You are on page 1of 19

10

Filipino
Ikalawang Markahan: Modyul 2
Tula: Salamin ng Kultura
Filipino – Ikasampung Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Tula: Salamin ng Kultura
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Evelyn R. Fetalvero

Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Romel Q. Embay
Editor: Marlyn A. Publico / Vicente A. Pines Jr.
Tagasuri: Gloria C. Sabanal, Penie O. Vasquez, Ana Lorma A. Dahiroc
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Technical Support: Nancy A. Sarmiento
Tagapamahala:
Evelyn R. Fetalvero Dee D. Silva
Mary Jeanne B. Aldeguer Eduard C. Amoguis
Analiza C. Almazan Ernie M. Aguan
Ma. Cielo D. Estrada Lourdes Navarro
Mary Jane M. Mejorada Marlyn A. Publico

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Davao del Norte
Office Address: DepEd Building, Provincial Government Center Mankilam, Tagum City
Davao del Norte, Region XI
Telefax: (084) 216-0188
E-mail Address: depeddavnor.lrms@deped.gov.ph
10

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 2
Tula: Salamin ng Tula
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring
sulatan ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy
pagkatapos ng mga gawain.
Kung meron kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang
gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang
isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa
sa mga kasanayang pampagkatuto.
Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin
Ihanda ang sarili para sa panibagong aralin na ating tatalakayin.
Sa araling ito, malalaman natin ang kahulugan, mga elemento at
kahalagahan ng tula ayon sa kahulugang nais ipahiwatig nito.

Halika ka! At simulan na natin ang araling ito.

Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, ikaw ay inaasahang;

 naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula (F10PN-IIc-d-70);

 nasusuri ang mga elemento ng tula (F10PB-IIc-d-72);

 naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit

sa tula (F10PT-IIc-d-70);

 naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang

tinalakay (F10PU-IIc-d-72);

 nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula

(F10WG-IIc-d-65);

 naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang

tinalakay (F10PU-IIc-d-72); at

 nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula

(F10WG-IIc-d-65).

1
Subukin Natin
Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.

(How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barrett Browning

Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)

Inibig kita ng buong taimtim,

Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating,
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay

Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

1. Alin sa sumusunod ang katangiang hindi taglay ng persona sa tula?

a. mapagtiis
b. mapagpakumbaba
c. masayahin
d. mapagmalasakit

2. Ipinapahayag ng persona sa tula ang kaniyang pagmamahal at pagsinta

sa taong kaniyang iniibig sa pamamagitan ng _______________.

a. Pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig

b. Paghahambing nito sa iba’t ibang bagay
c. Paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila
d. Pagpapahiwatig ng nararamdaman

2
3. Isang akdang pampanitikan na ipinapahayag sa pananalitang may
angking aliw-iw, ito ay nangangailangan ng masusing pagpili ng salita,
pagbilang ng mga pantig, at paggamit ng magkakatugmang salita upang
madama ang isang damdamin o kaisipang nais ipahayag ng manunulat.

a. Sanaysay
b. Tula
c. Nobela
d. Maikling Kuwento

4. Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa

isang saknong.

a. sukat
b. saknong
c. tugma
d. kariktan

5. Ito ay nagtataglay ng maririkit na salita na kung saan mapukaw ang

damdamin at kawilihan ng mambabasa.

a. sukat
b. saknong
c. tugma
d. kariktan

3
Aralin Natin
Ang tula ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay,
hinango sa guniguni, pinararating sa ating damdamin, at ipinahahayag sa
pananalitang may angking ali-iw.

Mga elemento ng tula

1. Sukat- ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat

taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa
paraan ng pagbasa.

Halimbawa:
is-da (ito ay may dalawang pantig)
is-da ko sa Ma-ri-ve-les (ito ay may 8 pantig)

2. Saknong – ay isang pangkat sa loob ng isang tula na may

dalawa o maraming linya (taludtod ).

3. Tugma – isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga

akda sa tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig
ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha na itong
nagpapaganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbibigay sa tula ng angkin
nitong himig o indayog.

Mga uri ng tugma

1. Tugma sa pantig (Ganap)

halimbawa: Mahirap sumaya

Ang taong may sala

2. Tugma sa katinig (Di-ganap)

a. unang lipon – b,k,d,g,p,s,t

halimbawa: Malungkot balikan ang taong lumipas

Nang siya sa sinta ay kinapos-palad

b. ikalawang lipon- l,m,n,ng,r,w,y

halimbawa: Sapupo ang noo ng kaliwang kamay

Ni hindi matingnan ang sakit ng araw

4
4. Kariktan - ito ay nagtataglay ng maririkit na salita na
kung saan mapukaw ang damdamin at kawilihan ng mambabasa.

Halimbawa: maganda- marikit

mahirap- dukha o maralita

5. Talinhaga- magandang basahin ang tulang di tiyakang

tumutukoy sa bagay na binabanggit. Ito’y isang sangkap ng tula na may
kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula.

Halimbawa: nag-agaw buhay

nagbabalat ng buto

Maliban sa mga elemento ito ay may matalinghagang pahayag na

hindi tuwirang inihahayag kung ano ba ang literal na pagpapakahulugan
nito. Kadalasan ay ginagamitan ito ng paghahambing ng mga bagay na
nagpapataas ng pandama ng mga mambabasa. Iniuugnay ng talinghaga ang
mga karanasan, pangyayari at bagay-bagay na alam ng taumbayan.
Sinasabing ang talinghaga ang siyang larawan ng kamalayan ng
manunulat. Isa sa madalas na ginagamit sa pagpapahayag ng talinghaga ay
ang tayutay.
Ano ba ang tayutay?
Ang tayutay ay paggamit ng isang salita o pahayag upang bigyang-
diin ang nais ipabatid na damdamin, kaisipan at saloobin. Itinuturing na
palamuti ang tayutay sa tula sapagkat ito ang nagpapaganda sa tula.
Iba’t ibang uri ng Tayutay:
 Pagtutulad o simile – Ito ay di tiyak na paghahambing ng dalawang
bagay na magkaiba.

Ilan sa mga parirala at salitang ginagamit sa paghahambing:

Tulad ng/ katulad ng sing-

Wangis ng/ kawangis ng sim-
Paris ng magkasing-
Tila magkasim-
Anaki’y animo

Halimbawa:

1. Ang pag-ibig niya ay tila ginto na hindi kumukupas.

2. Nagniningning ang kaniyang mga mata katulad ng bituin.

5
 Pagwawangis o metapora – Ito ay tiyakang paghahambing ng
dalawang bagay ngunit hindi na ito ginagamitan ng mga parirala o
salita.

Halimbawa:

1. Sa aming mga magkaklase si Rose ang maamong tupa sapagkat

palagi siyang sumunod s autos ng aming guro.
2. Pagong kumilos si Luna.

 Pagmamalabis o hyperbole – Layunin nitong bigyan ng kaigtingan

ang nais ipabatid kaya ginagamitan ito ng mga pahayag na
nagpapakita ng kalabisan.
Halimbawa:

1. Namuti ang buhok niya sa kakahintay sa akin.

2. Abot hanggang langit ang buhok ng aking kaibigan.

 Pagtatao o personipikasyon – Ito ay pagkakapit ng katangian o

katalinuhan ng tao sa mga bagay na walang buhay at maging sa mga
hayop.
Halimbawa:

1. Nagsasayawan ang mga damo.

6
Sagutin ang sumusunod na mga nakatanungan:

1. Ano ang tula?

________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang elemento ng tula at bakit ito mahalaga?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Nakatutulong ba ang mga tayutay sa matalinghagang pagpapahayag?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. Makabuluhan ba ang paggamit ng matalinghagang salita sa pagsulat

ng tula?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

5. Sa tingin mo, kaakit-akit pa rin bang basahin ang isang tula kahit na
hindi ginagamitan ng matalinghagang pahayag? Patunayan.

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

7
Gawin Natin
Basahin at unawaing mabuti ang tulang liriko ng tanyag na
manunulat na si Elizabeth Barrett Browning ng Inglatera (hango sa Sonnet
43 ).

(How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barrett Browning

Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman

Kung paano kita pinakamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.

Iniibig kita nang buong taimtim,

Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay

Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalaking

Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,

Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako’y isang musmos pa sa turing
Na ang pananalig ay di masusupil.

Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay

Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,

Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita.

8
Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Ano ang pag-ibig na tinutukoy ng makata sa tula?

_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

2. Ayon sa tula, paano ipinamalas ng makata ang masidhing

pagmamahal?
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

3. Paano nakatulong ang paggamit ng mga matalinghagang salita

upang maihatid ng may-akda sa mga mambabasa ang mensahe?
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

4. Sa iyong palagay, aling bahagi ng tula ang nagpalutang sa ganda at

kariktan nito? Panatuyan ang sagot.
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

5. Sa iyong palagay, ano ang epekto ng karanasan sa paglikha ng tula

ng makata? Ipaliwanag ang sagot.

_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

9
Sanayin Natin

Hanapin mo sa Hanay B ang hinihinging kahulugan ng mga

matatalinghang salita na nasa Hanay A. Isulat ang titik ng iyong sagot sa
patlang.

Hanay A Hanay B
_____1. alog ang baba a. kasamaan o kasakiman
_____2. kahiramang suklay b. patay
_____3. malalim ang bulsa c. mayaman
_____4. maitim ang budhi d. kaibigan
_____5. krus sa balikat e. walang pera
_____6. nagbibilang ng poste f. matanda
_____7. kumukulo ang tiyan g. naghahanap ng trabaho
_____8. amoy tsiko h. kuripot
_____9. butas ang bulsa i. pabigat sa pamilya
_____10. pantay ang paa j. gutom
k. lasing

Tandaan Natin

Ayusin ang mga salita na nasa loob ng kahon upang mabuo ang
kaisipan na nais ipabatid nito.

na kung saan ay ang paggamit ng

hindi nito tuwirang

isa sa katangian Matatalinghagang pahayag

ng tula literal na kahulugan

inihahayag ang

Sagot:_____________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

10
Suriin Natin
Suriin ang binasang tula (How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni
Elizabeth Barrett Browning Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)
batay sa elemento nito. Gawin sa sagutang papel.

Pamagat ng tula: ___________________ 3. Simbolo

____________________________________

1. Sukat 4. Talinghaga

2. Tugma 5. Kariktan

Payabungin Natin

Naranasan mo na bang umibig? Sa bahaging ito ng aralin, nais

kong sumulat ka ng isang tula na binubuo ng dalawang saknong para sa
taong iyong iniibig. Ito ay maaring sa magulang, kaibigan, pamilya at iba pa.
Huwag kalimutang gamitin ang matalinghagang pahayag sa pagsulat ng
tula.

Pamagat

11
Pamantayan sa Pagmamarka

Binigyang Tuon Napakagaling Magaling Katamtaman Nangangailangan

(10) (8) (6) ng Pagsasanay (4)
Bahagyang mag
lalim ang
Napakalinaw at Malinaw at
nilalaman ng tula Mababaw at
makahulugan ang makahulugan ang
at hindi literal lamang ang
Malinaw na nilalaman ng nilalaman ng tula
masyadong nilalaman ng tula
mensahe tula. Nag-iiwan ngunit nagkulang
malinaw ang at hindi malinaw
ito ng aral sa mga sa pagbibigay aral
mensaheng nais ang mensahe.
mambabasa. sa mambabasa.
ipabatid sa mga
mambabasa.
Napakaayos at
Walang
piling-pili ang
May ilang ginamit Ang mga salita ay simbolismo at
mga salitang
na di-gaanong pili. talinghagang
ginamit. Gumamit
Matalinghaga matalinghagang Kaunti lamang ginamit sa tula.
ng mga
pahayag ang ginamit na Nakaklito ang
simbolismo at
simbolismo. simbolismo. ibang salitang
matatalinghagang
ginamit.
salita.

Pagnilayan Natin
Ang matatalinghagang pahayag ang isa sa mga sangkap na
nagpapaganda sa daloy ng nilalaman ng isang tula. Hindi man tuwirang
inihahayag nito ang literal na kahulugan, nagbibigay naman ito ng interes
sa mga mambabasa na mas unawain pa ang nais ipahiwatig ng may akda.

12
13
PAYABUNGIN SURIIN SANAYIN
NATIN NATIN NATIN
Maaaring Maaaring 1. f 6. g
iba’t iba ang 2. d 7. j
iba’t iba ang
3. h 8. k
sagot ng mga sagot ng mga 4. a 9. e
mag-aaral mag-aaral 5. I 10. b
GAWIN SUBUKIN
NATIN ARALIN NATIN
NATIN
Maaaring 1. B
iba’t iba ang Maaaring 2. C
sagot ng mga iba’t iba ang 3. B
mag-aaral sagot ng mga 4. A
mag-aaral. 5. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

hhtps://www.slideshare.net/mobile/KairoGo/element-ng-tula-87431182

Ambat, Vilma C. and Ma. Teresa B. Barcelo. Panitikan ng Pandaigdig. Pasig City. Vibal
Group Inc, 2015.

14
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Region XI

F. Torres St., Davao City

Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147

Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph

You might also like