Ang ina nina Crispin at Basilio na si Sisa ay nakapag-asawa ng
mabait na asawa.
• 3.Bata pa si Sisa at mababakas sa mukha niya na siyay maganda at
kabigha-bighani.
• 4.May pagkahayok na kinain ng asawa ni Sisa ang pagkain na para
sa kanya.
• 5.ang dalawang anak ni Sisa ay nasukan bilang katulong sa bukirin.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

• Makatotohanan
10
• Malikhain
10
• Pagpapalutang ng Mensahe sa Akda
10
• (Katumpakan/ Kaugnayan ng akda sa
kasalukuyang pangyayari)

Kabuuan : 30 puntos
TAKDANG ARALIN
Magsaliksik ng mga salitang ginagamit sa
paghahambing.
PANAPOS NA GAWAIN
“Ang poot walang nililikha kundi mga dambuhala,
mga kasamaan, mga salarin.
Tanging ang tunay na pag-ibig lamang ang
nakakalikha ng mga bagay na tunay na kahanga-
hanga.”
― José Rizal, El Filibusterismo

You might also like