You are on page 1of 1

Banghay-Aralin sa Filipino gamit ang 4A’s

Para sa Baitang 10

Layunin:
Magkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Makakikilala ng bansang pinagmulan ng panitikang tatalakayin.
b. Makakikila ng talumpati at iba pang kaalaman tungkol ditto.
c. Makatutukoy ng tuwiran at di-tuwirang pahayag sa isang talumpati.

Paksang-Aralin: Talumpati
Sanggunian: Filipino 10 (Aklat), Google.com
Kagamitan: Laptop, speaker, iba pang kagamitang pampagtuturo.

Pamamaraan
Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtsek ng atendans
 Pagbabalik-Aral

Pagganyak
Activity
Ipapangkat at mga mag-aaral.Magpaparinig ng isang talumpati na kinuha mula sa youtube.com. Mula dito
kailangan nilang matukoy kung anung uri ng talumpati ang pinakinggan at lista ng mga pahayag na sa
tingin nila ay opinyon lamang at pahayag na may ebidensya o may pinagbasehan. Ang kanilang mga
naitala ay ididikit nila sa pisara.

Pagtatanong
Analysis
 Ano ang kaibahan ng pahayag na opinyon sa pahayag na may ebidensya?
 Anong panitikan ba ang naglalaman ng mga opinyon o kuru-kuro ng isang tao tungkol sa isang paksa?

Pagtalakay
Abstraction
 Pagtalakay sa talumpati.
 Pagtalakay sa bahagi nito at paano isinasagawa ang talumpati.
 Pagtalakay sa mga pahayag na taglay ng isang talumpati.

Paglinang sa kabihasaan
 Muling pakikinggan ang talumpati at iwawasto ang mga naisulat kung wasto ba ang mga nailista batay sa
panutong ibinigay ng guro.

Pagtataya
Application
Basahin ang sanaysay na pinamagatang “Ikaw ay Ako”. Sa isang kalahating papel na pahalang, hatiin sa dalawa.
Ilista sa unang hanay ang mga Tuwirang Pahayag at sa kabilang hanay naman ang Di-tuwirang Pahayag.

Takdang-Aralin: Basahin ang Talumpati ni Nelson Mandela para sa sususnod na tatalakayin.

Inihanda ni: HIEN TALIPASAN-AMBAS

Inobserbaha ni: JANE S. MISAJON, MT-I

You might also like