You are on page 1of 6

Diocese of Imus Catholic Educational System, Inc.

(DICES)

HOLY FAMILY ACADEMY OF GMA, INC.


Congressional Road Barangay Poblacion 5 General Mariano Alvarez, 4117 Cavite
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10 K = ____/20
Pangalan: _______________________________ Petsa: _______________ P = ____/25
Baitang: ________________ Guro: Bb. Nerissa D. Elleta Lagda ng Magulang: __________ U = ____/30

Knowledge
I. PAGTUKOY
Panuto: Ibigay ang hinihingi sa mga sumusunod na bilang. Piliin sa mga salita sa kahon ang tamang sagot. Isulat sa patlang ang
inyong kasagutan.

simposyum critique Antoine de Saint-Expurey Ang Munting Prinsipe panghalip panao

panaklaw pananong pamatlig roundtable discussion Ang Munting Bariles Guy de Maupassant

Iliad Homer Beowulf Odyssey Metamorphoses Ovid Galatea

Rebecca De Dios pangatnig pang-ukol pang-angkop pang-ugnay Crtomir

epiko parabula sanaysay aspekto pokus panlaping pandiwa katawanin

________________1. Ito ang pandiwa kapag hindi na ito nangangailangan ng tuwirang layong tatanggap ng kilos at nakatatayo na
itong mag-isa.
________________2. Ang isang mabisang paraan ng paghahatid ng impormasyon dahil mas kakaunti ang kalahok at gaanong
pormal ang pamamaraan.
________________3. Nahahawig sa kwentong “Noah’s Ark”, tungkol sa mag-asawang nailigtas sa bahang kumitil sa lahat ng
nilalang sa mundo.
________________4. Ang sumulat ng nobelang Ang Munting Prinsipe na isang manunulat at piloto.
________________5. Isang mahaba at patulang pagsasalaysay ng kagitingan ng isang tauhang may kakaibang kakayahan o
kalakasan.
________________6. Isang pagtitipon kaugnay ng isang paksa kung saan maraming tagapagsalita ang maglalahad para sa mga
tagapakinig.
________________7. Ito ay ang humahalili sa mga ngalan ng tao, bagay, hayop at iba pa.
________________8. Ito ang panghalip na sumasaklaw sa kaisahan, dami o kalahatan ng tinutukoy.
________________9. Ito ang panghalip na ipinapalit sa mga ngalang ng tao.
________________10. Ito ang panghalip na ginagamit sa pagtatanong o pag-uusisa ng pumapalit sa isang pangngalan, pariralang
pangngalan o panghalip.
________________11. Ang sumulat sa epikong Metamorphoses.
________________12. Ang sumulat sa isang maikling kwento patungkol sa pagkukumbinsi ng isang lalaki sa isang matanda na
ipagbili ang kanyang lupain.
________________13. Ang tawag sa mga panlaping ginagamit sa pandiwa.
________________14. Ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa o salitang kilos sa simuno o paka ng pangungusap.
________________15. Ang sumulat sa isa sa mga pinakatanyag na epiko sa buong mundo.
________________16. Mga akdang hinango sa Bibliya.
________________17. Isang akdang pampanitikan na karaniwang sinasalaysay ang opinyon o kuro-kuro ng manunulat.
________________18. Ang mandirigmang pagano na lumaban sa mandirigmang Kristiyano ngunit sa huli’y nagpalit din ng
paniniwala.
________________19. Tungkol sa mahabang paglalakbay ng tauhan pabalik sa kanyang bansang tirahan.
________________20. Tinatalakay nito ang buhay at pakikipagsapalaran ng bayani ng mga Great at tumalo sa tatlong malalaking
kalaban.
Process
Panuto: Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang. Maglahad ng 5 hanggang 7 pagpapaliwanag.
1. Ano ang ibinubunga ng pagiging laging handa? Maglahad ka ng iyong karanasan na naging bunga ng iyong kahandaan.
2. Ang magulang ni Tessa ay bumalik sa Pinas matapos ang sampung taong pagtatrabaho sa Saudi bilang DH. Upang mapalago ang
kanilang nauiuwing pera ay nais nilang magtayo ng negosyo. Dumating ang isang malayong kamag-anak nila at nagbukas sa ito ng
isang negosyong nag-aalok ng malaking halagang balik makalipas ang ilang buwan. Kung ikaw si Tessa at narinig mo ang kanilang
pinag-uusapan ano ang gagawin mo upang hindi maloko o maisahan ang iyong mga magulang. Ipaliwanag ang iyong kasagutan.
3. Bakit mahalang pairalin ang kapayapaan sa mundo? Magbigay ka ng isang sitwasyon sa ating kasaysayan na nagpapakita na ang
karahasan ay hindi sagot sa anumang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng tao, lahi o bansa at ipaliwanag.
4. Bakit sinasabing ang pinakamahalagang bagay ay hindi nakikita ng mata sa halip puso lamang ang nakadarama? Naniniwala ka ba
rito? Maglahad ng isang patunay at ipaliwanag kung paano makikita rito ang iyong pinaniniwalan.
5. Bakit mahalaga ang pagiging bukas at ang paggalang sa pagkakaiba-iba ng mga lahi at mga tao? Magbigay ng isang pangyayari na
nagpapakita ng maaaring maging bunga ng di pagkakaunawaan sa relasyon ng mga bansa sa isa’t isa.
1 3 5
Di-gaanong mahusay ang paglalahad ng Nailahad nang maayos ang mga ideya Napakamahusay ang pagkakaapaglahad
mga ideya sa piniling paksa. ng ideya sa napiling paksa.
Understanding
Panuto:Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang. Maglahad ng 3 hanggang 5 pagpapaliwanag.
1. Naibalita sa telebisyon, sa radyo maging sa social media ang paparating na “Super Typhoon” sa ating bansa. Mayroon kang isang
bag. Ano ang mga ilalagay mo rito bilang paghahanda sa nalalapit na “Super Typhoon”. Ipaliwanag kung bakit.

2. Sa mga larawan sa itaas ay nagpapakita ng mga pangyayari tungkol sa karahasan. Sa karahasang ito ang mga inosenteng tao ang
minsa’y nahihirapan. Pumili ng isa sa mga larawan at ilahad kung paano nakakaapekto ang digmaan o karahasan sa pinili ninyong
larawan.
3. Paano ka makatutulong para maiwasan ang mga pangyayari sa mga larawan. Ano ang iyong mabisang paraan upang ang kapayapaan
ay hindi mawala sa ating bansa o sa iyong kinabibilangang komunidad.

3 5 10
Di-gaanong mahusay ang paglalahad ng Nailahad nang maayos ang mga ideya Napakamahusay ang pagkakaapaglahad
mga ideya sa piniling paksa. ng ideya sa napiling paksa.

“Nagtitiwala kami na kami ay may matapat na budhi,


yamang nais naming gumawi nang matapat sa lahat ng bagay.”—Hebreo 13:18.
Goodluck! Kaya mo yan!
Diocese of Imus Catholic Educational System, Inc. (DICES)

HOLY FAMILY ACADEMY OF GMA, INC.


Congressional Road Barangay Poblacion 5 General Mariano Alvarez, 4117 Cavite
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9 K = ____/20
Pangalan: _______________________________ Petsa: _______________ P = ____/25
Baitang: ________________ Guro: Bb. Nerissa D. Elleta Lagda ng Magulang: __________ U = ____/30

KNOWLEDGE
I. Pagtukoy
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1.) Ang tunggaliang ito ay tumutukoy sa tao laban sa mga elemento at puwersa ng kalikasan.
a. pisikal b. panlipunan c. sikolohikal d. panloob
2.) Ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
a. pang-angkop b. pangatnig c. pang-ugnay d. pang-ukol
3.) Ang uri ng pangungusap na karaniwang binubuo ng isang paksa at isang panaguri.
a. tambalan b. inuulit c. hugnayan d. payak
4.) Ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay.
a. pangatnig b. pang-ukol c. pang-ugnay d. pang-angkop
5.) Ang isa sa mga kabisera ng isang bansa sa Timog-Silangang Asya na tinatawag na “The Big Durian”.
a. Jakarta b. Yanoi c. Singapore d. Manila
6.) Isang kwentong nagbibigay-diin sa banghay o maayos na daloy ng mga pangyayari.
a. makabanghay b. makabalangkas c. makatala d. makabayan
7.) Ang bansang tinatawag ding “Perlas ng Silangan”.
a. Myanmar b. Cambodia c. Pilipinas d. Malaysia
8.) Uri ng akdang tuluyan na nagtataglay ng maraming ligaw na tagpo o pangyayari.
a. tula b. nobela c. epiko d. maikling kwento
9.) Ito ay tumutukoy sa literal na pagpapakahulugan sa mga salita.
a. denotatibo b. konotibo c. konotatibo d. denotibo
10.) Sa bahaging ito ng balangkas ay natatamo ng pangunahing tauhan ang layunin.
a. panimulang pangyayari b. resolusyon c. kasukdulan d. pababang pangyayari
11.) Ang pang-angkop na ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa mga patinig.
a. g b.nga c. ng d. na
12.) Ang siyang palaging kasama ng pangunahing tauhan sa anumang akda.
a. katunggaling tauhan b. pantulong na tauhan c. may-akda d. pangungahing tauhan
13.) Ang isa sa mga kayarian ng salita na binubuo ng dalawang pinagsamang salita na nakabubuo ng panibagong salita.
a. tambalan b. payak c. inuulit d. maylapi
14.) Ang tanyag na manunulat at makata sa Malaysia na sumulat ng tulang Puting Kalapati, Libutin Itong Sandaigdigan.
a. Dr. Usma Awang b. Dr. Usmo Awaong c. Dr. Usman Aweng d. Dr. Usman Awang
15.) Ang isang akdang pampanitikang nagtataglay ng maraming ligaw na tagpo at mahabang kawing ng mga tagpo.
a. dula b. tula c. nobela d. sanaysay
16.) Ang mga tulang nagsasaad ng maalab na pagmamahal sa bayan.
a. tulang pastoral b. tula ng pag-ibig c. tulang pangkalikasan d. tulang makabayan
17.) Tulang nagbibigay parangal sa tao, gabay at iba pa.
a. kumintang b. oda c. soneto d. awit
18.) Isa sa mga uri ng pangungusap na nagpapahayag ng damdamin.
a. paturol b. padamdam c. pautos d. patanong
19.) Isang uri ng pagpapahayag na ang pangunahing layunin ay magpatunay ng katotohanan at pinaniniwalaan at ipatatanggap sa
nakikinig o bumabasa.
a. pangangatwiran b. pagpapaliwanag c. pagpapaunawa d. pag-iimbestiga
20.) Ang sumulat ng dulang Makapaghihintay ang Amerika.
a. Lualhati Bautista b. U Na c. Aurora Bantog d. Dionisio Salazar
Process
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag sa bilang at ibigay ang hinihingi. Maglahad ng 5 hanggang 7
pagpapaliwanag sa bawat kasagutan.
1. Sumulat ng isang saknong na may 4 na taludtod patungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng mga akdang pampanitikan mula sa
Timog-Silangang Asya. At ipaliwanag kung bakit ito ang iyong nasulat. Huwag kakalimutan ang pamagat ng iyong tula.
2. Gumawa ng isang salawikain, kung paano maiwawaksi ng tao ang tatlong mukha ng kasamaan at ipaliwanag ito.

3. Bilang mga Pilipino mahalagang ialay natin ang ating lakas at talino sa pagpapabuti ng ating Inang Bayan. Ikaw bilang mag-aaaral
paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa ating Inang Bayan. Maglahad ng tatlong halimbawa at ipaliwanag isa-isa.
4. Ikaw ay binigyan ng pagkakataong libutin ang buong Timog-Silangang Asya, pumili ka ng isang bansa at ilahadang iyong gagawin
at dadalhin bago ka punta sa bansang iyon at ipaliwanag kung bakit iyon ang iyong magiging paghahanda.
5. May kaibigan kang Amerikano/Amerikana, naibida mo sa kanya ang tungkol sa ating bansa kaya naman nagdesisyon siyang
dumalaw sa ating bansa. Bilang isang Pilipino ikaw ang magiging tour guide nya. Saang lugar mo sya dadalhin? Ipaliwanag ang iyong
kasagutan.

1 3 5
Di-gaanong mahusay ang paglalahad ng Nailahad nang maayos ang mga ideya Napakamahusay ang pagkakaapaglahad
mga ideya sa piniling paksa. ng ideya sa napiling paksa.

Understanding
Panuto: Basahin ang sumusunod na mga katanungan. Maglahad ng 3 hanggang 5 kasagutan.

1. Ang mga larawan sa itaas ay nagpapakita ng tatlong mukha ng kasamaan sa sandaigdigan at ang epekto nito sa tao. Pumili ng
isang larawan na nagpapakita ng tatlong mukha ng kasamaan at ipaliwanag kung paano ito nakakaapekto sa ating bansa.
2. Pumili ng isang epekto ng tatlong mukha ng kasamaan at ipaliwanag ito.
3. Sa mga larawan sa itaas magbigay ka naman ng maaaring maging solusyon upang maiwasan natin ang mga ito, lalong-lalo na dito
sa ating bansa.

3 5 10
Di-gaanong mahusay ang paglalahad ng Nailahad nang maayos ang mga ideya Napakamahusay ang pagkakaapaglahad
mga ideya sa piniling paksa. ng ideya sa napiling paksa.

“Nagtitiwala kami na kami ay may matapat na budhi,


yamang nais naming gumawi nang matapat sa lahat ng bagay.”—Hebreo 13:18.
Goodluck! Kaya mo yan!
Diocese of Imus Catholic Educational System, Inc. (DICES)

HOLY FAMILY ACADEMY OF GMA, INC.


Congressional Road Barangay Poblacion 5 General Mariano Alvarez, 4117 Cavite
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8
K = ____/20
Pangalan: _______________________________ Petsa: _______________
P = ____/25
Baitang: ________________ Guro: Bb. Nerissa D. Elleta Lagda ng Magulang: __________
U = ____/30
Knowledge
I. PAGTUKOY
Panuto: Basahin at unawaan ang tanong. Bilugan ang titik ng wastong sagot.
1. Tawag sa salita o lipon ng mga salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.
a. pangngalan b. pang-uri c. pang-abay d. panaguri
2. Uri ng panitikang nagtataglay ng mga mahiwaga at kagila-gilalas o kapani-paniwalang pangyayari.
a. epiko b. salawikain c. sawikain d. kwentong-bayan
3. Ang nasa bahaging gitna ng komposisyon na may tungkuling paunlarin o palawakin ang pangunahing paksa.
a. pabuod na talata b. panimulang talata c. gitnang talata d. magkatulad na talata
4. Ang tawag sa mga salita o lipon ng mga salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.
a. pang-abay b. pang-ugnay c. pang-ukol d. pang-uri
5. Ginagamit upang sumalungat sa unang pahayag.
a. paninsay b. panubali c. panlinaw d. pananhi
6. Siya ay gumamit ng pangalang panulat na Pingkian at Dimas-Ilaw.
a. Apolinario Mabini b. Emilio Jacinto c. Antonio Luna d. Emilio Aguinaldo
7. Pang-abay na sumasagot sa tanong na paano ginanap, ginaganap o gaganapin ang sinasabi ng pandiwa sa pangungusap.
a. panggano b. pamaraan c. panlunan d. pamanahon
8. Tumutukoy sa pagbabagong anyo ng morpema dahil sa impluwensya ng mga katabing tunog nito.
a. pagpapalit b. paglilipat c. asimilasyon d. pagkakaltas
9. Ang mga salita o pahayag na nagtataglay ng talinghaga.
a. salawikain b. sawikain c. bulong d. kaisipan
10. Ang sumulat ng akdang Sa Pula, Sa Puti.
a. Rogelio Sicat b. Rogelio Sikat c. Roger Sicat d. Roger Sikat
11. Ito ay ang pagkawala ng isang ponema o morpema sa isang salita.
a. pagdaragdag b. pagkakaltas c. paglilipat d. pagpapalit
12. Ito ay isang tulang romansa na may sukat na labindalawang pantig bawat taludtod.
a. korido b. soneto c. elehiya d. awit
13. Ito ay isang tulang pasalaysay na may walong pantig sa taludtod at nagtataglay ng mga paksang kababalaghan at malaalamat.
a. awit b. elehiya c. korido d. soneto
14. Ang akdang ito ay isang epikong romansa na nasasalig sa matandang paniniwala sa pag-iingat ng buhay ng isang tao sa isang
isda, hayop, bato o punongkahoy.
a. Biag ni Lam-ang b. Kumintang c. Haraya d. Bidasari
15. Ito ay tumutukoy sa ponemang nababago napapalitan sa pagbuo ng mga salita.
a. asimilasyon b. pagpapalit c. paglilipat d. metatesis
16. Tinatawag ding metatesis.
a. asimilasyon b. pagpapalit c. paglilipat d. pagkakaltas
17. Tinaguriang ”Utak ng Himagsikan”.
a. Andres Bonifacio b. Andres Bonifasio c. Andris Bonifacio d. Apolinario Mabini
18. Uri ng pangatnig na ginagamit upang magbigay ng dahilan, kung nangangatwiran, kung tumutugon sa tanong na bakit.
a. panubali b. pananhi c. paninsay d. panalungat
19. Uri ng pang-abay na nagsasaad ng sukat o timbang.
a. panggaano b. panlunan c. pamamaraan d. pamanahon
20. Isang paraan ng paglalahad na inilalahad ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay.
a. paglalarawan b. pangangatwiran c. paghahambing d. pagsasalaysay

Process
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Maglahad ng 5 hanggang 7 kasagutan. (Maaaring gamitin ang likod na
bahagi ng papel sa pagsagot.)
1.) Gumawa ng isang slogan na nagpapakita ng kahalagahan ng kalinisan sa ating sarili at ipaliwanag ito.
2. Matalik na magkaibigan sina Dara at Mira. Si Mira ay mula sa isang mayamang pamilya habang kabaliktaran niya naman si Dara.
Minsan ay dumalaw si Dara sa bahay nina Mira at doon nakita ang mga naggagandahang laruan at damit ni Mira. May isang laruan
ang nakaagaw ng kanyang pansin kaya naman gustong-gusto nya itong hiramin kay Mira ngunit hindi pumayag si Mira. Isang araw ay
lumiban si Mira dahil siya ay nagkasakit. Pagbalik nya sa klase nila ay napansin nyang nilalayuan na siya ng mga kaklase nya maging
ni Dara. Lahat din ng mga kaklase nya ay pinag-uusapan siya. Nagtanong siya sa isang kaklase nila at nalaman nyang may ikinakalat
na maling balita si Dara tungkol sa kanya. Kaya naman agad niyang hinarap si Dara. Nagkaroon ng kaguluhan sa klase nila hanggang
sa nalaman ng lahat na gawa-gawa lamang pala ni Dara ang kanyang pinagkukuwento tungkol kay Mira. Kung ikaw si Mira
patatawarin mo ba si Dara, bakit oo? bakit hindi? Ipaliwanag.
3. Sumulat ng isang maikling tulang haiku patungkol sa pag-ibig sa bayan at ipaliwanag.

4. Laganap ngayon ang iba’t ibang uri ng tukso at bisyo sa ating lipunan. Magbigay ng isa na malaki ang epekto sa mga tulad ninyong
kabataan at maglahad ng solusyon.
5. Kung ikaw ay magiging lider ng isang bansa o maliit na samahan man o grupo, paano ka mamumuno upang maging maayos ang
iyong pinamumunuan. Ipaliwanag.

1 3 5
Di-gaanong mahusay ang paglalahad ng Nailahad nang maayos ang mga ideya Napakamahusay ang pagkakaapaglahad
mga ideya sa piniling paksa. ng ideya sa napiling paksa.

Understanding
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa bawat bilang. Maglahad ng 3 hanggang 5 kasagutan. (Sa likod ng papel isulat ang
sagot.)

1. Ang mga larawan sa itaas ay nagpapakita sa mga bisyong karamihan sa tao sa ating lipunan ay nalululong. Pumili ng isa at
ipaliwanag kung paano ito nakakaapekto sa buhay ng tao.
2. Ano-ano kaya ang mga nagiging sanhi kung bakit sila nalululong sa mga bisyong ito. Maglahad ka ng isang sitwasyon ng isang
taong kilala o napanood mo ang nalulong sa mga nasa itaas na larawan.
3. Kung bibigyan ka ng pagkakataong bigyan ng payo ang taong ito, magbigay ng tatlong paraan at ipaliwanag.

3 5 10
Di-gaanong mahusay ang paglalahad ng Nailahad nang maayos ang mga ideya Napakamahusay ang pagkakaapaglahad
mga ideya sa piniling paksa. ng ideya sa napiling paksa.

“Nagtitiwala kami na kami ay may matapat na budhi,


yamang nais naming gumawi nang matapat sa lahat ng bagay.”—Hebreo 13:18.
Goodluck! Kaya mo yan!

You might also like