You are on page 1of 3

Bataan Peninsula State University (Balanga Campus)

Kolehiyo ng Edukasyon

Sanaysay At Talumpati
(Takdang Aralin)
Sagutan ang mga tanong.

1. Ano ang sanaysay para sa iyo?


Para sa akin ang sanaysay ay isang uri ng sulatin na kung saan ang mga manunulat
ay malayang makapagbahagi ng impormasyon, makapagpahayag ng nararamdaman,
makapagbibigay ng opinyon, makapanghihikayat at iba pa. May ibat-iba ding mga
kategorya ang maaari mong mabuo sa pagsulat ng isang sanaysay maaaring ito ay
patungkol sa pag-ibig, kapaligira, pamilya, lipunan at iba pa.

2. May nabasa ka na bang sanaysay?


Sa aking pag-aaral ay madami na din akong natuklasan at nabasang mga
sanaysay dahil ang sanaysay ay naituturo ng aking mga naging guro sa Filipino at
nagbabahagi sila ng mga sanaysay na binuo ng mga manunulat. Malaya din nila kaming
pinagsusulat ng isang sanaysay.

3. Ano ang pamagat nito? Tungkol saan ang paksa ng sanaysay na nabasa mo? Ibahagi sa
klase.

Ang isa sa aking nabasang sanaysay ay pinamagatang "Kahalagahan Ng Pag-aaral o


Edukasyon Tungo sa Pag-unlad ng Bansa" (ni Yolanda Panimbaan-Canatan Learning Center).
Ang paksa nito ay patungkol sa kahalagahan ng pag-aaral o sinasabi din nating edukasyon na
kung saan maihahatid tayo tungo sa pag-unlad ng ating bansa. Mahalaga ito dahil ang isang
bayan dapat ay kailangan binubuo ng mga taong may disiplina o edukado na siyang mahuhubog
lamang sa paaralan na siyang itinuring din nating ikalawang tahanan. At ang bawat klase ay
maihahambing sa bayan na dapat ay binubuo ng mga estudyanteng may sapat na karunungan at
kagalingan upang sila'y makatulong sa ikauunllad at ikagiginhawa ng kanilang tahanan maging
ng buong bayan.

4. Ano ang kaibahan ng sanaysay sa maikling kwento?

Ang sanaysay ay maaaring tungkol sa isang napapanahong paksa samantalang ang


maikling kwento ay tungkol sa mga karanasan ng manunulat Ang sanaysay ay maaaring
magkaroon ng pormal na pagkakasulat samantalang ang maikling kwento ay walang sunusunod
na format Ang sanaysay ay mayroong magsalaysay ng isang kwento o tungkol sa mga
napapanahong isyu samantalang ang maikling kwento ay mayroong layuning mag-aliw o
magbigay aral sa mga mambabasa. Madalas, mayroong sapat na bilang ng salita at pangungusap
bago ituring na sanaysay ang isang akda subalit kung ito ay maikling kwento, maaari itong
matapos sa ilang pangungusap lamang. Ang isang sanaysay ay maaaring tukuyin bilang isang
piraso ng pagsulat sa isang partikular na paksa samantalang ang isang maikling kwento ay
maaaring matukoy bilang isang salaysay, mas maikli ang haba kung ihahambing sa isang nobela.

Gawain:

Magsaliksik ng isang sanaysay na isinulat ng isang manunulat na Pilipino. Itala ang


pamagat, ang may-akda, ang paksa, anong uri ng sanaysay ito, ang layunin nito at ang
implikasyon nito sa buhay ng babasa.

Pamagat: “Ang Pag-ibig”

Ang May-akda: Emilio Jacinto

Uri: Sa aking palagay ito ay isang pormal dahil masusi niyang pinag-aralan at sinaliksik kung
ano ang pag-ibig.
Layunin: Layunin nitong makapagbigay ng impormasyon patungkol sa pag-ibig at magbigay aral
sa mga umiibig. Sinabi sa sanaysay na ito ang tunay na pag-ibig ay walang ibubunga kundi ang
tunay na ligaya at kaginhawahan. Ang ibig sabihin nito ay kapag tayo ay nagmahal tayo ay
punong-puno ng ligaya at kaginhawahan.

Implikasyon: Napaliwanag niya ng maayos ang pag-ibig at ang kahinaan ay hindi masyadong
maintindihan ang ibang mga salita.

You might also like